You are on page 1of 11

Ibong Adarna

Scene I

(Palacio ni Haring Fernando)

Mangagamot: Hindi namin masabi kung ano ang kanyang naging karamdaman.

(Biglang may dumating na ermitanyo.)

Ermitanyo: Ang tanging makakapagalaing sa kanya ay ang pagawit ng Ibong Adarna na


mahahanap sa puno ng Piedras Platas sa bundok Tabor.

Don Pedro: Ako ang huhuli sa Ibong Adarna.

Scene II

(Bundok Tabor)

(Naglalakbay si Don Pedro kasama ang kanyang kabayo.)

Don Pedro: Sa wakas at natagpuan ko na ang puno ng Piedras Platas.

(Nakatulog si Don Pedro sa pagawit ng Ibong Adarna)

(Nataihan ng Ibong Adarna si Don Pedro at naging bato siya)

(Sa Palacio)

Don Diego: Ilang buwan na ang nakakalipas ngunit hindi pa bumabalik ang aking
kapatid na si Don Pedro.

Don Diego: Ako ang huhuli sa Ibong Adarna para gumaling na ang aking ama.

(Naglalakbay si Don Pedro kasama ang kanyang kabayo.)

Don Diego: Sa wakas at natagpuan ko na ang puno ng Piedras Platas.

(Nakatulog si Don Diego sa pagawit ng Ibong Adarna)

(Nataihan ng Ibong Adarna si Don Pedro at naging bato siya)


(Sa Palacio)

Don Juan: Ilang taon na ang nakakalipas ng umalis ang aking mga kapatid ngunit kahit
anino nil ay walang dumating.

Don Juan: Ako ang huhuli sa Ibong Adarna.

Reyna Valeriana: Hindi pwede Juan. Kaya nagkasakit ang iyong ama dahil nagaalala
siya sayo.

Rayna Valeriana: Napaginipan kasi niya na mayroon daw nagtaksil sayo at itinapon ka
sa isang balon.

Don Juan: Magiging maayos lang ako. Hindi niyo kailangan mag alala magiingat ako.

(Naglakbay si Don Juan ngunit walang dalang kabayo)

Scene III

(Paglalakbay ni Don Juan sa Gubat)

Ketongin: Iho, pwede bang makahingi kahit kaunting pagkain lang.

Don Juan: Ito po.

Ketongin: Salamat.

(Paalis na ang ketongin)

Don Juan: Sindali lang po, alam niyo po ba kung paano huhulihin ang Ibong Adarna?

Ketongin: Mayroon isang maliit na bahay malapit sa bundok, kung saan nakatira ang
isang ermitanyo.

Ketongin: Siya ang magbibigay sayo ng kaalaman kung paano mo mahuhi ang ibon. At
huwag na huwag kang matutulog sa isang magandang puno doon.

Don Juan: Maraming salamat po.


Scene IV

(Sa bahay ng Ermitanyo)

(Kumatok si Don Juan)

Ermitanyo: Pumasok ka iho. Kumain ka muna.

(Inaalok ng ermitanyo ang tinapay na binigay ni Don Juan sa ketongin, Nagtaka si Don
Juan)

Don Juan: Paano ko po ba mahuhuli ang Ibong Adarna

(Inabot ng ermitanyo ang isang dayap, matalim na labaha, at gintong sintas.)

Ermitanyo: Tuwing kakanta ang Ibong Adarna, kailangan sugatan mo sugatan ang
iyong katawan at patakan ng katas ng dayap ang sugat upang hindi ka makatulog.
Kailangan mo ding umiwas kung ang ibon ay umipot pagkatapos umawit ng pitong awit.
At kapag nahuli mo na ang Ibong Adarna, dapat talian mo ito ng gintong sintas.

Don Juan: Salamat po.

(Umalis si Don Juan.)

Scene V

(Pagkahuli sa Ibon)

(Sinunod ni Don Juan ang utos ng ermitanyo.)

Don Juan: Kailangan kong bumalik sa bahay ng ermitanyo upang mailigtas ang aking
kapatid.

