You are on page 1of 24

HEALTH EDUCATION 5

Quarter 2, Lesson 6
“Negatibong Epekto sa Kalusugan ng Maaga at Di-
inaasahang Pagbubuntis”
JOEY ERNIE Z. CUARTERO
Teacher I
Legarda Elementary School
PANALANGIN
Panginoon. Maraming salamat po sa ibinigay ninyong
panibagong pagkakataon upang kami ay matuto.
Gawaran mo kami ng isang bukas na isip upang
maipasok namin ang mga itinuturo sa amin at
maunawaan ang mga aralin na makatutulong sa amin,
sa pagtatagumpay sa buhay na ito. At sana po ay iligtas
po ninyo ang buong mundo sa COVID19.
AMEN.
UNANG PAGSUBOK
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahiwatig ng negatibong epekto sa
kalusugan ng maaga at di-inaasahang pagbubuntis?
a. Mararanasan maging ina sa murang edad
b. Pagkasira ng kinabukasan ng babae maagang nabuntis
c. Pagkakaroon ng eclampsia ng isang batang ina habang nanganganak
d. Pagiging mas matatag ng batang ina sa hamon ng buhay
2. Sino sa mga sumusunod ang mga maaaring makaranas ng maaga at di-
inaasahang pagbubuntis?
e. Mga kalalakihan
f. Mga kababaihang nasa wastong gulang
g. Mga kababaihang menor de edad na nasa panahon na ng puberty
h. Mga kabataang nasa edad 1 – 10.
3. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabisang paraan upang
maiwasan ang maaga at di-inaasahang pagbubuntis?

a. Paggamit ng kontraseptibo
b. Abstinence o hindi pagtatalik
c. Pagsama sa mga taong may sekswal na gawain
d. Pagkakaron ng kasintahan sa murang edad
Negatibong Epekto sa Kalusugan ng
Aralin

6 Maaga at Di-inaasahang Pagbubuntis


Ang pagbubuntis ay ang pagdadala ng isa o higit
pang mga supling na tinatawag na fetus o embryo sa
loob ng bahay-bata o uterus ng isang babae. Ito ay
maituturing na bunga ng pagmamahalan ng
dalawang taong nasa hustong gulang na at dumaan
sa pag-iisang dibdib o pagpapakasal.

Ngunit, isa sa mga problema ng ating lipunan o


maging ng bansa ay ang mga kabataang nabubuntis
ng maaga at di-inaasahan.
Negatibong Epekto sa Kalusugan ng
Aralin

6 Maaga at Di-inaasahang Pagbubuntis

Sa araling ito, iyong matututuhan at


mauunawaan ang mga negatibong epekto
sa kalusugan ng maaga at di-inaasahang
pagbubuntis.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay


inaasahang:

 Natatalakay ang masasamang epekto ng


maagang pagbubuntis at paano ito
maiiwasan.
BALIK-TANAW
Panuto: Isulat ang masayang mukha (😊) kung ang
isinasaad ay nagpapakita ng tamang pangangalaga sa
panahon ng pagreregla at bagong tuli o malungkot na
mukha (☹) naman kung hindi.
1. Pagkain ng mga pagkaing sagana sa bitamina C.
2. Naghuhugas ng kamay bago linisin ang sugat sa
panahon ng bagong tuli.
3. Pagligo sa malamig na tubig upang mabawasan ang
sintomas ng dysmenorrhea.
4. Panatilihing laging basa ang sugat sa panahon ng
bagong tuli.
5. Paglalanggas gamit ang pinakuluang dahon ng bayabas.
Mga Tala para sa Guro

Sa pagsasagawa ng mga gawaing ito ay


kinakailangan ng paggabay lalo na ang
magulang. Ipagabay ang mga bata sa mga
magulang/ tagabantay, ate o kuya o kung sino
man ang nakatatanda sa bahay sa
pagsasagawa ng mga gawaing nakapaloob dito.
MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Maraming paraan para maiwasan ang maagang


pagbubuntis ng isang nagdadalaga. Ang isa sa
pinakamabisang paraan ay ang sekswal na pagpipigil o
sexual abstinence sa murang edad. Ngunit paano ito
maisasakatuparan? Kailangang isaisip natin na mas
madaling magpalaki ng malusog at masayang anak kung
pareho na kayong handa na magsimula ng sariling
pamilya.

