You are on page 1of 18

NON-VERBATIM RESPONDENTS 1

Audio begins
[00:00:00]

INTERVIEWERS: Good afternoon Ma'am, we are Nursing students from Union Christian College po.
INTERVIEWEE: Hello. Good afternoon.
INTERVIEWERS: So Ma'am, we have some questions po for you. Please answer them po best to your
knowledge and as brief as you can. And we would like to let you know din po that all your information
and answers as well as identity will be kept anonymous and confidential and will only be used for
research purposes.
Interviewee: Okay, sige sige.
INSTERVIEWERS: If you have no questions po, let’s start na po. Start po kayo bg introducing yourself po
then magtatanong nalang po kami isa isa.
INTERVIEWEE: Okay sige. So good afternoon, ako si Lorna Endaya and I'm 42 years old. 41 ako nung
nabuntis.
Interviewer 1: Good morning po ulit, Ma'am. Kwentuhan niyo naman po kami tungkol sa naging
experience niyo sa pagbubuntis niyo.
Interviewer 2: Oo nga po, kung paano po yung pagbubuntis niyo noon, yung panganganak pati narin po
pagrecover.
INTERVIEWEE: Okay. Start na. I am Lorna, 41 ako nung nabuntis ako. Sobrang late na no? Pero tinuloy ko
parin kasi diba blessing yun.
Interviewer 3: Ma'am hindi po ba kayo natakot? Kasi po yung age niyo, late na kayo nagbuntis.
INTERVIEWEE: Honestly, natakot ako. Kami ng asawa ko. Kasi nga baka maapektuhan na yung baby dahil
da edad ko. Ayaw ko narin sana talagang magkaanak kasi nga may katandaan na ako pero nung nalaman
kong buntis ako, tinuloy tuloy ko na kasi nga blessing ang ganon.
Interviewer 1: Kamusta naman po kayo nung nagbubuntis kayo? Kamusta po yung health niyo?
INTERVIEWEE: Okay naman ako during my pregnancy, sinunod ko lahat ng advice nung OB ko. Sinunod
ko yung proper diet, uminom din ako ng mga vitamins para sakin at sa baby.
Interviewer 2: Si baby po? Kamusta naman po siya nung pinagbubuntis niyo siya?
INTERVIEWEE: Si baby, okay naman siya non so far. Madalas akong magpunta non sa hospital para sa
check up, pati narin sa ultrasound. Thrice a month ang ultrasound ko dati, kada punta ko sa OB para sa
check up may ultrasound narin. Para narin mamonitor ako at si baby. Yung health niya, mga ganon.
Interviewer 3: Madaming beses po pala compared sa mga nagbubuntis at early age, Ma'am no?
INTERVIEWEE: Kaya nga eh. Pero ganon daw talaga sabi nung OB ko kasi nga mah edad na ako, para daw
sigurado. Para malaman kung safe parin ba si baby.
Interviewee: Wala naman po ba kayong naging sakit nung nagbubuntis kayo? Tulad po ng hypertension,
diabetes?
INTERVIEWEE: Ah wala, healthy nga ako non eh. Wala akong naging sakit habang nagbubuntis ako kasi
nga dahil narin siguro sa pagsunod ko sa lahat ng utos at bilin ni Doc non. Kahit nung di pa ako buntis,
wala talaga akong sakit na mga ganyan.
Interviewer 2: So normal lang naman po yung pagbubuntis niyo Ma'am no? Naparami lang sa checkups
at ultrasound.
INTERVIEWEE: Oo, high risk na kasi ako diba.
Interviewer 3: Ma'am mapunta naman po tayo sa panganganak niyo non. Kamusta naman po kayo non?
Wala naman po bang mga naging problema?
Interviewer 1: Normal po ba kayo non o CS?
INTERVIEWEE: Ayun na, CS ako non. Sabi nung doctor ko kayang kaya ko daw mag normal delivery. Kaso
sabi ko "Doc, hindi ko talaga kaya". Sobrang pinilit ko yung Doctor non na i-CS ako kasi diba kapag alam
nilang kaya ng normal, hindi sila napayag. Pero pinilit ko talaga, tumagal kami dun hanggang sa ayun,
napilit ko rin at ang ending CS ako.
Interviewer 2: Bakit niyo po pinilit na CS?
INTERVIEWEE: Pinilit ko talaga kasi sobrang kinakabahan ako non. As in naunahan ako ng kaba. Kaya
kahit anong pang encourage sakin dati, pinilit ko talagang CS kasi inunahan talaga ako ng kaba. Kaya
ayun. Actually bikinicut nga yung ginawa sakin eh, nirequest ko din talaga yun.
Interviewer 3: Ganon po ba. Nakakatuwa naman yung bikinicut.
INTERVIEWEE: Oo pinilit ko talaga yun. Kaya mas mahal ang binayaran ko sa huli.
Interviewer 1: Eh kamusta naman po si baby after the delivery? Wala din po bang naging problema sa
kanya?
INTERVIEWEE: Si baby non walang problema, ang galing nga eh. Pagkalabas niya kinabahan nanaman
ako pero ayun nung nadinig ko ba yung iyak niya, nakahinga na ako ng maluwang. Walang problema sa
kanya, healthy pa nga daw siya eh. Sa awa ng Diyos.
Interviewer 2: Ma'am sa recovery niyo naman po, kamusta naman po pagrerecover niyo nun?
INTERVIEWEE: Sa recovery ko, okay naman. 3 days after ko manganak pinauwi na ako. Paguwi namin ng
bahay, ilang araw lang din nagstart na ako gumalaw galaw. Gumagawa na ako ng mga gawaing bahay.
Interviewer 3: Ang bilis pala Ma'am no?
INTERVIEWEE: Oo nga eh, buti nalang din kasi ayoko namang matagalan sa pagrerecover.
Interviewer 1: After niyo po manganak, kamusta naman po kayo? Hindi po ba kayo nakaramdam or
nagkaroon ng postpartum depression?
Interviewer 2: Oo nga Ma'am, kasi madalas halos lahat po ng mga bagong panganak dumadaan sa
ganon.
INTERVIEWEE: Ako? Wala, wala akong postpartum depression tulad ng iba. Normal lang, masaya ako,
okay kami. Lagi ko siyang inaalagaan, karga karga. Ganon lang. Buti nga hindi ako dumaan sa ganon eh.
Interviewer 3: Okay po Ma’am. Eh kamusta naman po si baby non? Breastfeed po ba kayo agad o
ginamitan niyo po ng formula?
INTERVIEWEE: Ah ako breastfeed agad. Pero nung una iyak siya ng iyak kasi wala ata siyang nakukuhang
gatas sakin. Nahirapan kami sa una. Pero habang tumatagal, naguulam ako ng mga masasabay para daw
magkagatas ako, kaya ayun naging okay rin makalipas ng ilang araw. May mga nakukuha naman siya non
saakin kaso di ganon karami.
Interviewer 1: Nung konti po ang nalabas na gatas sa inyo, bakit po hindi niyo sinubukan bigyan ng
formula milk si baby?
INTERVIEWEE: Oo hindi. Kasi personally ayoko din talaga. Gusto ko breastfeed siya para alam niyo yun,
mas healthy at di maging sakitin. Ganon kasi laging sinasabi sakin dati eh.
Interviewer 2: Opo, mas healthy po talaga pag breastfed talaga.
INTERVIEWEE: Yes, yes.
Interviewer 3: So Ma'am, over all, pregnancy, delivery and recovery niyo is normal po no? Wala po
naging problema?
INTERVIEWEE: Yes, all normal. Ayun nga lang, mahal. Madami akong nagastos gawa narin nung mga
checkups at ultrasound pati narin yung mga tests na ginawa kasi diba mahal yun, eh madalas kami non
dati kasi nga high risk ako. Tapos ayun dumagdag pa yung bikinicut ko.
Interviewer 1: So bale yun lang po yung parang naging problem niyo so far? Yung expenses po no?
INTERVIEWEE: Yes, ayun lang talaga expenses. Pero wala yun sa amin kasi sobrang healthy ko naman at
ni baby kaya bawing bawi. Nakakatuwa.
INTERVIEWER 2: Ayun, Ma'am okay na po lahat. Thank you po.
INTERVIEWER 3: Ma'am thank you po sa time at sa pag share ng kwento niyo.
INTERVIEWEE: Nako, wala yun. Nagenjoy naman akong kakwentuhan kayo at natulungan ko pa kayo.
INTERVIEWER 1: Thank you, Ma'am Lorna.
INTERVIEWEE: You're welcome. Basta kung may mga follow up questions pa kayo, ichat niyo lang ako.
Dito sa groupchat natin o pwede din namang pm niyo ako ganon. Anytime.
INTERVIEWERS: Sige po Ma'am, maraming salamat po ulit sa time and participation. Ingat po kayo dyan,
God bless po. Thank you po ulit.
INTERVIEWEE: Welcome. Ingat din kayong lahat dyan. Bye.
INTERVIEWERS: Bye po.

