You are on page 1of 19

ISKRIP NG IBONG ADARNA

______________________________
Grade & Section

Mga Tauhan:

Production Team:
Page 1 0f 19

“IBONG ADARNA”

SCENE 1
(PAGBUKAS NG TABING)
(SIMBAHAN SFX)
TAGAPAGSALAYSAY: (NAKALUHOD sa harap ng altar)
O Birheng kaibig-ibig
Ina naming nasa langit
Liwanagin yaring isip
Nang sa gayon, di malihis

At sa tanang nariritong
Nalilimping maginoo
Kahilinga’y dingin ninyo
Buhay na aawitin ko

(PAGSARA NG TABING)
(FADE DOWN SFX)

SCENE 2: ANG MAG-ANAK


TAGAPAGSALAYSAY: Noong unang panahon, sumangayon sa kasaysayan. May isang
haring hinahangaan ng lahat sa kaharian ng Berbanya, sya si haring
Fernando, ang butihing hari ng bayan.
(Bubukas ang kalahati ng tabing)
(Maraming taong nagtatatrabaho sa paligid)
(Papasok si Haring Fernando)

Tatlong Babae: Magandang araw po.


(Yuyuko sila, ganon din ang hari bilang pagpapakita ng paggalang)
(Mapapansin nya ang matandang lalaki at makikipagkamustahan)
Haring Fernando: Tatay Jose (lalapit) kamusta na po?
Matandang Lalaki: Maayos lang apo
(Hihina ang pagkukwentuhan ng dalawa dahil mag-uusap ang mga kababaihan)
Page 2 0f 19

Babae 1: Sino ang lalaking iyan? Napakagara ng suot niya!


Babae 2: Hindi mo sya kilala?!
Babae 3: Hala! Oo nga, sya kaya ang hari ng napakagandang bayan na ito.
Babae 2: Tama! Alam mo? Napakabait nyang hari, wala syang pinapanigan, para sa
kanya pantay pantay ang lahat. Kaya nga marami humahanga sa kanya.
(Mapapatigil sa pag-uusap dahil natapos na ang kwentuhan ni Haring Fernando at ng
matandang lalaki)
Haring Fernando: Opo, mag-iingat po kayo hangang sa muli po… (Mapapatingin sa mga
kababaihan) Sa inyo rin mga binibini.

(Isasara ang kalahati ng tabing at bubuksan ang kabila)


(Habang nagsasalita ang tagapagsalaysay maglalakad si Haring Fernando papunta sa
kahiraan nya)
(Mauupo sa upuan at iinom sa kupita)
Tagapagsalaysay: Bukod sa pagiging kagalang galang na hari, isa rin syang
mapagmahal na ama sa kanyang pamilya. Donya Valeriana ang
panganlan ng kanayang asawa na may isang magandang mukha at
pusong kahabag habag.
(Papasok ang Reyna, makikipag beso sa hari. Ipaghahatak ng hari ang reyna para
maupo)
Tagapagsalaysay: Dahil sa kanilang matibay at tunay na pagmamahalan, tatlong
matatapang at makikisig na prinsipe. Ang panganay ay si Don Pedro na
may tindig na pagkainam. (Papasok si Don Pedro na may matapang na
tindig at seryosong mukha, yuyuko ng panandalian bilang tanda ng
kanyang paggalaang). Pangalawa naman si Don Diego, pag-uugali’y
malumanay. (Papasok sa eksena, maglalakad ng malumanay at may
katamtamang tingin sa madla. Makikipag beso sa ina at yuyuko ng
panandalian sa ama). Ang panghuli naman ay si Don Juan, ang kanilang
bunso na may pusong dalisay. (Papasok ang prinsipesa mabait na
paraan, maaliwalas din ang kanyang mukha. Magmamano sya hari at
reyna).
DON FERNANDO: Kayong tatlo’y mapapalad, paggalang at respeto ng tao’y nasa inyo
na. Laging tandaan na gamitin ang inyong pangalan sa tama.
DON PEDRO: Mahal naming hari, huwag ng masyadong mangamba dahil handa kaming
paglingkuran ang ating bayan.
HARING FERNANDO: Magaling, mga anak. (PAPALAKPAK ng isang beses) Dahil sa
aking nakikitang mayroon kayong taglay na katalinuha’t katapangan, nais
ko kayo ay magsanay sa paghawak ng patalim. Ito’y inong
responsibilidad bilang mga prinsipe ng kaharian ito.
DON PEDRO: Makakaasa ka sa amin, ama. Aming gagawin ang aming makakaya upang
matuto sa paghawak ng patalim.
DON DIEGO: Gagamitin namin ang aming lakas sa tama, ama.
Page 3 0f 19

DON JUAN: (MALAMBING at MALUMANAY) Kayo ay makakaasang aming gagawin ang


lahat upang kayo ay mapangiti.