(Bumalik sa bahay ng ermitanyo.)

(Kinulong ang Ibon)

Don Juan: Paano ko po maililigtas ang aking mga kapatid?

Ermitanyo: Ito iho. Isang mahiwagang tubing. Kailangan mo silang buhusan ng


mahiwagang tubig.

(Nagbigay ang ermitanyo ng tubig sa bote)


Scene VI

(Niligtas ang mga kapatid)

(Binuhusan ng mahiwagang tubig ang mga kapatid)

Don Pedro at Don Diego: Salamat Juan at niligtas mo kami.

Don Juan: Halika at maglakbay na tayo pabalik ng Berbanya. Nagaalala na siguro ang
ating ama.

(Pagsapit ng Gabi)

Don Juan: Magpahinga muna tayo dito.

(Natulog na si Don Juan)

Don Pedro: Hindi pwedeng makuha nanaman ni Juan ang karangalan. Lagi na lang siya
ang magaling. May plano ako para tayo naman ang mapansin ng hari.

(binulong si Don Pedro ang kanyang plano kay Don Diego)

Scene VII

(Pagtataksil)

(Binogbog nila si Don Juan hangang mawalan ito ng malay)

Don Pedro: Kunin mo na ang ibon at umalis na tayo ditto agada gad.

(Pagkadating sa berbanya)

Don Pedro: Nakuha ko na ang Ibong Adarna. Tara umalis na tayo.

Reyna Valeriana: Buti na lang nakabalik na kayo. Asan si Don Juan?

Don Pedro: Hindi po naming siya nakita.

(Dinala ang ibon sa hari ngunit hindi ito kumanta)


Scene VIII

(Si Don Juan)

Matanda: Naku! Iho,anong nangyari sayo. Sumama ka sa akin at gagamutin kita.

Don Juan: Salamat po.

Matanda: Walang ano man. Tara na at papagalingin kita.

Scene IX

(Bumalik si Don Juan sa Berbanya)

Reyna Valeriana: Juan! Salamat naman at nakauwi ka na. Anong nangyari sayo?

(Yakap)

(kumanta na ang ibon)

(Bigla itong nagpalit ng anyo at sinabi kung ano ang nangyari kay Don Juan)

Ibong Adarna: Binugbog nila si Don Juan para sila ang makakuha sa akin at sa
karangalan.

Haring Fernando: Dapat kayong parusahan.

Don Juan: Huwag na po ama. (nagmamakaawa)

Scene X

(Nakalaya ang Ibong Adarna)

Don Juan: Dito ka lang aking ibong adarna. Matutulog muna ako.

(Nakatulog si Don Juan sa kakabantay sa Ibong Adarna)

(Pinakawalan ito ng kanyang mga kapatid at ito ay nakawala)

Don Juan: Naku! Kailangan kong umalis at baka ako pa ang pagkamalang
nagpakawala sa Ibong Adarna.
Scene XI

(Paghahanap kay Don Juan)

Haring Fernando: Nawawala ang inyong kapatid na si Juan at ang Ibong Adarna.
Kailangan niyo silang hanapin.

Magkapatid: Opo, Ama.

(Naghanap na ang dalawa)

Don Diego: Mabuti naman at nahanap ka na naming at nahanap mo na rin pala ang
Ibong Adarna.

Don Pedro: Tara. Bumalik na tayo sa Berbanya.

Scene XII

(Ang Balon)

Don Pedro: Ano kaya ang nasa balong iyon. Mukang malalim ito.

(Bumaba si Don Pedro, natakot at umakyat pabalik)

Don Diego: Ako naman ang susubok aking kapatid.

(Bumaba si Don Diego, natakot at umakyat pabalik)

Don Diego: Napakalalim naman ng balong iyan baka merong masamang mangyari.

(Bumaba si Don Juan)

Don Juan: Ang ganda naman dito. Sindali ano yun?

(Dona Leonora binabantayan ng Serpyenteng may pitong ulo.)

Don Juan: Kailangan ko siyang iligtas mukang nasa panganib siya.