::::::::
Audio ends
[01:30:00]
NON-VERBATIM RESPONDENTS 2
Audio begins
[00:00:00]

INTERVIEWERS: Good morning Ma'am, we are Nursing students from Union Christian College po.
INTERVIEWEE: Good morning mga iha.
INTERVIEWERS: So Ma'am, we have some questions po for you. Please answer them po best to your
knowledge and as brief as you can. And we would like to let you know din po that all your information
and answers as well as identity will be kept anonymous and confidential and will only be used for
research purposes.
Interviewee: Sure sige sasagutin ko lahat yan.
INSTERVIEWERS: If you have no questions na po, let’s start na po. Start po kayo bg introducing yourself
po then magtatanong nalang po kami isa isa.
INTERVIEWEE: Good morning, my name is Cindy Merindo and I'm 46 years old. I'm from Sevilla San
Fernando City La Union and 42 ako nung nabuntis ako.
Interviewer 1: Good morning po ulit. Ma'am, kamusta naman po kayo nung nagbubuntis kayo 4 years
ago? Knowing na late na po kayo nabuntis, and high risk na po kayo.
INTERVIEWEE: Ayun, sobrang hirap. Kasi nga high risk na ako tapos sobrang taba ko non. I was obese
tapos I had preeclampsia pa. Pero kahit ganon pinilit kong gawin lahat maging okay lang si baby. Takot
din ako dati pero dahil nga ginusto talaga namin ng asawa kong magkababy, talagang nilakasan ko yung
loob ko.
Interviewer 2: Ma'am nabanggit niyo po na nagkaroon kayo preeclampsia pati yung pagiging obese niyo
before. Hindi po ba yun nakaapekto sa pagbubuntis niyo at sa baby?
INTERVIEWEE: Luckily hindi naman. Kasi tutok din sakin yung OB ko non. Binigyan talaga ako ng mga
gamot at vitamins at sobrang higpit din nung diet na sinusunod ko dati. After ilang months bago ako
manganak, all went to normal.
Interviewer 3: Pano po when it comes to check up, pati po ultrasound? Madalas po ba kayo sa OB niyo
dati?
INTERVIEWEE: Oo, palagi ako sa OB non. Thrice or 4 times a month pa nga eh. Dahil nga sa high risk ako
kinailangan macheck palagi yung condition ni baby kaya lagi din ako may ultrasound before. Kasabay ng
mga tests na ginagawa sakin ng OB ko para malaman kung okay lang ba kami ni baby hanggang sa
manganak na ako. Sobrang mahal nga lalo nung mga tests.
Interviewer 1: Madaming beses po pala compared sa mga nagbubuntis at early age, Ma'am no?
INTERVIEWEE: Yes at inexplain din naman ng OB ko sa akin na ganon talaga kapag high risk pregnancy
na, madaming kailangan gawing checkups at ultrasound pati mga tests.
Interviewee 2: Madami po ba kayong iniinom ba gamot at vitamins during your pregnancy?
INTERVIEWEE: Oo madami dami din. Mga gamot at vitamins para sakin at sa baby. Ganon daw talaga
kapag high risk ka na. Lahat naman yun nakatulong saming dalawa. Nakadagdag nga lang lalo sa gastusin
pero okay lang basta okay kami ni baby.
Interviewer 3: So yung pagiging obese niyo lang po before and yung preeclampsia ang naging problema
nung buntis kayo Ma'am ano po?
INTERVIEWEE: Oo yun lang. Buti nga hindi nakaapekto kay baby yun.
Interviewer 1: Ma'am during the delivery po ng baby, kamusta naman po?
Interviewer 2: Normal po ba kayo non o CS?
INTERVIEWEE: During the delivery, okay naman. Walang naging problema pero CS ako kasi si baby
medyo malaki at suwi yung position niya.
Interviewer 3: Suwi? Breech po?
INTERVIEWEE: Yes, breech. Kaya kinailangan talaga ng CS at mas gusto ko narin yun kasi feeling ko rin
dati hindi ko kayang mag normal at alam naman yun ng OB kaya CS talaga ang bagsak ko.
Interviewer 1: Kamusta naman po si baby after the delivery?
INTERVIEWEE: Yung baby ko okay naman siya non, malaki nga siya nung lumabas at medyo chubby.
Healthy siya, walang naging problem sa kanya.
Interviewer 2: Ang galing naman. Nagtagal po ba kayo sa hospital for recovery?
INTERVIEWEE: Kaya nga eh. For my recovery, ilang araw lang kami sa hospital after my delivery siguro
tatlong araw lang tapos pinauwi na ako kasi kaya ko na din naman.
Interviewer 3: Kamusta naman po yung recovery niyo before Ma'am?
INTERVIEWEE: Everything went well during my recovery. Bumalik din agad yung lakas ko ilang days after
namin makauwi sa bahay. Si baby okay naman, palakas ng palakas sa pag dede.
Interviewer 1: Breastfeed po agad kayo kay baby?
INTERVIEWEE: Oo breastfeed agad. Pero nahirapan ako kas nung una wala siyang nakukuha sakin, wala
akong masyadong gatas.
Interviewer 2: Ano pong ginawa niyo non Ma'am?
Interviewer 3: Hindi niyo po ba sinubukang mag bigay ng formula milk?
INTERVIEWEE: Hindi namin sinubukan mag formula milk. Dinaan ko lang sa pagkain ng mga masasabaw
tapos ayun, nagkagatas ako after ilang araw.
Interviewer 1: Okay po.
Interviewer 2: Ma'am during your recovery po pala hindi po ba kayo nagkaroon ng postpartum
depression?
INTERVIEWEE: About that, thankful ako na hindi ko napagdaanan yan. Common daw siya sa mga nanay
after manganak pero ako hindi ko siya naramdaman. Sobrang tuwa ang meron ako nun kasi nga gustong
gusto talaga naming magkababy kaya walang araw na nalungkot ako o nakaramdam ng sign ng
postpartum depression.
Interviewer 3: Ganon po ba. Nakakatuwa naman po kung ganon.
INTERVIEWEE: Oo nga eh. Eto, malaki na si baby sobrang kulit na at healthy. Kaya all in all, okay naman.
Walang naging problema. Sakin, parang ang naging major problem is yung expenses. Masyadong
magastos ang pagbubuntis ko before gawa nung madalas na checkups at ultrasound, kasama na yung
mga tests at gamot pati vitamins. Pero nairaos din naman namin.
Interviewer 1: So parang okay po lahat maliban dun sa pagiging obese at sa pagkakaroon niyo ng
preeclampsia before Ma'am no? At yung sobrang mahal na expenses po through out the journey.
INTERVIEWEE: Oo ganon nga.
Interviewer 2: Okay po Ma'am.
INTERVIEWEE: May mga tanong pa ba kayo? Natutuwa ako magkwento.
Interviewer 3: So far Ma'am wala na po. Pero just in case may mga follow up questions po kami okay
lang po bang lumapit ulit sa inyo?
INTERVIEWEE: Oo naman, anytime.
INTERVIEWER 1: Thank you so much po.
INTERVIEWEE: You're welcome. Thank you din sa time.
INTERVIEWER 2: Thank you din po sa time at sa pagshare ng kwento Ma'am.
INTERVIEWEE: Walang ano man. Lumapit lang kayo pag may mga kailangan pa kayo.
INTERVIEWERS: Opo. Maraming salamat po ulit. Ingat po kayo palagi Ma'am, God bless po.
INTERVIEWEE: You're welcome. Kayo rin mga anak. Bye na.
INTERVIEWERS: Yes Ma'am. Bye po.
::::::::
Audio ends
[01:00:00]
NON-VERBATIM RESPONDENTS 3
Audio begins
[00:00:00]

