You are on page 1of 3

KELLEY MURRAY RODIL

BAYANIHAN
Ang konsepto ng bayanihan noon ay ang sama-samang pagtutulungan ng mga
magkakapitbahay o mga magkakabaranggay sa pagbuhat at karaniwang paglipat ng isang bahay,
na noon ay kubo na gawa sa nipa at iba pang magagaan na materyales, ng kanilang kasamahan
patungo sa isang bagong pwesto. Subalit ngayon ay maisasagawa na natin ito sa iba't ibang
pamamaraan mahirap man o mayaman. Halimbawa na lamang ngayong pandemya, hindi lamang
ang pamahalaan ang nakapagbibigay ng tulong sa ating mga kababayan, kundi maging ang
pribadong sektor, mga organisasyon at maging ang mga nasa simpleng pamumuhay na
mamamayan. Gaya ng mga nausong “community pantry” upang matulungan lalot higit na ang
mga nasa mababang pamumuhay o higit na walang kakayahan makabili ng kanilang mga
pangunahing pangangailangan.

UTANG NA LOOB
Ang konsepto ng utang na loob ay tumutukoy sa obligasyon sa tamang pamamaraan ng
pagbabalik bayad sa pamamagitan ng pagtulong o pagtugon sa pabor mula sa taong
pinaglalaanan mo nito. Ito ay pasasalamat na hindi mababayaran ng anumang halaga. Halimbawa
na lamang dito ay ang ating relasyon sa ating mga magulang, kung saan tayo ay kanilang
inalagaan at pinalaki.

PAKIKISAMA
Ang konsepto ng pakikisama ay pakikiisa o pakikibagay sa mga nakararami upang
mapanatili ang maayos na samahan sa kapwa. Ang pakikisama sa iba’t-ibang tao ay nakatutulong
upang mapatibay ang isang relasyon. May mga bagay talagang dapat marunong tayo makisama
upang mapagtagumpayan ang ating nais. Dapat nating pahalagahan ang pakikisama sa
iba’t-ibang tao. Ito ay mahalaga lalo na sa malalapit sa atin at maging sa ibang tao na hindi pa
natin lubusang kilala. Mga halimbawa nito ay kapag may patay, makikitang ang mga kaibigan ng
pamilya ng namatayan ay nakikipaglamay upang maipakita ang kahalagahan ng taong namatay.
Kung tayo ay nasa ibang bahay o nakikitira sa ating kamaganak, ang pagtulong sa gawaing
bahay ay mahalaga upang maipakita ang ating pakikisama sa kanila.
RESPECT FOR OTHERS
Sa aking sariling pagkakaunawa sa kahulugan ng respect for others o kung sa tagalog ay
ang pagrespeto sa iba ay, ito ay isang uri ng pag-galang sa lahat ng bagay dito sa mundo, ito man
ay matanda, bata o kaedad natin at maging mapa hayop man, at mga bagay. Ito ay ang paggalang
sa lahat ng karapatan, opinyon o kultura man ng bawat tao. Ito ay mahalaga lalo’t higit tayo ay
may kanya-kanya at iba’t ibang pananaw o kaisipan sa buhay. Halimbawa na lamang dito ay ang
paggamit natin ng po at opo sa mga nakatatanda at ang pagsunod sa mga dapat at hindi dapat
gawin kapag tayo ay nasa ibang lugar na may ibang kultura.

HIYA
Ang konsepto ng hiya ay tumutukoy sa damdamin ng tao na hindi makapag pahayag ng
damdamin, nais o pakay. Kalimitan tayo ay nakararamdam ng hiya dahil gusto nating ipakita sa
lipunan o sa ibang tao ang pinakamabuting bersyon ng ating sarili at pamilya. Halimbawa na
lamang ay ang pagsasabi ng “ayoko po nahihiya ako” o “hindi ko po kaya dahil nahihiya ako”
kapag tayo ay pinasasali ng ating magulang, kaibigan o guro sa isang aktibidad na kung saan ay
may maraming tao ang maaring makapanood sa atin. At tayo ay nahihiya o mahiyain dahil wala
tayong “confident” o tiwala sa ating sarili at natatakot tayong magkamali at mapahiya.

INDUSTRY AND HARDWORK


Ito ay ang pagiging masipag at matiyaga ng isang tao sa pagtatrabaho at pagkamit ng
ating mga pangarap. Maging sa ating tahanan pa lamang ay makikita na kung paano tayo naging
masipag sa pamamagitan ng paggising ng maaga upang magwalis ng harapan ng ating bahay,
pagpapanatiling walang hugasan sa ating lababo matapos kumain, at iba pang gawaing bahay.
Pagdating sa pagtatrabaho o sa career natin tayong mga pilipino ay maituturing na may matataas
na pangarap at para sa atin hindi tayo tumitigil hanggat hindi nakakamit ang ating nais.
Halimbawa na lamang dito ay ang pagkakaroon ng dalawa o higit pa na trabaho o ang
pagdodoble kayod. Isa rin dito ang pagiging working student ng iba sa ating mga estudyante
upang makapag aral.

FAMILY SOLIDARITY
Ang pangunahing kahulugan ng solidarity ay ang pang-unawa sa mga obligasyon sa isa't
isa sa pagitan ng mga miyembro ng isang komunidad. Sa pamilya ang ito ay ang pagtutulungan
ng bawat miyembro ng pamilya mapa gawain man sa bahay, obligasyon o pinansyal. Halimbawa
na lamang ngayon ay ang pagtulong sa ating mga nakababatang kapatid sa kanilang mga modyul
at gawain sa pagaaral.

PRIDE IN ONE’S OWN PRODUCT


Ito ay ang pagtangkilik nating mga pilipino sa sariling atin o mga produktong gawang
lokal. Halimbawa nito ay ang pagbili at pag-endorso ng mga produktong may materyales o
gawang pinoy.

You might also like