You are on page 1of 5

KABANATA 2: ANG KAHARIAN NG BERBANYA

Narrator: Si Don Fernando, ang hari ng Berbanya, ay mabait at iginagalang ng lahat, mahirap man o
mayaman. Mataas ang paningin sa kanyan ng mga hari sa ibang kaharian. Ang kanyang kabiyak na si
Donya Valeriana ay ubod ng ganda at walang tulad na bait. Bunga ng kanilang pagmamahalan, may tatlo
silang anak Panganay na mainam ang postura (Don Pedro), Ang pangalawang anak na kalmadot
mahinhin (Don Diego), at ang minamahal nilang mutya na ubod din ng liyag (Don Juan).
Don Fernando: Kayong tatlong mapapalad, ang angkin ninyo ang mataas na pangalang pantas. Dumating
na araw ang papipiliin ko kayo kung ninais niyo bang maglingkod sa bayan ang maging hari or di naman
kaya maging pari.
Don Pedro, Don Diego at Don Juan: Ang humawak ng kaharian ay an gaming natatanging hinahangad,
mahal na Ama.
Don Fernando: Kung gayon, sisiguraduhin kong sanayin kayong humawak ng mga patalim at sandata.
(SCENE: Pagsasanay sa paghawak ng patalim)
Don Fernando: Dahil kayong tatlo ay nakalagpas sakin pagsusulit sa paghawak ng sandatay parang lintik
na kung saan pag iyong itatama siguradong sasakit, pinahihinutulutan ko ang inyong mga hiling na maghari
sa kaharian.
Don Pedro, Don Diego at Don Juan: Maraming salamat ho, ama.
(SCENE: Nagkasiyahan ang mga tao at tila walang gulong dumadapo)

KABANATA 3: PANAGINIP NG HARI


Narrator: Isang gabi, nagkaroon ng isang panaginip si Don Fernando na ang kanyang pinakamamahal na
bunso na si Don Juan ay pinagtaksilan ng dalawang masasamang tao. Siya ay piata at tinapon sa isang
napakalalim na balon. Dahil sa labis na pag-alala, nagising si Don Fernando at tila tanging kalungkutan ang
kanyang nadarama.
Don Pedro: Amang Fernando! Isa lang po iyong panaginip. Kumain na po at nangangayat na kayo na para
bang tanging buto lang ang meron sa inyo, ama.
Don Diego: Nag-aalala rin po kami sa iyong kalusugan, ama.
Donya Valeriana: Magpatawag na kayo ng doktor upang mapatingnan natin si Don Fernando.
(SCENE: Naghanap-hanap ang tatlong haring anak ni Don Fernando ng manggagamot)

Narrator: Dahil dito, nanghina siya parang lumalapit sa kanyang kamatayan. Kahit ang mediko na
pinatawag ni Don Fernando ay hindi makapagsabi kung ano ang sanhi ng kanyang sakit. Naging
malungkot ang lahat ng mga tao sa Berbanya, lalo na si Donya Valeriana at ang kanyang mga anak. Isang
araw, dumating ang isang matandang manggagamot.
(SCENE: Nag-aalala ang mga tao sa Berbanya at ang kaharian)
Manggagamot: Napakasimple lamang ng iyong sakit. Ito ay isang depresyon lamang kadahilanan ng
masamang panaginip.
Donya Valeriana: Peroano po ba ang lunas ng sakit niya?
Manggagamot: Kinakailangan lamang ng hari na marinig ang tinig ng pag-awit ng Ibong Adarna.
Mahahanap ang kakaibang ibon na ito sa punong Piedras Platas sa Bundok Tabor. Sa umaga at araw, ito
ay umaalis upang maghanap ng pagkain. Bumabalik ito sa Piedras Platas sa gabi upang matulog.
Don Fernando: Aking matipuno ang ubog ng kisig na panganay, Don Pedro, inaantasan kitang hulihin ang
Ibong Adarna na siyang natatanging lunas para sa aking sakit.

