Professional Documents
Culture Documents
Adarna
Ang Ibong Adarna ay isang korido, isang uri ng panitikan na nasa anyong
patula, na itinuturing na bahagi ng Panitikang Pilipino bagama’t ito ay
hindi orihinal na nagmula sa Pilipinas.
May ilan-ilan na nagsasabi na si Jose dela Cruz ang kumatha ng akda. Siya
ay mas kilala sa tawag na Huseng Sisiw, isang makatang naging guro ni
Balagtas sa pagtula, ang may akda ng Florante at Laura.
Mahabang panahon ang aming ginugol sa paggawa ng buod na ito kaya
naman umaasa kami na makakatulong sa inyo ang aming bersyon ng
Ibong Adarna buod ng bawat kabanata.
Mga Tauhan
Ibong Adarna - Ang makapangyarihang ibong nakatira sa puno ng
Piedras Platas na makikita sa Bundok Tabor. Ang mahiwagang
ibong tanging makapagpapagaling kay Haring Fernando sa
pamamagitan ng magandang tinig nito.
Don Juan - Siya ang makisig na bunsong anak nina Haring Fernando
at Reyna Valeriana. Siya ang prinsipeng nakahuli sa Ibong Adarna
sa Bundok Tabor.
Buod
Si Haring Fernando at si Reyna Valeriana ng kahariang Berbanya ay
may tatlong anak na lalaki: sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan.
Payapa ang kaharian; nasisiyahan ang lahat.
Ngunit nagkasakit ang hari at ayon sa mangggagamot ng kaharian,
iisa ang makalulunas dito: ang awit ng Ibong Adarna.
Unang naglakbay ang panganay na si Don Pedro upang hanapin ang
mahiwagang ibon. Mahigit na tatlong buwan siyang naglakbay bago
narating ang bundok Tabor na kinaroroonan ng Piedras Platas, ang
punungkahoy na tahanan ng Ibong Adarna. Namumukod ito sa iba pang
mga puno dahil sa mayabong na mga dahong kumikinang na tulad ng
dyamante lalo’t natatamaan ng araw. Sa ilalalim ng nasabing puno
nagpahinga ang prinsipe hanggang sa makatulog ng mahimbing. Hindi na
tuloy niya namalayan ang pagdating ng isang napakagandang ibon, ang
pag-awit nito nang pitong beses at ang pitong beses na pagpalit ng kulay
ng balahibo pagkaawit. Pagkaraan, nagbawas ang ibon at pumatak sa
natutulog na prinsipe ang dumi nito. Noon din, naging bato si Don Pedro.
Nainip ang kaharian sa di pag uwi ni Don Pedro kaya’t ipinadala ng
hari ang pangalawang anak, si Don Diego. Limang buwang naglakbay ang
prinsipe hanggang sa sapitin niya ang bundok Tabor. Ngunit tulad ng
nakatatandang kapatid, naging bato rin si Don Diego sapagkat nakatulog
siya sa lambing ng awit ng ibon.
Nang di makabalik ang dalawang kapatid, si Don Juan naman ang
naglakbay. Sa kanyang paglalakbay, di nakalilimot si Don Juan na
tumawag sa Birhen. Apat na buwan siyang naglalakbay nang makatagpo
niya sa isang landas ang isang matandang ketongin. Pinakain ito ni Don
Juan at bilang ganti sa kabutihang loob ng prinsipe, pinapunta ito ng
matanda sa isang ermitanyo na nagtagubilin kung paano mahuhuli ang
ibong Adarna. Matapos hulihin ang mahiwagang ibon, binuhusan ni Don
Juan ng tubig ang dalawang malaking bato sa ilalim ng Piedras Platas at
pagdaka’y nagbalik sa dating anyo sina Don Pedro at Don Diego.
