You are on page 1of 2

QUIZ 6

Rossinni Blue B. Protacio. October 17, 2023


BSN2E

Quiz

You are conducting a health education class to 27 pregnant mothers in the community.

What are the vital instructions you will give a mother during:

1st stage of labor

Bago pa man po magsimula ang inyong labor, mahalaga po na handa tayo sa mga dapat nating
maranasan. Dapat po ay may alam na po tayo sa mga mangyayari para mas maging alerto at
handa. Sa unang stage ng labor, umaangat na po ang inyong cervix o ang bukasan ng inyong
matris. Makakaramdam na po tayo dito ng paghilab ng ating puson na tinatawag na
contractions. Normal lang po ito at kailangan po natin sukatin ang pagitan ng mga kontraksyon
na mangyayari. Manatili po tayong kalmado sa panahong ito at wag po nating kakalimutang
mag relax. Wag na po tayo masyadong magkilos sa stage na to at dapat nagpapahinga na po si
mommy. Ang stage na ito ay umaabot ng 12hours o higit pa. Iba iba ang tagal nito sa iba’t ibang
mga nanay.

2nd stage

Sa ikalawang stage naman po ang nanay ay manganganak na. Kailangan po ay may


kooperasyon at pagtutulungan na po ang nanay at ang midwife or doktor. Importante po na
makinig na po tayo sa ating doktor o midwife sa mga instraksyon na ibibigay saatin. Pag sinabi
na po ng gumagabay sainyo na umire, ay sumunod po tayo kasabay ng kontraksyon na inyong
nararamdaman. Sa stage po na ito ay makakaranas kayo ng matinding sakit ngunit mapapalitan
naman po ito ng tuwa kapag nahawakan niyo na ang mga anak niyo.

3rd stage

Sa ikatlong yugto, nasilang na po ang inyong sanggol. Dito po ay makakapagpahinga po tayo


saglit at maaari niyo na pong mahawakan ang inyong baby. Dito po ginagawa ang unang yakap
na tinatawag. Dito ren po ginugupit ang umbilical cord ni baby at inilalabas ang inyong mga
placenta.
4th stage

Sa panahon naman po ng ikaapat na yugto, natapos na ang pagsilang sa inyong baby at


maaari niyo na siyang mahawakan. Makakapagpahinga na po kayo at makakarelax kasama
ang inyong anak. Dito po sa stage na ito ang recovery stage niyo kung saan
makakapagpahinga kayo upang bumalik ang inyong lakas. Importante po dito ang kumain ng
masusustansyang pagkain na inirekomemda sainyo ng doktor. Mahalaga po ito dahil kayo po ay
nagpapasuso na ngayon. Wag lang po kakalimutan makinig sa payo ng inyong doktor at
makakarecover ren po kayo ng wala sa oras.

You might also like