You are on page 1of 2

Iisang Bangka

Ano ang nangyayari sa atin ngayon?

Bakit tumitila ang ating liwanag?

Nananaghoy sa ating bawat kawalan,

Ako, nandidiri sa sariling banaag

Magaan ang naging pamumuhay noon,

Maaliwalas ang simoy ng panahon

Na siyang humehele sa buhay natin,

Maging bituin ay kaya niyang abutin

Iisang Bangka, iba`t iba ang sakay,

Iba`t iba ang karanasan at buhay,

Pagkakakilanlan ang siyang patunay,

Mga salitang iba`t iba ang kulay

Bughaw, mabaya, kahel, ay pinagsama

Maging ang kayumanggi, kunig, at lila

Dumidilim ang kulay na nailikha,

Binabalot ang ruta ng pangangamba

Bawat paglalayag, tayo`y dumarami,

Tubig na pinaglayagan, dumudumi

Ang pangyayari`y nakakapanlugami,

Ang gulo ay nasimulan ng marami

Magandang imahe ang inaasahan,

Ritmo ng dalit, siya ay kinantahan,


Bawat pagsasagwan, pag-ibig ang laman,

Inaasam-asam, liwanag sa daan

Pero nauubos na ang lahat sa`tin

Dumilim ang paligid, di makatingin

Nawala ang prinsipyong nais kong dinggin

Tulong! Lumulubog na ang bangka natin!

You might also like