INTERVIEWERS: Good morning po. We are Nursing students from Union Christian College po.
INTERVIEWEE: Good morning.
INTERVIEWERS: So Ma'am, we have some questions po for you. Please answer them po best to your
knowledge and as brief as you can. And we would like to let you know din po that all your information
and answers as well as identity will be kept anonymous and confidential and will only be used for
research purposes.
INTERVIEWEE: Okay sige.
INSTERVIEWERS: If you have no questions na po, let’s start na po. Start po kayo bg introducing yourself
po then magtatanong nalang po kami isa isa.
INTERVIEWEE: Hello, ako si Ermille Joy Florentino nakatira ako sa Catbangen. 38 years old na ako
ngayon, 2 years ago nabuntis ako.
Interviewer 1: Hello po. Pwede niyo po ba kaming kwentuhan tungkol sa pagbubuntis niyo 2 years ago?
INTERVIEWEE: Sure. 2 years ago nabuntis ako ng hindi inaasahan. Shempre medyo may edad na ako so
akala namin ng husband ko wala ng pagasa then bigla nakabuo pa kami. Natakot ako at the same time
natuwa.
Interviewer 2: Bakit po kayo nakaramdam ng takot?
INTERVIEWEE: Kasi medyo late na ako nabuntis. Ang dami ko pa man din naririnig dati na kopag late ka
nabuntis may chance daw na maging abnormal yung baby. Kaya natatakot talaga ako.
Interviewer 3: Paano niyo po na-overcome yung takot niyo?
INTERVIEWEE: Inisip ko nalang na kailangan kong gawin lahat para mabuhay yung baby ko. Kaya
sumunod ako sa lahat ng bilin ng doctor ko dati. Ininom mo mga gamot pampakapit, mga vitamins. Lagi
din ang check up ko non para sa ultrasound at may mga tests din na ginagawa sakin. Sobrang gastos
pero hindi naman ako nagsisisi kasi ngayon sobrang healthy ni baby.
Interviewer 1: Madami pong binigay na gamot sa inyo? Nagkaroon po ba kayo ng sakit habang
nagbubuntis kayo?
INTERVIEWEE: Madami para lahat kay baby. At yung sa highblood ko nga pala kasi nung nagbubuntis
ako. Yung preeclampsia tama no?
Interviewee 2: Opo, tama po. Kamusta naman po kayo non? Di naman po ba nakaapekto yun sa
pagbubuntis niyo?
INTERVIEWEE: Okay naman, ayun lang ang naging problema pero hindi niya naapektuhan yung baby ko.
Nawala din siya agad.
Interviewer 3: Okay po. Punta po tayo sa delivery Ma'am. Kamusta po yung panganganak niyo non?
INTERVIEWEE: Okay naman, normal delivery ako. Akala ko CS kasi breech ang position nung baby ko
nung huling ultrasound ko pero nung manganganak na ako, okay na. Nakaikot na siya. Akala ko hindi ko
makakaya pero nakaya ko naman. Nagulat ng yung doctor ko ang lakas ko daw eh. Hindi rin ako
nahirapan sa labor at sa pag-ire.
Interviewer 1: Talaga Ma'am? Saglitan lang po?
Interviewer 2: Kamusta po si baby pagkalabas?
INTERVIEWEE: Oo saglit lang ako nun umire lumabas na agad si baby. Okay naman siya nung pagkalabas,
medyo maliit nga lang pero hindi naman daw yun problema.
Interviewer 3: So hindi po kayo nagtagal sa hospital non for recovery?
INTERVIEWEE: Oo hindi, mga ilang araw lang pinauwi narin kami. Sa bahay din pagkauwi namin, siguro
dalawang araw lang balik trabaho na ako agad.
Interviewer 1: Pano po si baby? Hindi po ba kayo nag breastfeed non?
INTERVIEWEE: Breastfeed siya since birth. Work from home naman ako non so okay lang.
Interviewer 2: Okay po.
INTERVIEWEE: Yes. Ang bilis nga ng recovery ko eh. Parang walang nangyari.
Interviewer 3: Maganda po kung ganon.
INTERVIEWEE: Oo. Kaya eto, malaki na siya at sobrang kulit.
Interviewer 1: Okay lang yan Ma'am, ganyan po talaga pag ganyang age basta ang importante masigla at
healthy.
INTERVIEWEE: Kaya nga eh. Meron pa ba kayong mga tanong? Tanong lang kayo ha wag kayo mahiha
Interviewer 2: As of now Ma'am wala na po, nasagot niyo na po lahat.
Interviewer 3: Yes Ma'am. Pero pwede po ba kami mag follow up if ever may mga questions pa kami
habang inaayos po yung transcription namin?
INTERVIEWEE: Sure pwede, imessage niyo lang ako.
Interviewer 1: Okay po.
Interviewer 2: Sige po Ma'am, thank you.
INTERVIEWEE: Welcome. Sana nakatulong ako
Interviewer 3: Nako Ma'am malaking tulong po to. Kaya salamat po sa time at cooperation.
INTERVIEWEE: Walang anuman, thank you. Basta message lang kayo pag may kailangan pa.
Interviewer 1: Sige po. Thank you po ulit.
INTERVIEWEE: Okay so tapos na?
Interviewer 2: Yes po tapos na po
INTERVIEWEE: Sige mauna na ako ha. Bye
Interviewer 3: So far Ma'am wala na po. Pero just in case may mga follow up questions po kami okay
lang po bang lumapit ulit sa inyo?
INTERVIEWERS: Bye po. Thank you po ulit.

