Professional Documents
Culture Documents
SA KABATAANG PILIPINO
Salin ito ng tulang A La Juventud Filipina na sinulat ni Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas noong
siyay labingwalong taong gulang. Ang tulang ito ang nagkamit ng unang gantimpala sa timpalak sa
pagsulat ng tula, na itinaguyod ng Liceo Artistico Literario, samahang binubuo ng mga taong mahilig
sa panitikan at sa sining. Mga Kastilat katutubo ang lumahook na sa paligsahan ngunit ang Lupon
ng Inampalang binubuo ng mga kastila ay humanga sa tula ni Rizal at ipinagkaloob dito ang unang
gantimpala.
Ang tulang ito ang kauna-unahang lantarang pagpapahayag ni Rizal ng kaniyang damdaming
makabansa. Hinihimok niya ang kabataang Pilipino upang mamukadkad at linangin ang kaniyang
masisining na katalinuhan, tinatawag itong Magandang Pag-asa ng Bayan Kong Mutya, na ngayoy
isang pariralang malimit banggitin.
Itaas ang iyong noong aliwalas
Mutyang Kabataan, sa iyong paglalakad
Ang bigay ng Diyos na tanging liwanag
Ay pagitawin mo, Pag-asa ng bukas.
Naging klasiko sa Panitikang Pilipino ang tulang ito dahil sa dalawang rason: Una, ito ang pinakaunang tulang naisulat sa wikang Espanyol subalit likhat isinulat ng isang katutubo at itoy kanilang
kinilala. Pangalawa, sa kauna-unahang pagkakataon, ang tula ay naglalahad ng isang konsepto ng
pagka-makabayan ng mga Pilipino na tayo ang pag-asa ng ating bayan at hindi ng mga banyaga.
Ang kabuuan ng tula ay nagsasaad ng hamon para sa mga Kabataang Pilipino na magising sa
pagiging manhid at imulat ang mga sarili sa mga nagaganap sa paligid. May adhikain din itong
ipabatid sa mga kabataan na magkaroon ng adhikaing matulungan ang Inang Bayan.
Interpretasyon/Pagsusuri
Pinukaw ni Rizal ang isipan ng Kabataang Pilipino na ipagmalaki ang ating lahing Pilipino. Itaas ang
iyong noong aliwalas, sapagkat ito lamang ang nagbibigay ng liwanag sa landas na kanilang
tatahakin. Para na rin sa ikabubuti ng kanilang mga kalahi.
Ang bigay ng Diyos na tanging liwanag,
Ay pagitawin mo, pag-asa ng bukas.
Mapapansin sa ikalawang saknong na itoy nagpapakita ng pagka-positibo at tinuturuan tayong
mangarap at hamunin kung hanggang saan masasagad ang ating kakayahan.
mga puso naming ay nagaghihintay,
Magsahangin ka ngat an gaming isipan
Ilipad mo roon sa kaitaasan.
Itoy isang matamang paniniwala na kailangan nating sagarin kung hanggang saan aabot ang ating
kakayahang mangarap na may adhikaing para sa ikabubuti ng nakararami.
Sa ikatlong saknong ipinaalala niya sa atin na para maabot natin ang ating mga pinapangarap, dapat
natin itong paghandaan. Dapat pagsumikapan sa pamamagitan ng pag-aaral at
pagpapakadalubhasa.
Taglayin mo lahat ang kagiliw-giliw
Na mga silahis na dunong at sining
At para magawa natin ito, kinakailangan nating kumilos, supilin ang pagiging manhid sa mga
pangyayari at imulat ang sarili sa mga nagaganap sa paligid.
kilos, kabataan at iyong lagutin,
Ang gapos ng iyong diwa at damdamin.
Itong ika-apat na saknong, ang unang taludtod ay isang simbolismo ng kapangyarihan, Masdan mo
ang putong na nakasisilawkapangyarihan na nagbibigay pag-asa para iligtas ang naghihingalong
Inang Bayan.
Ang ika-limang saknong naman ay may himig ng pananalig. Oo, si Rizal ay may pananalig sa
Kabataang Pilipino. Naniniwala siyang maaabot nito ang tugatog ng tagumpay dahil batid niyang
sadyang may pagsusumikap at pagkukusa.
at handing lumipad sa rurok ng langit,
Upang kamtan yaong matamis na himig,
Ipinapahiwatig naman sa ika-anim na saknong na ang Kabataang Pilipino ang lunas sa mga hinaing
ng mga kababayan. Kung papansinin natin, ang ikalawang taludtod ay gumamit ng isang tayutay na
pagpapalit-tawag, Awit ni Pilomel na sa dusay gamut. Itoy nagangahulugang isang lunas. Parang
isang Ibong Adarna na naging sagot sa karamdaman ni Haring Fernando ng Berbanya. Ganito rin
sana ang gustong mangyari ni Rizal, ang mga Kabataan ang siyang magiging lunas at magpapalaya
ng kanyang lupang sinilangan.