Sa landas pauwi, binugbog nina Don Pedro at Don Diego ang
bunsong kapatid upang mapasakanila ang karangalan sa pagkahuli sa
Ibong Adarna. Iniwan ng dalawa na pasa-pasa at ni hindi na makabangon
si Don Juan. Ngunit pagsapit sa Berbanya, ayaw umawit ng Adarna, na
naging isang pangit na ibon. Samantala, pinagyaman ng isang matanda si
Don Juan kaya’t nakauwi rin ito. Pagkakita ng ibon kay Don Juan, agad
nitong inawit ang tunay na pangyayari. Nang malaman ng hari ang
katotohanan, iniutos nitong ipatapon ang dalawang anak na naglilo,
ngunit nakiusap si Don Juan na patawarin na ang dalawa. Mula noon,
gabi-gabi’y naghahalili ang magkakapatid sa pagbabantay sa Ibong
Adarna. Isang gabi, pinawalan nina Don Pedro at Don Diego ang ibon
upang palitawing nagpabaya sa tungkulin si Don Juan. Nang malamang
nakawala ang Ibong Adarna, kusang lumayo si Don Juan upang
pagtakpan ang kasalanan ng mga kapatid. Ipinahanap ng hari ang bunso
at nagkita-kita ang magkakapatid sa bundok ng Armenya.
Nakakita sila ng isang napakalalim na balon na walang tubig.
Bumaba si Don Juan sa balon at ang nakita roon ay palasyong yari sa
ginto’t pilak na kinaroroonan ng magkapatid na Juana at Leonora.
Napatay ni Don Juan ang higante at serpyenteng may pitong ulo na nag-
tatanod sa dalawang dalaga. Pagkaraan, isinama niya ang dalawang dilag
sa itaas ng balon.
Pagkakita sa magkakapatid, agad umibig si Don Pedro kay Leonora
at si Don Diego kay Juana. Muling nagbalak ng masama ang dalawang
prinsipe. Nang muling bumaba sa balon si Don Juan upang balikan ang
singsing na naiwan ni Leonora, biglang pinutol ni Don Pedro ang lubid na
gamit nito sa pagbaba kaya’t nahulog ang prinsipe at nagkabali-bali ang
mga buto. Sa kapipilit ni Don Pedro, sumama na rin sa Berbanya si
Leonora, matapos pagbilinan ang engkantadang lobo na gamutin si Juan.
Nakauwi ang magkapatid kasama ang dalawang dilag. Ikinasal sina
Don Diego at Juana. Si Leonora ay nakiusap na hayaan muna siyang
tupdin ang panatang mamuhay nang mag-isa sa loob ng pitong taon bago
magpakasal kay Don Pedro. Ang totoo, hinihintay ni Leonora ang
pagbabalik ni Don Juan.
Samantala, gumaling si Don Juan nang gamutin ng engkantadang
lobo. Dumating ang ibong Adarna at sinabi kay Don Juan na limutin na si
Leonora at hanapin ang Reyno de los Cristal na kinaroroonan ng napa-
kagandang prinsesang si Maria Blanca, anak ni Haring Salermo.
Naglakbay nang napakalayo si Don Juan, at sa tulong ng mga ermitanyo
ay nakarating sa inihimaton ng Ibong Adarna. Pag-ibig sa unang
pagkikita ang nadama ng prinsipe at prinsesa ngunit malupit ang ama ng
babae. Bawat manliligaw ay pinararaan sa pagsubok at ginagawang bato
kapag di nakapasa.
Sa tulong ng mahika blanka ni Maria, nalampasan ni Don Juan ang
sumusunod na mga pagsubok: pagpatag sa bundok upang pagtaniman ito
ng trigo, na ang bunga ay ginamit sa paggawa ng tinapay na inihain sa
almusal ng hari; 2) pagbabalik sa 12 negrito na pinawalan sa dagat; 3)
pag uusod ng bundok sa tapat ng palasyo; 4) paggawa ng palasyo
kastilyo sa dagat; 5) pagbabalik sa dating lugar ng bundok na ginawang
kastilyo; 6) paghanap sa dagat ng dyamanteng singsing ng hari; at 7)
pagpapaamo sa simarong kabayo na sa katunayan ay si Haring Salermo
mismo na nag-ibang anyo. Lahat ng ito ay ipinagawa sa loob lamang ng
magdamag. Sa kapabayaan ni Don Juan, naputol ang isang hintuturo ni
Maria sa ikaanim na pagsubok, at ang putol na hintuturong ito ang
naging palatandaan ni Juan nang papiliin siya sa tatlong prinsesa na
nakakulong sa isang kwarto at hintuturo lamang ang nakalabas.