::::::::
Audio ends
[040:00]
NON-VERBATIM RESPONDENTS 4
Audio begins
[00:00:00]

INTERVIEWERS: Good afternoon po. We are Nursing students from Union Christian College po.
INTERVIEWEE: Good afternoon.
INTERVIEWERS: So Ma'am, we have some questions po for you. Please answer them po best to your
knowledge and as brief as you can. And we would like to let you know din po that all your information
and answers as well as identity will be kept anonymous and confidential and will only be used for
research purposes.
INTERVIEWEE: Okay.
INSTERVIEWERS: If you have no questions na po, let’s start na po. Start po kayo bg introducing yourself
po then magtatanong nalang po kami isa isa.
INTERVIEWEE: I'm Samantha Villena from San Fernando City, La Union. 36 years old. Nabuntis ako last
year, 35 ako.
Interviewer 1: Ma'am pwede niyo po ba kaming kwentuhan about sa pregnancy niyo last year?
INTERVIEWEE: Ayun, nabuntis ako last year ng wala sa plano. Kasi naman sobrang busy ko dati sa work
tapos sa age ko hindi ko na din inexpect na mabubuntis pa ako pero yun nabuntis parin ako.
Interviewer 2: Ano pong naramdaman niyo nung nalaman niyong buntis kayo?
INTERVIEWEE: Natuwa. Kasi kahit medyo late na nabuntis parin.
Interviewer 3: Hindi po ba kayo nakaramdam ng takot?
INTERVIEWEE: Natakot din. Pero hindi nagtagal nawala din yung takot kasi kada checkup ko, may
ultrasound ako at mga tests na ginagawa para kay baby. Tapos madami din binigay na gamot at vitamins
pampakapit ni baby, at para sakin narin.
Interviewer 1: May mga sakit po ba kayo bago kayo mabuntis at habang nung pinagbubuntis niyo po si
baby?
INTERVIEWEE: Sakit? Wala wala. Healthy ako before and during the pregnancy.
Interviewee 2: Okay po. Yung delivery niyo po Ma'am kamusta naman po?
INTERVIEWEE: Normal delivery ako. Saglitan lang din kasi hindi nga ako nakaramdam na naglelabor na
pala ako. Nagulat nalang ako nung sinabi nilang manganganak na ako, palabas na si baby.
Interviewer 3: Talaga po? Hindi kayo nakaramdam ng sakit during labor?
INTERVIEWEE: Oo wala talaga. Naalala ko naglalakad lakad pa ako nun eh.
Interviewer 1: Okay po.
Interviewer 2: Kamusta naman po si baby after the delivery?
INTERVIEWEE: Okay naman walang naging problema. Normal lahat sa kanya, healthy baby.
Interviewer 3: Okay po. Yung sa recovery niyo po Ma'am, ilang araw pa po kayo nagstay sa hospital after
niyo manganak?
INTERVIEWEE: Saglit lang. Parang 2 o 3 days lang ata nakalabas na kami agad ni baby. Kasi okay naman
na ako agad, wala din namang problema si baby.
Interviewer 1: Ganon po ba. Breastfeed po ba si baby dati?
INTERVIEWEE: Yes, breastfeed since birth. Actually hanggang ngayon.
Interviewer 2: Okay po.
Interviewer 3: Ang bilis din po pala ng recovery niyo Ma'am. Pero hindi po ba kayo nakaramdam ng
postpartum depression?
INTERVIEWEE: Hindi. Nagtataka nga sila kasi parang wala lang sakin. Siguro dahil narin sa busy ako sa
trabaho. Work from home kasi ako, call center. Kaya ayun walang time para sa postpartum depression.
Interviewer 1: Ganon po ba. Okay po.
INTERVIEWEE: Oo, buti nalang din nga.
Interviewer 2: Ayun, mukhang normal naman po lahat from pregnancy delivery hanggang sa recovery
Ma'am no? Wala po kayong naging problema?
INTERVIEWEE: Oo normal lahat. Naging problema, wala din aside sa malaking gastos. Mahal pala
manganak pag may edad no, palagi kasi may checkup at ultrasound. May mga tests din na ginagawa at
yung mga gamot pati vitamins. May kamahalan talaga. But aside from that, okay naman na lahat.
Interviewer 3: So bale yung gastos lang din po talaga no Ma'am?
INTERVIEWEE: Yes yung gastos lang talaga.
Interviewer 1: Okay po Ma'am. So far nasagot niyo na po lahat ng mga questions namin Ma'am. Okay na
po.
INTERVIEWEE: Okay sige.
Interviewer 2: Thank you po Ma'am.
INTERVIEWEE: Welcome. Lapit lang kayo pag may kailangan pa kayo.
Interviewer 3: Sige po. Salamat sa time Ma'am.
INTERVIEWEE: You're welcome. Sige at magpapadede pa ako.
INTERVIEWERS: Sige po Ma'am. Thank you po ulit.
INTERVIEWEE: Bye
INTERVIEWERS: Bye po

::::::::
Audio ends
[035:00]
NON-VERBATIM RESPONDENTS 5
Audio begins
[00:00:00]