KABANATA 4: SI DON PEDRO AT PUNO NG PIEDRAS PLATAS


Narrator: Si Don Pedro ay naglakbay gamit ng isang kabayo ng tatlong buwan. Pumunta siya sa itaas ng
isang bundok ngunit namatay ang kanyang kabayo. Naglakad nalang siya papunta sa Bundok Tabor.
Pagkarating niya sa Bundok Tabor, may nakita siyang isang napakabrilyanteng puno. Pumunta siya sa
ilalim nito upang maghinga.
Don Pedro: Dito muna ako sa ibaba ng punong ito magpapahinga hanggang sa mahupay ang aking pagod
kadahilanan sa paglalakbay.
Narrator: Naisip niya kung ito nga ang Piedras Platas. Pagkababa ng araw, dumating at nagliparan ang
maraming mga ibon.
Don Pedro: Teka, ano ba iyang meron sa kahoy at tila hindi ito dinadapuan ng kahit isang ibon? Ito na ba
ang Ibong Adarna, ang aking natatanging pakay sa paglalakbay? Ngunit, asan siya?
Narrator: Piniling maghintay ni Don Pedro sa Ibong Adarna, nakaramdam siya ng pagkabigo. Sa sobrang
inip at pagod, tila nadala na sila ng kapaguran at nagsimula na siyang mamahinga. Kung saan pa dumating
ang ibon, doon pa dumating ang Ibong Adarna at dumapo sa puno ng Piedras ng Platas. Nagsimula ng
kumanta ng pitong awit ang Ibong Adarna at biglang pumalit ang kanyang mga balahibo. Samakatuwid,
napahimbing pa rin ang tulog ni Don Pedro at parang walang nararamdaman sa pagdating ng Ibong
Adarna.
(SCENE: Kumanta ang Ibong Adarna at nagpalit ang kanyang mga balahibo)

Narrator: Pagkatpos niyang kumanta, siyay nagbawas at natulog na. Ngunit, napatakan rin pala ng tae si
Don Pedro at naging bato siya.

KABANATA 5: SI DON DIEGO AT ANG AWIT NG IBONG ADARNA


Narrator: Dahil hindi pa bumabalik si Don Diego, ipapahanap sana si Don Diego ni Don Fernando kay Don
Juan, ngunit, takot siyang baka mawala ang paborito niyang anak.
Don Fernando: Don Diego, ang aking mahinhin na anak, ipapahanap ko saiyo si Don Pedrong nawawala
at ang Ibong Adarnang aking panlunas.
Narrator: Naglakbay si Don Diego ng limang buwan at nakarating siya sa Bundok Tabor at Piedras Platas.
Don Diego: Teka, asan ba ang ibon? Bakit di ko siya makita-kita? Maigi pang magpahinga muna ako at
antayin ang pagdating Ibong Adarna.
Narrator: Humiga si Don Diego sa kakaibang bato sa ilalim ng puno ng Piedras Platas. Sa di kamalamalayang pagkakataon, dumating ang Ibong Adarna at kumanta ito ng putong beses at nagpabago-bago
rin ang kanyang mga balahibo ng pitong beses.
(SCENE: Nagkanta-kanta si Ibong Adarna)
Narrator: Sa malamyos na tinig ng Ibong Adarna, nakatulog si Don Diego. At ulit, nagbawas ang Ibong
Adarna at natapakan ng dumi kaya naging bato rin siya tulad na lamang ni Don Pedro.

KABANATA 6: SI DON JUAN, ANG BUNSONG ANAK


(SCENE: Nag-alala ang buong kaharian dahil di pa umuwi si Don Pedro at Don Diego)
Narrator: Malapit nang tatlong taong hindi ba bumabalik sina Don Diego at Don Pedro. Pinag-isipan ni Don
Juan ang situwasyon nila ngayon na nawala ang dalawa niyang kapatid at mayroong sakit ang kanyang
tatay.
Don Juan: Ama ko, payagan niyo na ho akong maglakbay, nangangako po akong hahanapin ko ang lunas
ng iyong kasakitan. Tatlong taon na po silang di bumabalik, labis po akong nag-aalala sa inyong kasakitan
na maaring lumubha pa. Ang makita kayong nakaratay an gang tinik na siyang nakatanim sa aking puso.
Wag niyo sana po akong pigilan at ang natatangin ko lang pong hangad ay ang gumaling kayo.
(SCENE: Umiiyak si Don Fernando)
Don Juan: Bendisyon mo, aking ama, ang aking sandatang babaunin.