FREEZE
(PAGSARA NG TABING)
TAGAPAGSALAYSAY: Ang tatlo’y nagpakahusay sa paghawak ng patalim. Ang mga
ito’y espadang nakasasakit ngunit pagkahilig ng tatlo sa larangang ito ay
hindi naging hadlang sa pagiging mabagsik. Natupad ng hari ang
kanyang pangarap para sa tatlo’t isang sukling pasasalamat naman ang
binaggit ng tatlo sa kanilang ama. Dahil doo’y tumibay ang samahan at
pagmamahalan ng pamilya. Ang kabuhaya’y umunlad at ang mga
kalaba’y umatras sa mga Gerang ibinabalak. Ang atmospera ng paligid
ay walang hanggang kasiyahan, pagkat tibay ng pagsasama’y subukin
man ay di matitinag.

SCENE 3: ANG PANAGINIP


(KWARTO NG HARI)
TAGAPAGSALAYSAY: (MADAMDAMING pagpapahayag)
Ngunit ang buhay ay hindi habang buhay kasiyahan. Isang gabi habang
mahimbing na natutulog ang lahat, isang di inaasahang panagiip ang
makikita ng hari sa kanyang pagtulog.
(KULIGLIG SFX)
HARING FERNANDO: (NATUTULOG ng mahimbing nang biglang UMUNGOL)
(SUSPENSE SFX)
MISTERYOSONG TAO 1: (PASIGAW at NAIITITA) Atin nang iwan ang Don Juang iyan!
MISTERYOSONG TAO 2: (GALIT at PASIGAW) Hindi maaari! (LALAPIT at BUBULONG)
Dapat ay mawala ang ebidensyang nabuhay sya sa mundong ito! Ihulog
mo na yan sa balong iyon!! (TITINGIN palayo kay Don Diego
(Misteryosong Tao 1))
MISTERYOSONG TAO 1: (TITINGIN kay Don Juang sumusuka ng dugo) (PALIHIM na
IILING) (BUBULONG) Patawarin m oako aking kapatid.
MISTERYOSONG TAO 2: (BABALING kay MT1) (SISIGAW) Kay tagal mo naming kumilos!
Ako na nga ang gagawa! (BUBUHATIN si Don Juan) (ILALAGLAG sa
balon)
(NAHUHULOG SFX)
(BUMAGSAK SFX)

(MT1 AT MT2 FREEZE)


(INTENSE SFX FADE UP)
Page 4 0f 19

DON FERNADO: AAAHHH!!! (Mapapabalikwas sa higaan, hingal na hingal,


nanghihina dahil sa napanaginipan)
(MT1 AT MT2 MAGTATAGO)
(Maalimpungatan ang reyna at mapapansin ang kanyang asawa)
DONYA VALERIANA: Mahal kong asawa, anong nagyayari sa iyo?
(AALALAYAN ang asawa)
(Bibigyan ng tubig na bigay ng katulong)
(Matapos painumin mapapabaling sa katulong) Tawagin mo ang aking mga anak!
KATULONG: (KAKARIPAS ng takbo)
DON FERNANDO: (Titignan ang asawa ng nanghihina) Ang ating bunso, nasaan sya?
DONYA VALERIANA: Kumalma ka aking mahal. Nasa mabuting kalagayan ang anak mo.

FREEZE
(PAGSARA NG TABING)
TAGAPAGSALAYSAY: Mula noo’y din a bumalik ang sigla’t saya sa palasyo dulot
ng masamang panaginip ni Don Fernando. Ito’y nangayayat dahil sa
hindi pagkain ng mga lutong inihahanda sa kanyang hapag.
Nararatay na’t nababakas, ang huling dating ng oras.

(PAGBUKAS NG TABING)
DONYA VALERIANA: (KAUSAP ang isang mediko) Hindi nyo ba talaga malamanang
karamdaman ng aking asawa?
MEDIKO: (IILING) Ipagpaumanhin ninyo aking mahal na reyna ngunit d ko malaman ang
kanyang karamdaman. (TATALIKOD at MAGLALAKAD palabas ng
eksena)
DONYA VALERIANA: (TATANGKAING sundan ang mediko)
DON JUAN: (TATAKBO papasok ng eksena kasunod ang mga kapatid at ang ermitanyo)
DON JUAN: (MABILIS NA LALAPIT sa ama, yayakapin)
DON DIEGO: Ina, hayaan mo na ang medikong iyon. May kasama kaming ermitanyong
mananggamot na alam pagalingin si ama.
DON JUAN: Ama kamusta na? Ano ang iyong nararamdaman?
HARING FERNANDO: (Walang sinasabi, tanging yakap lang ang gusto nyang gawin)
Page 5 0f 19

ERMITANYONG MANGGAGAMOT: Mahal na hari, mahal na reyna, mga prinsipe, huwag


na ho kayong mag-alala pa. Alam ko po ang sagot sa sakit ng hari dulot
ng kanyang masamang panaginip.
May isang ibon na nakatira sa bundok tabor na may
napakagandang tinig na siguradong magpapagaling sa inyo mahal na
hari, Adarna ang kanayang pangalan. Kaya huwag nyo pong masamain
kung isusuhestiyon kong ipakuha nyo na ang Adarna ngayon din para
mapabilis ang inyong lagay.

