You are on page 1of 9

KAHALAGAHAN NG ATING MGA MAGULANG

Naisip nyo ba kung gaano kahalaga ang ating mga magulang sa ating buhay? naisip nyo rin ba
kung paano mabuhay ng walang kinagisnan at kinalakihang walang magulang o maulila ng
maaga sa kanila? Maaaring sa buhay nating mga kabataan ngayon, mas nakararami na ang
kabataang hindi na gumagalang sa kanilang mga magulang o kaya'y walang pakialam. Hindi na
nila naisip na kung hindi dahil sa kanila wala ako, ikaw, at tayong lahat sa munfong ito. Malaki
ang paghihirap ng ating mga magulang para sa atin. Ang ating "ina" na naghirap sa pag dadalang
tao nila sa atin, hanggang sa iluwal tayo at lumaki. Ang ating "ama" , siya naman ang hirap na
hirap sa pag tatrabaho para magkaroon ng perang pambili ng gatas at gamot natin. Pero ngayon
hindi natin naiisip ang hirap na pinagdaanan nila para sa atin, kung paano tayo palakihin ng may
magandang kinabukasan.

Kung minsan napapaisip ako. Paano kaya kung mawalan ako ng magulang? Iniisip ko palang,
parang hindi ko na kaya ang hirap. Wala na mag -aalaga saakin, wala ng mag-aasikaso sa akin
tuwing umaga bago pumasok sa paaralan at kapag may sakit tayo na nag aalala sa atin ng sobra.
Wala ng sosoporta sa mga bagay na gusto mong gawin. Wala na ring magsasabi ng "ingat ka
anak ha" at wala na ring magagalit tuwing makakagawa ng maling bagay at mag papayo sa
ganitong mga bagay. Lalo na't nasanay tayo na ginagawa sa atin ng ating mga magulang.

Kaya ngayon, habang kapiling pa natin ang ating mga magulang, ipadama natin sa kanila ang
ating pagmamahal. Iparamdam rin natin kung gaano sila kahalaga sa ating buhay, at
magpasalamat tayo sa lahat ng ginawang pagsisikap nila para mapaganda ang ating buhay.
Humingi rin tayo ng tawad sa mga kasalanan na ating nagawa. Suklian natin ng sobrang pag
mamahal at paglingkuran natin sila habang kapiling pa natin sila. Sabihin natin sa kanila na
"Mahal na mahal ko po kayo nay at tay" at nag papasalamat ako na kayo ang aking naging
magulang. Mabilis ang panahon, kaya tayong may mga magulang pa, hanggat maaga pa at
kapiling pa natin ang ating magulang, gawin natin ang lahat ng bagay na ikasasaya nila, bago pa
mahuli ang lahat, at pagsisihan natin ang bagay na mali nating nagawa, at hindi natin
naipadama sa kanila kung gaano natin sila kamahal at kung gaano sila kahalaga sa aring buhay.

Tekstong Persweysiv
TALUMPATING NANGHIHIKAYAT NG TAO

Mga kagalang galang na opisyal, mga giliw kong tagapakinig at ilang taonarito, isang magandang
araw po sa inyong lahat.

Isang karangala para sa akin ang pagpaulakan po ninyo ako, bilang Director ng A.T.C.
International Association in Tea and Coffee Industry, upang mailunsad sa publiko ang isa sa
pinakabago naming produkto.

Ano nga ba ang tsaa?. Ang tsaa ay isang uri ng inumin na maaaring magpaginhawa ng ating
pakiramdam. Sa pag-inom ng tsaa nababawasan ang pangamba natin sa cancer dahil sa anti-
oxidant na meron ito. Ang ani- oxidant na ito ay nakakatulong mapabagal ang pagtubo ng ugat
ng cancer. Maaaring makatulong rin ito sa napakapahamak na liwanag na galing sa araw o
itinuturing natin na UV rays. Sa panahon ngayon naoobserbahan natin ang pagbabago ng bawat
araw. Kasabay nun ay ng pagkalat ng maraming sakit dahil sa mahinang proteksyon ng ating
katawan.

