Professional Documents
Culture Documents
Introduksyon
Nang bitayin noong 1872 ang kilala sa bansag na GOMBURZA ang tatlong pari na sina
Jose Burgos, Mariano Gomez, at Jacinto Zamora ay naging dahilan ng pagpasok ng diwang
liberal. Ito ay nakatulong sa paggising sa damdaming makabayan ng mga Pilipino. Sa panahong
ito, tinatag ang Kilusang Propaganda na pinangunahan nina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar,
Graciano Lopez Jaena, Mariano Ponce, Antonio Luna at iba pa. Sila ang kabilang sa mga
propagandista na naghimagsik sa pamamagitan ng mapayapang pamamaran. (Bisa, 1987)
Ang mga propagandista ay walang hangaring humiwalay sa Inang Espanya. Ang tanging
hinihiling nila’y mga pagbabago sa batas o mga reporma tulad ng pantay na karapatan ng mga
Plipino at Kastila sa ilalim ng batas, ang hangaring maging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas,
ang magkaroon ng kinatawang Pilipino sa batasan ng Espanya o Cortes ng Espanya, ang pagpili
ng mga kurang Pilipino na itatalaga sa mga parokya at pagbibigay ng mga kalayaanng tulad ng
kalayaan sa pamamahayag, pagsasalita at pagpupulong.
Ang mga kinilalang pangunahing manunulat propagandista ay sina Jose Rizal, Marcelo
H. Del Pilar at Graciano Lopez Jaena.
Jose Rizal
Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda (19 Hunyo
1861– 30 Disyembre 1896) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na
tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga
Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at itinala bilang isa sa
mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.
Ipinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at ikapito siya sa
labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at
Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de
Manila, at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina
sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila.
Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de
Madrid sa Madrid, Espanya, at nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa
kanya ng karapatan na magpraktis ng pagmemedisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan
ng Paris at Pamantasan ng Heidelberg. Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina ay
mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at pag-ukit. Bilang manunulat, karamihan
sa mga akda niya ay nasulat sa wikang Kastila.
El Filibusterismo
TULA
Mi Ultimo Adios(Huling Paalam)
SANAYSAY
Sobre La Indolencia de los Filipinos (Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino)
Naglilinaw ng maling akala ng mga taga-Europa lalo na ang mga kastila hinggil sa mga
tunay na dahilan ng katamaran ng mga Pilipino.
DULA
Isinulat niya ito nang siya ay 14 na taong gulang lamang. Isang sarswelang iisahing
yugto. Itinanghal ng mga mag-aaral sa Ateneo noong Disyembre 8, 1880.
Basahin ang mga halimbawa na mga akda:
ko ng init,
Paalam na, sintang Ang mga nasa ko, Na natatabunan ng
lupang tinubuan, mulang magkaisip, lupang malamig.
Bayang masagana sa Magpahanggang ngayon
init ng araw, maganap ang bait, Bayan mong ako’y
Edeng maligaya sa ami’y Ang ikaw’y makitnag malasin ng buwan
pumanaw hiyas na marikit Sa liwang niyang
At perlas ng dagat sa Ng dagat Silangan na hilano’t malamlam;
dakong Silangan. nakaliligid. Bayan ihatid sa aking
liwayway
Inihahandog ko ng Noo mo’y maningning at Ang banaang niyang
ganap na tuwa sa mga mata dagling napaparam.
Sa iyo yaring buhay na Mapait na luha bakas
lanta na’t aba; ma’y wala na,
Naging dakila ma’y Bayaang humalik ang
iaalay rin nga Wala ka ng poot, wala simoy ng hangin;
Kung dahil sa iyong ng balisa, Bayaang sa huning
ikatitimawa. Walang kadungua’t masaya’y awitin
munti mang pangamba, Ng darapong ibon sa
Ang nanga sa digmaan kurus ng libing
dumog sa paglaban Sa sandaling buhay Ang buhay payapang
Handog din sa iyo ang maalab kong nais ikinaaaliw.
kanilang buhay, Ang kagalingan mo’t
Hirap ay di pansin at di ang paiwang sulit Bayaang ang araw na
gunamgunam Ng kaluluwa king gayak lubhang maningas
Ang pagkaparool o ng aalis: Pawiin ang ulan, gawing
pagtagumpay. Ginhawa’y kamtan mo! pawang ulap,
Anong pagkarikit! Maging panganuring sa
Bibitaya’t madlang langit umakyat,
mabangis na sakit Nang maaba’t ikaw’y At ang aking daing ay
O pakikibakang lubhang mapataas lamang, mapakilangkap.
