You are on page 1of 9

Ang Kuwento ng Ibong Adarna

NJam: Noong unang Panahon, mayroong isang mapayapang kaharian, na


tinatawag na, kaharian ng Berbanya, na pinamumunuan ng isang haring
makapangyarihan, na si Haring Fernando at ang kanyang pinakamamahal
na asawa na si Reyna Valeriana.

Mayroon silang tatlong anak na lalaki, ang tatlong prinsipe na magigiting na


naging bunga ng kanilang pagmamahalan.

Si Don Pedro na panganay na anak, na sinundan naman ni Don Diego at


ang bunsong anak na si Don Juan. Ang tatlong prinsipe ay sadyang
mapagmahal sa kanilang magulang, sila ay lubos na minamahal ng kanilang
mga magulang.

NNia: Noong gabing iyon, sa kaharian ng Berbanya, ang mga mag anak ay
masayang naghahapunan, nagkukwentuhan at nag bibiruan, at Ang Haring
Fernando at ang Kaniyang asawang si Reyna Valeriana ay napangiti na
lamang sa kanilang nakita, na ang kanilang tatlong anak ay masayang
nagkukwentuhan at mga nagmamahalan, na tila ba’y hindi nila kayang
mabuhay na wala ang isa’t isa.

Reyna Valeriana (Sandy): O, aking mahal, Ang ating mga anak ay


napakalalaki na, kay bilis ng panahon na parang dati ay karga karga pa
natin sila.

NNia: Nakangiting sinabi ng Reyna sa kaniyang mahal na hari


NNia: Ang tatlong Prinsipe ay natigil sa kanilang malalambing na
kwentuhan ng may sabihin sakanila ang kanilang amang hari.

Haring Fernando (Gustav): Aking minamahal na mga anak, ngayo’y kayo’y


mga malalaki na’t kaya nyo na ang inyong mga sarili, hahayaan na namin
kayo ng inyong mahal na inang Reyna sa mga bagay na gusto n’yong gawin.
Kayong tatlo ay mapapalad, ngayo’y panahon na para kayo ay tumalaga.

Don Pedro (Jones): Ama, handa po kaming paglingkuran ang kaharian na


aming naiibigan

NNia: Ang dalawang Prinsipe ay sangayon sa kanilang nakatatandang


kapatid.

Don Diego (Dheivid): Tama ka kapatid!! Handa kami, Ama, para sa atin at sa
buong Berbanya

Don Juan (Sean): Gagawin po naming ang lahat para sainyo, maipaglalaban
po naming ito para sainyo ng inang Reyna.

NJam: Mga matatamis na ngiti ang umukit sa kanilang mga labi

NJam: Matapos ang masayang hapunan ng maganak, nag pasya na silang


pumunta sa kanilang mga silid upang makapag pahinga. Ngunit sa
kasamaang palad, ang haring Fernando na mahimbing nanatutulog, ay
biglang nabangungot.
NJam: Ang bangungot na ito’y tungkol sa kaniyang bunso na si Don Juan, na
di umano’y pinatay at itinulak sa balon ng dalawang tampalasan na naging
bunga ng kaniyang pagkakasakit.

NNia: Kinaumagahan nito’y, ang mga tao sa kaharian ng Berbanya’y, labis


na nalungkot nang mabalitaan ang lagay ng hari, kaya’t tinawag ang lahat
ng mediko upang matukoy kung ano ang lunas sa sakit ng haring Fernando,
ngunit ni isa, walang nakakaalam.

Reyna Valeriana (Sandy): Mahal ko, ano bang nangyari sayo at nagkaganito
ka, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang maibalik ka sa dati…

NNia: Sa ‘di inaasahan mayroong isang mediko na nakapag sabi kung ano
ang lunas sa karamdaman ng amang hari

Mediko (Alliyah): Aking mahal na hari, ang iyong sakit ay ang bunga ng
napanaginipan, mabigat o masakit man, may lunas sa iyong karamdaman.
Ang tanging lunas ng iyong sakit ay, ang awit ng Ibong Adarna. Pagito’y
narinig mong kumanta, ang iyong sakit ay mawawala. Ito ay tumatahan sa
kabundukang Tabor kung saan makikita ang punong Piedras Platas, Punong
tirahan ng Ibong adarna.