INTERVIEWERS: Good morning po. We are Nursing students from Union Christian College po.
INTERVIEWEE: Hi good morning.
INTERVIEWERS: So Ma'am, we have some questions po for you. Please answer them po best to your
knowledge and as brief as you can. And we would like to let you know din po that all your information
and answers as well as identity will be kept anonymous and confidential and will only be used for
research purposes.
INTERVIEWEE: Sure, okay.
INSTERVIEWERS: If you have no questions na po, let’s start na po. Start po kayo bg introducing yourself
po then magtatanong nalang po kami isa isa.
INTERVIEWEE: Hi I'm Maween Reyes and I'm from Pagdalagan Sur. I'm 45 years old now.
Interviewer 1: Hello po. Pwede niyo po ba kaming kwentuhan tungkol sa pregnancy niyo sa first baby
niyo Ma'am?
INTERVIEWEE: Sure. So ayun, nagbuntis ako 40 years old ako and shempre nanganak 41 na. Now my
baby is already 4 years old. Sobrang unexpected ng pregnancy ko kasi yung boyfriend ko umuwi siya
from the States. Tapos tinanong ako kung ready na daw ba ako magkababy. Alam ko na malabo na kasi
sa edad ko nga pero ang sinagot ko nalang sa kanya noon is "good luck". Sabi ko good luck kung
mabubuntis pa ako. And then yun, after 1 month nabuntis nga ako. Nagulat nga ako kaya nag take ako
ng pregnancy test tapos positive talaga siya.
Interviewer 2: So Ma'am hindi niyo po talaga plinano yung pregnancy mo?
INTERVIEWEE: Hindi eh. Basta paguwi nung boyfriend ko tinanong nalang niya ako kung gusto ko na ba.
Kasi nga gusto narin talaga niyang magkaanak at gusto na niyang magstay dito sa amin.
Interviewer 3: Hindi po ba kayo nagdawalang isip na magbuntis? Kasi nga po sa age niyo, medyo late na
masyado na pong risky para sa inyo and sa baby narin po.
INTERVIEWEE: No. Basta ang sa akin, ang sabi ko lang, good luck. Kasi yun lang talaga ang nasa isip ko.
Good luck kung mabubuntis mo ako. Ganon lang. Kasi iniisip ko din nung nasa Dubai ako before,
nagkaroon ako ng Goiter. Hyperthyroidism. After ko madiagnose, nag give up ako sa work ko and umuwi
ako dito sa Pilipinas. And yun, nag undergo ako ng mga radiation at madami akong gamot. Diba sabi nila
kapag too much radiation, posible na hindi ka mabuntis someday. So ayun talaga ang naiisip ko kaya
nasasabi ko nalang na good luck. Pero medyo matagal natin yun, 38 years old ako non. But still,
nakarami parin ako ng radiation hanggang sa mawala.
Interviewer 1: Okay po. So ano pong naramdaman niyo nung nabuntis nga po kayo? Hindi naman po ba
yun nakaapekto sa pregnancy niyo?
INTERVIEWEE: Ako nagulat ako and masaya syempre. Masaya ako lalo na yung partner ko kasi its a
dream come true for him. Regarding dun sa sakit ko before and yung pag undergo ko ng radiation, hindi
naman siya nakaapekto. Not at all kasi matagal narin naman yun bago ako nabuntis.
Interviewee 2: Ganon po ba. During your pregnancy po, wala naman po kayong mga naging sakit?
INTERVIEWEE: Wala. Sobrang healthy ako nung buntis. Pero lagi kami nagpupunta sa hospital non for
checkup. Tuwing checkup, may ginagawang mga tests sa akin at tsaka nagu-ultrasound din ako. Normal
lang naman yung sa mga gaya kong late na nagbuntis diba.
Interviewer 3: Opo Ma'am, normal lang po siya. Ganon po talaga para mamonitor kayo ni baby.
INTERVIEWEE: Oo yan din yung sabi nung OB ko dati. Okay naman siya kasi its for our safety pero grabe
ang gastos. Sobrang gastos kasi mahal naman ang bayad ng ultrasound, iba pa doctors fee syempre.
Tapos meron pang mga tests at yung mga vitamins din pala na pinapainom sa akin dati para sa akin at sa
baby. Magastos talaga siya pero okay lang kasi healthy naman kami pareho ni baby.
Interviewer 1: Ganon po talaga Ma'am, pero at least po monitored kayo ni baby.
Interviewer 2: Oo nga Ma'am. Yung delivery niyo naman po, kamusta naman po?
INTERVIEWEE: Nung manganganak na ako, 2 weeks from my expected date nasa lying in na ako.
Nagbukas na yung cervix ko pero hindi pa pumutok yung panubigan ko so ang ginawa nung doctor,
pinilit niyang putukin yung panubigan ko para lumabas na si baby at manganak na ako. Dun ako
natagalan. Pero yung sinasabi nilang labor? Wala, wala akong naramdamang sakin, hindi din ako
nahirapan.
Interviewer 3: Talaga po? Normal delivery po?
INTERVIEWEE: Oo normal delivery siya.
Interviewer 1: Okay po. Kamusta naman po si baby after delivery?
INTERVIEWEE: Si baby pagkabalas nagulat ako kasi nakabalot na sa leeg niya yung cord niya. Ayun pala
yung reason bakit din ang tagal niyang lumabas.
Interviewer 2: Kamusta po siya? Hindi naman po ba nagkaroon ng problema dahil dun?
INTERVIEWEE: Hindi naman kasi after niya mailabas, tinanggal agad sa leeg niya yung cord tapos ayun
nagiiyak iyak na siya. Aside from that wala na, she's a healthy baby girl back then. Hanggang ngayon
naman.
Interviewer 3: Ganon po ba. Okay po.
Interviewer 1: Kamusta naman po kayo after niyo manganak Ma'am? Nahirapan po ba kayong mag
recover?
INTERVIEWEE: Hindi naman kasi after ko manganak umuwi ako agad. Bawal mag stay sa lying in kaya
pinauwi ako agad after ilang hours. So ayun habang nagpapahinga, nag start na ako mag breastfeed kay
baby.
Interviewer 2: Ganon po ba, okay po.
INTERVIEWEE: Pagkauwi namin ng bahay pahinga lang din ako at breastfeed. Ganon lang hanggang sa
fully recovered na ako.
Interviewer 3: Okay po Ma'am. So wala pong naging proglema Ma'am no? Yung kay baby lang sa
paglabas pero naging okay naman po agad at walang naging problema.
INTERVIEWEE: Oo ayun lang. Pati narin pala yung gastos ko nung nagbubuntis ako. Dahil sa mga gamot,
tests at yung mga ultrasound ko tuwing check. Ayun lang. Magastos lang talaga yung panganganak ko
pero okay naman siya when it comes to our health.
Interviewer 1: Okay po Ma'am.
Interviewer 2: Ma'am okay narin po, tapos na po tayo kasi nasagot niyo naman po lahat ng mga tanong
namin.
INTERVIEWEE: Ganon ba, sige. Feel free to message or call me anytime kung may mga kailangan pa kayo
ha.
Interviewer 3: Yes po Ma'am, thank you po.
INTERVIEWEE: You're welcome. Thank you din for having me sana makatulong to.
INTERVIEWERS: Sobrang laking tulong po nito Ma'am kaya thank you so much po sa time and
cooperation niyo.
INTERVIEWEE: Nako wala yun, malakas kayo sakin.
INTERVIEWEERS: Salamat po ulit.
INTERVIEWEE: Sige ha, I have to go at papakainin ko pa yung baby ko. Basta chat or call lang kayo pag
may kailangan pa.
INTERVIEWERS: Sige po Ma'am thank you po ulit. Bye bye po.
INTERVIEWEE: Bye.

