You are on page 1of 1

Pamilyang Pilipino

Ang pamilya ay parang puno, daanan man ito ng bagyo, ulan, at init, nakatayo pa rin itong matatag at
pinipilit na harapin ang bagyong paparating.

Ang pinakamahalagang regalo ng Panginoon sa atin ay magkaroon ng isang masaya at buong pamilya.
Napakasarap sa pakiramdam na may pamilya kang inuuwian, iniiyakan, at karamay mo sa ano mang
pagsubok na pagdaanan. Pamilyang Pilipino, sila yung mga taong mamahalin ka ng walang kapantay,
aalagaan ka hanggang sa kanilang makakaya at sila yung mga taong pupuriin ka at iaangat ka sa mga
taong mapanghusga sa lipunan, sila yung bubuo sa pagkatao mo at kukumpleto sa araw mo.
Napakasayang pakinggan ang mga salitang maririnig mo sa labi ng iyong mga magulang tulad ng “Anak,
kumain ka na ba?”, ”Nasaan ka na? Pauwi ka na ba?”, “Ayos ka lang ba?” Ito yung mga salitang
nakakadurog ng puso kahit gaano ka man kasama, nandiyan pa rin sila.

Tayong mga Pilipino ay nakagawian na nating kumain ng sabay-sabay sa hapagkainan at


nagkwekwentuhan sa mga nangyari sa atin buong araw. Pamilya, dito unang nagsimula ang harutan,
kalukuhan, hindi pagkakaintindi, at pagtatampuhan. Mawawala lang ito sa napakasarap ng luto ng
nanay. Pamilya, nandiyan si ate upang ituwid ka sa iyong pagkakamali, si kuya na parating nandiyan
upang protektahan ka, si nanay upang payuhan ka sa ano mang problema, at si tatay na parating
nagtatrabaho mabigyan ka lang ng magandang kinabukasan.

Hindi talaga maiiwan ang pagtatalo ng isang pamilya dahil sa mga bagay-bagay dito sa mundo o hindi
pagkakaintindihan at hindi pagkakaunawaan. Nasusulusyonan naman natin agad ito, pahalagahan natin
ang ating pamilya dahil sila ang tunay nating kaagapay sa anumang pagsubok na ating haharapin sa
buhay. Kaya huwag tayong hahantong sa pagkakataon na sinisiraan natin ang isa’t isa dahil sa kasakiman
ng kayamanan dito sa mundo. Patuloy nating ipalaganap ang pag-ibig sa ating kapamilya upang lahat
tayo ay magkaroon ng matiwasay na buhay sa mundong ating ginagalawan.

You might also like