Bagama’t nakapasa sa mga pagsubok si Juan, tumanggi pa rin ang
hari na ipakasal dito ang anak na prinsesa, kaya’t nagtanan ang dalawa.
Nagkasakit si Haring Salermo hanggang sa mamatay.
Nang sumapit sa Berbanya ang dalawa, iniwan muna ni Don Juan si
Maria sa nayon at mag-isa siyang umuwi upang maghanda ng maranyang
pagsalubong sa prinsesa. Pagdating ni Juan sa palasyo, agad itong
niyakap ni Leonora at ang prinsipe naman ay nakalimot kay Maria.
Inihanda ang kasal nina Don Juan at Leonora.
Sa araw ng kasal, dumating si Maria at naghandog ng palabas na
nagpapaalala kay Juan ng nakaraan. Isinalaysay naman ni Leonora ang
ginawa niyang pagtulong kay Juan at ang matiyaga niyang paghihintay sa
pagbabalik nito. Nang ipasya ng arsobispo na kay Leonora ipakasal si
Juan, nagalit si Maria at pinabaha ang buong kaharian. Noon nagpasya si
Juan na kay Maria magpakasal. Si Leonora naman ay nagpakasal na kay
Don Pedro.
Ipinamana kay Don Pedro ang kaharian ng Berbanya. Bumalik sa
Reyno de los Cristal sina Juan at Maria at naghari roon ng mapayapa.
Buod ng Bawat Kabanata
Talasalitaan:
Tanyag – sikat
Sagana – mayaman
Malimit – madalas
Supling – anak
Nagtaka siya kung bakit wala ni isang ibon ang dumadapo rito. Sa labis
na paghihintay sa pagdating ng ibong adarna, siya ay nakaidlip at hindi
napansin ang pagdating ng ibon.
Talasalitaan:
Lunas – gamot
Natunton – narating
Nakaidlip – nakatulog
Kinapamihasnan – nakasanayan
Iglap – pikitmata, sandali
Kabanata 4: Pagkabigo ni Don Diego (Saknong 81 – 109)
Nasaksihan man ni Don Diego ang pagpapalit kulay ng mga balahibo nito,
siya ay nanatiling bigo. Napatakan siya ng dumi nito at naging bato na
rin. Nagmistulang magkatabing puntod ang magkapatid.
Talasalitaan:
Pagkabigo – pagkatalo
Nasilayan – nakita
Inatasan – inutusan
Naglakbay – naglakad, lumibot
Lambing – karinyo, lamyos, suyo o alo na ipinahahayag sa
pamamagitan ng mahinhing salita o kilos
Nasaksihan – nakita
Puntod – nitso; libingan ng patay
Talasalitaan:
Paglalakbay – paglalakad
Pagkalipas – pagkatapos
Bendisyunan – basbasan
Magtanan – umalis ng walang paalam
Binabagtas – nilalakad
Sambit – sabi
Marilag – maganda
Nanglimos kay Don Juan ang leprosong matanda at ibinigay ang nag-
iisang tirang tinapay.
Dumumi ang ibon ngunit iniwasan ito ng Prinsipe. Nakatulog na ang ibon
ngunit dilat ang dalawang mata at nakabuka ang malabay na pakpak nito.
Talasalitaan:
Ibinilin ng ermitanyo kay Don Juan na kunin ang banga at punan ng tubig
upang maging taong muli ang mga kapatid niyang naging bato.
Talasalitaan:
Nung una ay mariin itong tumanggi ngunit kalauna’y pumayag din ngunit
ani niya, sa halip na patayin ay bugbugin na lang daw ito. Iniwang
nakabulagta ang kahabag-habag na si Don Juan.
Talasalitaan:
Nakabalik na si Don Pedro at Don Diego tangay ang ibong adarna. Labis
ang kaligayahan ng Haring may sakit at hinagkan ang dalawang taksil na
prinsipe ngunit agad namang napawi ang ngiti sa kanyang labi nang
mapansin na wala si Don Juan.
