You are on page 1of 3

BIYAHE NG BUHAY

May panahong dadaan tayo sa malubak na ruta. Ano man ang dahilan ng Tsuper kung
bakit Nya tayo idinadaan sa lubak na ito ay hindi ko alam, subalit maaring ito ay para
gisingin tayo sa ating pagkakahimbing. Minsan naman ang dumadaan tayo sa patag at
mainam na daan; sa mga panahong yan natin nararamdamang masarap mabuhay.
Minsan kakanan. Minsan kakaliwa. Minsan ay pa-ikot-ikot sa rutonda; minsan nag-u- u-
turn at kung minsan naman ay naliligaw.Hindi man natin alam ang mga rutang
dadaanan, tiyak kong lahat tayo ay may patutunguhan.

Sa byaheng ito ng tao, ang iba ay nakasakay sa mamahalin at magagarang kotse, ang
iba ay sa pambulikong sasakyan; may lumillipad, may sa lupa at may naglalayag sa
karagatan; may de motor at yung iba ay piniling mag-de-padyak.
Syempre, pag may byahe, may bagahe. At gaya ng Kanya-kanyang byahe ng mga tao,
may kanya- Kanya rin tayong bagahe. Magkakaiba ng bigat at Magkakaiba ng laki. At
habang parami ng parami Ang ating pinupuntahan, merong nadaragdag at Meron din
tayong naiiwan

Darating talaga ang panahon na mahihirapan tayo sa byahe, maging ito ay dahil sa
malubak na daan, masamang panahon, mabigat na bagahe, o nakakainis na kasabay sa
byahe. Pero sa tingin ko ay hindi yon sapat na dahilan para tapusin ang sariling byahe.
Dahil anumang hirap ng byahe ang danasin ng kahit na sino, alam kong sapat nang
dahilan ang mga magagandang tanawin at hindi malilimutang karanasan para hindi ito
tapusin
ANG PAG- IBIG NG ISANG AMA

Ang pagmamahal ng isang ama ay hindi matutumbasan ng sino man kaya atin itong
pahalagahan.Bigyang halaga natin ang bawat ginagawa ng ating mga ama. Idinaraos
ang araw ng mga ama upang bigyan sila ng pagpupugay at pasasalamat dahil sa
kanilang sakripisyo para sa atin. Masuwerte tayo na mayroon tayong mga ama na
nagaalaga at kumakayod upang patuloy tayong mabuhay.Darating talaga ang panahon
na mahihirapan tayo sa byahe, maging ito ay dahil sa malubak na daan, masamang
panahon, mabigat na bagahe, o nakakainis na kasabay sa byahe. Pero sa tingin ko ay
hindi yon sapat na dahilan para tapusin ang sariling byahe. Dahil anumang hirap ng
byahe ang danasin ng kahit na sino, alam kong sapat nang dahilan ang mga
magagandang tanawin at hindi malilimutang karanasan para hindi ito tapusin.

Wala na sigurong makakatumbas pa sa pagmamahal ng mga magulang para sa


kanilang mga anak. Hindi naman talaga tayo mabubuo kung hindi dahil sa ating mga
magulang. Bunga ng pagmahahalan, mabubuo sa sinapupunan ang isang batang
habangbuhay mamahalin ng mga taong kaakibat sa pagkakabuo nito Ang pagmamahal
na ito ang nagtutulak sa kanila na gawin ang lahat lahat, tulad ng pagtratrabaho,pag-
aaruga, pagsasakripisyo alang alang sa kanilang mga kayamanan, ang kanilang mga
anak. Ang pagmamahal ng isang ama ay hindi matutumbasan ng sino man kaya atin
itong pahalagahan.
LUHA NG NAKARAAN

Para sa akin ang pinakagusto kong balikan ay ang nakaraan ng ating pagkabata. Bata
na walang kamuwang-muwang sa buhay. Bata na puro laro lang ang iniisip. Inosente na
walang alam kung anong buhay meron sa mundo. Batang makulit. Yung bata na wala
pang iniisip kundi maglaro, mag-aral, kumain. Noong bata pa ako, ako ang palaging
sentro ng atrkasyon.
Para sa temang luha ng nakaraan Sa bawat pagkakadapa, mararamdaman niya ang
iba’t ibang pasakit, pait, at kabiguanMaraming bagay ang nagdudulot sa tao ng
kabiguan at kamalian.

Minsan may mga taong nagpapatali sa nakaraan, masarap lang isipin ang nakraan pero
kung ang nakaraan na yan ay makakasakit sa ating kalooban, wag na nating balik
balikan. Pero kung ito naman ay maganda, yan ang gawin nating inspirasyon para sa
ating kinabukasan.

At sa huli Tayo ay dapat handang bumangon ang tao sapagkat mas maiintindihan niya
ang buhay kung siya ay bumangong muli at matuto mula sa kanyang naunang
kamalian. Nawa’y pakatatandaan natin na sa bawat pagsara ng pinto ay pagbukas ng
panibagong bintana.

Inihanda ni: Ronda, Charlene

You might also like