Kung babalikan natin ang isinasaad ng ikatlong saknong, ninanais ni rizal na paghandaan ito ng mga
kabataan-pag-aaral at pagpapakadalubhasa- sapagkat nakikita niyang hinog na ang Kabataang
Pilipino bunga ng mga karanasang kanyang napagdaanan. Naniniwala siyang magiging bunga rin ng
matamang adhikain ang isang walang hanggang buhay. Isang tunay na kasarinlan-ito ang kanyang
tinutukoy at inilahad sa ika-pitong saknong.
Ikaw na ang diwa ay matalas, makinang
Bunga ng palaging pakikipaglaban,
Kaluluwang sumapit sa iyong hantungan,
Ang nagiging palay walang hanggang buhay.
Ang ika-walong saknong naman ay nagsasaad ng isang imahe. Itoy imahe ng isang panibagong
bukas na puno ng pag-asa kung saan sisibol ang isang bagong paraiso para sa mga Pilipino.
At ikaw, O Diwang mahal ni Apeles,
Sinuyo sa wika ni Pebong marikit,
O sa isang putol na lonang makitid.
Nagsalin ng kulay at ganda sa langit.
Sa saknong na ito, ginamit ni Rizal si Apeles bilang alusyon ng isang mahusay at dalubhasa
samantalang si Pebo naman ay sumisimbolo sa araw na sumisikat. Sa pamamagitan nito, itoy
nakapaghahabi ng isang kaakit-akit na paninniwalang may hinaharap tayong maganda at itoy
nakasalalay sa kamay ng Kabataang Pilipino-ang pag-asa ng bayan.
Batid ni Rizal na kapantay ng iba pang lahi sa mundo ang lahing Pilipino kaya naman inihayag niya
sa ika-siyam na saknong na patuloy magkaroon ng inspirasyong ipagbunyi ang lahing Pilipino.
Hayo na ngayon dit pag-alabin mo
Ang apoy ng iyong isip at talino,
Ang magandang ngalay ihasik sa mundo,
At ipagbansagan ang dangal ng tao.
Ang ika-sampung saknong naman ay may damdaming masaya dahil niyang may magandang bukas
na kakaharapin ang bansang Pilipinas.
O dakilang araw ng tuwa at galak
Magdiwang na ngayon, sintang Pilipinas!
Magpuri sa Bayang sa iyoy lumingap
Umakay sa iyo sa magandang palad.
Hindi natin maikakaila na maraming dahilan para maisulat ni Rizal ang tulang ito. Sa murang edad pa
lamang nakita na niya ang di pantay at di makataong pagtrato ng mga Kastilasa mga katutubong
Pilipino. Ang pagkamatay ng tatlong paring martir na kilala sa tawag na Gom-Bur-Za (Gomez,
Burgos, Zamora), na labis na ikinalungkot ng pamilyang Rizal lalo na si Paciano-nakatatandang
kapatid ni Jose Rizal- sapagkat kaibigan at guro nito si Padre Burgos. Binuksan ni Paciano ang
walang kamuwang-muwang na isipan ni Rizal sa mukha ng mga Pilipino sa kamay ng mga kastila. Di
naglaon, inialay niya ang kanyang nobelang El Filibusterismo sa tatlong paring martir
Masasabi nating sa murang edad na labingwalong taon, naimulat ang kanyang isipan sa hindi
makatwirang pagmamalupit ng mga Kastila sa kanyang kababayan.
Bilang kabuuan, ang tulang Sa Kabataang Pilipino ay isang tulang nagbibigay hamon sa mga
Kabataang Pilipino na gawin ang tama para makapagdala ng karangalan sa sariling bayan.
Ipinapahiwatig rin sa tulang at patuloy pinapaalala na ang Kabataan Pilipino ang siyang Pag-asa ng
Bansang Pilipinas.
Ang ikaanim na saknong ay ang tinaguriang climax o sukdulan ng tula dahil ipinakita ni Rizal ang
kanyang pagmamahal sa kanyang magandang bayan, Isang lugar kung saan puno ng kasiyahan ang
kanyang matatamo.
Ibinahagi din ni rizal na lahat ng kanyang mga ang pagdurusa ay nawawala tuwing naalala niya ang
pinakamamahal niyang Calamba. At sa huling saknong, isinisimbolo ni Rizal ang kanyang panaginip
para sa kanyang bayan na maging tahimik at panatag, at maging kasing saya noong siyay naroroon
pa.
Karunungan at Bayan
ni Dr. Jos Rizal
(Tagalog version of Por la Educacin Recibe Lustre la Patria)
Huling Paalam
Salin ito ng huling sinulat ni Rizal ngunit walang pamagat. Sinulat niya ito sa Fort Santiago, isinilid sa
kusinilyang dealkohol, at ibinigay sa kapatid na si Trinidad nang huling dumalaw sa kaniya bago siya
(Rizal) barilin.
