You are on page 1of 30

MA.JENNILYN M.

MADEJA
TEACHER II
MACARIO MOLINA NATIONAL HIGH SCHOOL
KALIGIRANG
PANGKASAYSAYAN
NG IBONG ADARNA
Sino ba talaga ang sumulat ng Ibong
Adarna?
Ayon kay Pura Santillan Castrence:
Hindi pa rin matukoy hanggang sa
kasalukuyan ang sumulat ng koridong Ibong
Adarna
- Ito ay sa dahilang ang kasaysayan ng
akdang ito ay maaaring hinango lamang sa
kwentong-bayan mula sa mga bansa sa Europa
tulad ng:
Romania, Denmark, Austria,
Alemanya, Finland
- Ito rin ang dahilan kung bakit
maraming kritiko ang nagsasabing ang
Ibong Adarna ay hindi bahagi ng
Panitikang Pilipino dahil hiram lamang
sa ibang bansa ang kasaysayan nito.
-Kung uugatin ang kasaysayan noong
Medieval o Middle Ages ang tulang romansa
ay nakilala sa Europa

-Noong 1610, mula sa Mexico ay nakarating sa


Pilipinas na ginamit namang instrumento ng
mga Espanyol upang mahimok ang mga
katutubo na yakapin ang relihiyong
Katolisismo.
3 ang pangunahing layunin ng mga
Espanyol sa pananakop sa Pilipinas
1. Upang palaganapin ang Katolisismo.
2. Ang pagpapalawak ng kapangyarihan sa
pamamagitan ng mga sakop na mga
bansa.
3. Ang paghahanap ng mga pampalasa,
masaganang likas-yaman, at mga hilaw
na materyales upang matustusan ang
kanilang mga pangangailangang pang-
edukasyon.
-Dahilan sa layunin ng mga Espanyol na
mapalaganap ang Katolisismo, sinunog nila ang
mga nakasulat na panitikan ng ating mga ninuno sa
halip ay pinalitan nila ang mga ito ng panitikang
nagbibigay-diin sa pananampalatayang
Kristiyanismo.

-Ito rin ang naging sanhi kung bakit ang


panitikan sa panahong ito ay naging
mapanghuwad o may pagkakatulad sa mga
anyo at paksang Espanyol.
Masasalamin sa akda ang mga natatanging
kaugalian at pagpapahalaga ng mga Pilipino
tulad ng:
pagkakaroon ng matibay na pananampalataya
sa Poong Maykapal
mataas na pagpapahalaga sa kapakanan ng
pamilya
mataas na pagtingin o paggalang ng mga anak
sa magulang
paggalang sa nakatatanda
Masasalamin sa akda ang mga natatanging
kaugalian at pagpapahalaga ng mga Pilipino
tulad ng:
pagtulong sa mga nangangailangan
pagtanaw ng utang na loob
mataaas na pagpapahalaga sa puri at dangal
ng kabataan
pagkakaroon ng tibay at lakas ng loob sa
pagharap sa mga pagsubok ng buhay
Bukod sa mga gintong aral na
makukuha sa akda, ano pa
ang mabuting naidulot nito sa
mga Pilipino noon?