Lalong lumubha ang sakit ng Hari dahil muling naalala ang dahilan kung
bakit siya nagkasakit. Umaasa ang ibong adarna na buhay pa ang tunay
na nagmamay-ari sa kanya at malaman ng Hari ang kataksilang ginawa
ng magkapatid.
Talasalitaan:
Kasakiman – katangian ng tao kung saan gusto niyang siya lang ang
nagmamay-ari ng lahat
Tangay – dala
Hinagkan – hinalikan
Nanibugho – nalungkot
Taksil – traydor
Talasalitaan:
Panaghoy – paghihinagpis
Kahabag-habag – kaawa-awa
Nagtaksil – nagtraydor
Sinariwa – inalala
Pananabik – pagkagalak
Agad na naglaho ang mga sugat nito na parang mahika. Labis ang
pasasalamatan ni Don Juan sa ermitanyo at hinagkan ito.
Nais sanang gumanti ng utang na loob ang prinsipe ngunit tumanggi ito
dahil ayon sa kanya, ito’y isang uri ng pagkakawanggawa.
Talasalitaan:
Bumalik ang ganda ng ibong adarna at ito ay muling umawit. Inawit nito
ang lahat ng nangyari kay Don Juan simula sa paghuli niya sa ibong
adarna hanggang sa pagtataksil ng dalawang prinsipe kay Don Juan.
Kasabay nang paggaling ng Hari ay natuklasan niya rin ang buong
katotohanan. Walang anu-ano’y biglang tumayo ang Hari at inutusan ang
mga kawal na ipatapon ang dalawang taksil na prinsipe, subalit nakiusap
si Don Juan sa Hari na ‘wag na itong ipatapon.
Agad namang pumayag ang Hari sa hiling ni Don Juan. Niyakap ni Don
Juan ang dalawa. Bumalik ang sigla ng kaharian dahil sa paggaling ng
Hari.
Talasalitaan:
Nasindak – nagulat
Hinagkan – hinalikan
Namukhaan – nakilala
Pagtataksil – pagtatraydor
Natuklasan – nalaman
Nawili ang Hari sa ibong adarna. Oras-oras kung ito’y kanyang dalawin at
hindi ito ikinatuwa ng reyna. Sa pangamba nitong makawala ang ibon,
ipinabantay niya ito sa tatlong prinsipe.
Kinakausap ni Don Juan ang ibon upang hindi ito dalawin ng antok.
Muling nagbalak ng masama si Don Pedro at Don Diego laban kay Don
Juan.
Talasalitaan:
Nawili – natuwa
Pangamba – takot
Dalawin ng antok – makaramdam ng antok
Nagbalak – nagplano
Nakaidlip – nakatulog
Kabanata 15: Ang Muling Pag-alis ni Don Juan (Saknong 429 – 442)
Madaling araw palang ay nagpasya nang tumakas si Don Juan dahil batid
niyang magagalit ang kanyang ama kapag natuklasan nitong nakawala
ang ibong adarna.
Sinambit nina Don Pedro at Don Diego na hahanapin nila ang taksil na si
Don Juan upang maparusahan.
Talasalitaan:
Nagpasya – nagdesisyon
Batid – alam
Natuklasan – nalaman
Sinambit – sinabi
Taksil – traydor
Naklakbay – naglakad
Nahihiya nang humarap si Don Diego kay Don Juan dahil sa pagtataksil
na ginawa ng dalawa dito. Bagama’t di sumang-ayon si Don Diego nung
una sa plano ni Don Pedro na manirahan sa gubat kasama si Don Juan,
nagtagumpay parin ito sa pagsulsol na mapapayag si Don Diego sa plano.
Talasalitaan:
Sagana – mayaman
Pagtataksil – pagtatraydor
Sumang-ayon – pagpayag
Pagsulsol – pag-udyok, paghikayat, pagpapayag
Magara – maganda, kaaya-aya
Tuklasin – alamin
Talasalitaan:
Talasalitaan:
Tumambad – lumantad
Namangha – nagulat
Paumanhin – tawad
Mapangahas – matapang
Nabigo – palpak
Kabanata 19: Bantay na Higante (Saknong 531 – 568)
Nung makita ng higante si Don Juan ay laking tuwa nito dahil hindi na
niya kinakailangang mamundok dahil mayroon na siyang makakain.
