You are on page 1of 5

SAMAR STATE UNIVERSITY

Lipata, Parans, Samar, Philippines 6716


Paranas Campus

PANGALAN: Rusiana, Rowena B.


KURSO: Filipino 12 – Panulaang Filipino
PROGRAMA/TAON: BSED II
PETSA NG PAGPASA: 2/21/2021

Yunit 1
Magsaliksik ng mga kantahing bayan na umusbong o/at naririnig hanggang ngayon sa
inyong lugar. Itala ang liriko nito at bigyan ng paliwanag hinggil sa awiting ito. (50 pts.)

Pamagat ng Kantahing Bayan: Anak

May-akda/Sumulat (kung mayroon): Freddie Aguilar

Liriko:

No'ng isilang ka sa mundong ito Ang kanilang ginagawa'y para sa iyo

Laking tuwa ng magulang mo 'Pagkat ang nais mo'y masunod ang layaw
mo
At ang kamay nila ang 'yong ilaw
'Di mo sila pinapansin
At ang nanay at tatay mo'y
Nagdaan pa ang mga araw
'Di malaman ang gagawin
At ang landas mo'y naligaw
Minamasdan pati pagtulog mo
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay
At ang una mong nilapitan
Sa pagtimpla ng gatas mo
Ang iyong inang lumuluha
At sa umaga nama'y kalong ka
At ang tanong, "anak, ba't ka
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo nagkaganyan?"
Ngayon nga ay malaki ka na At ang iyong mga mata'y biglang lumuha
Ang nais mo'y maging malaya Nang 'di mo napapansin
'Di man sila payag Pagsisisi ang sa isip mo't
Walang magagawa Nalaman mong ika'y nagkamali
Ikaw nga ay biglang nagbago Pagsisisi ang sa isip mo't
Naging matigas ang iyong ulo Nalaman mong ika'y nagkamali
At ang payo nila'y sinuway mo Pagsisisi ang sa isip mo't
'Di mo man lang inisip na Nalaman mong ika'y nagkamali
SAMAR STATE UNIVERSITY
Lipata, Parans, Samar, Philippines 6716
Paranas Campus

Paliwanag:
Ang ibig sabihin ng kantang Anak ni Freddie Aguilar ay ang anak na sumusuway sa
utos ngunit ng nabatid niyang naligaw sa landas ay bumalik siya sa kaniyang magulang.
Tulad ng mga kabataan ngayon na naiimpluwensyahan at naliligaw ng landas, ang iba ay
naglalayas ngunit bumabalik rin sa kanilang magulang. Maitulad na rin natin sa Parabula ng
Alibughang Anak. Ang bunso ay naglayas at nang siya ay wala ng pera at nabatid niyang
hindi madaling mabuhay mag-isa ay bumalik na siya sa kaniyang pamilya.

Talakayin ang pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino gayundin sa kanilang panitikan


sa pagdating ng mga Kastila. (10 pts.)

Noong nanirahan ang mga dayuhan sa ating bansa karamihan nila’y mga
maimpluwensiyang prayle. Ang mga prayleng ito ay hindi lang magturo ng kristyanismo
kundi sila rin ay mga iskolar ng lenggwaheng Espanyol kaya madali nilang nai-spread ang
Kristianismo at ang kulturang espanyol. Ito ay posible dahil ang mga dayuhan ay nagpakitang
tao sa pamamagitan ng pag sang ayon sa pagkatuto at pag-unawa sa ating mga
katutubong kultura, baybayin, sining, pulitika, at panitikan. Nang mapailalim tayo sa
kanilang mga kamay ang ating mga puso’t isipan ay sumunod din. Dahil dito ang mga
katutubong Pilipino o ang mga Indio na madaling silang tawagin ay madali na nilang nabago
ang anyo ng mga katutubong tula.

Ipaliwanag ang nilalaman ng pasyon. (10 pts.)

Sa mga Kristyano, ang Pasyon ay isang narative o libro nagsasaad ng buhay ni


Hesukristo. Dito inilahad ang kanyang mga sakripisyo. Ang istilo ng pagsulat ng Pasyon ay
patula. Ito ay nagmula sa salitang Kastila "pasion" na ang ibig sabihin paghihirap. Sa mga
Kristyano, ang Pasyon ay isang narative o libro nagsasaad ng buhay ni Hesukristo. Dito
inilahad ang kanyang mga sakripisyo. Ang istilo ng pagsulat ng Pasyon ay patula. Ito ay
nagmula sa salitang Kastila "pasion" na ang ibig sabihin paghihirap. Si Padre Gaspar Belen
ang kaunaunahang Pilipino na sumulat at kumanta ng pasyon sa Tagalog. Ito ay inilimbay
taong 1704.
SAMAR STATE UNIVERSITY
Lipata, Parans, Samar, Philippines 6716
Paranas Campus

Ipaliwanag ang pagkakatulad at Pagkakaiba ng Awit at Kurido. (10 pts.)

Pagkakatulad ng Awit at Kurido:

• Kapwa nagsisismula sa panalangin


• Magkatulad ng paksa
• Kapwa batay sa “Metrical Tales” ng Europa
• Ang mga buod ay naaayon sa kakayahan at pananaw ng nagsisulat

Pagkakaiba ng awit at Kurido

• Ang awit ay binubuo ng labindalawang pantig sa bawat taludtod, ang kurido ay


binubuo ng walong pantig sa bawat taludtod.
• Kung awitin ang awit ay mabagal, ang kurido ay mabilis.

Ipaliwanag ang diwang nais ipahatid ng mga makata sa mga akdang nabanggit: (15 pts.)

