You are on page 1of 3

Buwanang Pagkonsulta

Mahalaga ang buwanang konsultasyon para malaman at maagapan ang mga problema—bago ito
maging delikado. Hindi mahirap at hindi kailangan ng mamahaling gamit ang mahusay na prenatal. Kaya
itong gawin ng maraming tagapaanak, komadrona, health center, at maging ospital.

Makakapagligtas ito ng maraming buhay. Kung buntis ka, sikaping makakuha ng di-bababa sa 3 check-
up:

1. Pagkatantya mo na buntis ka.

2. Sa bandang ika-6 na buwan ng pagbubuntis.

3. Isang buwan bago sa takdang panganganak

Ano ang gagawin sa prenatal check-up


Dapat gawin ng isang tagapaanak o komadrona ang mga sumusunod:

Suriin ang kamay, paa at mukha para


sa pamamanas

Sukatin ang presyon ng dugo


Alamin ang paglaki ng sanggol. Karaniwan ay
2 daliri ang paglaki ng matris sa bawat
buwan. Sa ika-4½ buwan, madalas ay
kapantay ito ng pusod. Kung parang sobrang
liit o laki, o sobrang bilis ang paglaki,
posibleng may problema.

Para malaman kung malusog ang


dinadala, puwedeng pakinggan ng
komadrona ang tibok ng puso ng
sanggol. Posibleng madinig ito sa
pagdikit ng tenga sa tiyan ng babae,
pero madalas ay hindi mapagiba ang
tibok ng puso ng nanay at sanggol.
Mas madali kung may fetoscope.
Palatandaan din na malusog kung
nararamdaman ng babae ang
paggalaw araw-araw, at kung
gumalaw ito sa araw ng check-up.
Makakatulong ang mga prenatal check-up sa iyo na magdesisyon kung saan pinakamaigeng
manganak: sa bahay, sa health center o sa ospital.

You might also like