-Nagdulot ito ng kasiyahan at


kaaliwan sa kanila.
Bakit itinuring na
Panitikang Pantakas ang
Ibong Adarna?
Itinuring na panitikang pantakas ang
Ibong Adarna sapagkat ang mahihirap na
Pilipino na sakbibi ng hirap at sakit dahil sa
kahirapang kanilang nararanasan bunga
ng paniniil ng mga Espanyol ay
pansamantalang nakatakas sa kanilang
tunay na kalagayan sa sandaling mabasa
o mapanood ang akdang ito at mailagay
ang kanilang sarili sa pakikipagsapalaran
ni Don Juan na siyang pangunahing
tauhan sa akda.
Bakit sa dami ng
koridong nalimbag ay
ang Ibong Adarna ang
higit na tumanyag sa
mga ito?
Sapagkat bukod sa mga sipi nito ay
ipinagbili sa mga perya na karaniwang
isinasagawa tuwing kapistahan ng mga
bayan-bayan, ito rin ay itinatanghal sa
mga entablado na tulad ng komedya
at moro-moro.
-Noong 1949, dahil sa tiyaga at
masusing pag-aaral ni Marcelo P.
Garcia ang iba’t ibang sipi ng Ibong
Adarna ay isinaayos niya ang
pagkakasulat ng kabuuan ng akda
partikular ang mga sukat at tugma ng
bawat sakong.
-Hindi lahat ng mga akdang
pampanitikan ay maaaring maisulat
at mailathala lalo pa’t kung ito ay
laban sa pamamahala ng mga
Espanyol.
-Ngunit dahil sa temang sinasaklaw ng
awit at korido ang mga ito ay
namayani. Ayon sa aklat ng Panitikang
Pilipino ni Arthur Casanova, ang awit at
korido ay maaaring uriin gamit ang mga
sumusunod na mga pamantayan.
PAGKAKAIBA NG AWIT AT KORIDO
PAMANTAYAN AWIT KORIDO
Binubuo ng 12 pantig sa loob ng Binubuo ng walong pantig sa
isang taludturan, apat na taludtod sa
loob ng isang taludtod at apat
Batay sa Anyo isang taludturan. na taludtod sa isang
taludturan.
Musika Ang himig ay mabagal na tinatawag Ang himig ay mabilis na
na andante. tinatawag na allegro.
Paksa Tungkol sa bayani at mandirigma at Tungkol sa pananampalataya,
larawan ng buhay. alamat at kababalaghan.
Ang mga tauhan ay walang taglay na Ang mga tauhan ay may
kapangyarihang supernatural ngunit kapangyarihang supernatural
Katangian ng siya ay nahaharap din sa o kakayahang magsagawa
mga Tauhan pakikipagsapalaran ngunit higit na ng mga kababalaghan na
makatotohanan o hango sa tunay na hindi magagawa ng
buhay. karaniwang tao.
Mga Florante at Laura, Pitong Infantes de Ang Ibong Adarna, Kabayong
Lara, Doce Pares ng Pransya, Haring Tabla, Ang Dama Ines, Prinsipe
Halimbawa Patay Florinio
suriin
Tinawag na't ang pahayag
Kayong tatlo'y mapapalad
angkin ninyo ang mataas
na pangalang mga pantas
suriin
Ti/na/wag/na't/ang/pa/ha/yag/ 8
Ka/yong/tat/lo'y/ma/pa/pa/lad/ 8
ang/kin/nin/yo/ang/ma/ta/as/ 8
na/pa/nga/lang/ma/nga/ pan/tas/ 8
suriin
Natupad nang lahat-lahat
ang sa haring mga hangad
ito namang tatlong anak
sa ama'y nagpasalamat
PANGKATANG
GAWAIN
Sumulat ng tig-2 saknong
ng tula na korido at awit.
Ihanda ang sarili para sa
presentasyon.
Pamantayan sa Presentasyon
1. Kaisahan ng Pangkat.........................5
2. Kawastuhan ng Tula
Korido...............................................10
Awit...................................................10
3. Kaayusan ng Pagsusuri.....................5

Kabuoan.................................................30
Pagsusulit
1, Bakit itinuturing na
mapanghuwad na uri ng
panitikang lumaganap sa
ating bansa noong
panahon ng panankop ng
mga Espanyol?
2. Sa inyong palagay, bakit
ang karaniwang paksain ng
panitikan noong panahon
ng pananakop ng mga
Espanyol amay kinalaman
sa relihiyon?
3. Bakit tinawag na
Panitikang Pantakas ang
akdang Ibong Adarna?
Ipaliwanag.
4-5 Ano ang mga
katangian ng awit at korido
na magkatulad at
magkaiba bilang mga
akdang pampanitikan?
Ipaliwanag!

You might also like