1. Bayan Ko

Ang Bayan Ko ", na orihinal na pinamagatang Nuestra Patria sa Espanyol (karaniwang


tinutukoy sa Ingles na "My Country") ay isa sa mga pinakakilalang patriyotikong awit ng
Pilipinas. Sinulat ito sa Espanyol ng Rebolusyonaryong heneral na si José Alejandrino sa ilaw
ng Pilipinas -Amerikong Digmaan at kasunod na pananakop ng Amerikano, at isinalin sa
Tagalog ilang tatlong dekada na ang lumipas ng makatang si José Corazón de Jesús.

Ang kanta, na isang kundiman, ay madalas na itinuturing na hindi opisyal na


pangalawang pambansang awit ng Pilipinas, at kung minsan ay inaawit ng mga grupong
Overseas Filipino pagkatapos ng Lupang Hinirang o sa sarili lamang. Minsan ipinapalagay na
ito ay isang katutubong musika dahil sa kasikatan nito, at dahil sa likas na katangian ng mga
lyrics nito ginamit ito bilang isang protesta na kanta ng iba`t ibang mga pampulitikang grupo
sa iba`t ibang mga punto sa kasaysayan ng Pilipinas.
SAMAR STATE UNIVERSITY
Lipata, Parans, Samar, Philippines 6716
Paranas Campus

2. Isang Punong Kahoy

Ang akda ay paglalarawan sa isang taong naghihinagpis para sa kaniyang buhay at


naisin, ito‟y paghahambing din sa isang Punong Kahoy at sa Buhay ng Tao. Paglalarawan sa
mga pasakit na may iiyak na minamahal dahil sa kaniyang pagkawala at tatanod sa kaniyang
libingan ay mga alaala na magbabalik at alalahanin ng mga tao napamahal at napamahal din
sa kaniyang mga nilikha. Ang buod ng tula ay tungkol sa isang punong kahoy, na kung saan
ang Punong-kahoy ay ang mismong persona sa tula. Nilalarawan ng persona ang daloy ng
buhay ng isang tao mula sa kaniyang pagkabata hanggang sa matayog bilang isang tao.
Ngunit katulad ng punong kahoy dumarating ang unti-unting pagkalagas ng mga dahon sa
kaniyang sanga, na ang tao sa kabila ng kaniyang katagumpayan sa buhay, nagiging
malungkot ang pagtanda sapagkat umiinog ang mundo at nagbabago ang kapaligiran,
hanggang maramdaman ng tao ang kaniyang pag-iisa lalo sa pagdapit hapon at pagkawala
ng liwanag sa kaniyang buhay. At sa huli ng tula ay inihahabilin niya na ang kaniyang buhay
sa kamay ng kaniyang Manlilikha.

3. Gabi

Ang mahihinuhang himig sa tulang ito ay pagnanais, pagnanais ng taong makapunta


sa isang lugar kung saan ay siya’y magiging malaya at iyon ay sinisimbolo ng gabi. Ang
dramatikong sitwasyon naman ng kwentong ito ay isang taong gustong makapunta sa lugar
ng gabi kung saan siya’y magiging malaya at masaya.

Ang panghuling elemento ng tula ay ang tema, ang mahihinuhang tema sa tulang ito
ay lahat ng tao ay gusto maging malaya. Mayroon din mga tayutay na makikita sa tulang ito.
Sa unang saknong mayroon kang makikitang pagsasatao dahil sinabi sa unang taludtod na
nagduruyan ang buwan.

Ang nagduruyan ay nagagawa lamang ng tao kaya ito ay isang pagsasatao. Mayroon
ka ring makikitang isa pang tayutay sa ikaapat na taludtod ng ikaanim na saknong.

Sinasabi dito na “sa banal na tugtog ng buwa’t bituin.” Hindi naman nakakatugtog ang
mga buwan at bituin, mga tao lang ang nakakagawa nito kaya ito ay isang pagsasatao.

Sinisimbolo ng buwan ang isang lugar kung saan ang isang tao’y magiging malaya at
masaya. Ang mensahe naman ng kwentong ito para sa akin ay ang lahat ng tao’y naghahanap
ng isang lugar kung saan sila’y nababagay, kung saan sila’y magiging masaya.
SAMAR STATE UNIVERSITY
Lipata, Parans, Samar, Philippines 6716
Paranas Campus

Bumuo ng sariling Haiku at Tanaga tungkol sa kasalukuyang nangyayari sa Pilipinas


(Pulitka, Kalusugan, Ekonomiya at iba pa.) (30 pts.)

Haiku:

Noon at ngayon
Kalikasan bantayan
para sa bayan

Tanaga:

Kurakot
Inukit na salapi
Walang makapagsabi
Kahit na piping saksi
Naitago na kasi.

Batay sa naging talakayan, gumawa ng timeline tungkol sa kasaysayan ng Panulaang


Filipino. (30 pts.)

Ang kasaysayan ng panulaang Filipino ay nababahagi sa pitong importanteng panahon. Ang


panahong ito ay nagsimula noong unang pagdating ng mga Negrito o Aeta hanggang sa taong
1521.

1. Matandang Panahon
2. Panahon ng Kastila
-Ang panahon ng mga Kastila ay nagsimula noong taong 1521 hanggang 1875.
3. Panahon ng Pambansang Pagkamulat
- Ito ay ang panahon ng Propaganda at Himagsikan.
4. Panahon ng Amerikano
- Nagsimula noong 1898.
5. Panhon ng Hapon
- Ang gintong panahon.
6. Panahon ng Bagong Lipunan
7. Kasalukuyang Panahon

You might also like