mapanganib, Mamatay at upang
Pawang titiisin kung ito mabigyan kang buihay, Bayaang ang aking
ang nais Malibing sa lupang maagang pagpanw,
Ng baya’t tahanang puspos ng karika’t Itangis ng isnag lubos
pinakaiibig. Sa silong ng iyong langit na nagmamahal;
ay mahimlay. Kung may umalala sa
Ako’y mamamatay akin ng dasal,
ngayong minamalas Ako’y iyo sanang
Ang kulay ng langit na Kung sa ibang araw idalangin naman.
nanganganinag ikaw’y may mapansin
Ibinababalang araw ay Nipot na bulaklak sa aba Idalangin mo rin ang di
sisikat kong libing, nagkapalad,
Sa kabila niyang Sa gitna ng mga Na nangamatay na’t
mapanglaw na ulap. damong masisinsin, yaong nanganhirap
Hagka’t ang halik mo’y sa daming pasakit, at
Kung dugo ang iyong itaos sa akin. ang lumalangap
kinakailangan naming mga ina luhang
Sa ikadidilag ng iyong Sa samyo ng iyong masaklap.
pagsilang, pagsuyong matamis,
Dugo ko’y ibubo’t sa isa Mataos na taghoy ng
man lamang may sintang sibsib,
Nang gumigiti mong
sinag ay kuminang.
liwanag at kulay na
lugod ng mata’t
Idalangin sampo ng uulit-ulitin sa tuwi-
bawa’t ulila tuwina.
at nangapipiit na tigib
ng dusa; Ako’y yayao na sa
idalangin mo ring ikaw’y bayang payapa,
matubos na na walang alipi’t
sa pagkaaping laong punoing mapang-aba,
binata. doo’y di nanatay ang
paniniwala
Kung nababalot na ang at ang naghahari Diyos
mga libingan na dakila.
Ng sapot na itim ng
gabing mapanglaw, Paalam anak, magulang,
at wala ng tanod kundi kapatid,
pawing patay, bahagi ng puso’t unang
huwang gambalain ang nakaniig,
katahimikan. ipagpasalamat ang
aking pag-alis
Pagpitagan mo ang sa buhay na itong lagi
hiwagang lihim, ng ligalig.
at mapapakinggan ang
tinig marahil, Paalam na liyag, tanging
ng isang saltero: Ito kaulayaw,
nga’y ako ring taga ibang lupang aking
inaawitanka ng aking katuwaan,
paggiliw. paaalam sa inyo, mga
minamahal;
Kung ang libingan kong mamatay ay ganap na
limot na ang madla katahimikan.
ay wala nang kurus at
bato mang tanda
sa nangangabubukid ay
ipaubayang
bungkali’t isabog ang
natipong lupa.
Sa gayo’y walaa ng
anoman sa akin,
na limutin mo ma’t
aking lilibutin
ang himpapawid mo
kaparanga’t hangin
at ako sa iyo’y magiging
taginting.
(Buod)
May handaan sa bahay ni Kapitan Tiago. Maraming handa, dumalo ang
mga kaibigan at kakilala ng Don. Nagsidalo rin pati na ang mga táong hindi
inimbita, simbolo ng isang sakít sa lipunan. Masaya ang lahat sa nasabing
pagtitipon. Kayá lámang ay nauwi sa pagtatalo ang pagsasaya ng iba, tulad ng
nangyari kina Padre Damaso at sa tenyente ng guwardiya sibil. Talo pa nila ang
mga walang pinag-aralan. Dumating mula sa Europa si Crisostomo Ibarra, anak
ng namatay na si Don Rafael. Hinangaan siya at binati ng maraming panauhin sa
bahay ni Kapitan Tiago. Nagulat si Crisostomo Ibarra sa pagtatakwil ni Padre
Damaso sa kaniyang pag-aalala nang lapitan siya ni Tenyente Guevarra at
purihin niyon ang kaniyang ama.
Masaganang hapunan ang inihanda ni Kapitan Tiago bílang pasasalamat
sa Mahal na Birhen sa pagdatíng ni Crisostomo Ibarra mula sa Europa. Ang ilang
panauhin ay humanga kay Ibarra sa pagsasalaysay nito. Marami ang namasid at
nagbigay ng palagay tungkol sa kalagayan ng mga bansang nalakbay na niya.
Ang opinyon ni Padre Damaso ay pagsasayang lámang ng salapi ang gayon.