Nagalit si Don Juan at kinalaban ang higante gamit ang kanyang matulis
na espada. Natalo ni Don Juan ang higante.
Binalaan niya si Don Juan na mag-ingat dahil mas mabagsik ang bantay
ni Prinsesa Leonora walang iba kundi ang serpyentend may pitong ulo.
Mahirap itong makalaban dahil kahit na tagpasin ang ulo nito ay muling
tutubo at mabubuhay.
Talasalitaan:
Lumisan – umalis
Mabagsik – mabangis
Serpyente – ahas
Tagpasin – pinutol
Matatagpuan – makikita
Talasalitaan:
Nakadungaw – nakasilip
Nahumaling – nabighani, nahulog
Serpyente – ahas
Nagtapat – umamin
Nangangamba – takot, kaba
Pagyanig – pag-galaw
Talasalitaan:
Serpyente – ahas
Lingkisin – puluputan
Tinagpas – pinutol
Tampalasan – pasaway
Pagal – pagod
Balsamo – langis na ginagamit sa paghihilot
Ihasik – ikalat
Nagapi – natalo
Sumidhi – lumakas, tumindi
Hindi man sumang-ayon ang prinsesa, binalikan pa rin ni Don Juan ang
singsing. Habang bumababa ng balon ang prinsipe biglang pinutol ni Don
Pedro ang pisi kung kaya’t nahulog ito.
Talasalitaan:
Kataksilan – katrayduran
Pisi – lubid
Nanlumo – nanghina
Pinabulaanan – nilinlang, nagsinungaling
Dilag – magandang babae
Serpyente – ahas
Panata – taimtim na pangako
Ipinahid niya ito sa katawan ni Don Juan at agad nanumbalik ang lakas.
Niyakap ni Don Juan ang lobo. Nagpatuloy na sila sa palasyo upang kunin
ang singsing ni Prinsesa Leonora.
Talasalitaan:
Engkantada – uri ng nilalang na may angking kakayahan na iba sa
ordinaryong tao o hayop
Nilinlang – niloko
Nanumbalik – bumalik
Nakaahon – nakaakyat
Mayabong – malago
Dapat niyang pillin si Prinsesa Maria Blanca dahil walang kaparis ang
ganda nito. Habang ang umaasang si Prinsesa Leonora ay patuloy na
tumatangis sa pagkawala ni Don Juan.
Talasalitaan:
Isinalaysay – ikinuwento
Magtungo – magpunta
Tuso – mapanlinlang, pamanlamang
Dilag – magandang babae
Supling – anak
Kaparis – katulad
Tumatangis – umiiyak
Kabanata 25: Pagtuklas sa Bagong Mundo (Saknong 795 – 831)
Iniabot ng matanda ang isang maliit na baro at sabihin daw na galing ito
sa isang matanda.
Talasalitaan:
Pagtuklas – pag-alam
Naglalakbay – naglalakad
Bukbukin – bulok
Pulot-pukyutan – pulot na ginawa ng mga pukyutan (bees), honey
Bumbong – silindrikong sisidlan
Ermitanyo – taong nnaninirahan ng hiwalay sa tao
Baro – damit
Nagngingitngit sa galit si Don Pedro dahil si Don Juan pa rin ang laman
ng puso ni Prinsesa Leonora.
Pagtangis – pag-iyak
Nagdurusa – naghihirap
Nagngingitngit – sobrang galit
Dampa – mas kilala sa tawag ngayon na bahay kubo
Ermitanyo – taong nnaninirahan ng hiwalay sa tao
Ibinigay ng ermitanyo ang baro kay Don Juan at inutusan ang olikornyo
na ihatid ito sa bahay ng kapatid ng ermitanyo. Nakita ni Don Juan ang
isa pang ermitanyo na may mahabang balbas na sayad sa lupa.
Nagalit ang ermitanyo dahil binulabog ito. Inabot ni Don Juan ang
ipinadalang baro ng pinanggalingan nito.
Pinatunog din niya ang kampana at nagdatingan ang mga ibon, ngunit
wala din sa mga ito ang minsang nang nakarating sa nasabing kaharian.
Talasalitaan:
May isang higanteng agila ang biglang dumating. Nagalit ang ermitanyo
dahil bilin na bilin na kapag narinig na ang tunog ng kampana ay dapat
nakabalik na ang lahat ng ibon.
Inutusan ng ermitanyo ang ang agila na dalhin doon si Don Juan. Sinabi
ng agila na ang paglalakbay ay aabutin ng mahigit isang buwan ng
paglipad bago makarating sa banyo ni Maria blanca.
Talasalitaan:
Bilin – utos
Nagtungo – nagpunta
Karikit – kaganda
Paglalakbay – paglalakad/paglipad
Laksa-laksa – marami
Naaninag nila ang tatlong magagandang dilag. Ngunit mas umangat ang
mala-diyosang kagandahan ni Maria Blanca kung kaya’t nabihag agad
ang puso ni Don Juan.
Talasalitaan:
Ipinakilala ni Don Juan ang sarili habang si Maria Blanca naman ay agad
na binalaan ang prinsipe na tuso at matalino ang ama niyang si Haring
Salermo.
Talasalitaan:
Lapastangan – walang-hiya
Saplot – damit
Inilantad – ipinakita
Humupa – kumalma, tumigil
Tuso – mapanlinlang, pamanlamang
Inutos ng hari kay Don Juan na itanim ang isang salop ng trigo na kakaani
palang at dapat ito ay mamunga kinabukasan upang may maihain sa
almusal.
Tuwang-tuwa ang hari dahil mayroon na naman siyang mabibiktima.
Malungkot na tumungo si Don Juan sa prinsesa at sinabing hindi niya
magagawa ang pagsubok.
Talasalitaan:
Batid – alam
Pakay – balak, plano
Salop – takal
Trigo – uri ng bigas na ginagamit sa pag gawa ng harina
Ipinahain – ipinahanda
Ikinalat ito ng hari sa karagatan at nais niyang ipahuli kay Don Juan
bilang isang pagsubok. Kailangan ay makita ng hari kinaumagahan ang
prasko na kumpleto ang nasa loob upang makaligtas sa kamatayan.
Inutos muli ni Maria Blanca kay Don Juan na siya’y pumayapa dahil siya
na ang bahala. Pinagdala niya ng ilaw si Don Juan at nagtungo sila
parehas sa dagat pagsapit ng ikaapat ng madaling araw.
Iniutos niya sa mga negrito na bumalik sa prasko kung hindi ay
matitikman nila ang galit ni Maria Blanca. Nagmadaling umahon ang mga
negrito at agad na bumalik sa loob ng prasko.
Talasalitaan:
Prasko – bote
Pangamba – takot, kaba
Pumayapa – mapanatag, itahimik ang loob
Nagtungo – nagpunta
Pagsapit – pagdating
Durungawan – bintana
Makalangahap – makaamoy, makalasap
Sumapit – dumating
Pinawi – tinanggal
Nagtungo – nagpunta
Muling nagkita sina Maria Blanca at Don Juan. Inutos ni Maria Blanca na
magpahinga na lang muli ito dahil siya na ang bahala sa pinag-uutos ng
ama.
Talasalitaan:
Talasalitaan:
Pumalaot – lumusong
Tadtarin – hiwain
Tumalsik – tumapon, lumipad o napaalis mula sa isang lugar o
pwesto
Pagkakakilanlan – katangian ng isang tao para maging iba sa iba,
palatandaan
Namangha – nagulat
Nakaratay ang hari kaya si Don Juan nalang ang papapasukin sa palasyo.
Talasalitaan:
Mayroong tatlong silid na kung saan nandoon ang tatlong prinsesa at ang
mga hintuturo lamang nito ang nakalabas.
Nilagpasan ni Don Juan ang una’t pangalawang silid. Pinili niya ang
ikatlong silid dahil sa palatandaan niya ang naputol na hintuturo ni
Maria Blanca.
Nagulat ang hari ng napili ni Don Juan ang bunso nitong anak. Walang
itong nagawa kundi pasamahin ang bunsong anak sa prinsipe subalit ito
ay may ibang binabalak.