(FREEZE)
(PAGSARA NG TABING)

SCENE 4: UNANG PAGLALAKBAY


TAGAPAGSALAYSAY: Nang marinig iyon mula sa mediko ay kaagad na ipinag-utos ni
Haring Fernando na kunin ang Adarna upang siya’y makatakas sa sakit
na dinaramdam. Ang unang naglakbay ay si Don Pedro, ang panganay sa
tatlo. Una siyang naglakbay sa kabundukan na higit sa tatlong buwan
bago narating ang Bundok Tabor kung saan makikita ang Piedras Platas,
punong tirahan ng Ibong Adarna. Dumaan sya sa iba’t ibang pahamak
makuha lamang ang gamot para sa minamahal nyang ama.
(NATURE SOUNDS SFX)
(PAGBUKAS NG TABING)
DON PEDRO: (NAKASANDAL sa isang bato)(TITINGIN sa kabayong
nakaratay)(SISIGAWAN) Wala kang kwenta!(TATALIKURAN ang kabayo)
(MATATANAW sa malayo ang Piedras Platas) Pero di bale na pabigat ka
lang naman sa buhay ko, alam kong malapit na ko sa aking dapat
paroroonan baka ikaw pa ang maging hadlang sa aking
tagumpay(MAGLALAKAD sa direksyon ng puno)
(PAGSARA NG TABING)
TAGAPAGSALAYSAY: At sa wakas nga’y narating na ni Don Pedro ang Piedras Platas.
Ang panganay na walang hinangad kungdi ang malagpasan ang bunsong
kapatid. Kabundukan na higit sa tatlong buwan bago narating ang
Bundok Tabor
(IBON SFX)
(HANGIN SFX)
(KULIGLIG SFX)
(PAGBUKAS NG TABING)
DON PEDRO: (NAKAUPO sa ilalim ng Piedras Platas) Napakaganda naman nitong
punong ito! (ILALABAS ang litrato ng ama) Mahal kong ama, nandito na
ako’t sisiguraduhin ko sayong babalik ako ng Berbanya dala ang Ibong
Adarna.
(IBON SFX)
Page 6 0f 19

(HANGIN SFX)
(KULIGLIG SFX)
(PAGBUKAS NG TABING)
DON PEDRO: (NAKAUPO sa ilalim ng Piedras Platas) Napakaganda naman nitong
punong ito! (ILALABAS ang litrato ng ama) Mahal kong ama, nandito na
ako’t sisiguraduhin ko sayong babalik ako ng Berbanya dala ang Ibong
Adarna.
(SAD PIANO SFX)
DON PEDRO: Ngunit ama ko, ako nama’y bigyang pansin ninyo. Mahal ko kayo’t ngunit
bakit si Don Juan lamang ang pinapansin ninyo? (IIYAK)
IBONG ADARNA: (LALABAS mula sa likuran ng Piedras Platas)
(KALUSKOS SFX)
DON PEDRO: (MAPAPATINGALA) (LILINGON-LINGON) Sino nandyan?
IBONG ADARNA: (AAWIT)
DON PERDO: (MAKAKATULOG)
(PAGSARA NG TABING)
TAGAPAGSALAYSAY: At dahil nga sa ipot ng Adarna tuluyan na ngang naging bato ang
prinsipeng si Don Pedro, samantala nainip ang mga tao
sa kaharian sa tagal ng paghihintay kay Don Pedro kaya minabuting hanapin naman ito
ni Don Diego.
(SA KWARTO NG HARI)
DON DIEGO: (NAKALUHOD sa tabi ng kanyang ama) (HAWAK ang kamay ng ama)
DON FERNANDO: (UUBO) Saan ka naman pupunta at kailangan mo pa ang aking
bendisyon, Diego? (UUBO ulit)
DON DIEGO: (HIHIGPITAN ang hawak sa kamay ng ama) Ako’y maghahanap lamang ng
aking mapapangasawa, mahal na ama.
DON FERNANDO: Ganon ba? Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin? Napak-
DON DIEGO: Ito ang dahilan aking ama. Ako na ang bahala’t magpahinga ka na.
DON FERNANDO: (KUNWARING ITATABOY ang anak) O sya, sya. Humayo ka’t ako’y
pabilibin. (NGINGITI)
DON DIEGO: (HAHALIKAN ang kamay ng ama) Paalam aking ama.
(PAGSARA NG TABING)
(PAGBUKAS NG TABING)
DON FERNANDO: (MAHIMBING na natutulog)
DON DIEGO: (PAPASOK ng eksena dala ang kanyang gamit) (LALAPIT sa higaan ng
kanyang ama) Ama ako sana’y inyong mapatawad sa kasinungalingang
ginawa ko. Ang totoo nyan ay hahanapin ko na ang aking nakakatandang
Page 7 0f 19

kapatid. Pati na rin ang Ibong Adarna. Sana ama ako ay iyong
mapatawad.
DON JUAN: (PAPASOK ng eksena) Mahal na kapatid, nakahanda na ang kabayo nyo.
DON DIEGO: (LALABAS NG EKSENA)
KAWAL: (SUSUNDAN ang prinsipe)
(PAGSARA NG TABING)
TAGAPAGSALAYSAY: Umalis si Don Diego’t sinimulan ang paglalakbay. Ang alam ng
lahat ay maghahanap sya ng kanyang mapapangasawa ngunit ang totoo
ay susunod sya sa nawawalang kapatid at para na rin mahuli ang Ibong
Adarna. Limang buwan ang lumipas at namatay ang kabayong kasama sa
paglalakbay. Dala ang pag-asang mahuhuli ang Adarna, itinuloy ni Don
Diego ang kanyang misyon.

