You are on page 1of 5

Kahulugan Ng Mapanuring Pagiisip

Nagiging hayag ang anyo ng mapanuring pag-iisip sa pilosopiya sa pagtalakay ng mga


konsepto, prinsipyo, at suliranin sa mga larangang tulad ng pilosopiya ng wika, epistemolohiya,
pilosopiya ng agham, lohika, at etika.

Nagiging hayag ang anyo ng mapanuring pag-iisip sa pilosopiya sa pagtalakay ng mga


konsepto, prinsipyo, at suliranin sa mga larangang tulad ng pilosopiya ng wika, epistemolohiya,
pilosopiya ng agham, lohika, at etika. Natatangi ang pagtalakay ng pilosopiya sa mga larangang
ito dahil sa kalikasan ng mga tanong at pagtatanong kaugnay nito. Sa pagtalakay sa mga
larangang ito, tila inaakay ang mga mag-aaral na magkaroon ng husay at talas ng pag-iisip sa
pamamagitan ng argumentasyon at pangangatuwiran.

Sa pamamagitan ng pagtalakay sa larangan ng etika, nagkakaroon ng mas malawak na


balangkas ang mga mag-aaral hinggil sa mga isyung moral. Nahahasa ang kanilang kakayahang
himayin at suriin ang mga nasabing isyu sa konteksto ng mga teoryang etikal.

Katatagan ng Loob

Ang ibig sabihin ng Katatagan ng loob ay yung kahit na anung mangyari ay makakaya mo itong
lampasan o tapusin at yung kahit na anu pa yung mga masasakit na sinasab ng ilan sa paligid mo
ay wala kang paki alam sa halip ay mas pinatutunayan mo pa sa kanila na kaya mo at mali sila.

Pagkamatiyaga

Ang tiyaga, pasensiya, pasyensiya, taman, at siyasip (Ingles: patience) ay ang katayuan
ng pagkakaroon ng katatagan o tibay at kakayahang tumagal ng isang tao habang nasa ilalim ng
mahirap na mga kalagayan o pangyayari, na nangangahulugan ng pagsusumigasig,
pagpupunyagi, at pagsusumikap habang nasa harap ng pagkaantala, paghamon, o pagkaantig na
hindi naiinis o naaburido; o nagpapakita ng pagbabata at pang-unawa sa harap ng pang-uudyok
habang pinangingibabawan ng kahirapan o pamimilit, natatangi na ang kapag humaharap sa
pangmatagalang mga kabigatan o paghihirap. Sa payak na kahulugan, ito ang mahinahon o
matatag na hindi pagmamaliw o pag-ayaw sa kabila ng nadaramang hapdi o pasakit,
pagkayamot, at iba pang katulad na mga damdamin, at mayroong kasamang pagtaban o
pagpipigil ng sarili.Ginagamit din ito upang tukuyin ang katangiang asal ng pagiging matiisin at
mapagbata. Kabaligtaran ito ng pagiging padaskul-daskol o nagmamadali at pagiging mapusok o
sige-sige.

Pagkabukas ng Isipan

Ang bukas na isipan ay tunay at malawak na pang unawa. Na dapat ibigay say0ng kapwa.
. .na walang pagdududa. Marunong tumanggap ng kamalian. Matalin0 sa pag bibigay. Upang
ang puso't damdamin
ay maligayang tunay.
Pagmamahal sa Katotohanan

Ang kahulugan ng katotohanan ay kaugnay ng prinsipyo ng katumpakan, katamaan, katunayan,


katiyakan, katapatan, kataimtiman, at mabuting paniniwala. Katumbas din ng salitang totoo ang
terminong matimyas.

Pagkamapagpsensya

Ang isa pang mahalagang hakbang sa pagiging maamo ay ang matutong kontrolin ang
ating galit. Dahil ang likas na tao ay nasa kalooban ng bawat isa sa atin at dahil nabubuhay tayo
sa mundong puno ng pamimilit, ang pagkontrol sa ating galit ay maaaring isa sa mga hamon sa
ating buhay. Isipin saglit kung paano ang magiging reaksyon mo sa isang taong hindi sumusunod
sa nais mo sa oras na gusto mong sumunod sila. Paano naman kapag hindi sang-ayon ang mga
tao sa iyong mga ideya, kahit na natitiyak mong ang mga ito ang tamang solusyon sa isang
problema? Ano ang tugon mo sa taong nakasakit ng iyong damdamin, bumabatikos sa mga
ginagawa mo, o hindi mabait sa iyo dahil mainit ang ulo niya? Sa mga sandaling ito at sa iba
pang mahihirap na situwasyon, dapat nating matutuhang kontrolin ang ating galit at magpakita
ng pasensya at magiliw na panghihikayat. Pinakamahalaga ito sa ating mga tahanan at sa
kaugnayan natin sa ating kabiyak sa walang-hanggan. Sa loob ng 31 taong pagsasama naming
mag-asawa, madalas niya akong bigyan ng magiliw na paalala sa pagharap namin sa mahihirap
na hamon sa buhay.

