You are on page 1of 3

Telemedicine Script

DOC: Good Morning, I’m Dr. Thao. How may I be of assistance to you
today?
PT: Good Morning, Doc! Simula po nung isang linggo wala na akong gana
kumain at namamayat na daw po ako sabi ng asawa ko, I weighed myself
to check and saw that I already lost 5 kilos. Nararamdaman ko din
naduduwal ako na parang buntis. I get tired easily and my muscles hurt
most of the time so I haven’t been able to get around and do household
chores.
DOC: Okay. To fill up your patient profile, may I please have your full
name, age, birthdate, civil status and address?
PT: I’m Honey Molina, 35, born on the 7 th of January 1986. I am married
and my address is B10 L20 Villa Palao Banlic Calamba City.
PT: DOC: May I ask about your past medical history Meron po ba kayong
history ng mga sakit sa inyong pamilya? Or kayo po ba na hospital na dati?
PT: Sa side po ng father ko meron nagka adrenal cancer and noong 2015
na diagnose naman ako na may Tuberculosis.
DOC: I can see you have some black freckles on your face, dati pa po ba
yan? Or meron po ba sa mga ibang parte ng katawan niyo po?
PT: (Pakita) Oo nga po, doc. Recently lang po ito. Meron rin po sa balikat
ko at sa binti ko.
DOC: Thank you! Hindi naman po ba kayo nahirapan huminga?
PT: Pag nakahiga lang pero pag umupo o kaya tumayo gumagaan naman
ang pakiramdam ko.
DOC: Kamusta po yung lifestyle ninyo? yung usual na ginagawa niyo?
PT: Ay! Doc. I think I’m pretty healthy naman kasi hindi ako nainom at nag
yoyosi. I rarely get sick kaya madalang ako magpunta sa hospital pero
kapag nagpapa check-up ako sinisigurado ko na nakikinig ako sa inyong
mga doctor para gumaling ako agad.
DOC: Ano po ang madalas niyo kinakain at ilang beses sa isang araw kayo
kumakain? Meron po ba kayong allergy sa pagkain at gamot?
PT: I eat pretty much every vegetable and fruit given to me. I make sure to
eat atleast 3 meals a day minsan hindi ako nag uumagahan kasi wala nga
akong gana. Sinisigurado ko din na umiinom ako ng 7-8 glasses of water
kasi nakikinig ako kay Doc Atoy sa fb. Wala naman po akong allergy sa
pagkain at gamot.
DOC: Nakaka ilang beses naman po kayo dumumi sa isang araw? At
pwede niyo po ba ito i-describe?
PT: Nakaka isang dumi lang naman ako sa isang araw. Kulay brown siya
na buo ang itsura at hindi ito matigas.
DOC: May gamot po ba kayo iniinom pampadumi?
PT: Wala naman po Doc. Hindi ko alam na may ganon
DOC: How’s your sleeping schedule? How many hours of sleep do you
usually get?
PT: Madalas maaga ako matulog mga 8pm tapos gigising ng 4am bali mga
7-8 hours ang tulog ko. Pero ngayon mga 5hours nalang kasi nahirapan
ako makatulog agad hanggang sa napupuyat na ako tapos 11pm na ako
makakatulog pero 4am parin ako nagigising.
DOC: What do you feel towards your condition?
PT: I feel anxious and insecure Doc gawa nga ng mga freckles kaya gusto
ko na ito gumaling. Minsan nahihiya ako lumabas ng bahay kasi
pinagtatawanan at pinagchichismisan ako ng mga kapitbahay. Pag lalabas
naman ako nagamit ako ng scarf to cover.
DOC: Punta naman po tayo sa family niyo? kamusta naman relationship
mo sakanila?
PT: I’m a housewife at inaalagaan ko po ang mag-ama ko, I’m happy with
them kasi swerte ako sa asawa ko kasi naiintindihan niya condition ko at
sinusuportahan nila ako kaya mahal na mahal ko sila.
DOC: Sexually active parin ba kayo ni mister?
PT: Naku! dati po doc madalas kasi gusto pa naming magkaanak pero
ngayon hindi na dahil mabilis na ako mapagod agad.
DOC: Pag na-isistress ba kayo ano po ang ginagawa niyo para mag cope-
up?
PT: Mahilig ako mag tanim ng mga halaman pampawala ng stress, nagawa
din ng gawaing bahay pampalipas oras at nakikinig ng music. Ngayon hindi
na kasi madalas ako mapagod at sumakit katawan.
DOC: Tungkol naman sayong relihiyon? Ano ang paniniwala mo?
PT: Para sakin doc naniniwala ako na matutulungan ako ng panginoon sa
aking kondisyon at araw-araw ako nanalangin sakanya na sana matapos
na ito.
DOC: Thank you po Mrs. Molina for sharing! Base po sa ating interview
today at sa assessment ko, since may family history po kayo ng Adrenal
Cancer, and based sa signs and symptoms niyo po at mga freckles and
hyperpigmentation, there is a possibility that you are dealing with Addison’s
disease.
PT: Ano po yun Doc?
DOC: Isa po itong disorder na kung saan ang adrenal gland niyo, na nasa
ibabaw ng ating kidney, ay hindi nagfufunction mabuti. May mga hormones
kasi na nilalabas itong adrenal glands na kailangan ng ating katawan. Pero
possibility pa lang naman to,
PT: Ano po gagawin ko, doc?
DOC: Ganito! Pahinga ka muna sa ngayon. schedule ko po kayo for
laboratory this week, okay lang po ba? so we can run some tests and
confirm the diagnosis
PT: Osige Doc Thank you po! Maraming salamat po sa tulong niyo
DOC: Email ko sayo appointment mo, check mo na lang mamaya, okay?
PT: Thank you po, Doc!
DOC: You are very welcome. Get some rest muna for today. Good bye!

You might also like