SCENE 6: PANGALAWANG PAGLALAKBAY


(PAGBUKAS NG TABING)
(NATURE SFX)
(KULIGLIG SFX)

DON DIEGO: (HINIHINGAL) (PABULONG) Sa wakas! Ang Piedras Platas! (UUPO sa


ilalim ng Piedras Platas) Nakakapagod! (MAPAPANSIN ang bato sa tabi
ng Piedras Platas) (At doon mamamahinga)
IBONG ADARNA: (LALABAS mula sa likuran ng Piedras Platas) (AAWIT)
DON DIEGO: (MAKAKATULOG)
TAGAPAGSALAYSAY: Katulad ng nangyari kay Don Pedro naging bato din sya dahil sa
ipot ng Adarna, at dahil doon kinakailangan ng umalis ni Don Juan para
hulihin ang ibon pati rin hanapin ang mga nawawalang kapatid.
(PAGSARA NG TABING)

SCENE 7: (KWARTO NG HARI) IKATLONG PAGLALAKBAY


(PAGBUKAS NG TABING)
DON JUAN: (NAKAUPO sa paanan ng higaan ng hari) Ama, ako’y inyo nang payagan.
DON FERNANDO: (HAHAWAKAN ang kamay ng anak) Anak ko, ikaw nalamang ang
natitira sa akin. Huwag ka nang umalis pa. (MAIIYAK)
DONYA VALERIANA: (LALAPIT sa asawa)
DON JUAN: (YAYAKAPIN ang mga magulang) Iyong bendisyon ama. Iyon ang aking
magiging sandata ko.
Page 8 0f 19

DONYA VALERIANA: (MAIIYAK) (UUPO sa tabi ng asawa) Pagbigyan mo na ang iyong


anak, Fernando. Para ito sa iyong kabutihan. (HAHAWAKAN ang kamay
ng asawa)
DON FERNANDO: (MAPAPABUNTONGHININGA) Sige na, humayo ka na. Ngunit
ipangako mong ikaw ay babalik. (ILALAYO ang tingin sa anak) Kapag
ikaw ay di bumalik, ako’y siguradong papanaw sa kalungkutan.
DON JUAN: (MAPAPATAYO) (LULUHOD sa tabi ng kama ng ama) maraming salamat,
mahal kong ama.
(FREEZE)
(PAGSARA NG TABING)

SCENE 8: (KAGUBATAN)
(IBON SFX)
(LIGHT INSTUMENTAL MUSIC)
(PAGBUKAS NG TABING)
DON JUAN: (NAGLALAKAD sa kagubatan) (HUMUHUNI sa sarili habang NAKAYUKO)
ERMITANYO 1: (UUBO) (NAKASANDAL sa bato)
DON JUAN: (MAPAPATINGALA) (MABILIS NA LALAPITAN ang matandang leproso)
ERMITANYO 1: (MAPAPAHAWAK kay Don Juan) Tulungan mo ako, Ako’y gutom na
gutom… (MAPAPALUHOD)
DON JUAN: (DI MAPAKALI) (IUUPO ang matanda) (KUKUHAIN ang gamit)
(MAGLALABAS ng tnpay) (IBIBIGAY sa matanda) Ito po. Inyong kuhain
para maipangkain sa kumakalam ninyong tiyan.
ERMITANYO 1: (MALUGOD NA TATANGGAPIN) Napakabuti mong bata. Maraming
salamat sa limos mong bigay.
DON JUAN: Huwag po kayong mag-alala. Ang pagtulong po sa kapwa ay taglay ko na
simula bata pa lamang ako. (TATAYO) Ako po ay mauuna na. Ako ay may
ibon pang dapat hulihin!
ERMITANYO 1: (PIPIGILAN si Don Juan sa pag-alis) Tinutukoy mo ba ang Ibong
Adarna?
DON JUAN: (TATANGO)
ERMITANYO 1: Kung gayon sundin ang aking payo. Pagdating sa Piedras Platas,
tanawin ang dampang nasa ibaba ng bundok. Tunguhin ang ermitanyo, at
humingi ng tulong sa kanya.
(FREEZE)
(PAGSARA NG TABING)
Page 9 0f 16

