You are on page 1of 2

DOCTOR: Good morning po , Im Dr. Dave Lagatuz.*shake hands*, Ano pong pangalan nila?

* Rapport*

PATIENT: Good morning Doc, Mrs. Louise Ladringan.

DOCTOR: Ano pong maitutulong ko sa inyo? *indirect lead*

PATIENT: Doc, call center agent po ako tapos pagkatapos ng shift ko, kumikirot etong batok ko at
nahihilo pa tapos dok natatakot ako baka lumala to tapos ikamatay ko pa.

Doctor: Ah okay po, so sa dalawang nararamdam niyo, ano po yung gusto natin pag usapan?

PATIENT: Yung sakit ko sa batok dok, tingin ko ng dok altapresyon to (hypertension) eh kasi yung
magulang ko rin ganto. Tsaka dok, akala ko pahinga lang to kaso bumabalik pa rin yung sakit. Hindi ko ala
gagawin ko dok.

DOCTOR:* uh huh*. So sumakit po yung batok at nahilo kayo pagkatapos ng nightshift niyo? Tama po ba,
mrs. Louise? *Perception check*

Patient: Opo doc,

DOCTOR: Mrs.louise,pansin ko lang po ang lungkot niyo? May problema po ba? * Reflecting feeling*
Tsaka habang nag-uusap po tayo nakahalukipkip kayo (crossed arms) *Reflecting experience*

PATIENT: Sensya na dok, nag aalangan lang po a ko eh, baka lumalala eh, baka may hypertension na ako.

Doctor: Naiintindihan ko po kayo, Mrs. Louise, pero matanong ko lang po ano po yung pumasok sa isipan
niyo habang nararamdaman niyo yung sakit? *CATHARSIS PROBED PERCEPTION*

Patient: Syempre dok, yung pamilya ko, tumutulong po kasi ako sa bayarin sa bahay, eh kung
magkakasakit po ako, mahihirapan kami.

Doctor: Ano po naramdaman niyo nung iniisip niyo yung sakit niyo? *PROBED FEELING*

Patient: Natatakot ako dok, kasi baka eto ikamatay ko, tsaka yun nga dok, walang tumutulong sa pamilya

Doctor: Anong kahihinatnan ng iyong sakit ang talagang nagpa apekto sayo?

Patient: Doc, syempre hinay hinay ako sa mga pagkain ko, tsaka baka limitado lang mga galaw ko o klase
ng trabaho .

Doctor: So natatakot po kayo kasi baka ikamatay niyo at maging limitado ang mga gawain niyo.

Doctor: Mrs, Louise, normal naman po yung physical examination niyo po, except po sa sakit ng batok
niyo. Meron po kayong “cervical strain”. Ang cervical strain po ay naiistretch po yung mga kalamnan niyo
sa leeg. Mga karaniwang sanhi po ay hindi maayos ng tindig. Tsaka hindi po komportable ang inyo space
sa office ata.Hindi pag gagalaw ng inyong leeg sa matagal na oras. Yung sakit niyo po sa batok ay
sintomas rin ng altapresyon kasi tumataas po yung pressure ng dugo niyo na dumadaloy sa leeg niyo po.
Pero wag ka mag alala, Mrs. Louise, normal naman po bp niyo po. *EDUCATE*

Patient: Ah ganun po ba doc, grabe pa naman ang lungkot ko eh, parang gumuguho na mundo ko.

DOCTOR: Naiintindihan ko sitwasyon niyo po, may mga solusyon po tayo para maiwasan ang pananakit
ng batok niyo po. Lagi pong ayusin tindig habang nakaupo po kayo at lagi po kayong magbanat ng
katawan lalo na leeg niyo kasi matagal po kayo sa kompyuter. Ayusin rin po yung upuan, desk, o
kompyuter niyo dapat po sa kapantay ng mata niyo. Wag rin po magbuhat ng mabibigat na bag at ma
iistrain po yung batok niyo. Tsaka po, matulog po ng maayos po ha. Dapat yung ulo at leeg o batok po ay
pantay sa katawan. * ACTION*

Patient: Okay po Dok, gagawin kopo yan. Di lang ako sanay gawin yan lagi kasi ako nakayuko pag
nagtratrabaho

Doctor: Mabuti naman po kailangan ko po ng full cooperation nyo para hindi niyo na maranasan uli ang
neck pain.

Patient: Ito siguro ang pinakamagandang paraan para hindi ako masyado mag alala. Thank you din po
kasi malinaw na wala akong hypertension. Gumaan dok pakiramdam ko .

Doctor: Basta po ayusin tindig, mag banat po ng katawan, at ayusin po tulog. Hindi po altapresyon ang
dinadamdam niyo po.

Doctor: Kinagagalak ko po na matulungan ko kayo Mrs. Louise. May nais pa po ba kayong tanungin?

Patient: Wala na po Dok. Babalik po ako pag may kelangan

Doctor: Thank you Mrs. Louise. Im glad to help you po.

You might also like