Pagkamahinahon

Sa pagkontrol sa ating mga reaksyon, sa pagiging kalmado at mahinahon, at pag-iwas sa


pakikipagtalo, magiging marapat tayo sa kaloob na kaamuan. Ang isa pang hakbang para
magkaroon ng kaamuan ay ang magpakumbaba. Inutusan ng Panginoon si Thomas B. Marsh sa
pamamagitan ni Propetang Joseph Smith, na nagsasabing, Maging mapagpakumbaba ka; at ang
Panginoon mong Diyos ay aakayin ka sa kamay, at bibigyan ka ng kasagutan sa iyong mga
panalangin.

Naniniwala ako na ang mga mapagpakumbaba lamang ang nakakikilala at nakauunawa sa mga
sagot ng Panginoon sa kanilang mga panalangin. Ang mga mapagpakumbaba ay madaling
turuan, nakikilala nila na dumedepende sila sa Diyos at hinahangad na mapailalim sa Kanyang
kagustuhan. Ang mga mapagpakumbaba ay maamo at may kakayahang impluwensyahan ang iba
na gawin din ang gayon.

Paggalang sa Opinyon ng ibang tao

Sa maliliit na komunidad ay inaasahang bibigyan mo ng pansin ang sinumang nakakasalubong


mo habang naglalakad sa daan o kapag pumapasok sa isang silid. Ito ay isinasagawa sa
pamamagitan ng simpleng pagbati, pagngiti, pagtango, o kahit ng pagtataas ng mga kilay. Ang
di-pagpansin sa isang tao ay minamalas na kawalang-galang. Kasali rin sa paggalang ang
pagkilala sa pagkaulo. Sa ilang lugar, kailangang makipag-usap muna sa ulo ng sambahayan
bago magpatotoo sa iba pang kasambahay.
Ang paggalang gaya ng ipinakikita sa mga indibiduwal ay dapat ding makita kapag nagsasalita
sa tagapakinig mula sa plataporma.

Pagkamagalang

Ang paggalang ay ang pagpapalagay ng mabuting hangarin at kakayahan ng ibang tao o sa sarili.
Kailangang mayroon itong lalim ng integridad, tiwala, mga komplementaryong pinapahalagaang
kaugaliang wagas, at kasanayan.
Dinadagdag ng paggalang ang pangkalahatang tiwalaan sa pakikipag-ugnayan sa lipunan.
Tinutulot nito ang mga tao na magsama-samang gumawa sa isang komplementaryong gawi, sa
halip na palagiang unawain o sang-ayunan ng bawat tao ang isa't isa. Mahalaga ang paggalang sa
mga pamayanan dahil tumutulong ito sa mga tao na makibagay sa ibang mga tao.
Samantala, ang pakundangan ay isang salita na nagpapahayag ng antas ng panggalang. Ang
salitang ito ay nahahati sa dalawa at ito ang "paki" at "dangan" na ang una ay nagpapahayag ng
paggalang at ang ikalawa ay nagsasabi ng may mabuting dahilan o katuwiran. Kung gagamitin
ang salitang ito, mag-iisip muna ang isang tao kung itutuloy niya ang gagawin sa kaniyang
kapuwa dahil may pakundangan siya. Kabaligtaran ng paggalang ang paglapastangan na may
kahulugang "kawalan ng pagrespeto".

Pagkamahabagin

SA BUONG kasaysayan, lalung-lalo nang kailangan ngayon ng napakaraming tao ang


mahabaging pagtulong yamang napapaharap sila sa taggutom, sakit, kahirapan, krimen,
digmaang sibil, at likas na mga kasakunaan. Ang pagkamahabagin ay tumutukoy sa may-
pagmamalasakit na kabatiran sa pagdurusa o paghihirap ng iba taglay ang hangaring maibsan ito.
Gaya ng isang basong malamig na tubig sa napakainit na panahon, ang pagkamahabagin ay
nakapagpapaginhawa sa isang napipighati, nakababawas ng kirot, at nakapagpapasigla sa isang
nagdurusa.

Maipakikita natin ang pagkamahabagin sa pamamagitan ng salita at gawasa


pagmamalasakit sa iba at sa pagiging handang tumulong kapag kailangan nila. Ang habag ay
hindi lamang dapat ipakita sa mga kapamilya, kaibigan, at mga kakilala. Puwede rin nating isali
rito ang mga taong hindi natin kilala.

