You are on page 1of 3

FILIPINO 9

Dung-aw - pagtangis at pagpapahayag ng dalamhati dahil nawalan ng mahal


sa búhay. Para sa mga Ilokano, nakatutulong ang dúng-aw sa paglalabas ng
kanilang saloobin at nakapagpapagaan ng kanilang kalooban.
Baya-o - inaawit na pagsasalaysay ng mga alaala ng yumaong mahal sa
buhay na isinasagawa ng mga taga-Cordillera sa burol. Maaaring sabayan ito
ng pananangis dahil sa bugso ng damdamin.
Elohiyo - talumpati upang parangalan o papurihan ang isang taong buhay o
yumao na

Elehiya sa Kamatayan ni Kuya


Bhutan
Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte
Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawpu’t isa, isinugo ang buhay
Ang kaniyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw
Una sa dami ng aking kilala taglay ang di- mabigkas na pangarap
Di maipakitang pagmamahal
At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok
Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga4
Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak!

Ano ang naiwan!


Mga naikuwadrong larawang guhit, poster at larawan,
Aklat, talaarawan at iba pa.
Wala nang dapat ipagbunyi
Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na
Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan, gaya ng paggunita
Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhak
At ang ligayang di- malilimutan.

Walang katapusang pagdarasal


Kasama ng lungkot, luha at pighati
Bilang paggalang sa kanyang kinahinatnan
Mula sa maraming taon ng paghihirap
Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral
Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala
O’ ano ang naganap,
Ang buhay ay saglit na nawala

Pema, ang immortal na pangalan


Mula sa nilisang tahanan
Walang imahe, walang anino at walang katawan
Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, ang bukid ay nadaanan ng unos
Malungkot na lumisan ang tag-araw
Kasama ang pagmamahal na inialay
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap
Elehiya (dalitlumbay)

 Tulang liriko na nagpapakita ng masidhing damdamin tulad ng kalungkutan, kasawian o


kaligayahan dahil sa minamahal na namatay.
 Ito ay tula ng pananangis, pag-alaala, pagpaparangal sa mahal sa buhay na ang himig ay
matimpi, mapagmuni-muni at di- masintahin.
 Higit na personal sa pagpapahayag ng damdamin kaysa sa ibang estilo ng panulaan.

Elemento ng Elehiya

 Tema - pangkalahatang kaisipan o mensahe na nais palutanginng may akda.


 Tauhan - ang persona (namatayan) sa tula at pinaghahandugan ( yumao) nito.
 Tagpuan - kung saan ang lugar o panahon na pinangyarihan ngtula.
 Kaugalian o Tradisyon - masasalaming kaugalian o tradisyon sa tula.
 Wikang ginamit - ang ginamit ng makata sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin sa
tula na maaaring pormal ( pampanitikan o pambansa) o di pormal (balbal, kolokyal o
lalawiganin) na wika.
 Simbolismo - ito ay kongkretong imahe na gumagabay sa mambabasa na isipin ang
kahulugang napapaloob dito. Ginagamit ito upang ipahiwatig ang isang kaisipan o ideya
sa akda.

Kung Tuyo na ang Luha mo, Aking Bayan


ni Amado V. Hernandez

Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop


Na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog:
Ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos,
Ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos;
Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,
Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!

Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,


Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,
Kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,
Kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,
Lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol.

May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo,


May araw ding di na luha sa mata mong namumugto
Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,
Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo;
Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
At ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo!

Mga Lahing/Bansang Nanakop sa Pilipinas


 Kastila - 1565-1898 (333 taon)
 Amerikano - 1898-1946 (48 na taon)
 Hapon - 1942-1945 (3 taon)
Paglinang ng Talasalitaan:
Tukuyin ang kahulugan ng mga sumusunod na salitang nasalungguhitan sa loob ng
pangungusap. Piliin ang kasagutan mula sa kahon ng pagpipilian.

Pagdurusa Maglakbay Pagsubok Inialay


Ipagdiwang Malakas na bagyo Hindi Maganda

1. Isinugo ng ina ang kaniyang buhay, mailuwal lang ang sanggol.


2. Ipinagbunyi ng lahat ang pagkapanalo ni Pacquiao laban kay Browner.
3. Huwag mong pabayaan ang iyong pag-aaral kung ayaw mong magkaroon ng masaklap na
kinabukasan.
4. Ang taong maglandas sa maling daan ay tiyak na hahantong sa kasawian.
5. Ang pighati sa buhay ay maaaring gamiting inspirasyon upang lalo tayong magsikap na
magtagumpay.

Sundin ang mga sumusunod na


pamantayan/krayteria sa pagsasagawa
ng sabayang pagbigkas.
Pamantayan 5 4 3 2 1
Kaisahan ng
Tinig
Koreograpiya
Tindig at Ayos
Kagamitan at
Props
Hikayat sa
Madla
Kabuoang
Puntos

(Ang pamantayan na ito ay mula kay Roda Doroques at mayroon lang kaunting idinagdag at
ibinawas).

You might also like