Teenage Pregnancy, 2020


Ito ang mga dapat isaalang-alang sa mga gustong
magbuntis ng maaga:
 Makakapagpatuloy ka ba ng pagaaral?
 Paano sasagutin ang mga bagay na kailangan ng
sanggol—pagkain, damit, tirahan, at iba pa?
 Handa ka na bang magbigay ng emosyonal na suporta
na kailangan ng sanggol para lumaking malusog?
 Tutulong ba ang kasintahan o ka-partner mo sa
pagpapalaki ng anak?
 Paano makakatulong ang pamilya mo?
Panganib sa kalusugan mula sa maagang pagbubuntis
Hindi pa handa para sa ligtas at malusog na
panganganak ang katawan ng babaeng nagdadalaga pa
lamang. Mataas ang posibilidad na magkaroon ng
eclampsia (na sanhi ng kombulsyon) ang mga kabataang
ina. Maaaring maliit pa ang katawan nila para maglabas ng
sanggol. Mas madalas makaranas ang mga nanay na mas
bata pa sa 17 taon nang matagal at mahirap na labor.
Maaaring ding masira ang puwerta ng baradong
panganganak, kaya tatagas ang ihi at dumi.
Maaaring maging sobrang liit o premature ang mga
sanggol na ipapanganak ng isang batang ina. Kung walang
tulong medikal, maaaring mamatay ang babae, pati na rin
ang sanggol na nasa kanyang sinapupunan.
Kung sakaling ang isang babae ay mabuntis sa murang
edad, sikaping magpatingin sa bihasang kumadrona
(midwife), o magtungo sa pinakamalapit na ospital sa
inyong lugar upang magpakonsulta sa doktor o
espesyalista. Ito ay dapat na gawin sa pinakamaagang
panahon para malaman kung paano ang pinakaligtas na
panganganak.
Malaki ang tulong ng pamilya, guro at mga nakatatanda
upang maiwasan ang maaga at di-inaasahang pagbubuntis.
May mga aralin sa paaralan tungkol sa “Sex Education”
kung saan makatutulong mabuksan ang isipan ng mga
mag-aaral na iwasan ang pangyayaring ito.
GAWAIN 1: “LIKE or DISLIKE”
Panuto: Lagyan ng tsek (a) sa may hanay ng thumbs-up icon kung
ang isinasaad ay nagpapakita ng wastong paraan ng pag-iwas sa
maaga at di-inaasahang pagbubuntis o lagyan naman ng tsek (a) sa
may thumbs-down icon kung hindi.

1.Piliin ang iyong sinasamahang kaibigan.


2. Ipaalam sa magulang kung may pupuntahan.
3. Makipag-inuman sa barkada at kaibigang lalaki.
4. Mag-boyfriend lamang kapag nasa hustong gulang na.
5. Sumama sa mga barkada o kaibigang lalaki sa “gimik”.
6. Iwasan ang pakikipagtalik.
7. Iwasang maglakad sa madidilim na kalsada at lugar.
8. Sumama sa boyfriend kung saan-saan.
9. Makinig sa payo ng magulang.
10. Iwasang umalis nang mag-isa lalo na kapag gabi.
GAWAIN 2: “ITAMBAL MO!”
Panuto: Itambal ang mga salita na nasa Hanay A sa mga kahulugan
o paliwanag sa Hanay B.
HANAY A HANAY B

1. Sexual Abstinence A. Ang buwanang dalaw sa mga


kababaihan
2. Early Teenage Pregnancy
B. Dito maaaring matutunan ang tungkol
3. Eclampsia
sa “Reproductive Health”
4. Premature Baby
C. Ang pagbubuntis nang maaga ng mga
5. Sex Education kakabaihang nagdadalaga
D. Ang maagang paglabas ng sanggol sa
sinapupunan
E. Pinakamabisang paraan upang hindi
mabuntis
F. Isang uri ng komplikasyon sa
panganganak na sanhi ng kombulsyon.
TANDAAN

- Maaaring magtulungan ang mga magulang at


batang babae na mag organisa ng pag-aaral sa
sekswalidad, at pag-iwas sa maagang pagbubuntis.