NNia: Ngayo’y alam na ang lunas sa karamdaman ng Amang Hari, kaya’t,


tinawag ng Reyna ang kaniyang nakatatandang anak na si Pedro upang
hanapin ang Ibong Adarna
Reyna Valeriana (Sandy): Mahal kong anak, Mag punta ka sa kabundukan
ng Tabor upang mahanap mo ang Ibong Adarna na nasa Puno ng Piedras
Platas, ito lamang ang tanging solusyon upang gumaling ang iyong Ama

Don Pedro (Jones): Masusunod aking Mahal na Reyna…

NJam: Kaya naman ang prinsipe ay nag pasya na upang hanapin ang Ibong
Adarna

Ang Prinsipe ay naglakbay ng naglakbay, siya’y dumaan sa iba’t ibang


kapahamakan sa kaniyang paglalakbay upang makuha ang lunas sa sakit ng
kaniyang ama

Sa ‘di inaasahan ang kaniyang kabayo ay namatay dahil sa mahabang


paglalakbay

Don Pedro (Jones): Minamalas ka nga naman, namatayan pa ng kabayo

NNia: Galit n’yang pasabi, nag patuloy pa rin siya sa paghahanap ng Ibong
Adarna ng walang sinasakyang kabayo, hanggang sa…

Don Pedro (Jones): Sawakas natanaw ko na ang Piedras Platas, o kay


gandang lugar naman pala dito
NNia: Sobra ang pagkabighani ng Prinsipe sa kapaligiran

Sa masamang kapalaran ang prinsipe ay nakatagal, narating din sawakas


ang Tabor na kabundukan

May namasdang punong kahoy, mga sangay’y mayamungmong, sa


nagtubong naroroo’y bukod-tangi’y yaong dahon

Magaganda’t kumikinang Diyamante yaong kabagay pag hinahagkan ng


araw sa mata’y nakasisilaw

Sa kanyang pagkabighani sa sarili ay niyaring, doon na muna lumagi nan


gang pagod ay mapawi

NJam: Nang siya ay nag papahinga ang Ibong Adarna ay biglang dumating,
nakatuon ang atensyon nya sa mahiwagang Ibon, nang bigla itong umawit,
siya’s manghang mangha kung paano ito mag labas ng tunog, hindi niya
namalayan na unit-unti siyang nakakatulog, kaya siya ay nakatulog sa ilalim
ng Punong Piedras Platas. Kaya, ang ibon ay nagbawas bago ito matulog,
ngunit sa pagbabawas ng Ibon si Don Pedro ay napatakan kaya siya ay
naging bato…

Sa kabilang banda, sa kaharian ng Berbanya, ang mga tao ay naiinip na


kakaantay sa Prinsipe kaya’t tinawag ng Hari ang kaniyang Anak na si Diego

Haring Fernando (Gustav): Anak ko, Sundan mo na ang iyong kapatid sa


paghahanap ng Ibong Adarna…
Don Diego (Dheivid): Masusunod, ama, hinding hindi kopo kayo bibiguin…

NNia: Nang sa gayo’y, ang prinsipe ay nag pasya nang mag lakbay upang
hanapin ang Adarna at ang kaniyang nakatatandang kapatid

Siya ay naglakbay din ng mahaba at namatayan din ng kabayo, ngunit siya


ay nagpatuloy parin sa paghahanap ng Ibon at ng kaniyang kapatid

Don Diego (Dheivid): Makakaya ko ito, mahanap lang ang aking kapaid at
ang Lunas sa sakit ng aking Ama…

NNia: Naglakbay sya ng naglakbay, hanggang sa Makita niya ang Punong


Piedras Platas sa kabundukang Tabor

Don Diego (Dheivid): Eton aba ang mahiwagang Puno natinitirhan ng


mahiwagang ibon?