Ang tulang kilala ngayon sa pamagat na Ultimo Adios o Huling Paalam ang likhang-guro o obra
maestra ni Rizal. Ang orihinal sa kastila ay isinalin na sa mga pangunahing wika sa daigdif, tulad ng
Ingles, Prances, Aleman, Italyano, Nippongo, Malyo, at marami pang iba, gayon din sa ibat ibang
wikain sa Pilipinas, tulad ng Tagalog , Ilokano, kapampangan, Pangasinan, Bikol, Sugbuhanion,
Hiligaynon, at iba pa.
Maraming nagsalin ng tula sa Tagalog, ngunit ang pinakakaraniwang bigkasin at siyang matatagpuan
sa Luneta ay ang salin ni Jose Gatmaytan na matutunghayan dito. Ang kahuli-hulihang tulang ito ni
Rizal ay tigib ng kalungkutan pagkat maiiwan na niya ang kaniyang mga minamahal sa buhay at
mawawalay na siya sa kaniyang bayan. Sa harap ng kamatayan, wala siyang hiniling para sa sarili;
ang lahat ay para sa kapakanan ng kaniyang mga kababayan at ng kaniyang bayan.
Hindi matiyak kung kailan isinulat ni Jose Rizal ang kahuli-hulihan ang tulang ito. Ayon sa tradisyunal
na paniniwala, sinasabing isinulat ito ni Rizal ng gabi ng bisperas ng pagbaril sa kanya, Disyembre
29, 1896. Ngunit ayon sa mga tala, si Rizal ay maraming ginawa noong mga huling araw ng kanyang
buhay. Marami siyang tinanggap na bisita: ang kanyang mga kapatid, ang asawang si Josephine
Bracken at ang mga prayleng humihimok sa kanya na isagawa ang pagbawi o retraksyon. Sinasabi
pang ibinigay niya ito sa kapatid niyang si Trinidad na dumalaw sa kanya noong hapon ng Disyembre
29. Samakatuwid ay hindi niya isinulat ang tula kinagabihan ng bisperas at mismo noong araw ng
kanyang pagbaril.
Hindi pinangalanan ni Rizal ang tula. Bunga ito ng kaliitan ng papel na kanyang pinagsulatan na may
sukat lamang na 15-1/2 sentimetro at 9-1/2 sentimetro ayon kay Mauro Garcia. Nawalan ng sapat na
espasyo ang papel kaya't ito'y hindi na nalapatan pa ng pamagat bukod sa kailangan talagang liitan
ni Rizal ang pagsusulat niya sa tulang may 14 na saknong na nasusulat sa wikang Kastila.
Si Mariano Ponce ang kauna-unahang naglagay ng pamagat sa tula na tinawag na "Mi Ultimo
Pensamiento" nang iyo'y kanyang ilathala sa Hong Kong noong Enero 1897. Sa tulong ni Jose Maria
Basa ay ipinakalat ni Ponce ang tula at ipinamigay sa mga kababayan at kakilala ang mga sipi nito.
Si Padre Mariano Dacanay ang naglapat ng Mi ltimo adis bilang pamagat ng nasabing tula noong
ito'y kanyang matanggap at mabasa habang siya'y nakakulong sa Bilibid, Maynila. Ang kanyang
ginawang paglalapat ay inilathala sa pahayagang "La Independencia" noong Setyembre 1898.
Ang orihinal na sipi ng tula na ibinigay ni Rizal sa kapatid niyang si Trinidad ay napapunta naman kay
Josephine Bracken. Dinala ni Josephine ang tula ng magpunta siya sa Hong Kong. Nang mamatay si
Josephine ay nawala ang orihinal na kopya. Ito'y hinanap ng Pamahalaan ng Pilipinas at natagpuan
sa isang taong tagaroon na humingi ng kaukulang bayad (1000 piso) upang ibigay niya ito sa
pamahalaan. Nagbayad nga ang pamahalaan at ito ay naibalik sa Pilipinas.
Naisalin ang tula sa kauna-unahang pagkakataon sa Kapampangan ni Monico Mercado noong Enero
1897 at ang sa Tagalog naman ay si Andres Bonifacio. Ilan naman sa mga tanyag na salin ng tulang
ito sa wikang Tagalog ay isinagawa nina Pascual H. Poblete at Julian Balmaceda. Sa mga dayuhang
wika naman, una itong nasalin sa Aleman samantalang may mahigit na 25 salin ang tulang ito sa
Ingles.
Noong taong 1899, habang nagaganap ang Digmaang Pilipino-Amerikano ay pinag-uusapan sa
Kongreso ng Amerika kung makatwiran bang sakupin ang Pilipinas. May nagpanukalang dapat upang
mabigyan ng edukasyon ang mga "barbarong" Pilipino. May isang kinatawan ang tumutol at binasa
ang Huling Paalam ni Jose Rizal (salin sa wikang Ingles ni Charles Derbyshire na pinamagatang "My
Last Farewell") upang patunayang hindi barbaro ang mga Pilipino (dahil sa galing ng pagkakasulat ng
tula) at lalong hindi dapat sakupin ang Pilipinas.