You are on page 1of 12

Kaligirang Pangkasaysayan ng

IBONG ADARNA
• Layunin:

1. Nasusuri ang kaligirang kasaysayan ng Ibong Adarna;

2. Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan


ng pag-aaral ng Ibong Adarna.
Ano nga ba ang hiwaga ng Ibong Adarna?

• Ito ay isang tulang pasalaysay na


pinaniniwalaang kinatha noong
unang panahon ng pananakop
ng mga Espanyol sa Pilipinas.
• Ang Ibong Adarna ay isang obra na ipinamana
ng kahapon at sinubok ng mahabang
panahon.
• Ang Ibong Adarna ay isang patunay ng
katalinuhan ng ating mga ninuno.
• Ito ay katatampukan ng mga aral sa buhay.
• Ang Orihinal na pamagat nito ay:

“Corido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong


Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring
Fernando at nang Reina Valeriana sa
Cahariang Berbania.”

• Walang tiyak na petsa kung kailan kinatha ito.


Sino kaya ang kumatha ng Ibong Adarna?
• Nananatiling lihim ang may-
akda ng Ibong Adarna.
• JOSE DELA CRUZ
Huseng Sisiw (sagisag
panulat).
• Ang Koridong Ibong Adarna
ay binubuo ng:

1,056 na saknong
Umabot sa 48 na pahina.
• Tinatalakay dito ang matibay na
paniniwala ng Kristiyanismo.

• Sa ilang saknong ng tula, makailang beses na


humiling ng tulong si Don Juan sa
Panginoong Jesus at sa Birheng Maria.
• Nagsimulang maging kilala ang Ibong Adarna sa
Pilipinas nang ito ay isalin sa katutubong wika.
• Ang bawat kopya ng akdang ito ay ipinagbili sa
mga perya na karaniwang nagpapalipat-lipat sa
mga bayang nagdiriwang ng psta.
• Ngunit iilan lamang ang marunong bumasa kaya't
iilan lang din ang mga kopyang napalimbag.
• Hindi nagtagal, ang Ibong Adarna na isang korido
ay itinanghal na sa mga entablado tulad ng
komedya.
• Hinalaw ito at isinapelikula, isinalin sa dulang panradyo,
teatro, sayaw, at sa kung ano-ano pang pagtatanghal.
• Ang pelikula nito ay unang ipinalabas noong 1941 at
idinirehe ni Vicente Salumbides
• Pinagbidahan ito ng mga artistang sina Mila del Sol
bilang Donya Maria at si Fred Cortes bilang Don Juan.
• Noong 1949, isinaayos ni Marcelo P. Garcia ang mga
salin nito.
• Ang kanyang likha ang siya ngayong ginagamit sa mga
paaralan.
• Noong 1955, ipinalabas muli ni Manuel Conde
ang pelikulang Ibong Adarna.

• Sa kasalukuyan, ang Ibong Adarna ay isa sa


mahahalagang akda na pinag-aaralan ngayon
sa mataas na paaralan, alinsunod sa
kurikulum na itinakda ng Department of
Education.
Panuto: 1/2 na papel, isulat ang iyong opinyon
tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong
Adarna.

Mahalagang pag-aralan ang koridong Ibong


Adarna dahil................................................

You might also like