Ang tsaa ay isa rin sa mga herbal products na itinuturing narin. Sa bawat ratsada na nangyayari
sa bawat oras, marami-rami saatin ang napapagod o puyat sa trabaho. Isa sa pinakamainam na
solusyon ay ang pag inom ng tsaa. Dagdag pa dito, ito ay may kakayahang mapabilis ang ating
pagdumi. Gaya ng mga fibers na nakukuha natin sa gulay, kaya nitong maalis ang kemikal na
napaloob sa ating mga bituka na siyang maaring magdulot ng sakit saatin.

Sa panahon ngayon, marami nangsakit ang nagkalat, maraming namamatay sa bawat segundo
hindi dahil sa kaguluhan kundi dahil sa walang lunas sa sakit. Ayon sa aming pag sasaliksik na
nakalap, sa sampung taon namin na kinunan ng test ay apat sa sa taong umiinom ng tsaa ay
napag alaman namin na malakas ang kanilang immune system laban sa mga sakit hindi gaya ng
anim na natitira na hindi umiinom ng tsaa. Ang anim na taong iyon ay hindi nakaligtas ng sakit.
At mula dito napatunayan namin na ang tsaa ay katangitangi ngang talaga. Pinapalakas nito ang
ating resestensya laban sa mga microbyo at baktiryang magdulot ng sakit sa atin.

Aking hinihikayat ang lahat na siya'y tangkilikin itong produktong ito dahil batid ko ang
kaseguraduhan at proteksyon para sa inyo. Muli ako ay nagpapasalamat sa inyong pakikinig, at
pagdalo. Maraming salamat po.

Tekstong Perswaysiv
KAHIRAPAN AY WAKASAN

Marahil tayo ay sawa na sa mga paasang pangako na di natutupad. Mga pangakong sagot sana
ay ginhawa kapalit pala ay paghihirap at kawalang pag- asa. Bagong halalalan,baging
pagkakataon upang bumoto. Panahon upang bagong pinuno ai italaga upang bagong simula ay
matamasa.

Ano ba ang dapat nating unahin? Ano ba ang dapat nating alisin? Upang ang inaasam-asam na
mithiin ay makamit. Kaunlaran na kay hirap maangkin parang bituin na kayhirap abutin.

Simulan natin sa pinaka-sulok ng lakat ng sulok, sa pamilya. Alam rin natin kung ano ang
pinagdadaanan ng aing bansa. Alam rin natin na patuloy ang pagdami ng bilang ng mga tao sa
Pilipinas, pinangangambahang darating ang araw na mauubos ang pangunahing pinagkukunan
ng yaman at pagkain. Kaya dahil dito nais kong maglunsan ng mga programang pampamilya ito
ay ang Family Planning. Mga programa upang problema sa bilang ng populasyon ay
masulusyunan na.

Alam kong di pa kayo kuntento kaya meron pa akong sasabihin, Pangalawa, isusulong ko ang
programang pang- Edukasyong sapagkat totoong dito nagsisimula ang lahat upang bagong pag
asa ay ating malasap. Sa pamamagitan ng edukasyon, mas maipapaliwanag pa ang Family
Planning. Mas mabubuksan pa ang isipan ng bawat isa upang ito ay tuluyang maintindihan dahil
alam natin ang mga bagay na dapat at hindi dapat. Sa pamamagitan rin ng mas progresibong
edukasyon ay magiging mas mataas pa ang kalidad ng pag iisip ng bawat pilipino na siyang
magbibigay daan tungo sa pinto ng tagumpay at kasaganaan.

Noon ay isa lang rin akong estudyante na lugmok sa hirap, ngunit nangarap at nagsumikap
upang makantan ang aking mga pangarap. Kaya dahil dito alam ko kung gaano

Tekstong Naratibo

ANG SALAYSAY NG BUHAY

Sa daloy ng panahonmarami na akong nakamit sa buhayko. Ang oras natin ay mahalaga dahil
hindi natin alam kung hanggang saan lamang tayo makakarating. Ang buhay ay maikli lamang
dapat natin itong bigyang pansin. Marami tayong karanasan kung saan tayo ay masaya o
malungkot. Sa panahon ngayon ang isang segundo ay parang ginto. Marami na tayong
magagawa sa bawar segundo. Sa bawat oras na sinasayang mo, ang iyong nakamit sa buhay ay
unti unting lumalayo. Dapat nating bigyang pansin ang buhay ng bawat tao. Sa dami kong
napaglaanan, ako ay magkukwento sa aking hindi makakalimutang karanasan. Ito ay isang
mahalagang pagkakataon sa aking buhay. Kailan ko lamang nalaman ang kahalagahan ng buhay.
Dapat nating tanggapin ang mga nagkataong matatanggap natin. Itong mga pagkakataon ay ang
simula ng layunin. Abg mga pagkakataong mahalaga sa iyong buhay.

Ang aking ikukuwento sa inyo ngayon ay ang aking buhay. Ito ay nakakaibang karanasan. Kami
ng aming magulang at kapatid ay pumunta sa Singapore. Doon, ang ginawa namin ay mamili,
kumain at mamahinga. Sa unang araw kami ay nagliwaliw at kumain sa iba't ibang kainan.
Noong pangalawang araw kami ay namili sa iba't ibang mga kainan. Sa pang-apat na araw kami
ay pumunta sa isang pamilihan. Doon nagsimula ang aking kwento. Ang simula ng aking
karanasan.

Sa pamilihan na iyon, kami ay namili ng mga pagkain. Habang ako ay nag iikot may roong
lalaking lumapit. Hindi ko sha kilala at tinanong nya ko kung gusto kong sumali sa isang Fashion
Show. Sa uno hindi ko alam ang aking sasabihin. Binigyan niya ako ng Calling Card at sinabi
nyang kung interisado ako tawagan ko na lang siya. Noong makita ko ang aking magulang sinabi
ko ito sa kanila. Ito ang nagbukas ng pintuan para ako ay makilala at maging mahalagang tao.

Sa ngayon ako ay nagpapatuloy sa aking pagiging magaling na tao. Ang pagiging magaling na tao
ay isang mahalagang punto ng aking buhay dahil ito ang nagpasikat saakin. Sa aking pagsikat ako
ay mas nakakatulong sa mga taong hirap sa buhay. Sa mga tulong na aking naibibigay sa mga tao
ay masaya dahil ako ay nakakapagpasaya ng mga tao. Ito ay nakakapagpasaya sa akin dahil isa sa
aking layunin ay magpasaya ng tao.

Sa dami ng aking pinagdaanan, masasabi ko na ang buhay ay mahalaga. Marami tayong


magagawa sa ating kayamanan para mapasaya ang mga naghihirap. Nalaman ko rin na ang
pagpapasaya sa iba ay magpapasaya rin sa iyo. Sa aking pagkasikat ako ay nagpapasalamat sa
mga taong tumutulong sa akin. Itong tulong na ibinigay ninyo sa akin ay mahalaga dahil ito ay
nakakatulongsa akin maging kilalang tao. Sa aking tagapaghangad, sana ito ay makapagbigay
isperasyon sa inyo. Sana itong salaysay ay makakatulong sa inyong mga buhay. Sa tingin ko ay
ang aking pagsasalaysay ay makakatulong ito sa inyong mga buhay. Sa hirao ng buhay ngayon
ang oras mo ay mahalaga sa bawat bagay na ginagawa mo.
Tekstong Naratibo

