You are on page 1of 11

EPEKTO AT DAHILAN NG MAAGANG PAGBUBUNTIS NG MGA IKA-11 BAITANG

NG SENIOR HIGH SCHOOL NG BENIGNO V. ALDANA NATIONAL HIGHSCHOOL

Isang pananaliksik na iniharap kay: Bb. Intissar Sadic

Bilang pagtupad sa mga pambahaging pangangailangan sa Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t-

ibang Teksto tungo sa Pananaliksik.

Mga Mananaliksik:

Fherlyn Mae M. Alejo

Alysa O. Cervantes

Jennylyn Cantonjos

Rod Stephen Alcaide

Edie Fernandez Jr.

Bb. Intissar Sadic

Paksang Guro sa Pananaliksik

Marso 2019
TALAAN NG NILALAMAN

KABANATA I: ANG SULIRANIN AT


KALIGIRAN NITO

1
INTRODUKSYON

SULIRANIN 2

LAYUNIN NG PAG-AARAL 2-3

SAKLAW AT LIMITASYON 3

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL 3-4

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA 5

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG- 6-7


AARAL AT LITERATURA

KABANATA III:DISENYO AT PARAAN NG 8


PANANALIKSIK

PARAAN,DISENYO AT TRITMENT NG 8
PANANALIKSIK

RESPONDENTE 9
KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

INTRODUKSYON

Ang makakilala ng isang prinsipe na magdadala sa isang paraisong malayo sa kaguluhan at

problema at magmamahal ng tapat ay pangarap ng maraming kababaihan. Ngunit hindi ito ang

realidad, sa halip dinadala ang mga kababaihan sa mga tahimik na lugar na nakakatukso. Akala

ng mga kababaihan ay ito na ang kanilang ikasasaya na magbibigay sa kanila ng higit pasa unang

halik.

Sa realidad, karamihan sa mga kababaihan ay inaabando na matapos mapagsawaan, nagiisa sa

pangarap sa marahas na buhay at kadalasan ay buntis. Hindi alintana ang pakikipagtalik, na hindi

dapat ginagawa ng mga menor de edad. Ngunit kadalasan ginagawa parin ito ng mga kabataan

dahil sa maling kaalaman sa pakikipagtalik. Ang isyu ng “teenage pregnancy” ay laganap na sa

iba’t ibang parte ng bansa. Kasalukuyan tayong nahaharap sa napakasakit na katotohanan na sa

napaka-batang edad, karamihan sa mga kabataan ay may sarili ng anak. Sa Pilipinas, ayon sa

1995 census, mga 1.8 milyong kalalakihan at 670,000 kababaihan na may edad 15-24 ang aktibo

sa sex o pagtatalik.

Ayon rin sa pag-aaral ni Dr.Corazon M. Raymundo, 20% ng maagang pagtatalik ay

nangyayari sa sekundarya. Ang mga kabataang ito ay sumusuong sa pakikipagtalik na walang

ideya sa maaaring epekto nito tulad ng “teenage pregnancy” at pagkakaroon ng “Sexually

Transmitted Diseases.” Sa katunayan ,sa mga kabataang aktibo sa sex , 74% ang hindi

gumagamit ng kahit anong kontraseptib.

1
SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay may paksang “Epekto at Dahilan ng Maagang Pagbubuntis ng mga

ika-11 baitang ng Senior High School ng Benigno V. Aldana National High School sa kanilang

Sarili" ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano-ano ang magandang maidudulot at di magandang maidudulot ng maagang

pagbubuntis ng mga mag-aaral?

2. Paano nakakaapekto ang maagang pagbubuntis ng mga mag-aaral sa pag-aaral nila?

3. Ano-anong paraan ang maaaring gawin upang maiwasan at masolusyonan ang suliraning

ito?

4. Bakit nangyayari ang ganitong suliranin sa mga mag-aaral

5. Ano-ano ang dahilan kung bakit natutukso ang mga mag-aaral na gawin ang bagay na

ito?