Nainsulto si Ibarra sa ipinahayag ng datíng pari sa kaniyang bayang San Diego.
Umalis siya nang hindi pa tapos ang hapunan.
Isinalaysay ni Tenyente Guevarra kay Crisostomo Ibarra ang naging
dahilan ng pagkakabilanggo at pagkamatay ni Don Rafael. Dahil sa pagtatanggol
ni Don Rafael sa isang batang laláki na gustong saktan ng artilyero ay naitulak
niya iyon. Nabagok ang ulo ng artilyero. Hindi na yaon muling natauhan at
tuluyan nang namatay. Hinúli ng pulisya si Don Rafael Ibarra. Tumagal ang
paglilitis ng kaniyang usapin hanggang sa namatay na siya sa loob ng bilangguan
nang may sakit. Sa tinuluyang silid ni Crisostomo Ibarra ay iba-ibang pangitain
ang nakita niya sa kaniyang isipan. Naging abalang lubha ang kaniyang pag-iisip
sa malupit at malungkot na kapalarang sinapit ng kaniyang ama. Hindi na tuloy
niya napag-ukulan ng pansin ang mga tanawing makapagpapaligaya sa puso.
Mauuri ang mga táong naglalarawan sa pagkatao ni Kapitan Tiago. May
humahanga at natutuwa sa kaniya. May namimintas at naiinis. May mga
nasusuklam dahil sa kaniyang mga pandaranas at katusuhan sa negosyo. Salapi
ang ginagamit niya sa pagliligtas ng kaniyang kaluluwa. Marahil ay dahil sa pag-
aakalang mabibili niya pati na ang Diyos. Ngunit, ano man ang kapintasan ni
Kapitan Tiago ay sinasabing mahal na mahal niya ang anak na si Maria Clara
kahit na hindi niya ito kamukha. Inakala ng mga kamag-anak ni Kapitan Tiago na
gawa ng paglilihi sa mga santol ng asawa niyang si Donya Pia ang pagka-mestisa
ni Maria Clara. Sinasabi ring ang donya ang isa sa mga dahilan ng lubhang
pagyaman ng Don.
Dumalaw si Crisostomo Ibarra sa kasintahan niyang sa Maria Clara sa
bahay ni Kapitan Tiago sa Binondo. Sinariwa nila ang mga alalala nila noong sila
ang bata pa, ang alaala nila sa dahon ng sambóng. Ipinakita rin ni Ibarra ang
tuyong dahon ng sambóng na itinago niya. Samantala, ay isang matandang pari
sa kanilang korporasyon ang dinalaw ni Padre Sibyla. Nasabi ng paring may sakít
na kailangan nang magbago ng pamamalakad ang mga prayle sa Pilipinas
sapagkat namumulat na ang isipan ng mga tao sa katotohanan kinabukasan
ay Todos Los Santos o Araw ng mga Patay. Kailangan niyang umuwi sa San
Diego upang dalawin ang libing ng kaniyang amang si Don Rafael Ibarra.
Nasisiyahang pinanood ni Ibarra ang mga nadaraanan niyang mga tao’t bagay-
bagay sa mga lansangan at mga pook na binagtas ng kaniyang karwahe mula sa
Binondo. Itinulad niya ang mga iyon sa mga naobserbahan niya sa kaniyang
paglalakbay sa mga bansa sa Europa. Nasabi niyang higit na mauunlad ang mga
bansa sa ibayong dagat kaysa sa sarili niyang bayan. Nakita niya rin ang isang
karwaheng hinihila ng kalabaw na simbolo ng mabagal na pag-unlad ng Pilipinas.
Kinausap ni Padre Damaso si Kapitan Tiago tungkol sa isang mahalagang bagay
na sila pa lámang ang nakakaalam. agkasuyo ang masasaya at malulungkot
nilang karanasan. Dahil sa matamis nilang pag-uulayaw ay muntik nang
malimutan ni Ibarra na. Dáting isang maliit na nayon lamang ang bayan ng San
Diego. Mayaman ito sa anking mga bukirin at lupaing pinag-aanihan ng palay,
asukal, kape, at prutas na naipagbibili sa iba pang mga bayan. Bukod sa ilog na
parang ahas gubat sa gitna ng luntiang bukid ay angkin pa rin ng San diego ang
isang gubat na nagtatago ng maraming alamat. Isa na rito ang kuwento ukol sa
mga ninuno ni Crisostomo Ibarra.