ANG RELIHIYON NG MGA ASYANO

Ang relihiyon ay sistema ng paniniwala at mga gawain na nalinang sa pakikipag-ugnayan ng tao


sa Kahima-himala o Lumikha. Maituturing na madasalain ang mga Asyano. Naniniwala sila na
maykapangyarihang lumikha ng lahat ay siya ring nagsisilbing gabay sa paggawa ng kabutihan
tungo sa isang maayos na pamumuhay. Sa sandali ng kagipitan, kawalang pag-asa, at
pagkatakot, agad nilang tinatawag nilang Diyos upang maibsan ang pagdurusa at pag
dadalamhating kanilang nararanasan. Hindi maikakaila na halos lahat ng mahahalagang
relihiyon ay nagsimula aa Asya. Ang mga relihiyong ito ay siyang pawang nagtuturo ng
kabutihan, pagmamahalan at pagdadamayan.

Sa relihiyong umusbong sa Asya kasama rito ang Hudaismo, Kristiyanismo at Islam. Ang isinilang
sa Timog Asya ang Hinduismo at Budismo. Sa kabuuan ng Asya, laganap pa rin ang
pananampalatayang Animiamo. Anupa't ang bawat Asyano ay ang taimtim na
mananampalataya anumang relihiyon o paniniwala ang niyakap nila.

Halos kasintanda ng kasaysayan ng daigdig ang relihiyon. Naging bahagi na ito ng buhay ng mga
sinaunang tao at maging sa kasalukuyan.Ang kanyang paniniwala, gawi, pagsasakripisyo, pag-
aalay at mga dasal ay nagpapakita ng pagsamba at pagsunod sa mga kautusan ng
pananampalataya na kanyang kinabibilangan.

Nakasalalay sa relihiyon ang malaking bahagi ng buhay ng Asyano. Hinuhubog ang kamalayan,
pinaiigting ang pagsamba, at maging pag mamahal kay Allah ay bahagi ng relihiyong
pinaniniwalaanng Asyano.

Isang pagpapatunay, hindi nahihiwalay ang relihiyon sa tungkulin o bahaging ginagampanan ng


mananampalataya sa lipunan. Sa bawat aspekto ng kanyang pamumuhay, laging sabgkot ang
pagpahalagang kaugnay ng kanyang relihiyong kinabibilangan.

Sa larangan ng kabuhayan, Naniniwala ang isang Hindu na ang kahihinatnan ng kanyang buhay
ay itinakda ng kanyang kapalaran.

Malabis namang pinahahalagahan ng mga Hapones na sumasampalataya sa Shintoismo ang


kapaligiran at kalikasan na pinanggagalingan ng kanilang ikabubuhay. Ang mga Kristiyano ay
malayang pumapasok sa anumang gawain hangga't hindi lumalabag sa kabutihang asal.
Habang umuunlad ang tao, natututuhan niya ang paniniwala at pagsamba sa iisang Diyos.
Anuman ang pagkakaiba ng pananampalataya, mahalaga ito sa buhay ng mga tao ahil ito ay
nagiging gabay niya sa kanyang kilos, ugali at pamumuhay.

Ito ay ginagamit niyabg paraan upang maipaliwanag ang misteryo ng mundo at sangkatauhan.
Ito rin ang pinag mumulan ng kanyang lakas loob, kapayapaan, inspirayson at kaaliwan sa
panahon ng pamimighati at suliranin sa buhay.

Tekstong Impormatibo

PANANAGUTANG PANSARILI

Ang pagkakaroon ng kapayapaan at disiplinang pandaigdig ay maibibilang sa isa sa


pinakaimposibleng kalagayang magaganap. Ito ay totoo hanggang may mga tao at bansang hindi
kuntento sa mga bagay na nasakanila at mapaghangad sa pag-aari ng iba; hanggang may mga
pinuno ng bansa na ang nais ay sila ang makapangyarihan at kilalanin ng iba.

Subalit imposible man ang pandaigdigang desiplina at kapangyarihan, mayroon paring mga tao
at grupo na hindi nawawalan ng pag-asa at gumagawa ng paraan para makamit ito.

