You are on page 1of 5

UGALING WAGI

Marami tayong mga ugali at mga katangian na mas


nagpapatingkad sa ating pagka-Pilipino at n gating
pagkakakilanlan. Mga katangian na mas lalong naglalarawan at
nagpapakilala sa tunay na mga Pilipino. At walang sinuman
ang makakapagpabago dito dahil ito na ang mga nakaugalian
nating mga Pilipino mula sa simula hanggang sa modernong
panahon.
Una na sa listahan ang mabuti at magiliw na pagtanggap
natin sa mga panauhin at ang maayos na pakikitungo na
natutunan natin sa ating mga ninuno. Ang maayos na
pagtanggap ay nakagawian na nating gawin sa ating mga
panauhin. Pinapatuloy natin sila sa ating mga tahanan ng
walang pag-aalinlangan at pinapaupo sila sa komportableng
upuan upang masiyahan sila sa atin. Pinagsisilbihan natin sila
tulad ng pagbibigay ng tubig o di kaya ay paghahain ng
pinakamasarap na pagkain na ating makakaya upang dito na
siya kumain at kung minsan pa nga ay pinaghahandaan natin
sila ng maayos na matutulugan upang magpahinga.
Sinusuklian naman nila tayo ng regalo ng panauhin bilang
pasasalamat sa maayos na pakikitungo at mabuting
pakikisama.
Dito tayo higit na nakilala ng mga dayuhan sa ating
bansa. Binibigyan natin sila ng pansin upang mas lalo pa
nilang magustuhan ang ating bansa na tunay nga namang
nakakatulong sa pagpapalago at pagpapaunlad ng ating turismo
na nagpapaangat sa ating ekonomiya.
Isa ring magandang katangian ng mga Pilipino ang
pagkakaroon ng takot sa Diyos at pagtitiwala sa Kanya. Sa
kanya tayo humuhugot ng lakas sa tuwing kailangan natin ito.

Sa kanya tayo humihingi ng gabay at sa kanya rin tayo


nagsasabi ng ating mga problema dahil alam natin na lahat ng
panalangin at mga kahilingan natin ay tinutupad Niya. Na kahit
ano pa man ang problema na dumating, malaki man o maliit,
madali man o mahirap, ay kaya nating lagpasan at solusyunan.
Di tayo kailanman nawawalan ng pag-asa kahit ano pa man
ang dumating sa ating buhay. Lahat ng problema ay binibigyan
natin ang mga dahilan upang tumawa at magsaya sa gitna ng
lahat ng ito.
Ang mga bagyong dumating sa ating bansa, mga
kalamidad na sumira ng maraming kabahayan at ari-arian,
kumitil ng maraming buhay-mayaman man o mahirap, o kahit
ano pa mang mga panganib na dumating at patuloy na
dumarating ay mga patunay lamang sa mga problema ng ating
bansa na nagpakita ng pagiging matatag ng mga Pilipino . Sa
kabila ng lahat ng ito, nananaig ang pagtutulungan at
pagkakaisa ng mga Pilipino makaahon lamang mula sa
pagkakalugmok. Halimbawa na nito ay ang Bagyong Yolanda
na tumama sa may Kabisayaan. Halos mabura na ito sa mapa
subalit pagkatapos nito, hindi mo makikita sa bawat mukha ng
mga Pilipino ang kapighatian kundi mga nakangiting mukha na
naniniwalang may pag-asa pa.
Ganito tayo maniwala sa Diyos at malakas tayo sa
kanya. Ang mga Pilipino ay may pananalig at may tapat na
pananampalataya. At sa kanya din nagmula kung bakit ganito
magmahal ang mga Pilipino. Nakilala tayo sa pagiging
mapagmahal kung kayat marami sa ating mga kababayan ang
nakakatagpo ng kabiyak sa ibang bansa at nakabuo ng isang
masayang pamilya. Nakilala nila tayo sa pagiging palangiti at
palatawa lalo na sa gitna ng gulo at kalamidad na tunay nilang
kinagugustuhan sa atin.
Tiyak na hindi naman mawawala sa listahan ang
pagiging magalang ng mga Pilipino na ginagawa parin kahit sa
kasalukuyan. Isa na dito ang paghalik sa kamay o pisngi at
pagmamano sa matatanda bilang tanda ng paggalang.
Karaniwan itong ginagawa ng mga bata pagkatapos magdasal
ng orasyon o pagkagaling sa simbahan. Maaari din itong gawin
bago umalis ng bahay, kapag may dumadating o bumisitang
kamag-anak o matanda, at kapag nakita at nasalubong nila ang
kanilang ninong at ninang.
Ipinakikita rin ang paggalang ng mga batang Pilipino
tuwing nakikipag-usap sila sa matanda. Gumagamit sila ng po
at opo at magalang na pananalita at pagbati gaya ng "Salamat