::::::::
Audio ends
[01:20:00]
NON-VERBATIM RESPONDENTS 6
Audio begins
[00:00:00]

INTERVIEWERS: Good evening po. We are Nursing students from Union Christian College po.
INTERVIEWEE: Hello.
INTERVIEWERS: So Ma'am, we have some questions po for you. Please answer them po best to your
knowledge and as brief as you can. And we would like to let you know din po that all your information
and answers as well as identity will be kept anonymous and confidential and will only be used for
research purposes.
INTERVIEWEE: Okay sige.
INSTERVIEWERS: If you have no questions na po, let’s start na po. Start po kayo bg introducing yourself
po then magtatanong nalang po kami isa isa.
INTERVIEWEE: I'm Leanne Hidalgo, I'm 38 years old and I got pregnant when I was 36, 4 months after
being married.
Interviewer 1: Ma'am, kamusta naman po yung pregnancy niyo before?
INTERVIEWEE: Yung pregnancy ko is unexpected. Kasi right after our marriage, sabi ko sa husband ko
hindi pa ako ready. Gusto ko magkababy mga 2 years after pa ganon and okay lang naman daw sa kanya.
So ayun, one time sa work ko nasa field ako. Tapos biglang nag spotting ako. Akala ko before may period
lang ako but then bigla akong nakaramdam ng hilo na parang sumama yung pakiramdam ko. So nag
decide akong mag pacheckup. Tapos ayun na. After ilang test, nalaman nga na 3 weeks pregnant na ako.
Interviewer 2: So wala po pala talaga sa plano. Ano pong naramdaman niyo nung nalaman niyong buntis
kayo?
INTERVIEWEE: Naiyak ako kasi hindi ko inexpect na magiging mommy ako agad. Pero natuwa parin
syempre. Nung confirmed na nga ayun na, nag set na kami ng mga appointment sa OB. Regular checkup
na lahat lahat. Binigyan na ako ng mga vitamins para inumin tapos madalas din ang ultrasound ni baby.
Interviewer 3: Nung nagbubuntis po ba kayo, wala po kayong naging sakit na nakaapekto sa inyo ni
baby?
INTERVIEWEE: Wala naman. Pero naaalala ko inadvice ako nung OB ko na mag bed rest for 2 weeks kasi
baka daw maulit ulit yung nangyari na nagspotting ako. Wala rin ako nung mga morning sickness na
nararamdaman ng ibang nagbubuntis, as in wala. Normal lang.
Interviewer 1: Maselan po ba yung pagbubuntis niyo?
INTERVIEWEE: Wala namang sinabi saakin na maselan, basta sinabihan lang ako mag bed rest para
maiwasan yung spotting ulit. Tapos ayun nga binigyan ako ng mga vitamins para kay baby at para narin
sakin.
Interviewee 2: Okay po. Sa delivery naman po Ma'am, kamusta naman po?
INTERVIEWEE: Delivery ko, nahirapan ako.
Interviewer 3: Bakit po?
INTERVIEWEE: Kasi nung mismong araw ng expected date of delivery ko, nag spotting ako. Edi pumunta
na kami ng hospital agad. Umaga yun. Tapos pag dating namin dun wala yung OB ko. Pero na-IE ako non
tapos nalaman na 3cm pala ako. Ang sabi sabi sakin maglakad lakad muna daw ako. So ang ginawa ko
pumunta kami ng mall. Nagwalking ako dun. Tapos mga bandang 3pm pinapabalik na kami sa hospital,
naalala ko galit na galit yung OB ko kasi antagal na daw niya akong inaantay. Sabi ko naman hindi ko kasi
namamalayan kasi wala akong nararamdamang sakin, yung parang sa labor na sinasabi nila. As in wala
akong naramdaman.
Interviewer 1: Talaga po?
Interviewer 2: Ano na po nangyari pagdating niyo sa hospital?
INTERVIEWEE: Pagdating namin ng hospital admit na agad ako kaso 7cm palang ako. Sabi nung doctor
magantay pa daw ako ng isang oras, kapag wala paring progress CS na daw ako kasi hindi pwedeng
magtagal si baby sa loob ng tyan ko. Hanggang sa ayun bandang 4pm na nasa 7cm parin ako kaya nag
decide na yung OB ko na CS na ako kaysa daw may mangyari sa baby ko.
Interviewer 3: So CS din po kayo in the end? Kamusta naman po si baby after the delivery?
INTERVIEWEE: Oo, bumagsak din sa CS. Si baby okay naman siya, healthy naman siyang lumabas. Buti
nalang at nag decide din yung doctor ko na CS ako or else baka kung ano na nangyari sa baby ko.
Interviewer 1: Kaya nga Ma'am eh. At least healthy po siyang lumabas at okay kayo.
INTERVIEWEE: Yes.
Interviewer 2: Kamusta naman po yung recovery niyo? Nahirapan din po ba kayo sa pagrecover?
INTERVIEWEE: Hindi ako nahirapan mag recover. Parang ang bilis nga eh. 3 days after ko manganak,
nakakalabas na kasi ako ng hangin, nakakahiga na ako sa right and left side ko at nakakagalaw galaw
narin. Kaya ayun, nagdecide yung OB na pauwiin na ako. Tinuloy ko nalang sa bahay yung recovery ko.
Interviewer 3: Ganon po ba.
Interviewer 1: Nakapag breastfeed po ba kayo kay baby kaagad?
INTERVIEWEE: Yes, breastfeed siya agad agad. Ayaw ko kasi talagang mag formula milk siya. Nung una
nahirapan siya dumede sakin kasi sobrang onti ng gatas na lumalabas. Pinakain ako ng masasabaw na
pagkain, gulay ganon. Hanggang sa ayon nagkaroon ako ng enough na gatas, naging okay narin yung pag
breastfeed ko sa baby ko,
Interviewer 2: Okay po.
Interviewer 3: So kung tutuusin Ma'am, parang sa delivery lang po talaga kayo nahirapan at
nagkaproblema no?
INTERVIEWEE: I think so. Pero parang sa mga gastusin din. Hindi naman ganon kalaki mero medyo mag
pagkamahal gawa ng mga vitamins, checkups at ultrasound sakin nung nagbubuntis palang ako. Tapos
yung mga bayad sa doctor ko, ganon.
Interviewer 1: Okay po Ma'am.
Interviewer 2: Bale kasama po pala yung mga expenses.
INTERVIEWEE: Yes, tama.
Interviewer 3: Ma'am so far okay na po, nasagot niyo naman po lahat ng mga naitanong namin sa inyo.
INTERVIEWEE: Okay na yun? Sure kayo?
INTERVIEWERS: Yes Ma'am, okay na po. Thank you so much po sa time and cooperation, Ma'am.
INTERVIEWEE: You're welcome, salamat din.
INTERVIEWEERS: Ma'am okay lang po ba lumapit kami sa inyo just in case may mga follow up questions
kami?
INTERVIEWEE: Oo naman, sure. Chat lang kayo sasagot ako kaagad.
INTERVIEWERS: Thank you po Ma'am.
INTERVIEWEE: No problem.
INTERVIEWERS: Sige Ma'am, hanggang dito nalang po. Thank you po ulit,
INTERVIEWEE: Sige sige, ingat kayo ha. Bye.
INTERVIEWERS: Kayo din po Ma'am. Bye po.