Ang bawat bansa ay hindi sapat sa kanilang sarili. Kailangan niya ang iba pang bansa para sa
kaniyang mga pangangailabgan. Bilang bahagi ng pandaigdigang pamilya, ang bawat bansa ay
nakikipag ugnayat sa iba pang bansa. Ang relasyong ito ng pag -aasahan ng mga bansa ay
makikita sa bawat gawain nila, politikal man at ekonomiko man o hindi. Ang ugnayang ito ay
dikta ng kanilang pangangailangan, anumang sandali ay magkakaroon ng di- pagkakaunawaan.
Sa ganitong mga pangyayari, nagkakaroon ng bahagi ang mga grupo na ang layunin ay
kapayapaang pandaigdigan upang mamagitan sa hidwaan ng mga bansa.

Kung minsan ay hindi pag aalitan ng mga bansa kundi ang kawalan ng kakayaahan ng isang
partikular na bansa na bigyang-solusyon ang kanyang panloob na suliranin. Halimbawa nito ay
ang tag-gutom na nangyari sa Somalia o ang pag aaway ng mga pinuno ng Cambodia. Ang mga
grupo at organisasyong pangkapayapaan at tumutulong upang malutas ang mga ganitong
suliranin. Sila ay naniniwala na ang suliranin ng mundo ay hindi malulutas ng mga islogan
lamang.

Ang United Nations (UN) ay isang halimbawa ng organisasyong ito. Una itong nabuo bilang
pagkakampi-kampi ng mga bansa noong World War II laban sa tinatawag na Axis Powers-
Germany, Japan, at Italya. Ito ay naging pormal nang ganap na samahan ng pagkakaisang bansa
noong 1954. Ang UN ay nagsisilbing Umbrella Organization tulad ng WHO at UNESCO.

Ang Association of South East Nations (ASEAN) na kinabibilangan ng Pilipinas ay naitatag sa


Bangkok noong 1967. Ito ay nag lalayong itaguyod ang paglago ng programa; bantayan ang
katatagang politikal ekonomiko laban sa mga makapangyarihang bansa; at magsilbing lugar para
sa pag sasaayos ng problema ng mga kaanib ng bansa.

Ang mga organisasyong nabanggit ay ilan laman sa mga grupo na kinikilala ang mga gawa ng
tuling - tuling na paglutas sa mga problema sa pamamagitan ng pagbibigay diin sa desiplina at
kahalagahan ng kapayapaan. Hanggang sa suliraning pandaigdigan ay hindi binibigyan ng
malawakang atensyon, nanganganib ang aring mundo at kinaharap.Bagaman ang kailangan ay
malaki at naiibang pagkilos tulad ng mga ginagawa ng mga pandaigdigang organisasyon, may
maitutulong pa rin ang mga indibidwal nating inisyatibo upang maisaayos ang kinabukasan natin
at ng ating mundo.
Tekstong Impormatibo

ILLEGAL NA PAGPUTOL SA PUNO

Tama ba ang illegal na pagputol ng puno? Para sa akin hindi, kahit sabihin pang madali ang kita
ng pera dito masama pa din ito. Ang illegal na pagputolng puno ay isang dahilan sa pagkaubos
ng puno sa ating kagubatan. Isa ding epekto sa pagputol ng puno ay ang pagkawala ng tirahan
ng mgahayop at pagkakaroon ng baha. Paano natin mapapanatiling buhay ang kapaligiran at
kagubatan kung wala tayong desiplina? At bakit may mga taong mapangsamantala sa ating likas
na yaman?