Dadalawa ang talagang makapangyarihan sa bayan ng San Diego. Sila’y
ang kura ng kinatawan ng Papa sa Batikano, at ang alperes na kumakatawan sa
mga tauhang sa halip na mag-utos ay siyang inuutusan. Bagamat magkaaway,
hindi nila ito pinakikita sa taumbayan, bílang tanda ng kanilang
pagkapropesyonal. Dumalaw si Crisostomo Ibarra sa libingan. Hinananap nila ng
kasamang katulong ang puntod ng kaniyang amang si Don Rafael, ngunit hindi
nila iyon natagpuan. Isinalaysay ng sepulturéro ang kahilahilakbot na nangyari sa
bangkay ng Don dahil sa utos ng “Malaking Kura". Nilisan ni Ibarra ang libingan
na gulong-gulo ang isip. Diniinan niya sa balikat ng kurang si Padre Salvi nang
nakasalubong niya ito sa pag-aakalang iyon ang humamak sa bangkay ng
kaniyang ama. Sinabi naman nito na ang totoong gumawa nito ay ang pumalit sa
kaniya, si Padre Damaso. Kakaiba sa karaniwan ang mga kilos at paniniwala ni
Pilosopong Tasyo. Kaya may mga nagbabansag sa kaniyang pilosopo at may
nag-aakala ring siya ay isang baliw. Sa mga ipinahayag niyang kaisipan ay
mapupunang makasiyensiya, makatao, at maka-Diyos ang kaniyang mga
paniniwala sa búhay.
El Filibusterismo
(Buod)
Andres Bonifacio
Isinilang noong Nobyembre 30, 1863 sa isang bahay na pawid sa Tondo.
Siya ang pinakamatanda sa anim na anak nina Santiago Bonifacio. Isang mahirap
na sastre, at Catalina de Castro.Natutuhan niya mula sa isang gurong Cebuano
ang pagbasa, pagsulat at pagkukuwento. Hindi siya nagkaroon ng pormal na
pag-aaral dahil sa kawalan nila ng salapi. Nang ipatapon si Jose Rizal sa Dapitan,
nalansag ang La Liga Filipina.
Itinatag ni Bonifacio kasama ang mga kauri niyang mamamayan, ang
Katipunan. Si Bonifacio ang namuno ng Unang Sigaw sa Balintawak. Sa
panahong iyon naging biktima si Bonifacio ng pamamaraang politika. Si Bonifacio
ang kinilalang “Ama ng Demokrasyang Pilipino” at “Dakilang Plebyo”. Siya ay
kasal kay Gregoria de Jesus, ang tinaguriang “Lakambini ng Katipunan.”
Gumamit ng mga sagisag na “Agap-ito Bagumbayan” at “May Pag-asa sa
kanyang pagsulat ng mga tula at sanaysay.
Tunghayan at basahin ang mga halimbawang akda ni Andress Bonifacio.
Katapusang Hibik ng Pilipinas
Ngayon, sa lahat ng ito, ano ang sa mga ginawa nating paggugugol ang
nakikitang kaginhawahang ibinigay sa ating Bayan? Ano ang nakikita nating
pagtupad sa kanilang kapangakuan na siyang naging dahilan ng ating
paggugugol? Wala kundi pawang kataksilan ang ganti sa ating mga pagpapala.
At ang mga pagtupad sa kanilang ipinangakong tayo ay lalong gigisingin
sakagalingan? Bagkus tayo'y binulag, inihawa tayo sa kanilang hamak na asal,
pinilit na sinira ang mahal at magandang ugali ng ating Bayan. Iminulat tayo sa
isang maling pagsampalataya at isinadlak sa lubak ng kasamaan ang kapurihan
ng ating Bayan.
Emilio Jacinto
LIWANAG AT DILIM
Ito na nga ang dahilang isa pa na kung kaya ang tao at ang mga bayan ay
namumuhay sa hinagpis at dalita.
Ito na nga ang dahilan na kung kaya ang mga loob na inaakay ng kapalaluan at
ng kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na maningning, lalong lalo na nga ang
mga hari at mga Pinuno na pinagkatiwalaan ng sa ikagiginhawa ng kanilang mga
kampon, at walang ibang nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihan sukdulang
ikainis at ikamatay ng Bayan na nagbigay sa kanila ng kapangyarihang ito.
Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kaya na kumuhang
halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?
Jose Palma
Bayang magiliw,
Perlas ng silanganan,
Alab ng puso
Sa dibdib mo’y buhay.
Lupang hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig
Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal.