Tauhan: Haring Fernando Don Diego Prinsesa Leonora
Reyna Valeriana Manggagamot Ibong Adarna Don Pedro Ermitanyo Haring Salermo Don Juan Donya Juana Maria Blanca
Scene 1:
Narrator: Sa isang kaharian ng Berbanya ay may namumunong mapagmahal na Haring
Fernando at Reyna Valeriana. Mayroon silang tatlong anak na sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan. Ngunit isang gabi’y nagkaroon ng masamang panaginip ang hari. Ang pinakamamahal na anak ni Haring Fernando na si Don Juan ay hinulog sa balon ng dalawang traydor. Labis na nag-alala ang hari at siya’y nagkasakit. Reyna V: Ano ang sinapit ng aking mahal na hari? Manggagamot: Ikinalulungkot ko pong sabihin na napakalubha po ng sakit ng mahal na hari. Reyna V: Ano ang naging sanhi ng kanyang sakit? Manggagamot: Ito’y dulot sa isang masamang panaginip na nagdudulot ng kanyang labis na kalungkutan at pag-alala. Reyna V: Ano naman ang lunas ng kanyang sakit? Manggagamot: Ang tanging lunas lamang ay ang pitong kanta ng Ibong Adarna. Ito’y matatagpuan sa Puno nga Piedras Platas sa kabundukan ng Tabor. Don Pedro: Amang Hari at Inang Reyna, bilang panganay ninyong anak, ako’y kusang maglakbay upang hanapin ang Ibong Adarna, ‘yun ay kung papayagin ninyo akong maglakbay. Narrator: Sinimulan ni Don Pedro ang paglalakbay ngunit pagdating niya sa puno ng Piedras Platas ay siya’y nabighani sa kumikinang na puno at dahil sa pagod, siya’y nakatulog. Nang dumating ang Ibong Adarna, ito’y kumanta ng pitong beses at umipot. Kung sino ma’y maiputan ng Ibong Adarna ay nagiging bato. At dahil nakatulog si Don Pedro, siya’y naiputan ng ibon. Reyna V: Si Don Pedro’y hindi pa nakabalik. Ako’y nag-aalala kung ano na ang kanyang kinalalagyan ngayon. Don Diego: Ako, inang reyna. Ako ang hahanap sa Ibong Adarna at pangako ko’y dadalhin ko ditto ang ibon at si Don Pedro. Haring F: Mag-ingat ka sa iyong paglalakbay. Narrator: Gayundin ang sinapit ng ikalawang anak ngunit bago siya naging bato, nakita muna niya ang kagandahan ng Ibong Adarna. Haring F: Hindi pa rin nakabalik ang aking mga anak. Pabayaan niyo nalang ako dahil ayokong may anak ko pang mawawala. Don Juan: Hindi, Amang Hari. Ako’y maglalakbay at pangako ko’y ibabalik ang aking mga kapatid at dadalhin ko sa iyo ang Ibong Adarna. Tutuparin ko ang aking pangako. Reyna V: Mag-ingat ka anak. Sige na, simulan mo na ang paglalakbay upang maibalik na ang mga kapatid mo at para gumaling na ang ama mo. Narrator: Sa kanyang paglalakbay, may nadatnan siyang matandang humihingi ng pagkain. Matanda: O, ginoo. Kung may konting pagkain kayo riyan, pwede bang ako’y iyong bigyan? Pangako ko sayo’y ibigay kung ano man ang iyong hinihiling bilang kapalit. Don J: Ako nga po’y may isang pirasong tinapay na natitira. Tanggapin niyo po ang aking munting tulong. Matanda: Maraming salamat, ginoo. Nawa’y ikaw ay pagpalain ng lubusan. Kung hindi mo mamasamain, ano nga ba ang pakay mo sa paglalakbay mo at baka ikaw ay aking matulungan. Don J: Ako po’y naghahanap sa Ibong Adarna upang magamot ang aking amang hari. Matanda: May alam akong isang ermitanyong makakatulong sa iyo. Narrator: Binigay ng matanda ang mga direksiyon papunta sa tirahan ng ermitanyo. Muli siyang nagpasalamat sa tinapay na ibinigay ni Don Juan. Nang siya’y makarating… Don J: Ako po si Don Juan at ako’y narito upang humingi ng tulong sa pagdakip ng Ibong Adarna dahil ito lamang ang tanging lunas sa sakit ng amang hari. Natatakot ako na baka ikamamatay ng aking ama kapag hindi ko maiuwi ang Ibong Adarna. Ermitanyo: Halika, ginoo. Kumain ka muna. Narrator: Ibinigay ng ermitanyo ang isang pirasong tinapay kay Don Juan at parang napapansin na ni Don Juan na ang tinapay’ng iyon ay ang tinapay na ibinigay niya sa matanda. Nagpag-isip-isip niya na baka ang matandang iyon ay ang ermitanyong tutulong sa kanya. Ermitanyo: Pagpunta mo sa Bundok ng Tabor, makikita mo ang isang kabigha-bighaning puno ng Piedras Platas. Pumupunta dun ang Ibong Adarna at umiipot pagkatapos ng ikapitong kanta. Kailangan mong labanan ang iyong antok upang hindi ka maipotan ng ibon dahil sinuman ang maipotan ng ibon ay nagiging bato. Narrator: Binigyan ng ermitanyo si Don Juan ng kutsilyo, pitong dayap, gintong sintas at mahiwagang tubig. Tuwing nakakaramdam ng antok si Don Juan ay sinusugatan niya ang kanyang sarili at pinipigaan ng dayap. Nagawa niyang dakpin ang ibon gamit ang gintong sintas. Don Juan: Ang galing ko talaga! Teka, sila kuya! Narrator: Binuhusan niya ng mahiwagang tubig ang mga kapatid niya at bumalik sila sa dati nilang anyo. Nang pabalik na sila sa Berbanya, naisipan ni Don Pedro na bubugbugin nila si Don Juan upang maipamukha na sila ang nakadakip sa Ibong Adarna. Nagawa nilang bugbugin si Don Juan ngunit ni isang suntok ay hindi magawa ni Don Juan dahil mahal na mahal niya ang kanyang mga kapatid. Dinala ng kanyang mga walang hiyang kapatid ang ibon pabalik sa Berbanya. Nang nakarating na sila sa Berbanya ay hindi kumanta ang ibon at nagulat ang lahat sa kanilang nakita. Napakapangit ng ibon at hindi nila inaasahan na ganun pala ang hitsura ng ibon. Reyna V: Asan si Juan? Nasaan siya?!