Scene XIII

(Dona Juana)

Dona Leonora: Salamat sa pag sagip mo sa akin pwede mo rin bang tulungan ang
aking kapatid nasi Juana. Bihag siya ng isang higante. Kailang niya ng tulong

(Tinulungan ito ni Don Juan)

Dona Juana: Salamat sa pagligtas mo sa aming dalawa. Napakamalaki ng iyong puso.

(Umakyat na sila)

Scene XIV

(Singsing)

Dona Leonora: Naku! Naiwan ko ang aking singsing sa balon. Kailangan ko yung kunin.

Don Juan: Ako na ang kukuha ng iyong singsing.

(Bumaba ulit si Don Juan ngunit pinutol ng kanyang mga kapatid ang lubid)

(Nahulog si Don Juan)

Scene XV

(Pagbabalik sa Berbanya)

(Bumalik sa sila sa Berbanya)

(Nagpakasal si Don Diego at si Dona Juana)

Don Pedro: Dapat na rin tayong ikasal Dona Leonora

Dona Leonora: Bigyan mo muna ako ng pitong taon.


Scene XVI

(Muling paglalakbay ni Don Juan)

Don Juan: Magpapahinga muna ako sa may puno. Pagod na pagod na ako sa
paglalakbay.

(Nagpahinga) (Dumating ang Ibong Adarna)

Don Juan: Hindi ako pwedeng makatulog.

(Nagpalit anyo ang Ibon)

Ibong Adarna: Mayroong isang magandang prinsesa na si Maria Blanca na anak ni


Haring Salermo ng kaharian ng Delos Cristales. Kailangan mo siyang hanapin

Don Juan: Kailangan ko siyang hanapin.

Scene XVII

(Ang tatlong ermitanyo)

(May natagpuan siyang Ermitanyo)

Don Juan: Alam niyo ho ba kung saan ang Kaharian ng Delos Cristales?

Ermitanyo: Hindi, ngunit baka alam ito ng aking nakakatandang kapatid.

(Nagbigay ng pirasong tela)

Ermitanyo: Ipakita mo ito sa aking kapatid at itanong mo sa kanya iyan.

(Maglakbay si Don Juan)

(Nakita niya ang Ermitanyo at ipinakita ang tela)

Don Juan: Pinapunta po ako dito ng inyong nakababatang kapatid, Alam niyo ho ba
kung saan ang Kaharian ng Delos Cristales?

Ermitanyo 2: Hindi, ngunit baka alam ito ng aking mas nakakata pang kapatid.

(nagbigay muli ng kapirasong tela)


Ermitanyo 2: Ipakita mo ito sa kanya at itanong mo sa kanya iyan.

(Naglakbay muli si Don Juan)

(Nakita niya ang Ermitanyo at ipinakita ang tela)

Don Juan: Pinapunta po ako dito ng inyong nakababatang kapatid, Alam niyo ho ba
kung saan ang Kaharian ng Delos Cristales?

Ermitanyo 3: Hindi ngunit alam ng agila ko ang lugar na iyan.

Don Juan: Pwede po ba niya ituro kung asan ito matatagpuan?

Scene XVIII

(Dona Maria)

Agila: Pagnaligo na si Dona Maria kunin mo ang kanyang damit at itago ito. Kapag
hinanap na niya ito. Magpakita ka na sa Prinsesa.

(Ginawa ni Don Juan ang utos ng agila)

(Sinabi ni Don Juan ang kanyang malinis na intension at hindi naman nagalit ang
Princessa)

Don Juan: pasenya kana pero ginawa ko ito dahil ito ang sinabi ang agila upang
mahanap ang Kaharian ng Delos Cristales.

Dona Maria: Hinde naman ako galit sayo. Ngunit wag mo ng uulitin.

