You are on page 1of 4

Ang Paglaganap ng Korido sa Panahon ng mga Espanyol

Bagama't ang pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas sa pangunguna ni Ferdinand Magellan ay naitala
noong Marso 16, 1521 ,sinasabing ang kasaysayan ng pananakop ng mga Espanyol sa ating Inang Bayan
ay nagsimula noong taong 1565 nang dumating si Miguel Lopez de Legaspi sa bansa at nagtatag ng
unang pamayanan sa Cebu.

Tatlo ang pangunahing layunin ng mga Espanyol sa pananakop sa Pilipinas. Una, upang palaganapin ang
Katolisismo. Ikalawa, ang pagpapalawak ng kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga
sakop na mga bansa. Ikatlo, ang paghahanap ng mga pampalasa, masaganang likasyaman, at mga hilaw
na materyales upang matustusan ang kanilang mga pangangailangang pang-ekspedisyon.

Dahil sa layunin ng mga Espanyol na mapalaganap ang Katolisismo, sinunog nila ang mga nakasulat na
panitikan ng ating mga ninuno sa halip ay pinalitan nila ang mga ito ng panitikang nagbibigay-diin sa
pananampalatayang Kristiyanismo. Ito rin ang naging sanhi kung bakit ang panitikan sa panahong ito ay
naging mapanghuwad o may pagkakatulad sa mga anyo at paksang Espanyol. Lumaganap sa larangan ng
panulaan ang mga tulang liriko, mga awit, mga korido, at ang pasyon. Sa larangan naman ng drama ay
namayani ang

duplo, karagatan, komedya o moro mofo, mga dulang panrelihiyon, scnakulo, at sarsuwela. Samantalang
ang mga akdang tuluyan o prosa ay may paksang panrelihiyon at karaniwang tungkol sa mga talambuhay
ng mga santo.

Ayon sa talang sinulat nijochilla Panganilmn,et al. sa aklat na pinamagatang Panitikan ng Pilipinas, ang
panitikan noong panahon ng Espanyol ay sinasabing may tatlong katangian:

. May sari-saring kaanyuan at pamamaraan, gaya ng mga tulang liriko, awit, korido, pasyon, duplo,
karagatan, komedya, scnakulo, sarsuwela, talambuhay, at mga pagsasaling-wika.

. Ang karaniwang paksain ay panrelihiyon.

. Ang lalong nakararami ay huwad, tulad o halaw sa anyo, paksa, o tradisyong Espanyol.

Naging isang mabisang behikulo ang panitikan upang mabilis na mapalaganap ang relihiyong Katolisismo
sa bansa. Isa sa pinakatanyag na uri ng panitikang nagbibigay-halaga sa diwang Kristiyanismo ay ang mga
tulang romansa na nauuri sa dalawang anyo-ang awit at ang korido. Madalas ang mga ito ay nagsisimula
sa panalangin o pag-aalay ng akda sa Birhen o sa isang santo. Kalimitang ito ay pumapatungkol sa
pakikipagsapalaran at kabayanihang karaniwang kinasasangkutan ng mga prinsipe at prinsesa at mga
maharlikang tao kung saan ang pangunahing tauhan ay nagtatagumpay dahil sa kanyang mataimtim na
pananalig at matiyagang pagtawag sa Diyos.

Dahil lubhang mahigpit ang sensura noong Panahon ng Espanyol, hindi lahat ng mga akdang
pampanitikan ay maaaring maisulat at mailathala lalo pa't kung ito ay laban sa pamamahala ng mga
Espanyol. Ngunit dahil sa temang sinasaklaw ng awit at korido ang mga ito ay namayani at higit na
nakilala ng marami.Ayon sa aklat na Panitikang Pilipino ni Arthur Casanova, ang awit at korido ay
maaaring uriin gamit ang sumusunod na mga pamantayan.

Kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin matukoy kung sino talaga ang sumulat ng koridong Ibong
Adarna. Ayon kay Pura Santillan-Castrence, ito ay sa dahilang ang kasaysayan ng akdang ito ay maaaring
hinango lamang sa kuwentong-bayan mula sa mga bansa sa Europa tulad ng Romania, Denmark,
Austria,Alemanya, at Finland. Ito rin ang dahilan kung bakit maraming kritiko ang nagsasabing ang Ibong
Adarna ay hindi ganap na maituturing na bahagi ng panitikang Pilipino sa dahilang hiram lamang sa ibang
bansa ang kasaysayan nito. Kung uugatin ang kasaysayan, ang tulang romansa ay nakilala sa Europa
noong panahong Medieval o Middle Ages. Tinatayang noong 1610, mula sa bansang Mexico, ito ay
nakarating sa Pilipinas na ginamit namang instrumento ng mga Espanyol upang mahimok ang mga
katutubo na yakapin ang relihiyong Katolisismo.

Bagama't itinuturing na halaw o nagmula sa ibang bansa ang akdang ito, sinasabi ng maraming kritiko na
umaangkop naman sa kalinangan at kultura ng mga Pilipino ang nilalaman nito. Masasalamin sa akda ang
mga natatanging kaugalian at pagpapahalaga ng mga Pilipino tulad ng pagkakaroon ng matibay na
pananampalataya sa Poong Maykapal, mataas na pagpapahalaga sa kapakanan ng pamilya, mataas na
pagtingin o paggalang ng mga anak sa magulang, paggalang sa nakatatanda, pagtulong sa mga
nangangailangan, pagtanaw ng utang na loob, mataas na pagpapahalaga sa puri at dangal ng
kababaihan, pagkakaroon ng tibay at lakas ng loob sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay, at marami
pang iba. Bukod sa mga gintong aral na makukuha sa akda, ito ay tinangkilik din ng ating mga ninuno sa
panahon ng pananakop ng mga Espanyol sapagkat ito ay nagdulot din noon ng kasiyahan o kaaliwan sa
kanila. Sa katunayan ang akdang lbongAdarna ay itinuturing na panitikang pantakas sapagkat ang
mahihirap na Pilipino na sakbibi ng hirap at sakit dahil sa kahirapang kanilang nararanasan bunga ng
paniniil ng mga Espanyol ay pansamantalang nakatatakas sa kanilang tunay na kalagayan sa sandaling
mabasa o mapanood ang akdang ito at mailagay ang kanilang sarili sa pakikipagsapalaran ni Don Juan na
siyang pangunahing tauhan sa akda.

Pilipinas, ang Ibong g mga sipi nito ay kapistahan ng d ng komedya

Sa maraming mga koridong nalimbag at naisulat sa Adarna ang higit na tumanyag sapagkat bukod sa an .
ipinagbibili sa mga perya na karaniwang isinasagawa tuwmg mga bayan-bayan, ito rin ay itinatanghal sa
mga entablado na tula o moro-moro. .
Dahil na rin sa pasalinsaling pagsipi, ang mga sulat-kamay at maglilg ang mga nakalimbag na kopya ng
Ibong Adarna ay nagkaroon ng pagkakalba-lba sa gamit at baybay ng mga salita. Noong 1949, sa
pamamagitan ng matiyaga at masusing pag-aaral ni Marcelo P. Garcia ng iba't ibang sipi ng IbongAdarna
ay isinaayos niya ang pagkakasulat ng kabuoan ng akda partikular ang mga sukat at tugma ng bawat
saknong. Sa kasalukuyan ang kanyang isinaayos na sipi ang karaniwang ginagamit sa mga paaralan at
palimbagan.

You might also like