You are on page 1of 31

Ang Panaghoy

ni
Donya Leonora
Ang buod
Labis ang lungkot at pighati ni Donya
Leonora sa hindi pagbabalik ni Don Juan. Ang
dami niyang sakripisyo ng si Don Juan ay nasa
paligid pa. Hindi niya maintindihan kung ano
ang nangyari at bigla na lang na parang
nawala ang pagmamahal ni Don Juan sa kanya
at tuluyan siyang kinalimutan.
Pinipilit siyang ipakasal sa taong hindi niya
mahal, dahil nag-iisa lamang si Don Juan sa
puso niya.
Pitong taon ang hiningi ni Donya Leonora sa amang
hari niDon Juan upang ito ay maghintay, masiguro
lamang na huwag siyang maipakasal sa iba dahil si Don
Juan lamang ang kanyang mahal at ibig pakasalan.
Labis ang sama ng loob ni Donya Leonora dahil siya
ang nagpapunta ng kanyang lobo na siyang nagligtas
kay Don Juan sa panganib na kung hindi dahil sa lobo,
malamang ay namatay siya.
Umaasa pa rin si Donya Leonora na babalik si Don
Juan sa kanya isang araw at bumalik ang kanyang
pagmamahal kay Donya Leonora.
Mga Saknong 777-792
Samantalang si Don Jua’y patungo sa Reynong
Cristal, si Leonorang matimtiman araw-gabi’y
nalulumbay.
Araw-gabi’y tumatangis sa kinalalagyang silid
walang laging nasasambit kundi si Don Juang
ibig.
“O, kasi ng aking buhay lunas nitong dusa’t
lumbay ano’t di ka dumataral ikaw kaya’y
napasaan?
“Hindi ka na nabalisa, gayong ako’y nasa dusa,
walang gabi at umagang di ikaw ang aking
pita?
“Ano’t iyong natitiis ako sa ganitong sakit, di
ba’t ikaw aking ibig ang aliw ko kung may
hapis?
“Di ba tunay , aking giliw , pangako mong
walang maliw ako’y iyong mamahalin, ano
ngayo’t di mo tupdin?
“Pitong taong pag-iisa hiningi sa iyong ama,
upang kung dumating ka mabihis mo yaring
disa.
“Pagkat di ko matatanggap makasal sa hindi
liyag, buhay ko man ay mautas pagsinta ko’y
iyong hawak.
“Kung narito ka, Don Juan, makikita yaring
lagay , ang dibdib mo kahit bakal madudurog
din sa lumbag
“Bakit nga ba hindi, irog, lalo pa kung
matatalos, ang hinagpis at himutok kayakap ko
sa pagtulog?
“Ayaw kong bigyang-laya munting ako’y
mapayapa, panabay nang naro’ng ng iwa sa
dibdib ko, puso’t diwa.
“Iwang pagkaantak-antak may mabagsik na
kamandag, kamandag na umuutas sa buhy
kong kulang-palad.
“Kaya lamang di mapatay yaring mahina kong
buhay ay pananggol kong matibay ang
pagsinta mong dalisay.
“Pag-asa ko, aking giliw, buhay ka at darating
din, darating ka’t hahanguin si Leonora sa
hilahil
“Pagkat kung di ka binuhay ng lobo kong
pinawalan, kaluluwa mo man lamang sana sa
aki’y dumalaw.”
Panaghoy ni Leonora pa’nong maririnig baga,
si Don Jua’y malayo na, di na din siya alaala.
Pagsasanay
• 1) Sino ang mga pangunahing tauhan?
• 2) Sino ang gustong makita ni Donya Leonora?
• 3) Saan papunta si Don Juan?
• 4) Bakit hindi matanggap ni Donya Leonora
ang pag-ibig ni Don Pedro?
• 5) Ilang taon ng pag-iisa ang hiniling ni Donya
Leonora kay Haring Fernando bago
magpakasal kay Don Pedro?
• 6) Anong hayop ang inutusan ni Donya
Leonora na gumamot kay Don Juan?
• 7) Sino ang ipinipilit na ipakasal kay Donya
Leonora ngunit ayaw niya?
• 8) Ano ang ginagawa ni Donya Leonora sa
kanyang silid araw at gabi?
• 9) Ano ang ipinangako ni Don Juan kay Donya
Leonora?
• 10) Ano ang kahulugan ng lumbay?
Mga Sagot
1) Donya Leonora
2) Don Juan
3) Reynong Cristal
4)Dahil hindi mahal siya mahal ni Donya Leonora
5) Pitong taon
Mga Sagot
• 6) Lobo
• 7) Don Pedro
• 8) nalulumbay, nalulumbay o umiiyak
• 9) Siya ang mamalhin ni Don Juan
• 10) Lungkot

You might also like