You are on page 1of 2

Sa pangaraw-araw ko na gawain; paggising sa umaga, kakain ng umagahan kahit

walang gana, maliligo ng malamig na tubig, magbibihis ng luwag na uniporme, hindi ko


namamalayan na nakakapagpabago na pala ako ng buhay ng isang tao. Maaring ito ay
dahil sa maliit na bagay lamang tulad na lamang ng pagbili ng mainit na taho sa umaga
sa mamang pawisan, mukhang pagod dahil sa pagtatrabaho at pagkayod ng pera para
sa kanyang pamilya, doon ko napansin na sa pagbili ko palang ng isang taho sa kanya
ay nadadagdagan ang kanyang pangpiyansa sa pangaraw-araw na pangangailangan
niya at ng kanyang pamilya. Ganun ang kagandahan ng pagiging isang lasalyano, walang
katumbas ang pagiging mayaman o matalino sa pagiging matulungin sa kapwa. Noong
ako ay lumipat ng paaralan, labag ito sa aking kalooban dahil narin ayaw kong iwan ang
mga kaibigan ko. ngunit nung ako ay nasa kalagitnaan na ng semestre, napakalaking
pagbabago ang aking naranasan nang ako ay lumipat sa De La Salle Lipa, kung dati ako
ay hindi masyado nakikisalamuha sa iba, ngayon naman ay mahilig na ako
makipagkaibigan at handang makapagbigay tulong sa nangangailangan.
Napakagandang pakiramdam ang makapagpasaya ng tao at ang maging dahilan ng
kanilang magagandang ngiti. Ang pagiging lasalyano ay ang kusang-loob na pagtulong
sa kapwa ng walang hinihinging kapalit.

Binansagan tayo bilang isang Lasalyano dahil tayo ay kabilang sa isa sa mga
nangungunang institusyon sa bansa ngunit nabubuhay ba tayo bilang isang Lasalyano?
Itinuro sa atin na sa ating bawat kilos ay kasama ang Diyos. Binigyan tayo ng
pagkakataon para makasilip sa buhay ni San Juan Bautista De La Salle. Makikita sa
buhay niya na maari nating masalamin sa ating buhay na dapat tayo ay may pakikihabag
sa tao, pagmamahal sa Diyos at ang pag-alay ng sarili sa Diyos at sa bayang sinilangan.
Ang mga araling iniwan sa atin ni De La Salle ay dapat isabuhay mula sa ating kasibulan
hanggang tayo ay makarating sa ating paghihimlayan. Ang ating pagaaral sa loob ng
institusyon ay nagbibigay daan sa atin upang buksan ang ating puso at isipan sa
paggamit ng ating potensiyal. Ang pagaaral dito ay pawang lakbay ng buhay na may
magandang maibibigay sa atin sa dulo ng paghihirap.
Para sa Diyos at Para sa Bayan; palagi itong binabanggit sa atin upang maitatak
ito sa ating isipan at maisabuhay natin hanggang tayo ay tumanda. Tinuruan tayo na
mamulat sa katotohanan sa murang edad upang matutunan na ang katumbas ng
pribelehiyo na ating nararanasan ay may mga nangangailan ng ating tulong. Maibibigay
natin ang lahat ng kaalaman at kahalagahan na ating natutunan sa loob ng institusyon
kung iaalay natin ang lahat ng ito para sa ikabubuti ng bayan. Maaring ang ibang
magaaral ay hindi pinahahalagahan ang pagiging Lasalyano ngunit lingid sa kanilang
kaalaman ay ito ay naisasapuso natin dahil sa mga natutunan natin sa loob ng institusyon.
Ang kaalaman na ating nasasagap ay maari natin gamitin upang gumawa ng paraan o
isang bagay na magdadala sa atin at sa mga kapwa natin patungo sa inobasyon at
ikagiginhawa ng buhay ng bawat isa. Ang realidad ay maarin natin makamit kung ating
bubuksan ang sarili sa mga oportunidad na makasalimuha ang katotohanan sa atin
kapaligiran.

You might also like