Talasalitaan:
Humanap ng ibang daan ang hari para tuluyan na itong mahuli. Ngunit sa
huling pagkakataon ay ginamit na naman ni Mari Blanca ang kaniyang
mahika. Inihulog ng prinsesa ang dala niyang kohe upang maging
isang karagatan ang tuyong lupa.
Talasalitaan:
Iniwan muna ni Don Juan si Maria Blanca sa isang nayon dahil nais ni
Don Juan na mag-isang pumasok sa Berbanya upang makapaghanda ng
engrandeng pagsalubong para sa prinsesa.
Tinutulan ito ng prinsesa dahil batid niya ang sumpa ng Hari na
makakalimutan daw nito ang prinsesa. Ngunit hindi niya napapayag ang
prinsipe kaya ibinilin lang nito na huwag titingin sa sinumang babae.
Talasalitaan:
Engrande – magarbo
Tinutulan – pinigilan
Batid – alam
Kataksilan – katrayduran
Talasalitaan:
Pagtataksil – pagtatraydor
Nakatakda – dapat na mangyari, walang makakapigil
Itakwil – paalisin
Nanibugho – nagalit
Emperatris – babaeng emperador o namamahala sa isang imperyo
Karosa – karwahe
Tangan – dala-dala
Kabanata 41: Ang Pagbawi kay Don Juan (Saknong 1450 – 1472)
Talasalitaan:
Talasalitaan:
Ngunit hindi nanghinawa ang prinsesa. Pinaalala niyang muli ang ginawa
nilang pagtakas kay Haring Salermo simula sa paghulog ng karayom na
naging tinik hanggang sa pagtataksil ng prinsipe sa kanya.
Subalit kahit ang mga ito ay limot na ni Don Juan. Wala na talaga ang pag-
asa na maalala ni Don Juan si Maria Blanca kaya ipinatigil na niya ang
palabas.
Naglahong parang bula ang dalawang ita. Hinagkan ni Maria Blanca ang
prasko at bumulong. Babasagin na niya ang prasko upang gunawin ang
buong kaharian.
Talasalitaan:
Magunita – maalaala
Nanghinawa – napagod, sumuko
Pagtakas – pag-alis ng walang paalam
Pagtataksil – pagtatraydor
Naglaho – nawala
Hinagkan – hinalikan
Prasko – bote
Gunawin – sirain
Sa isang iglap din ay nanumbalik ang mga ala-ala ni Don Juan at humingi
ng tawad kay Maria Blanca. Nangako ito na hindi na muling mauulit ang
paglimot dito.
Naguguluhan ang Hari kung sino ang dapat piliin ni Don Juan kaya
isinangguni niya ito sa isang arsobispo. Ayon sa kanya ang piliin daw ni
Don Juan ang mas nauna niyang inibig na si Prinsesa Leonora kung
kaya’t labis ang pagkagalit ni Maria Blanca.
Talasalitaan:
Hangad sana ni Don Fernando na ipasa ang korona kay Don Juan upang
maging susunod na hari. Ngunit iminungkahi ni Maria Blanca na kay Don
Pedro nalang ibigay ang korona dahil paghaharian na ni Don Juan
ang Reyno delos Cristales.
Isinalin ng Arsobispo ang korona kay Don Pedro bilng hari at Prinsesa
Leonora bilang reyna ng Berbanya. Pagkatapos ng kasal ay muling
bumalik sina Don Juan at Maria Blanca sa Reyno delos Cristales.
Talasalitaan:
Laking pagtataka ni Don Juan dahil ang malayong Reyno delos Cristales
ay narating nila sa loob ng isang oras.
Namayapa si Haring Salermo at ang mga kapatid ni Maria Blanca.
Naabutan na payapa ang Reyno sa kanilang pagbabalik.
Nagdiwang ang Reyno delos Cristales dahil sa bagong hari at reyna nila.
Walang patid na musika at pista sa loob ng siyam na araw.
Talasalitaan:
Namayapa – namatay
Malugod – masaya
Piging – pista
Patid – tigil
Pamamalakad – pagpapatakbo
Maunlad – sagana