Scene XIX

(Mga utos ni Haring Salermo)

Haring Salermo: Kailangan kitang subukan Don Juan. Upang malaman ko ang iyong
derteminasyon ang kakayahan. Ang iyong unang pagsubok ay ang pagtibag ng bundok.
pagpapatag nito at pagtatanim ng trigo na kinakailangan kinabukasan ay may mainit na
tinapay na magagawa kaagad si Juan at maibibigay sa hari

Don Juan: Opo Haring Salermo


Haring Salermo: Ang iyong pangalawang pagsubok ay ang paghuli sa 12 negrito na
pinakawalan sa karagatan.

Haring Salermo: Ang ikatlo ay ang paglalagay ng bundok sa gitna ng dagat at gagawing
kastilyo, na banding huli ay kanya ring pina- alis ang kastilyong ito upang makita ang
nahulog na singsing ng hari sa karagatan.

Haring Salermo: Ang pinakamahirap ay ang paghahanap nito ng singsing ng hari na


kanyang pinaghati-hati ang katawan ni Maria upang hanapin ang singsing ng hari, dahil
dito nawala ang isa sa mga daliri ni Maria.

(Sinubukan ni Haring Salermo si Don Juan)

(Flashback ng mga pagsubok) * Medyo fastforward*

Ang unang pagsubok ay ang pagtibag ng bundok, pagpapatag nito at pagtatanim ng


trigo na kinakailangan kinabukasan ay may mainit na tinapay na magagawa kaagad si
Juan at maibibigay sa hari. Ang ikalawa ay ang paghuli sa 12 negrito na pinakawalan sa
karagatan. Ang ikatlo ay ang paglalagay ng bundok sa gitna ng dagat at gagawing
kastilyo, na banding huli ay kanya ring pina- alis ang kastilyong ito upang makita ang
nahulog na singsing ng hari sa karagatan. Ang pinakamahirap ay ang paghahanap nito
ng singsing ng hari na kanyang pinaghati-hati ang katawan ni Maria upang hanapin ang
singsing ng hari, dahil dito nawala ang isa sa mga daliri ni Maria. Gayunpaman, lagi
nitong napagtatagumpayan ang lahat ng pagsubok ng hari sa tulong na rin ng Mahika
Blanka ni Donya Maria.

Haring Salermo: Dahil natapos mo lahat ng aking pagsubok ay papayagan kitang


pakasalan ang isa sa aking mga anak.

(Ang napili ni Juan ay si Maria kahit hindi ipinakita sa kanya ang mukha ng prinsesa.
Dahil na rin sa naputol na daliri ni Maria bilang naging palatandaan ni Juan sa kanya.)

Haring Salermo: Bakit kilala ninyo ang isat-isa. Matagal na ba kayo magkakilala?

Dona Maria: Opo ama.

Haring Salermo: Dahil sa kataksilan mo sa akin isusumpa kita makakalimutan ka ni Don


Juan at magpapakasal siya sa iba.
Scene XX

(Ang Kasal)

Don Juan: Iiwan muna kita dito Maria. Pangako ko babalik ako.

Dona Leonora: Don Juan! Buti na lang at nakabalik ka na.

(Nakalimutan na ni Juan si Maria)

Don Juan: Nais ko pong pakasalan si Dona Leonora

Haring Fernando: O sige, pumapayag ako aking anak.

(Ikakasal na ang dalawa) (Biglang dumating si Dona Maria)

(Isang negrito at negrita ang inilabas ni Maria. Sa tuwing papalo ang negrita, hindi
nasasaktan sng negrito. Ang nasasaktan ay si Don Juan. Unti unting naalala ni Don
Juan si Dona Maria)

Don Juan: Ama! Naalala ko na si Dona Maria talaga ang gusto kong pakasalan.

(Gulat na gulat si Dona Leonora)

Haring Fernando: Si Leonora na ang niyaya mong pakasalan dapat panindigan mo


iyon.

Don Juan: Dona Leonora, hindi ako karapat dapat sayo. Hindi ko masusuklian ang
pagmamahal mo dahil mahal ko talaga si Dona Maria. Ang totoong nagmamahal sayo
ay si Don Pedro.

Dona Leonora: Pumapayag na ako aking mahal Don Juan.

(Nagpakasal na ang dalawang pares)

The End

You might also like