You are on page 1of 3

Narrator: Samantalang si Don Juan patungo sa De Los Cristal

Narrator: Si Leonorang matimtiman araw gabiy nalulumbay.Walang lagging


nasasambit kundi si Don Juang iniibig
Leonora: O, kasi kot aking buhay lunas nitong sudat lumbay anot di ka
dumaratal,Ikaw kayay napasaat? Hindi ka na nabalisa gayong akoy nasa
dusa.Anot akoy iyong natitiis.Diba Tunay aking giliw pangako mong walang
maliw akoy iyong mamahalin,ngayot di mo tuparin? Pitong taong pag iisa
hiningi sa iyong ama upang upending dumating ka mabihis mo yaring dusa
Leonora: hindi ko matatanggap na mahalin ko ang hindi ko gusto.Kung narito
ka Don Juan makikita yaring lagay ang puso mong batoy madudurog din sa
lumbay.bakit nga ba hindi,irog ko lalo pa kung matatalos,ang hinagpis at
himutok kayakap ko sa pagtulog.Ayaw akong bigyang laya munting akoy
mapayapa.panabay nang mayroong iwa sa dibdib,pusot diwa.Iwang may
pagkakaantak may bagsik na kamandag,kamandag na umuutas sa buhay
kong kulang palad.Kaya lamang hindi mapatay itong mahina kong buhay,ay
panggol kong matibay,ang pagsinta mong dalisay.Pag-asa ko aking giliw,ikaw
ay buhay at darating.Darating kat hahanguin si Leonora sa hilahil
Narrator: Pananaghoy ni Leonora paano maririnig baga, Si Don Juay malayo
na di na siya naaalala.
Narrator: Si Don Juay tatlong taong naglalakad sa liblib at mga gubat,
Masigasig ang paghanap sa kahariang kanyang pangarap.Ngunit laging
naliligaw,nalalayo ang kaniyang daan,tila bawat gawing hakbang palayo sa
Delos Cristal.
Don Juan: ( lakad )
Narrator : Diway sa awa ng Diyos sa Prinsepeng napalaot,sa ibis ng isang
bundok may matandang sa sisipot.nilapitan niya ang matanda buong suyong
napaawa.Siya nama kinalinga.Dininig ninais niya.
Matanda: Akoy iyong kaawaan iligtas sa kagutuman kung may dala ka riyan
ako poy iyong limusan.
Don Juan: Ako ay mayroon dito sa supot itoy tinapay na durog-durog,Ikaw na
ang dumukot,kumain kat ng mabusog.
Narrator: Ang tinapay ay maitim at durog durog pa nga at bukbukin,Para sa
prinsipe itoy nakakasuklam na kanin.

Narrator:Ngunit sa taong may gutom matigas mat lumang tutong parang


bagong pirurutong

Narrator: Ganito na ang nangyari ang Prinsipey taking taka ngayong


kanyang pandidiri isinumpa at nagsisi.Noon niya nakilala na sa lumat pangit
pala taoy huwag pakaasa walang tamis walang ganda
Narrator: Nang makain ang tinapay ang matanday nagsaysay
Matanda: nang ikaw ay masiyahan heto ang pulot-pukyutan.At diyan sa
isang bumbong may tubig kang maiinom ingatan lang na matapon upang
akoy may mabaon.Kay haba pa at matagal yaring aking
paglalakbay.Mahirap maubusan lalo nat walang makuhaan
Narrator: Sa bumbong ay tumungga si Don Juan ay masaya.Siyay
nakaramdam ng ginhawa laong nawala sa kaniya.
Narrator: Bumbong na kinalalagyan isang biyas na kawayan,sa laki ng
kaniyang uhaw itoy kulang pa.kayat siyay nagturing
Don Juan: Nunong lubhang maawain ipatawad po sa akin tubig ninyo ay
ubusin.Sa laki ng aking uhaw ubusin man po ay kulang,nanunuyong
lalamunan tila itoy sinasakal.
Matanda: Don juan iyong inumin kung itoy iyong hinihiling,Di mo sukat na
isipin ang hinampo kung saakin.Ano naman kung itoy maubos kung ikaw
namay mabubusog marahil naman sa bundok may tubig ding masasalok.
Narrator: Ininom ni Don Juan yaong tubig Kristal waring anong linis at
linamnam at lamig sa dibdib ay gumuguhit.
Narrator: Walang siyang itinira kapatak may sinimot n,Ngunit siyay nagtaka
puno parin ng Makita.Di nakaya ang kaniyang inakala na tarukin ang hiwaga
sa sarili ay nagwika
Don Juan: Itoy isang talinhaga
Don Juan: Di sasala ang kuro ko Itoy isang talinhaga.kung hindi may
mayroong engkanto dapat hangaan sa mundo.
Narrator: Pagtataka ni Don Juay batid,Ayaw niyang ipamalay pangit sa
karangalan.Higit parin ang Prinsipe mag-usisay di mangyari,nangingimi ang
sarili na umanyong isang imbi
Narrator: Kaya ng magsalita iniihis sa akala ugali ng mga bata na magtanong
sa matanda

Don Juan: Nguno;y iyo pong talastas ang dalita kong kayakap sa pautang
ninyong habag akoy nagpapasalamat.
Don Juan: Di man nga po makagantimay araw pang nalalabi dalangin ko ay
mangyari matulungan ka sa huli.
Don Juan:Huwag nawang ipalagay na kawalan ko ng pag galangmay isa pang
kahilingan yaring abang kalagayan

Matanda: Ano ito aking bunso? Sabihin mot nang matanto,kung kaya ng
aking kuro maluwag ko tong ituturo
Don Juan: Ako poy naglalakbay patungong Delos Cristal marami nang
naraanan ngunit di ko parin matagpuan
Matanda: Jesus na panginoon ko,sa paglalakad na ito,sandaang taong husto
baying yaon,ay ewan ko.
Matanda: Ngunit katay tuturuan,bundok na yaoy paroroonan mula ritoy
tandaan nasa ikapitong hanay.
Matanda: Doon ay may Ermitanyo na sasalubong sa iyo,kapirasong barong
ito,sakanyay ipakita mo
Matanda: Kung ikaw ay tatanungin kung kanino ito galling ang iyo lamang
sasabihin sa matanda pong sugatin
Matanda: Kaya lumakad ka na Don Juan kay layo pa ng iyong
pupuntahan.Didilimin ka sa daanan tatahakiy anong sukal?

You might also like