::::::::
Audio ends
[00:48:00]
NON-VERBATIM RESPONDENTS 7
Audio begins
[00:00:00]

INTERVIEWERS: Good evening po. We are Nursing students from Union Christian College po.
INTERVIEWEE: Hello, magandang gabi.
INTERVIEWERS: So Ma'am, we have some questions po for you. Please answer them po best to your
knowledge and as brief as you can. And we would like to let you know din po that all your information
and answers as well as identity will be kept anonymous and confidential and will only be used for
research purposes.
INTERVIEWEE: Sige sige, go ako dyan.
INSTERVIEWERS: If you have no questions na po, let’s start na po. Start po kayo bg introducing yourself
po then magtatanong nalang po kami isa isa.
INTERVIEWEE: Hello I'm Janeth Vasquez, I'm 40 years old nabuntis ako nung 37 years old ako. Nakatira
ako dito sa San Fernando La Union.
Interviewer 1: Pwede niyo po ba kaming kwentuhan tungkol sa pagbubuntis niyo Ma'am.
INTERVIEWEE: Sure. 37 ako nung nabuntis ako. Hindi ko inaasahan pero natuwa ako nung nalaman kong
buntis ako. Hindi ako nakaramdam ng mga morning sickness o kahit na ano, napansin lang namin na
lumalaki yung tyan ko. Nagpacheck up ako dahil baka kung ano na yung reason pero ayun nalaman ko
magiisang buwan na pala akong buntis.
Interviewer 2: Bakit hindi niyo po napansin o naramdaman agad na buntis po kayo?
INTERVIEWEE: Hindi ko nga alam eh. Wala kasi talaga akong naramdaman dati kahit hilo man lang o
ano.
Interviewer 3: Ganon po ba. Ano naman pong naramdaman niyo nung nalaman niyong buntis kayo?
INTERVIEWEE: Natuwa ako. Pero hindi nawala yung takot sa akin. Kasi yung age ko, parang late na para
mabuntis pa. 37 ako non at aware ako na high risk na ako. Natatakot ako para sa magiging baby ko. Pero
tinuloy ko naman, nilakasan ko yung loob ko. Nagpapacheck ako sa OB regularly, sinusunod ko lahat ng
bilin sakin, yung mga gamot at vitamins iniinom ko, lahat ng tests at ultrasound ginawa din namin para
sa aming dalawa ng magiging baby ko.
Interviewer 1: Binigyan po kayo ng mga gamot? Para saan po?
Interviewee 2: Nagkaroon po ba kayo ng sakit habang buntis kayo?
INTERVIEWEE: Wala, wala akong sakit non pero binigyan ako ng mga gamot at vitamins para daw kay
baby at sa akin. Parang pampalakas lang ba ganon. Pero wala akong naging sakit non.
Interviewer 3: Ganon po ba, okay po.
Interviewer 1: Kamusta naman po si baby nung pinagbubuntis niyo palang siya?
INTERVIEWEE: Okay naman siya, healthy siya non. Lahat din kasi ng bilin ng doctor ko sinunod ko talaga
lalo na yung mga vitamins na binibigay. Pati mga kinakain ko sobrang ingat ko. Lagi din kami may check
up. Yun nga sobrang gastos dahil sa mga yun, lalo na madalas ang ultrasound ko. Magastos talaga pero
hindi namin yun ininda ng asawa ko kasi ang nasa isip namin is maging safe si baby at ako. Ayun, safe
and healthy naman siya nung nasa tyan ko palang siya hanggang sa mailabas ko siya.
Interviewer 2: Kamusta naman po yung delivery niyo Ma'am? Normal po ba or CS?
INTERVIEWEE: Okay naman, normal delivery ako. Ang galing nga kasi nung malapit na akong manganak
wala man lang akong naramdamang sakit. Yung labor? Wala, wala akong naramdamang ganon. Di ako
dumaan sa ganon. Saglit nga lang din ako umire lumabas na agad si baby. Tuwang tuwa yung OB ko kasi
hindi siya nahirapan sakin.
Interviewer 3: Talaga po? Ang galing naman.
INTERVIEWEE: Oo nga eh, kahit ako nagulat dati kasi kaya ko pala tapos saglitan lang akala ko
matatagalan ako manganak pero ayun wala namang naging problema lumabas agad si baby.
Interviewer 1: Kamusta naman po si baby after the delivery?
INTERVIEWEE: Pagkalabas niya, iyak siya agad. Dinig ko agad yung iyak niya sobrang lakas. Healthy baby
girl siya. Awa ng Diyos wala namang naging problema sa kanya.
Interviewer 2: Mabuti naman po kung ganon.
Interviewer 3: Kayo po Ma'am, kamusta po kayo non? Kamusta po recovery niyo?
INTERVIEWEE: Ako, okay naman ako. Mabilis lang din yung pagrecover ko dati lalo na normal delivery
naman ako. Hindi ko kinailangang magtagal sa hospital kasi wala namang problema, okay naman kami
pareho ni baby. Ilang araw lang pinalabas narin kami kaagad.
Interviewer 1: Ganon po ba.
Interviewer 2: Ma'am nakapag breastfeed po ba kayo agad kay baby?
INTERVIEWEE: Oo nakapagpadede ako kaagad. Nung una konti lang yung nakukuha niyang gatas sakin
pero after ilang days lumago din yung gatas ko. Nakuha ata sa mga inuulam kong puro sabaw at gulay.
Interviewer 3: Okay po Ma'am.
INTERVIEWEE: Ayun, from then until now na malapit na siya mag 3 years old sobrang healthy parin siya
at hindi sakitin.
Interviewer 1: Mabuti naman Ma'am kung ganon.
Interviewer 2: So Ma'am, over all wala po kayong naging problema sa pagbubuntis niyo hanggang sa
panganganak at pagrerecover no?
INTERVIEWEE: Oo, wala akong naging problema. Yung gastos siguro dati pero okay lang yun kasi worth it
naman siya eh.
Interviewer 3: Okay po.
INTERVIEWEE. Yes.
Interviewer 1: Ma'am so far po natanong na po namin lahat ng kailangan naming itanong, okay na po
tayo.
INTERVIEWEE: Talaga? Wala na kayo idadagdag?
Interviewer 2: Wala na po Ma'am, okay na po lahat.
INTERVIEWEE: Okay sige. Pero kung may kailanganin kayo magsabi lang kayo ha.
Interviewer 3: Sige po Ma'am, salamat po.
INTERVIEWEE: Okay sige, thank you din.
INTERVIEWERS: Sige po Ma'am baka po may gagawin pa po kayo, pwede na po tayo mag end call.
INTERVIEWEE: Okay sige mauuna na ako ha.
INTERVIEWERS: Sige po Ma'am thank you so much po ulit. Bye po.
INTERVIEWEE: Bye.