po" at "Magandang hapon po." Ginagawa din natin ang


pagpapaalam ng maayos. Gumagamit din sila ng magagalang
na pantawag sa matatanda gaya ng kuya, ate, manong, manang,
lolo, lola at iba pa.
Sumunod dito ang pagiging matulungin ng mga Pilipino.
Ang pagtutulungan na nagsisimula sa sariling tahanan.
Nagtutulung-tulong ang mga kasapi ng mag-anak sa mga
gawaing-bahay. Gumagawa ang pamilya bilang isa upang mas
mabilis na matapos ang mga gawain. Nagtutulungan din ang
bawat isa sa magkakapitbahay upang maisaayos at mapaunlad
ang kanilang pamayanan. Ang pagkakaisa sa paglilinis ng
kapaligiran at pagsunod sa mga batas ay halimbawa ng
pagtutulungan.
Ang karaniwang tawagan sa pagtutulungang ito ay
bayanihan. Tumatawag ang magkakapit-bahay ng bayanihan
kapag may malaking gawain isasagawa sa maikling panahon.
Nagtutulungan ang bawa't isa upang maging magaan ang isang
mahirap na gawain. Kalimitang ginagawa ito tuwing panahon
ng pagtatanim at pag-aani at sa paglilipat ng isang bahay sa
ibang lugar.
Bilang isang simpleng estudyante, nakasanayan na ng
kabataan ang pagtulong sa mga matatanda o sa mga magulang
kung may mabigat na dinadala, tayo ang nagbubuhat ng
kanilang ginagawa. Tinululungan din ang mga nahihirapan sa
pagtawid tulad ng matatanda. Ito ang mga kadalasan nating
nakikita araw-araw. Sa ganitong simpleng paraan, nakakagawa
na tayo ng pagtulong sa kapwa. Tinutulungan din natin ang
ating mga sarili sa pagkamit ng ating mga pangarap sa buhay.
Lahat ng ito ay likas na katangian ng isang Pilipino.
Hindi rin maikakaila ang pagiging positibo ng mga
Pilipino sa lahat ng bagay. Ito ang dahilan kung bakit marami
na ang nagtagumpay sa mga Pilipino. Halimbawa na lamang
dito ay ang mga artista tulad ni Regine Velasquez at Angeline
Quinto na mga sikat na singer na ngayon. Mga dating
nagtitinda lamang ng kakanin ay ngayoy sumikat na at
nagbibigay na ng inspirasyon sa atin. Nagkaroon sila ng
positibong pananaw sa buhay at pag-asang makakamit nila ang
lahat ng pangarap.
Ang mga Pilipino din ay masipag at masikap. Ang
dalawang pinaghalong katangiang ito ay natutunan din natin sa
ating mga ninuno. Lalo na sa mga probinsya ay marami tayong
makikitang nagsisipag at nagsisikap upang may makain sa

buong araw. Ang mga magagandang tanawinsa ating bansa


tulad ngg Banawe Rice Teracces ay isa sa mga patunay ng
pagiging magipag at msikap ng mga Pilipino. Ito din ang
dahilan kung bakit masagana an gating turismo.
Sinabayan pa ng pagiging malikhain at malinis na mas
lalong nagbuo ng napakagandang interaksyon upang
makagawa ng naiiba ngunit napakagandang gawa. Nakilala
tayo sa pagiging malikhain lalo na sa ibang bansa. Kahit may
mga bagay na alam nating wala nang solusyon ay nagagawa pa
rin nating hanapan ng solusyon at mas lalo pa natin itong
napapaganda. Nakakimbento tayo sa mga bagay-bagay na
hindi na mapapakinabangan at nakakadiskubre tayo ng mga
bagong kaalaman.
Ang lahat ng mga ugaling ito ay mga katangiang hindi
likas na sa ating mga Pilipino. Hindi maitatangging
maipagmamalaki natin. At at tunay lamang na nagpapakita sa
pagiging UGALING WAGI ng mga Pilipino.
Eliseo Dayaon

You might also like