- Magagawa ito sa bahay, sa mga programa sa mga


paaralan, lipunan o komunidad, at lugar ng
pagsamba.
PAG-ALAM SA NATUTUHAN
Panuto: Isulat ang T kung ang isinasaad ng
pangungusap ay TAMA o M kung ito ay MALI.

1. Ang abstinence ay mabisang paraan upang hindi mabuntis ang


babae.
2. Ang eclampsia ay kuro-kuro lang at hindi nangyayari sa mga
batang ina.
3. Maaaring mahirapan sa labor ang batang ina kapag siya ay
manganganak.
4. Hindi na kailangan magpakonsulta sa doktor ang mga batang ina.
5. Makatutulong ang mga magulang at guro upang maiwasan ang
maagang pagbubuntis sa pamamagitan ng pag-gabay sa kanilang mga anak
o estudyante.
REFLECTIVE LEARNING SHEET
Pangalan: Petsa:

Baitang at Pangkat: Guro:


Panuto: Isulat sa loob ng mga hugis na nakapalibot sa larawan ang mga pamamaraan upang
maiwasan ang maaga at di-inaasahang pagbubuntis.

“HUWAG MAGING BATANG INA!”

Teenage Pregnancy, 2020


PANGWAKAS NA PAGSUBOK
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
1. Sino sa mga sumusunod ang mga maaaring makaranas ng maaga at
di-inaasahang pagbubuntis?
a. Mga kababaihang menor de edad na nasa panahon na ng puberty
b. Mga kabataang nasa edad 1 – 10.
c. Mga kababaihang nasa wastong gulang
d. Mga kalalakihan
2. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabisang paraan upang maiwasan
ang maaga at di-inaasahang pagbubuntis?
e. Paggamit ng mga kontraseptibo
f. Pagsama sa mga taong may sekswal na gawain
g. Abstinence o hindi pagtatalik
h. Pagkakaron ng kasintahan sa murang edad
3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahiwatig ng negatibong
epekto sa kalusugan ng maaga at di-inaasahang pagbubuntis?

a. Mararanasan maging ina sa murang edad


b. Pagkakaroon ng eclampsia ng isang batang ina habang
nanganganak
c. Pagkasira ng kinabukasan ng babae maagang nabuntis
d. Pagiging mas matatag ng batang ina sa hamon ng buhay
Maraming Salamat sa
pakikinig!
GAWAIN 1:
PAG-ALAM SA
“LIKE or DISLIKE”
NATUTUHAN
1. Like 6. Like
1. T 2. Like 7. Like UNANG PAGSUBOK
2. M 3. Dislike 8. Dislike 1. C
3. T 4. Like 9. Like 2. C
4. M 5. Dislike 10. Like 3. B
5. T GAWAIN 2:
“ITAMBAL MO!” BALIK TANAW
PANGWAKAS NA 6. E 4. 😊
PAGSUSULIT 7. C 5. 😊
6. A 8. F 6. ☹
7. C 9. D 7. ☹
8. B 10.B 8. 😊
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN
A. Aklat
 Curriculum Guide in Health 5, DepEd
 Learning Materials in Health 5, DepEd
 Teachers’ Guide in Health 5, DepEd

B. Internet
 Slideshare. “K-12 Grade 5 Learner’s Material in Health
(Q1-Q4)” Accessed May 17, 2020.
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-l
earners-material-in health-q1q4
 https://www.dreamstime.com/illustration/teenage-preg
nancy.html
 http://clipart-library.com/pregnant-teen-cliparts.html

You might also like