SCENE 9:
(NATURE SFX)
(MAGICAL SFX)
(PAGBUKAS NG TABING)
DON JUAN: (MAMAMANGHA) Ito na ba iyon? Ang Piedas Platas na tinutukoy?
(LILINGON sa paligid) (SISIGAW) Ayun! Ang dampang tinutukoy ng
matandang aking tinulungan. (AALIS ng eksena)
(PAGSARA NG TABING)
(BAHAY NG ERMITANYO 2)
(PAGBUKAS NG TABING)
(KAGUBATAN SFX)
(IBON SFX)
DON JUAN: (LILINGA-LINGA) Tao po? May tao po ba diyan?
ERMITANYO 2: (LALABAS ng dampa) Sino yan?
DON JUAN: Ako po si Don Juan ng Berbanya. Naparito po ako para malaman kung
paano mahuhuli ang Ibong Adarna.
ERMITANYO 2: O halika pumasok ka. (PAPAPASUKIN sa loob ng dampa)
DON JUAN: (PAPASOK ng dampa)
ERMITANYO 2: (UUPO at SESENYASAN si Don Juan upang umupo sa tabi nya) Laking
pasasalamat ko dahil nagtungo ka sa akin. Ngunit tandaan mo Don Juan,
and Adarna’y may engkantong taglay na wala pa ang nakakatalo.
DON JUAN: (TATANGO) Titiisin kop o ang lahat para sa aking amang nakaratay dahil sa
sakit na dinaramdam.
ERMITANYO 2: Kung gayon, sundin mo ang payo ko. Ang ibon ay dumadating sa
pagsapit ng hating-gabi, kumakanta ito ng malambing at magpapalit ng
itsura ng balahibo hanggang ika’y antukin. Bawat kantang pakinggan,
ang palad mo ay sugatan, saka agad mong pigaan ng dayapang hiwang
laman. Kung hindi mo ito magagawa, ika’y magiging bato tulad ng
nangyari sa mga kapatid mo. Dalhin mo rin itong sintas, itali mo bilang
panggapos sa Ibong Adarna. (IAABOT ang tali kay Don Juan) (TITINGIN
sa labas ng dampa). Don Juan, hayo ka na, ito’y oras na ng pagdating ng
Ibong Adarna.
(PAGSARA NG TABING)
TAGAPAGSALAYSAY: Tinungong muli ni Don Juan ang Piedras Platas at naang
pagdesisyong magtago sa likod ng mga halaman. Nang madatnan nya
ang pagdating ng Ibong Adarna, inihanda nya ang kanyang labahang
panghiwa at dayap na pangpagising. Sa bawat kantang inaawit ng Ibong
Adarna ay padagdag ng padagdag ang sugat ni Don Juan manatili
lamang gising para sa ama nyang minamahal.
Page 10 0f 19

(KULIGLIG SFX)
(PAGBUKAS NG TABING)
DON JUAN: (PABULONG) Ang huling awit
ADARNA: (MAGPALIT NG KULAY) (AAWIT)
DON JUAN: (SUSUGATAN ang sarili)
ADARNA: (TITIGIL sa pagkanta) (BABALIK sa dating kulay) (MAGHAHANDA sa
pagtulog)
DON JUAN: (UNTI-UNTING LALAPIT sa Adarna) (AAMBAHAN at TATALIAN)
ADARNA: (MAGPUPUMIGLAS) (HINDI MAKAWALA)
(FREEZE)
(PAGSARA NG TABING)
TAGAPAGSALAYSAY: (MASAYANG MASAYA ANG PAGSASALITA) At sa wakas ay
nahuli na ang ibong napakailap. Matapos mahuli ay ni Don Juan ang ibon
ay agad niya itong dinala sa Ermitanyo. Pagdating sa dampa ay laking
tuwa nalamang ng Ermitanyo nang Makita ang Ibong Adarna sa kamay ni
Don Juan. Tsaka naman inutusan ng ermitanyo si Don Juan na kumuha ng
tubig sa kalapit na ilog at ibuhos ito sa dalawang bato sa ilalim ng Piedras
Platas.
(PAGBUKAS NG TABING)
DON JUAN: (PAPASOK ng eksena) (LALAPIT sa puno) (BUBUHUSAN ng tubig ang
dalawang bato)
DALAWANG BATO: (GAGALAW) (TATAYO)
DON JUAN: (MAGUGULAT) (MATUTUWA) Mga kapatid ko!! (YAYAKAPIN ang mga
kapatid)
(PAGSARA NG TABING)
TAGAPAGSALAYSAY: Matapos ang muling pagkikita ay dumertso na rin sila sa bahay
ng Ermitanyo para magkaroon ng munting salo-salo. Pagkatapos ng
munting salo-salo ay tinahak nilang muli ang daanan papunta Berbanya.
Habang nasa daan, ay napagdesisyonan ni Don Pedro na magpahuli sa
daan. Nagkatuwaan pa sila ngunit ang kasiyahan din palang iyong ay may
kapalit na kalungkutang makakasira ng kanilang mundo.
(PAGBUKAS NG TABING)

SCENE 10: PAGLILILO NILA DON Pedro at DON Diego


(KAGUBATAN SFX)
(KULIGLIG SFX)
Page 11 0f 19

DON DIEGO: (KAUSAP si Don Pedro) Ngunit kapatid ko, ito’y isang kataksilan di lamang
sa kapatid natin ngunit pati na rin sa kaharian. Maari tayong ipakulong
nitong plano mo.
DON PEDRO: (PABULONG) Kahit na! Ano man ang mangyari, malalaman at malalaman
pa rin ang katotohanan na si Don Juan ang nakahuli sa Ibong Adarna at
hindi tayo! Kaya ang mabuti pa, patayin si Don Juan at dalhin ang ibon
pabalik ng Berbanya.
DON DIEGO: Ngunit kapatid…
DON PEDRO: Ako ang mas nakakatand kaya dapat mo akong sundin!!
DON DIEGO: Sige kung ano ang sabi mo, kapatid ko.
(PAGSARA NG TABING)
TAGAPAGSALAYSAY: Bunga nga ng matinding pagkainggit ni Don Pedro kay Don
Juan, nagawa nga niya itong bugbugin kasama ang kapatid na si Don
Diego na walang nagawa s autos ng nakatatandang kapatid. Samantala,
hindi lumalaban si Don Juan bagkus hinayaan lang nyang abrabyaduhin
ng mga kapatid.