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay may layunin na maipahayag sa mga mag-aaral,magulang,guro at

sa paaralan ang mga posibleng dahilan at epekto ng maagang pagbubuntis ng mga mag-aaral.

Nilalayon din ng pananaliksik na ito na bigyang kaalaman ang mga mag-aaral, magulang,

guro at paaralan kung ano ang mga dapat gawin upang masolusyunan ang sulitraning ito.

2
Ang maagang pagbubuntis ng mga kabataan. Ang mga impormasyong makakalap ay gagamitin

para maging aral at maging susi upang mamulat ang mga kabataan sa mga epekto ng maagang

pagbubuntis, at para na din malaman nila ang dahilan ng suliraning ito para maiwasan na nila.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral ay gagawin sa Benigno V. Aldana National High School kung saan nag-aaral

ang aming respondente. Nakatuon ito sa paghahanap ng epekto at dahilan ng maagang

pagbubuntis ng mga ika-11 baitang ng Senior High School kung saan aksyong pamamaraan ang

aming gagamitin upang makakuha ng mga impormasyon.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

SA MGA IBANG MANANALIKSIK

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, ang mga ibang mananaliksik ay makakakalap ng

impormasyon na makakatulong sa kanila sa kung papaano makaiiwas sa mga epekto at dahialn

ng maagang pagbubuntis. Makakatulong rin ito sa pagsasakatuparan ng mga mananaliksik sa

kanilang panlipunang tungkulin na tumulong sa kpwa. Sa tulong ng mga impormasyon ay

maaaring makabuo ang mananaliksik ng realisasyon o aral na maaari nilang ipamahagi sa iba

upang mabawasan, kundi man mapigilan ang paglaganap ng maagang pagbubuntis

3
SA MGA MAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa pagmulat ng mga kabataan sa mga dahilan at epekto

ng maagang pagbubuntis.

SA MGA MAGULANG

Ang pag-aaral na ito ay maaaring makapagbigay ng kaalaman sa mga magulang patungkol sa

dahilan at epekto ng maagang pagbubuntis at makapagbibigay sa kanila ng ideya kung paano nila

gagabayan ang mga anak nila.

SA MGA GURO

Ang pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa mga guro upang magkaroon sila ng ideya

kung ano ang wede nilang maiambag para mabawasan ang paglaganap ng maagang pagbubuntis.

SA PAARALAN

Ang pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa paaralan kung anong ideya ang pwede nilang

gawin kung paano mababawasan at maiiwasan ang maagang pagbubuntis ng mga mag-aaral.

4
DEPENISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Ito ay makakatulong sa mambabasa upang maunawaan nila ang pananaliksik na ito at

mas maging pamilyar pa sila dito. Nanggaling ang mga salita sa diksyunaryo,internet at

iba pa.

1. Teenage Pregnancy(Maagang Pagbubuntis)

- Ang pagbubuntis ng mga babae na wala pa sa tamang gulang.

2. Aborsyon

- Ang pagpapalaglag sa buhay na nasa sinapupunan.

3. WHO(World Health Organization)

- Tumutulong sa pagpapabuti ng kalagayan ng kalusugan.

4. Maternal

-ito ay pagiging ina.

5. Gender Role

- ang papel na ginagampanan ng kasarian ng isang tao.

6. HIV( Human Immunodeficiency Virus)

- Ito ay isang virus na nagdudulot ng sakit na AIDS na hindi ligtas sa

pakikipagtalik.

7. POPCOM( Population Commission)

- Namamahala at tumutulong sa pagbuo ng patakarang may kinalaman sa

populasyon.

5
KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ayon sa pananaliksik ni Robertson (2001), ang mga impormasyon na sumusuporta sa

“teenage pregnancy” bilang isang isyung sosyal ng mga mayayamang bansa. Ito ay ang mga

sumusunod: mababang lebel ng pinag-aralan, kahirapan at ang hirap ng buhay ng mga anak ng

mga dalagang ina.

