You are on page 1of 5

ANG UNANG PAGTIBOK NG PUSO NI DON JUAN

( Saknong 507 - 566 )

Dahil si Don Juan ay may pagtitiis at pagtitiyaga


Narating niya ang pinakadulo ng balon
Na isang napakagandang lugar

Ang lupang dadaanan ay kumukinang parang isang kristal


Hindi man ito naaabot ng sikat ng araw pero napakaliwanag

Napakaraming mababango at magagandang bulaklak


May palasyo din na gawa sa mga ginto at pilak

Si Don Juan ay napahanga sa hiwaga ng lugar na nakikita


At kanyang nasabi , ito’y gawa ng isang engkanto.

Si Don Juan ay lalong namangha ng makita ang isang


Napakagandang dalaga , ang kanyang puso ay agad
Na nabihag ni Donya Juana

Ang ngiti ni Donya Juana ay parang isang sumisikat


Na bituin sa mga ulap

Anong saya ni Don Juan sa bawat sandali na sila’y


Nag uusap ni Donya Juana
Subali’t siya ay nagtataka paano dito napadpad ang
Prinsesa

Si Don Juan ay may kalungkutan sa puso sa mga sandaling iyon


Siya’y inihatid ng tadhana sa lugar na iyon

Upang makilala si Donya Juana


Sana ay mapansin siya ni Donya Juana
At siya ay handa anumang pagsubok kakayanin
Mahalin lang siya ng Prinsesa

Si Donya Juana ay nagkunwaring nagagalit


Nagtitimpi sa kanyang nararamdamang pag-ibig

Dahil sa kalungkutan ni Don Juan


Mas nanaisin pa niyang mamatay
Kong ang pag-ibig ni Donya Juana ay
Di makakamtan

Si Donya Juana ay di rin nakatiis


Pag-ibig ni Don Juan ay kanyang
Tinanggap ng buong puso

Sila ay nangako pag-ibig nila


Sa isa’t isa ay di magbabago

Si Donya Juana ay biglang nag-alala


Saan niya puedeng itago si Don Juan
Kapag dumating na ang higanteng malupit

Ang higante ang bumihag kay Donya Juana


Pinapatay at kinakain ang mga taong kanyang
Nakikita

Kung madatnan niya si Don Juan ay siguradong


Magagalit ng matindi , at baka matalo si Don Juan
Sa kanilang paglalaban

Si Don Juan ay di natakot sa sinabi ng Prinsesa


Dahil alam niyang Diyos na makapangyarihan ang
Kanyang kasama
Di nagtagal at dumating ang higante
Tinawag si Donya Juana , ito’y galit na galit
Dahil naamoy niya na may ibang tao sa kanyang palasyo

Si prinsesa Juana ay nanginginig sa takot


Dahil ang sigaw ng higanti ay parang
Kidlat at kulog

Ngumiti ang higante , mas mabuti daw kong may


tao sa kanyang palasyo at di na siya mahihirapan
Sa paghahanap ng kanyang makakain

Ang kanyang tiyan na singlaki ng kweba


Ay kulang pa ang tatlong tao

Dahil sa mga pagkukutya ng higanti


Si Don Juan ay nagalit at hinarap ang
Higante

Hinamon ni Don Juan ang higante


Kong siya ang kinatatakutan sa kanilang pook
Hindi siya natatakot , dahil sana’y na siya sa pakikipaglaban

Ang higante ay napalakas ang tawa,


Dahil hindi papayag na makabalik pa si Don Juan
Sa kanyang pinanggalingan

Si Don Juan ay nagsalita na ayaw niya ng maraming salita


Laban kong laban
Sila ay naglaban, ang bawat palitan ng sandata
Ay parang bagyo na dumadaan
Bawa’t tamaan ng sandata ay tiyak na walang ligtas

Hanggang sa matalo ang higante , sa tulong ng Diyos


Na makapangyarihan

Si Donya Juana ay ganap ang kasiyan ,


Lahat ng kanyang takot ay nawala
Inasikaso si Don Juan na labis na napagod
Sa pakikipaglaban

Si Don Juan kahit pagod sa labanan,


Lahat ito ay nawala lalo na at natitigan ang
Kagandahan ng Prinsesa

Sa lahat ng pagod at hirap na hinarap ni


Don Juan ay napalitan ng walang katumbas
Na ligaya dahil natagpuan niya si Donya Juan

Niyaya na ni Don Juan si Donya Juana


Na bumalik na sila sa kanyang kaharian
Upang siya ay ipakilala sa kanyang mga
Magulang

Si Donya Juana ay di maiwan ang lugar


Na yon dahil ang bunso niyang kaptid na
Si Donya Leonora ay bihag ng isang serpiyente
Sa isang palasyong kanilang natatanaw

Nais niyang ito ay sunduin ni Don Juan


Subali’t may panganib dahil ang serpiyente ay
Mabagsik
Ito ay mahirap patayin dahil kahit maputol
Ang kanyang pitong ulo , ito ay muling nagdidikit

Si Donya Juana ay nag-aala na baka mapahamak


Si Don Juan sa Serpiyente kong ito ay kanyang
Makakalaban

Ang pag-aalala ni Donya ay napawi


Sa mga sinabi ng Prinsipe
Na gagawin ang lahat upang buhay ng kanyang
Kapatid ay mailigtas

Mas matamis daw na siya ay mamatay kong ito ay


Ikatutuwa ng kanyang minamahal
Kaysa maging isang duwag

Huwag masyadong mag-alala ,dahil laging ang Diyos ang


Kanyang kasama, Diyos ang laging tinatawagan sa lahat
Ng kanyang laban.

Sa kanyang pagdating sa palasyo


Ay para siyang nananaginip sa nakitang
Kagandahan ni Donya Leonora.

You might also like