Jam & Nia: Siya ay manghang mangha sa kagandahan ng Punong Piedras


Platas

NJam: Bigla napagbulay-bulay ni Don Diegong namamaang, punong yaong


pagkainam baka sa Adarnang bahay

Sa tabi ng punong ito may napunang isang bato, sa Kristal nakikitalo’t sa


mata’y tumutukso
Muli niyang pinagmalas ang puno ng Piedras Platas, ang lahat ay gintong
wagas nakiy may piedrerias

Sa ngayoy daming nag daang mga ibong kawan-kawan, walang dumapong


isa man sa kahoy na kumikinang

Don Diego (Dheivid): Ganito kagandang kahoy walang tumitirang ibon?


Hiwagang di ko manuoy sa aki’y lumilinggatong. Sa kahoy na kaagapay mga
ibon ay dumuklay, punong ito’y siya lamang tanging ayaw na dapuan

NNia: Lumalalim na ang gabing kaaya-aya, Don Diego’y namahinga sa


batong doo’y nakita, ang prinsipeng naghihintay Ibong Adarna’y dumatal
mula sa malayong bayan
Dumapo sa Piedras Platas mahinahong namayagpag, hinusay ang
nangungulang balahibong maririlag
Prinsipeng napagmasdan ang sa Ibong Kagandahan

Don Diego (Dheivid): Ikaw ngayo’y pasasaan at di sa akin nang kamay

NNia: Nang makapamayagpag na itong Ibong Engkantada, sinimulan na ang


pag kantang lubhang kaliga-ligaya. Sa lambing ng mga wait ang prinsipeng
nakikinig mga mata’y napapikit nakalimot sa daigdig.

NJam: Sa batong kinauupuan mahimbing na nagulaylay Na engkanto ang


kabagay nagahis nang walang laban.
Si Diegong nasa tapat inabot ng mga patak. Katulad din ni Pedro siya’y
biglang naging bato.

NNia: Nainip sa kakahintay ang kaharian, ama’y hindi mapalagay lumubha


ang karamdaman. Gusto niyang ipahanap ngunit nag-aalinlangan siyang
utusan ang bunsong anak na si Don Juan sa takot na siya ay mapahamak.
Hindi nais ng hari malayo sa kaniya si Don Juan.

NJam: Si Don Juan pala ay naghihintay lang sa kanyang ama, ang kanyang
puso ay nagdurusa sa nangyari sa kanyang dalawang kapatid. Lalo siyang
lumuha sa lagay ng kanyang amang hari, kaya siya’y nagkusa at lumapit sa
kanyang ama.

Don Juan (Sean): Ama, ako po ay magpapaalam. Ako ang hahanap naman
ng gamot sa iyong sakit. Tatlong taon na po ang nakakalipas at hindi pa sila
bumabalik, labis po akong nag-aalala na baka lumubha pa ang iyong sakit.

Haring Fernando (Gustav): Don Juan, bunso kong anak. Kung ikaw ay
mawawalay ay lalo kong ikamamatay. Masaklap sa puso’t dibdib ng iyong
pag-gayak sa iyong pag-alis, ang aking hininga ay mapapatid kapag ikaw ay
nawala sa aking titig.

Don Juan (Sean): O ama kong minamahal, sa puso ko naman ay masakit na


makita kang nakaratay. Kaya po kung pipigilan nyo koi tong hangad ko n
gumaling kayo, hindi ko kasalanang gawin ang umalis ng palihim sa inyo.

NNia: Sa napakinggan ng hari ay bigla siyang natigilan, tiyak niyang


magtatanan ang bunso niyang anak. Ang amang hari ay hindi makakibo,
luha lamang ang tumulo. Si Don Juan naman ay lumuhod sa haring may
bagong dusa.

Don Juan (Sean): Bendisyon mo, aking amang hari ang babaunin kong
sandata.

NJam: Halos ayaw nang bitawan ng amang hari ang anak na mawawalay,
ang palasyo ay namanglaw ng wala na si Don Juan. Hindi gumamit ng
kabayo si Don Juan para sa paglalakbay na ito, tumalaga nang totoo sa
hirap na matatamo. Matibay ang kanyang paniniwala at hindi
magpapakababa.

NNia: Ang kaniyang baon ay limang tinapay lamang. Ngunit para kay Don
Juan, ang gutom ay hindi kamatayan.

You might also like