You are on page 1of 1

Dasal Namin Pagkatapos ng Klase

ni: Von Anrada

Maraming salamat po.


Sa mga aral na inyong itinuro,
Sa pamamagitan ng aming guro,
Na matiyagang nagbibigay-karunungan
Sa mga utak naming mangmang.

Nawa’y magamit ng lahat


Ang mga aral na ito
Sa pawang kabutihan lamang.

Gabayan mo kaming muli bukas


At iyong dagdagan
Ang mga aral na ito,
Kasama ng mga pagkakataon
At mga biyaya ng panahon,
Upang maiguhit namin nang mainam
Ang aming mga kinabukasan.

Panalangin ngayon pagkatapos ng klase


At aming hinihiling na sana,
Magkaroon pa kami ng kalakasan,
At katatagan,
Upang muli naming mapagyaman
Ang aming kaisipan.
Nais namin na ikaw
Ay aming pasalamatan
sa biyaya ng karunugan.

Panimulang Panalangin
Diyos Ama, hindi po magiging madali para sa amin ang araw na ito kung wala po kayo sa
aming tabi. Gabayan ninyo kaming lahat na mag-aaral upang malinang ang aming isipan at
maunawaan ng lubos ang anumang leksiyon na itinuturo sa amin. Gabayan din naman
ninyo ang aming mga guro upang magkaroon sila ng sapat na katiyagaan upang maihatid
sa mga estudyante ang mga aral na dapat nilang ituro. Maraming salamat po. Sa ngalan ng
Ama, Anak at Espiritu Santo. Amen.

You might also like