::::::::
Audio ends
[00:29:00]
NON-VERBATIM RESPONDENTS 8
Audio begins
[00:00:00]

INTERVIEWERS: Good morning po. We are Nursing students from Union Christian College po.
INTERVIEWEE: Hi good morning.
INTERVIEWERS: So Ma'am, we have some questions po for you. Please answer them po best to your
knowledge and as brief as you can. And we would like to let you know din po that all your information
and answers as well as identity will be kept anonymous and confidential and will only be used for
research purposes.
INTERVIEWEE: Okay sige.
INSTERVIEWERS: If you have no questions na po, let’s start na po. Start po kayo bg introducing yourself
po then magtatanong nalang po kami isa isa.
INTERVIEWEE: My name is Monalisa and I'm 45 years old. I got my first pregnancy when I was 41 years
old. Oh diba masyadong late.
Interviewer 1: Ma'am, kamusta naman po kayo and kamusta po yung pregnancy niyo back then?
INTERVIEWEE: Yung pregnancy ko is unexpected. Syempre sa age ko di ko na akalain na mabubuntis pa
ako. One nag nasa sayawan kami tapos nagtaka ako sa mga pictures bakit parang ang laki ng tyan ko.
And then after how many days napansin ko hindi pa ako dinadatnan ng period ako. So ayun, nag decide
akong may PT. Positive agad yung lumabas. After that, pumunta ako ng hospital para magpatingin at
malaman kung buntis nga talaga ako. Pagdating ko dun may mga ginawang test and maya maya,
nalaman ko na buntis nga talaga ako.
Interviewer 2: Ano pong naging reaction niyo nung nalaman niyong buntis kayo? Ano pong
naramdaman niyo?
INTERVIEWEE: Natakot ako. Naiyak ako sa sobrang takot.
Interviewer 3: Bakit po Ma'am?
INTERVIEWEE: Kasi alam kong masyadong delikado na para sa akin at sa baby, 41 na ako non at sobrang
high risk na. Takot na takot ako dati nung nalaman kong buntis ako.
Interviewer 1: Ano pong ginawa niyo afterwards?
INTERVIEWEE: Nung naconfirm ko na nga, tinuloy ko nalang. Tuloy tuloy na, puro na ako checkups,
ultrasound at ang daming tests ang ginagawa sakin. Sa isang buwan, ang daming beses ng checkup at
ultrasound ko para lang mamonitor si baby kasi nga delikado na sa edad ko.
Interviewee 2: Ma'am wala naman po ba kayong naging sakit habang nagbubuntis kayo?
INTERVIEWEE: Wala naman, buti nalang nga. Pero madami akong iniinom na gamot at vitamins dati para
sa health ni baby at sa akin din. Binigyan ako nung doctor ko. Tapos sobrang strict din ng diet ko before.
Hanggang sa malapit na akong manganak, tuloy parin ako sa checkup at ultrasound. Sobrang gastos kasi
ang mahal ng mga binabayaran namin kada checkup ko hanggang sa manganak ako.
Interviewer 3: Ganon po ba. Kamusta naman po yunv panganganak niyo?
INTERVIEWEE: Nako, sobrang hirap.
Interviewer 1: Bakit po?
INTERVIEWEE: Kasi bago yung expected date of delivery ko, nag attend kami ng party nung partner. Pero
during the party nakakaramdam na ako ng sakit. As in sobrang sakit ng tyan ko pero nawawala siya, and
then babalik nanaman. Hanggang sa tinanong ako ng mga kaibigan ko kung manganganak na daw ba
ako.
Interviewer 2: Tapos po?
INTERVIEWEE: Tapos ayun, nung hindi ko na talaga kaya sabi ko manganganak na ata ako. Dali kaming
pumunta sa sasakyan para maitakbo ako sa hospital. Pero habang nasa sasakyan palang kami pumutok
na yung panubigan ko. Hanggang sa naramdaman ko ng palabas na yung baby.
Interviewer 3: Hindi po ba kayo umabot ng hospital?
INTERVIEWEE: Umabot naman. Pero habang nasa sasakyan, naramdaman ko nakalabas na yung ulo
nung bata. Saktong pagtigil nung sasakyan sa may hospital palabas na talaga siya. Pinagtulungan nila
akong mailabas sa kotse at maihiga sa stretcher, sinalubong narin ako kaagad nung doctor tapos ayun
na, hindi na ako nahirapang umire. Parang nagkusa na talagang lumabas yung baby pagkahiga sakin sa
stretcher,
Interviewer 1: Talaga po? Kamusta naman po si baby?
INTERVIEWEE: Oo ganon kabilis. Si baby okay naman siya, kahit ganon yung experience namin okay
naman siya pagkalabas niya walang naging problema.
Interviewer 2: Kayo Ma'am, kamusta po kayo after the delivery?
INTERVIEWEE: Okay naman, may tahi lang ako gawa nung punit na paglabas ni baby. Pero hindi ko siya
ininda kasi ang bilis ko talagang makarecover. Lahat nga ng kasama ko sa hospital nagtataka,
tinatawanan ako kasi ang lakas lakas ko agad. Naglalakad na ako kaagad non, hindi ko talaga ininda yung
sakit.
Interviewer 3: Talaga po? So hindi po kayo nagtagal sa hospital for recovery?
INTERVIEWEE: Oo hindi kami nagtagal dun ni baby. Umuwi din kami agad ng bahay tapos ayun na,
parang wala ng nangyari:
Interviewer 1: Kamusta naman po kayo ni baby paguwi? Nagbreastfeed po ba kayo agad sa kanya?
INTERVIEWEE: Okay naman kami, pareho kaming malakas non. At oo breastfeed siya agad simula
pagkalabas.
Interviewer 2: Ganon po ba. Ang bilis niyo po pala talagang nakapagrecover.
INTERVIEWEE: Sobra. Kahit ako din mismo nagulat eh. Walanv naging problema. Yung hirap at sakit lang
talaga bago ako manganak. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa edad ko o ano.
Interviewer 3: Ganon po ba. Dibale Ma'am kahit ganon, nailabas niyo naman po si baby ng safe at
maayos.
INTERVIEWEE: Kaya nga, buti nalang din malakas ako.
Interviewer 1: Oo nga Ma'am.
INTERVIEWEE: Ayun lang yung naging experience ko. Sabi ko sa sarili ko hindi na ako uulit kasi sobrang
hirap pala manganak at sobrang gastos.
Interviewer 2: Ganon po talaga lalo na kapag high risk na Ma'am.
INTERVIEWEE: Kaya nga eh. Kaya hindi na ako uulit talaga.
Interviewer 3: Ma'am, okay na po. Nasagot na po lahat ng questions namin so far.
INTERVIEWEE: Ah talaga? Tapos na agad? Natuwa pa naman ako magkwento.
Interviewer 1: Opo, tapos na po Ma'am okay na po.
INTERVIEWEE: Ganon ba. Oh sige, sana makatulong yan sa inyo.
Interviewer 2: Sobrang laking tulong po Ma'am. Kaya maraming salamat po pinagbigyan niyo kami for
interview.
INTERVIEWEE: Wala yun, you're welcome.
Interviewer 3: Thank you so much Ma'am.
INTERVIEWEE: Sige na, ayusin niyo na yan at nang makarami kayo. Mauuna na ako ha.
INTERVIEWERS: Sige po Ma'am. Salamat po ulit. Ingat po kayo.
INTERVIEWEE: Kayo rin magingat. Bye
INTERVIEWERS: Bye po.

::::::::
Audio ends
[00:33:00]

You might also like