SCENE 11: AYAW UMAWIT NG ADARNA


TAGAPAGSALAYSAY: Dahil nga sa pangbubugbog nila Don Pedro kay Don Juan,
sobra sobra syang nanghina at natamong mga sugat, at dahil sya na ngayon ang
tagapagalaga ng Adarna, nanghina din ang adarna at nawalang ng lakas.
(Sa kwarto ng hari)
DON DIEGO: Ama! Dala na naming ang ibon!
DON PEDRO: Tama ama! Alam mo bang napakahirap ng dinanas namin bago namin
mahuli ang ibong iyan?
HARING FERNANDO: (nanghihina) Magaling! Asan na pala si Don Juan?
DON PEDRO: (pabulong) Kami ang naandito tapos iba ang hinahanap ng hari! Pinatay
na nga naming ang Don Juang iyan tapos sya pa rin ang bukang bibig?!
HARING FERNANDO : Sya baa ng Adarna? Kay pangit naman.
(FREEZE)
TAGAPAGSALAYSAY: Samantala ng iwan nila Don Pedro si Don Juang halos
mawalan na ng hininga sa panghihina, pero dahil sa matinding pananalig ni Don
Juan sa poong maykapal, hindi sya nito pinabayaan. May isang ermitanyong
nakakakita sa kanya, tinulungan sya nito hanggang sa bumuti ang lagay niya.
Nanglubusan ng syang gumaling agad syang
Page 12 0f 19

nagpaalam at nagpasalamat sa ermitanyo para makabalik na sa kaharian ng Berbanya,


at ng makabalik na sya, lumakas na uli ang Adarna at sya na mismo ang nag kwento ng
totoong nangyari.
ADARNA: Aba, Haring Don Fernando.
Monarka ng buong reyno
Sin Don Juan pong bunso mo
Kaharap na’t naririto.

Ang iyo pong bunsong anak


Nagtiis ng madlang hirap,
Kamatayan ay hinamak
Sa utos mo ay tumupad

Yaong anak mong dalawa


Inutusang nangauna
Kabiguan ang nakuha
Kapwa nagign bato sila

Nang pauwi na islang tatlo


Dit opo sa inyong reyno
Nagbilin ang ermitanyong,
Huwag nawang may maglilo

Sa apoy ng kainggitan,
Nitong anak mong panganay
Nagplano ng katansilang
Patayin nga si Don Juan

Itong napagkasunduan
Ay nayari sa kindatan
Pagdaka’y pinagtulungan,
Page 13 0f 19

Bugbugin na si Don Juan.

Bunso mo po’y himihibik,


Na tigilan ang pasakit
Ngunit itong mga ganid,
Ay lalo pang nangmabangis.

Laking galak ng dalawa,


Nang ako poy maagaw na
Habang daa’y anong saya
Ng halakhak at pagtawa

Sa habag ng Poong Diyos,


Sa prinsipe ay dumulog
Ang isang uugod-ugod
Ang isang matandang ermitanyo
Ang matanda ay nahabag,
Sa daing ng iyong anak,
Kaya kahit anong hirap
Ang prinsipe ay hinanap.

Tuluyan nang umuwi na sa


Ditto sa Reynong Berbanya
Nasa kayo ay Makita
Buhay pa rin at masigla

(PAGSARA NG TABING)
NARRATOR: Sa pagamin ng Ibong Adarna, sa Haring ama ng tatlo, biglang
napabalikwas umakto’y tila di nagkasakit. Ng mapagtanto na nya ang
kataksilan ng dalawa nyang anak, napuno ng galit ang kanyang puso,
hindi nya akalaing magagawa nila iyon sa kanya. Kaya nais nya sana itong
patawan ng mabigat na kaparusahan ngunit dahil
Page 14 0f 19