Pagkakawang-gawa
Ang kawanggawa ay ang kusang-loob na pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan, bilang
isang makataong gawain o wala ring hinihinging kapalit kundi salamat lang.

Ang pagbibigay ng tulong ay ang pagbabahagi ng salapi, mga kagamitan at pagkain, o


panahon para sa mga kapus-palad, maaaring direkta o sa pamamagitan ng mga organisasyong
gumagawa ng ganito. Ang pagbibigay ng tulong, bilang isang relihiyosong gawain o tungkulin,
ay tinutukoy na pagbibigay ng limos. Ang salitangcharity ay nagmula sa birtud ng karidad.
Ang naghihirap, lalo na ang mga balo o ulila, at mga may sakit o may pinsala sa katawan, ay ang
mga nararapat na tumatanggap ng tulong. Ang mga tao na hindi kayang suportahan ang kanilang
mga sarili at may kakulangan sa suporta ay nagiging mga pulubi, direktang nangongolekta ng
tulong mula sa mga estrangherong nakakasalubong sa publiko.
May ilang grupo na namamahagi sa ibang miyembro na mula sa kanilang grupo.
Bagaman ang pagbibigay sa mga malalapit na tao ay minsang tinatawag na kawanggawa ayon
sa isang kasabihan Ang pagkakawanggawa ay nagsisimula sa tahanan karaniwan, ang
pagkakawanggawa ang nangangahulugang pagbabahagi sa mga hindi kakilala, ngunit may
respeto sa magulang at mga kaugaliang tulad nito para masuportahan ang pamilya at mga
kaibigan. Sa katunayan, ang pagtrato ng mga may kaugnayan sa nagbibigay na parang sila ay
mga estranghero na nangangailangan ng tulong ay humantong sa isang tayutay na "as cold as
charity(sinlamig ng karidad) nagbibigay para sa kanyang mga kamag-anak na parang sila ay
mga estranghero, walang pagmamahal.

Pagmamalasakit Sa Kapwa

Hindi lamang tayo mahilig humatol sa mga kilos at salita ng iba, kundi marami sa atin ang
humahatol sa panlabas na anyo: pananamit, estilo ng buhok, laki. Marami pang iba.
Ang pag-ibig sa kapwa-tao ang pinakadakila, pinakamarangal, pinakamasidhing uri ng pag-ibig,

Pagmamahal sa Bansa
Ang pagmamahal sa bayan ay isang mahalagang tungkulin ng isang mamamayan sa isang
bansa. Lahat tayo kahit kabataan ay dapat may pagmamahal sa bayan dahil kung wala tayo nito
ay "daig pa natin ang hayop at malansang isda" katulad ng sinabi ni Dr. Jose Rizal. Maraming
paraan para maipakita natin ang ating pagmamahal sa bayan tulad ng pagmamahal sa sariling
wika, pagtangkilik at pagbili ng produktong gawa sa ating bansa. Pwede rin nating tularan ang
ibang mga katangian ng mga bayani sa ating bansa na inialay pa ang kanilang buhay para lang
maipagtanggol ang bayan. Pero hindi naman ibig sabihin na ialay din natin ang ating buhay,
siguro bilang kabataan o mag-aaral dapat nating ipagmalaki ang ating pagiging Filipino sa
pamamagitan ng pagsunod sa kultura na kinagisnan ng ating mga magulang. Dapat huwag nating
gayahin ang kultura ng ibang bansa na para lang maging makabago ay kinakalimutan na ang mga
nakagisnang kultura na natutunan natin sa ating mga magulang at sa ating mga lolo at lola. Ako,
bilang kabataan ay masasabi ko pa rin na may pagmamahal pa rin ako sa bayan dahil sinusunod
ko pa rin ang mga kultura na nakagisnan ng aking mga magulang tulad ng paggalang sa
nakatatanda, pagmamano, at paggamit ng po at opo. Bilang mag-aaral, maipapakita rin natin ang
pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng paggalang sa watawat at pag-awit ng Lupang Hinirang
sa tamang paraan. Para sa akin, hindi naman mahirap gawin ang pagmamahal sa bayan,
kailangan lang ng disiplina, pagiging matapat, at higit sa lahat pagmamahal sa pamilya at pati na
rin sa kapwa.

Pamalayang Pansibiko

Nakatutulong upang punan ang pangangailangan ng mga mamamayan na hindi natutugunan ng


pamahalaan. Kinabibilangan ng mga retiradong mamamayan lamang na may sapat na panahon sa
mga gawaing pansibiko. Mga aktibidad ng mga propesyonal mula sa pribadong sektor na
nagbibigay ng serbisyong may bayad. Mga proyekto ng pamahalaang naglalayong makamit ang
ikabubuti ng nakararami.
Mapanagutan

You might also like