Sa ibang partikular na lugar, hindi pa gaanong masaganang mga bansa ang maagang

pagbubuntis ay saklaw ng kasal. Ang maagang pag-aasawa ay kabilang sa mga importanteng

salik na nakakaapekto sa mga babaeng maagang nagbubuntis.

Ayon kay Leonard Sax, isang manunulat tungkol sa sekswalidad, ang kadalagahan ay

kadalasang lasing bago gumawa ng sekswal na aktibidad dahil ito ay nakakawala ng hiya at

sakit.

Marami sa mga nagbubuntis na dalaga ay may posibilidad na makaranas ng kakulangan sa

kalusugan dahil sa pagkain na hindi sapat at sa ginawang pagpapapayat na hindi kumain sa

tamang oras. Ang hindi sapat na nutrisyon habang nagdadalang tao ay isang problema sa mga

nagbubuntis.

Ayon sa WHO (World Health Organization), ang mga dalagang ina ay may may malaking

tsansa sa paghinto ng pag-aaral lalo na sa hayskul. Gayon pa man , napag-alaman na itong mga

batang ina ay tumigil sa pag-aaral bago pa man sila mabuntis.

6
Kung ang maagang pagbubuntis ay mayroong masasamang epekto sa nagdadalang tao

mayroon din itong masasamang epekto sa sanggol, ang pagkakaroon ng kapansanan sa paglaki

na maaaring sa pag-iisip at mga kaibahan sa pag-uugali ay mataas sa mga batang isinilang ng

mga batang ina. Ang nagmungkahi sa pag-aaral na ito ay dahil sa kadahilanan sa mga batang ina.

Nakita ng mga batang ina ang kanilang anak na hindi gaano magandang pagganap sa paaralan.

Karamihan sa kanila ay tipikal lamang , ang iba ay hindi nakapagtapos sa sekondarya.

May posibilidad na ang mga batang babae ng batang ina ay maaaring maging batang ina sa

kanyang paglaki. Sa bansang Pilipinas, ang mga maagang nabubuntis ay patuloy na tumataas at

patuloy na nangangailang pansin. Sa kasalukuyan, karamihan sa kanila ay hindi pa kasal. Ang

maagang pagbubuntis ay sadyang hindi pa handa harapin ang mga hamon ng pagiging isang ina.

7
KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik ang mismong kumalap at kumuha ng mga impormasyon upang lubos

na maunawaan at maresolba ang pag-aaral at mga posibilidad sa pag-aaral upang matiyak ang

kalidad ng ipriprisintang impormasyon o datos.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang isasagawang pananaliksik ay gagamit ng ACTION RESEARCH, na gagamit ng “ one-

on-one interview” para makalikom ng impormasyon o datos. Mas pinili ng mga mananaliksik

ang ganitong disenyo upang mas makalikom ng tama at matibay na impormasyon para masagot

ang problema at upang mapadali din ang proseso.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng “ one-on-one interview” bilang pangunahing

instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral.

8
RESPONDENTE

Sa pananaliksik na ito ay kumuha ang mga mananaliksik ng sampung(10) respondente mula

sa mga IKA-11 BAITANG NG SENIOR HIGH SCHOOL ng BENIGNO V. ALDANA

NATIONAL HIGH SCHOOL. Sila ang napiling maging respondente ng mga mananaliksik

sapagkat ayon sa naobserbahan ng mga mananaliksik ang kadalasan na nabubuntis ngayon sa

paaralan ay ang mga nasa baitang 11 ng Senior High School at sila ang may mga karanasan na

patungkol sa suliraning pinag-aaralan ng mga mannaliksik. Sila ay napili sapagkat tiyak na

makakakuha ang mga mananaliksik ng angkop na impormasyon at tiyak na maayos at matibay

na resulta upang masagot ang mga suliranin patungkol sa pananaliksik na isinasagawa.

You might also like