kay Don Juan na may busilak na puso nagawa ng hari na patawarin dina nag mga ito.
(PAGBUKAS NG TABING)
DON JUAN: (MAHIMBING na natuutlog)
DON DIEGO AT DON PEDRO: (PAPAWALANG ANG ADARNA)
ADARNA: (AALIS NG EKSENA)
DON DIEGO AT DON PEDRO: (AALIS NG EKSENA)
DON JUAN: (MAGIGISING) Nasaan ang Adarna? (DI-MAPAKALI) Ang mabuti pa siguro’y
lisanin ang Berbanya, mainam nang di na nila Makita ang nagkasala.
(AALIS ANG EKSENA)
(PAGSARA NG TABING)
NARRATOR: Umalis na si Don Juan bago pa man umaraw, kaya naman magising ang
hari laking gulat niya ng wala ang ibong sa hawla. Ipinatawag ang dalawa
at tinanong kung nasaan si Don Juan. Ang sagot ng dalawa ay ewan.
Kumulo ang dugo ng hari at inutusang hagilapin ang inaakalang naglilong
anak.
(PAGBUKAS NG TABING)
(KULIGLIG SFX)
DON DIEGO AT DON PEDRO: (NAGLALAKAD SA KAGUBATAN
DON JUAN: (NANGANGASO)
DON PEDRO: Juan! (NIYAKAP ANG KAPATID) Kami ay nagkasundong lisanin ang
Berbanya at maglakbay sa malayo. Ibig sana naming imbitahan kang
sumama sa aming paglalakbay?
DON JUAN: O, sige. Ako’y pumapayag.
(PAGSARA NG TABING)
NARRATOR: Ng dumating sa Armenya tanging kasiyahan lang ang nadarama ng
magkakapatid. Ginawa nila ang mga bagay na matagal na nilang di
nagawa sa kaharian, katulad nalang ng pamimingwit. Hanggang isang
mahiwagang balon ang di nila inaasahang matatagpuan
(PAGBUKAS NG TABING)
(MAGICAL SFX)
DON JUAN: Ang balong ito ay mahiwaga. Subukan nating bumaba at tuklasin ang nasa
loob nito. Ngayon din ako ay inyon talian at ihugos nang dahan-dahan.
H’wag ninyo itong bibitiwan hangga’t hindi ko sinasabi.
Page 15 0f 19

DON DIEGO: Ako’y mas matanda sa iyo kaya ako muna ang mauunang bumaba. Tiyak
na ang natatagong lihim ng balon ay malalaman.
DON PEDRO: Aba! Wala ka ring karapatan sapagkat ako ang panganay kaya ako ang
may karapatang unang sumubok.
DON JUAN: Kung gayon, ikaw na ang mauna.
(PAGSARA NG TABING)

NARRATOR: Naunang bumaba si Don Pedro sapagkat siya raw ang panganay.
Sumunod naman si Don Diego. Ngunit ang dalawang naguna ay natakot
naman! Matapos sumubok ng dalawa ai Don Jun naman ang sumubok.
Aba! Natalo pa ang kanyang mga nakatatandang kapatid. Pagdating sa
ilalim ng alon, isang palasyo ang tumambad sa kanya.
Tinahak nya ang daan papunta sa loob at nasilayan ag magandang mukha
ni Donya Juana.
(PAGBUKAS NG TABING)
DONYA JUANA: (PAPASOK SA EKSENA) (MAGUGULAT) Sino kang estranghero ka?!
DON JUAN: Magandang araw sa iyo, O marilag na prinsesa. Don Juan ang aking
pangalan.
DON JUAN: Oh napakagandang binibini huwag kang matakot sa akin, sinadya kong
babain ang nakakatakot na balon para lamang Makita ang isang anghel na
tulad mo.
DONYA JUANA: (hinipo ang mukha ni Juan) Tanggapin mo ang aking puso. Kapag ito’y
naglaho, patunay na ikaw ay nagtaksil sa pangako.
DON JUAN: O, aking prinsesa. Ako’y kailanman hindi magtataksil. Panahon ang siyang
magsasaysay.
DONYA JUANA: Ngunit, ngayon. Saan kita itatago laban sa Higanteng malupit na
nagbabantay sa akin? Kapag ika’y makita nito, tiyak na kamatayan ang
ang iyong aabutin.
DON JUAN:Aking mahal, ang matakot ay hindi bagay sa iyo. Hayaan mong labanan ko
ang Higante upang makamtan mo ang iyong kalayaang inaasam.
HIGANTE: Juana!! Amo’y ibang tao! May ibang taong naparito! Nasaan ang taong iyon?!
DONYA JUANA:Hindi ko alam.
HIGANTE: Kung sinuswerte ka nga naman, (tawa) hindi ko na kailangan pang
mamundok upang makahanap ng makakain, gayong may kusang lumapit.
Page 16 0f 19

DON JUAN :Higante! Tumahimik ka! Ako’y hindi mo makakain!


