Mat’yaga’t mabait laging masayahin T’wina ang salunong ngiting may paggiliw Sa isang tulad kong anak kung ituring Sa loob n gaming silid-Karunungan Hangad n’ay’y matuto kaming mag-aaral Magsulat, magbasa, at saka magbilang Iba’t ibang kwento sa kanya’y nalaman S’ya ang dakilang guro sa’aming puso Sa tuwid na landas kami’y tinutungo Magandang bukas daw aming matatamo Kung ang pagmamahal lalagi sa puso. Dapat s’yang ituring na Gurong-Bayani Buhay n’ya’y inalay sa lahing kayumanggi Talino’y hinandog walang pagtatangi Hindi naghihintay, munting mang papuri Ngayo’y panahon nang siya’y parangalan Ang bayani’y hindi lang yaong nangamatay Sa lahat ng laban walang inurungan Mga gurong Bayani, dangat ka ng bayan. TSINELAS O SAPATOS ni: Alona “Nanay Lon” Jumoquio-Ardales
Tsinelas ang suot ng paa
Pagpasok tuwing umaga. Kulay asul, berde o pula Ang tsinelas na de goma. Tumatawid sa ilog, bundok, at bukid Kakwentuhan ang kaeskwela. Amoy-pawis man ang kamiseta Lumahok sa klase ng Matematika. Sapatos ang suot ng paa Pagpasok tuwing umaga. Kulay itim walang iba Bago man o luma. Sumasakay sa traysikel, dyip o kotse Kasabay ang kaklase’t kakilala/ Naipit man ng trapiko sa kalsada Hahabulin ang aralin ng Siyensya. Tsinelas o Sapatos Walang pagkakaiba Parehong suot ng paa. Mag-aaral sa lunsod o probinsya Walang pagkakaiba Parehong may pangarap Guminhawa at maging masaya! TALANGKA ni: Jay Carlo Perey
Pangkaraniwan na nga sa ating pandinig
mula,t sapul pa,y madalas nang maulinig sa iba’t ibang mga nilalang ditto sa daigdig naikukumpara, gawi ng mga taong maligalig mga kakaibang ugaling talagang ‘di kaaya-aya ang katatanging hated sa atin ay pagkadismaya taliwas sa wastong; kilos kadalasa’y sinasadya bakit nga kaya hindi na lamang magpakaligaya? hindi maitatawang minsan ang tao’y naiingit kapag ang kapwa’y may kayamanag nabingwit o sa tuwing ang inaasam-asam, iba ang nagkamit imbes matuwa’y mabigat ang loob at may ngitngit maihahalintulad sa mga katalakang nais makalaya na nagkukumahog sa pag-akyat sa loob ng isang timba pagmasdang mabuti at tiyak na hindi mo ikakasaya bawat makaahon nang bahagya, hinihila agad pababa nakahihiyang tunay subalit katotohana’y di maikukubli taong gaya nati’y nag-aasal-hayop nang walang pasubali ito’y likas na sa kapwa nating kulang ang tiwala sa sarili kaya’t sinumang makaaangat at babataking muli sa pasuli. UNDAS ni: Jay Carlo Perey
bilang mga Pinoy, marami tayong tradisyon
mga nakaugaliang giugunita nating taon-taon bahagi ng mga impluwensya sa’tin ng mga Hapon ng mga Espanyol, mga nanakop noon sadyang napakayaman nitong ating kultura simula pagkabata’y nakamulatan na ng bawat isa hanggang pahtandat kamatayan ay dala-dala maging mga kaluluwa ng yumao’y lagging inaalala tuwing darating huling lingo ng buwan ng Oktubre ang mga tao’y nagiging abala hang may oras na libre kaunting panahong inilaan, mapa-lalaki man o babae lilinisin and puntod ng kapamilya’t gagawing presentable kapag sumapit na ang unang araw ng sunod buwan ang destinasyon natin ay sa mga sementeryo kung saan nahihimlay mga kakilala’t mga namayapang kaibigan kandila, bulaklak, pagkain at dasal, sila naman ay aalyan isang pamana ng mga ninuno nating dapat pahalagahan na sa pag-unlad ng teknolohiya’y maaaring makalimutan minsan na nga lamang kada taon nating mapag-uukulan kaya’t silang mga pumanaw, huwag na sanang pagkaitan. SA ISANG KRAYOLA LAMANG ni: Herbert Guitang
Nilalapitan mo hang natutumbay
Nakahanda sa pagdamay sa panahon ng pag-iisa Kinakausap kapag nakita mo akong nalulungkot Inuuna aking kapakanan bago ang iyong sarili Nasa tabi lagi sa lahat ng mga pagguho ng buhay Tatawagin kahit anong mangyari sa gitna na delubyo Sa bawat pag-ikot at paggulong sa mga baton g bangin Sasaluhin sa mapayapang dagat ng walang galos Hindi ka nawawala ngunit tinuturuan paano magtiis Binigyan mo nga larawan sa isang may tiwalang paghihintay Itinayo mo ako subalithinayaang makipagsapalaran Ipinakita mo aking sarili sa mga sulok at sa mga ilalim ng Ako Naging salamin sa pag-uunawa sa kahalagahan ng damdamin ng iba Dahil sa iyo nagliwanag ang mga naiitagon dilim ng kalooban Sa isang krayola sa iyong binigay nagkakulay ang buo kong kabuuan Inalay mo sa akin ang pagguhit ng aking magulong mundo At nilaan mo ang iyong pag-big sa pagpinta sa isang blankong puso na pinuno mo ng pagmamahal sa ating kapalaran.