Madaming mapangsamantala sa ating likas na yaman lalo na sa usaping "Illegal" kasi para sa
aking pananaw madali ang pera dito. Isa ko pang kanagulat imbes na solusyon ng gobyerno ay
nakikinabang din sila sa perang nakukuha sa illegal na pagputol ng puno. Hindi ba nila alam na
kapag naubos na ang puno sa ating kagubatan ay wala nang sisipsip sa tubig tuwing bumabagyo
at magiging dahilan ito ng pagbaha, at kung mauubos na ang puno sa kagubatan mawawalan na
ng tirahan ang mga hayop. Mapapanatili natin ang magandang kagubatan kung magtatanim
tayo ng mga puno sa simpleng paraan na ito ay mapaparami ulit natin ang mga punong kanilang
pinutol. Makialam tayo sa bagay na tayo rin ang aani balang araw.

Sa ating mga mamamayan ay dapat nating panatiliin ang kagandahan ng ating kagubatan para
masaksihan pa ito ng mga susunod na henerasyon. Wag nating sayangin ang nalalabing oras
para ayusin ang mga pagkakamali na aring nagawa. Wag nating hintaying magalit ang Diyos na
gumawa sa ating mundo.

Tekstong Deskriptibo

ANG NAGBABAGONG ASYA

Nagbabago ang konstitusyon, patakarang pampulitika at kapakanan ng pamahalaan ng mga


bansang Asyano ang mga pinunlang pampulitikang teorya at institusyon ng mga kanluraning
bansa. May mga pamahalaang demokratiko, sosyalismo at komonismo.
Sa kanila ng pagtamo ng kasarinlan, suliranin pa rin ng ibang bansa ang pampulitikang
katatagan. Sa ilang bansa, ang pag-iiringan ng mga partidong politikal ay nakakasagabal sa
pagpapatupad ng mga proyekto ng pamahalaan. Mapapansin din ang paglitaw ng mga
malalakas na pinuno na nakakagawa ng paraan upang manatili sa posisyon nang matagal na
panahon.

Bagama't naganap ang Unang Digmaang Pandaigdig sa Europa na nasangkot ang Hapon at Tsina,
at iba pang bansa sa Asya. Para sa Hapin, nag bibigay ng pagkakataon ang digmaan upabg
maipamalas ang lakas at kapangyarihan ng kanluraning kapangyarihan. Para sa Tsina at iba pang
bansa, ang pagkakasangkot ay dahilan para sa pagpapahalaga ng pakikipagkaibigan sa mga
magkakaanib na bansa, ang "Allied Countries.

Hindi maiaakila na maraming sanhi ang Unang Digmaang Pandaigdig. Isa na ang imperyalismo
na kung saan ang malakas na bansa ay nagkakalaban-laban sa pananakop ng mga kolonya.
Tumindi ang kompitisyon dahil naman sa nasyonalismo sapagkat ang isang bansa ay ayaw
pasailalim at padaig sa iba.

Sa simula ng dugmaan, sinikap ng Tsina at Estados Unidos na pigilan ang paglaganap ng digmaan
sa Asya. Magugunita na may mga kolonya sa Asya ang bansang kasangkot. Iba naman ang
pananaw ng Hapon.

Naniniwala ang mga Hapon na habang abala ang mga bansang Europeo, mapapalawak nila ang
kanilang interes sa Asya. Kumampi ang mga Hapon sa "Allies" Sinalakay nito ang base militar ng
Alemanya sa Tsing Taw sa Shantung Peninsula at sinakop ang Pulong Kolonya ng mga Aleiman sa
Pasipiko.

Nang nagsimula ang digmaan, ipinahayag nga Tsina ang pagiging neutral nito. Subalit noong
1917, hindi na maiiwasan ng mga Intsik ang di masangkot sa digmaan.

Bagama't hindi nasiyahan ang Indiya sa pamamahala ng Ingles, kumampi pa rin ang mga Indiyan
sa mga "Allies", Sa kabilang dako, tumulong ang mga Pilipino sa mga Amerikano.

Masasabing may matatag na likas na pundasyon ang Asya subalit ang wastong pagsasanib ay
nagdudulot ng mga suliranin ngayon.

You might also like