(MAGLALABAN ANG DALAWA)
DON JUAN: Aking mahal na prinsesa, ika’y malaya na.
DONYA JUANA: (niyakap si Juan) Salamat, Juan! Salamat!
DON JUAN: Kaya, halika na at umalis na tayo sa lugar na ito.
DON JUANA: Sandali, Juan. Hindi ko maiiwan ang aking kapatid na si Leonora.
Nandoon siya sa loob ng palasyo at bantay niya’y isang serpyente. Ang
aking hiling ay sana siya ay iyong iligtas din.
DON JUAN :Kung iyan ang iyong kagustuhan, prinsesa kong nililiyag.
DONYA JUANA: Ngunit, ako’y natatakot. Baka ikaw ay masawi at ako’y maiiwang mag-
isa.
DON JUAN: Pangako. Magbabalik ako sa iyong tabi. (yakap )
(PAGSARA NG TABING)
NARRATOR: Tinungo ni Don Juan ang tore ni Donya Leonora. Nadatnan nya ang
prinsesang nakadungaw sa kanyang balkonahe. Sa unang tingin pa
lamang ay napa-ibig ni Donya Leonora si Don Juan.
(PAGBUKAS NG TABING)
DONYA LEONORA: Pangahas! Sino ka?At bakit ka naparito?
DON JUAN: Humihingi ako ng kapatawaran sa aking kapangahasan. Ang ngalan ko’y
Juan.
DONYA LEONORA:Hindi mo ba alam na kamatayan lamang ang iyong makakamtan sa
pagparito. Kaya bago pa dumating ang serpyente, ika’y umalis na!
DON JUAN: Hindi gaanong masaklap mamatay kung ito’y sa iyong harap lamang.
DONYA LEONORA:Nagbibiro ka ba? Hindi kita kailangang mamatay sa aking harapan.
Umalis ka na at manghinayang sa makikitil mong buhay.
DON JUAN: Mahal kong prinsesa wag ka nangmagalit, narito ako para gawin ang lahat
ng iyong nais, ikaw din ang bahala kung gusto mong manatili habang
buhay riyan, basta’t tandaan mong narito lang ako lagi nagmamahal ng
tapat sayo.
DONYA LEONORA: (nilapitan si Juan) Hindi rin ako nakatiis. Don Juan, hindi ko nais na
ika’y habagin, kung sa iyo man ay nagalit, pagsubok lamang iyon ng pag-
ibig.
DON JUAN: Naiintindihan ko, aking prinsesa.
(PAPASOK ANG SERPYENTE)
Page 17 0f 19

SERPYENTE: Leonora, bakit ikaw ay may taong ikinaila sa akin?! Ikaw, tao! Ang buhay
mo ay aking kikitilin!
DON JUAN: (binunot ang espada) Hindi, ang buhay mo serpyente ay aking kikitilin!
SERPYENTE: Magsisisi ka sa iyong pagparito.
(MAGLALABAN)
DONYA LEONORA:Don Juan, narito ang mabagsik na balsamo. Sa bawat ulong
mapuputol, ibuhos mo ito upang ito’y hindi na muling mabuhay pa.
SERPYENTE: Di ko kayo huhumpayan hanggang hindi mamamatay ang ulo ko, iisa man
ako’y magtatagumpay!
DON JUAN: Aking prinsesa, tapos na ang iyong pagdurusa. Halika at tayo’y umalis na.
(PAGSARA NG TABING)
NARRATOR: Matapos mapatay ang dalawang halimaw ay agad din silang lumabas ng
balon. Ngunit may nakalimutan si Juana! Ang diamante niyang singsing ay
naiwan sa lamesa. Nagboluntaryo si Don Juan na sya na lamang ang
kukuha ng singsing. Tutol man dito si Donya Juana, tinuloy pa rin ni Juan
ang pagbaba. Ngunit nang pababa na si Don Juan ay pinutol ni Don Pedro
ang lubid!
DONYA LEONORA: JUAN!!!! Lapastangan! Kapatid mo iyon! Bakit mo pinutol ang lubid?
Ibig mo ba ang kanyang kamatayan?
DON PEDRO: Oo! Kung ito rin lamang ang paraan upang ika’y mapasaakin rin lamang.
DONYA JUANA: Kawalang-hiyaan! Napaka taksil mo talaga! At ang isang katulad mo ay
kailanman di nababagay sa aking kapatid!
DON DIEGO: Manahimik! Kayong dalawang prinsesa ay aming dadalhin sa Berbanya at
doon ay ipapakilala bilang aming magiging asawa, sa ayaw at gusto ninyo!
DONYA LEONORA: Lubayan mo ako. Gusto kong mapag-isa.
(PAGSARA NG TABING)
NARRATOR: Pinatawag ni Leonora ang kanyang alagang lobo. Pinagsabihang gamutin
si Don Juan. Walang magawa ang dalawang binibini kundi sumama na
lamang sa Berbanya. Paguwi sa Berbanya ay nag-ulat sa ama. Di raw nila
nakita si Juan kundi ang mga binibini. Nais raw nilang maipakasala sa
dalawa: Don Diego kay Juana at Don Pedro kay Leonora.
(PAGBUKAS NG TABING)
Page 18 0f 19

DONYA LEONORA: (lumuhod at napaiyak) Ako po’y di sumusuway ngunit may isa
lamang akong kahilingin at ito ay iliban muna ang kasal. Mula po kasi
noong ako’y maulila sa aking ama’t ina, pitong taon kung panata ng
mamuhay na mag-isa.Sana po’y mahintay ninyong matapos ko muna ang
aking panata bago pakasalan ang prinsipe ng berbanya.
DON FERNANDO: Kung iyan ang iyong kagustuhan, Donya Leonora. Ikaw naman,
Donya Juana, sa anak kong pangalawa, ang kasal ninyo ay ihahanda na
pati na ang gagawing pista.
(PAGSARA NG TABING)
NARRATOR: Isang buong lingo ng kapistahan sapagkat kasal na ni Don Diego.
Mayaman man o mahirap sa kasala’y nagkayakap. Sa Reynong Berbanya,
nagsisiya at nagpipista samanta sa Bundok Armenya, si Don jua’y
nagdurusa.
(PAGBUKAS NG TABING)
LOBO: (GAGAMUTIN SI DON JUAN)
DON JUAN: Maraming salamat Lobo

You might also like