Narrator: Hindi gumamit ng kabayo si Don Juan sa kanyang paglalakbay at baon niya ay limang pirasong
tinapay lamang. Habang naglalakbay, humingi siya kay Birheng Maria ng tulong, pagtitiis ng mga hirap ng
kanilang pamilya at maligtas siya sa panganib. Nakaramdam ng pagkagutom si Don Juan. Umabot ng apat
na buwan ang haba ng lakad kanyang tinatahak. Sa sobrang pagod, lumuhod si Don Juan at tinawag ang
Birheng Maria.
Don Juan: Akoy iyong kahabagan,Birheng kalinis-linisan nang akin ding matagalan ang matarik na daan!
Narrator: Habang naglalakad si Don Juan, natagpuan niya ang isang sugatan. Ang matanda ay may
leproso at puno ng sugat ang kanyang katawan na parang isang lumpo. Halos gumagapang na rin ang
matandang may leproso sa damo.
Leproso: Maginoo, maawa ka, kung may baon kayong dala ako po ay limusan na. Parang habag na ng
Diyos tulungan na ang may lunos kung sa sakit koy matubos, ako namay maglilingkod.
Don Juan: Ako nga po ay may taglay ay may natitira pa akong tinapay na baon sa paglalakbay.
(SCENE: Dinukot ni Don Juan ang kanyang tinapay mula sa kanya dala at inabot niya ito ng Masaya
sa matandang nagdurusa)
Leproso: Marmaing Salamat! Napakabuti ng iyong loob at tinulungan mo ako. Ano nga pala ang pakay mo
at napunta ka rito? Ipagtapat mo sakin at baka matulungan kita.
Don Juan: Akopo ay anak ng isang hari at hinahanap kop o ang panlunsan sa ama kong maysakit.
Malubhang-malubha ang kanyang sakit at siyauy nakaratay. Tanging Ibong Adara lamang ang
makapagpapagamot sakanya. Bukod ditto, mayroon pang isa, tatlong taon na pong nawawala ang aking
kapatid.
Leproso: Aba nako, O Don Juan! Marami pa ang iyong mapapagdaranan. Kaya ngayon, binibiliin ko sa iyo
na mag-ingat ka at iwasan ang sariling maging bato.
Sa bandang roon, makakita ka ng isang kahoy na sadyang kawili-wiling tingnan. Huwag na huwag kang
titigil doon at sa gandang taglay ng puno nito ay lubos kang maakit. Sapagkat ang mararating mo ay
kamatayan. Sa ibabang bahagi ay tumanaw ka at makikita mo roon ang bahay ng isang tao na magtuturo
sayo kung saan matatagpuan ang Adarna.
(SCENE: Ibinalik ng Leproso ang tinapay kay Don Juan)
Leproso: Itong nilimos kong tinapay ay dalhin mo nat mahaba pa ang iyong paroroonan.
Narrator: Ang prinsipe ay din a muling kumino at naghihinalang pinagbibiro lamang siya ng matanda.
Don Juan: Maginoo, bakit niyo pa po ba binibalik ang tinapay gayon ibinigay ko na iyan sa iyo?
Leproso: Ugali ko na sa pagkabata ang malimod kaya ang limos ay di pa magawang bawiin.

Don Juan: Huwag niyo na ho yang ibalik sakin, Maginoo.


Leproso: O sige, magingat ka sa iyong paglalakbay, Don Juan at akoy lilisan na.
(SCENE: Umalis na and matandang may leproso)

KABANATA 7: ANG GANTIMPALA NG KARAPAT-DAPAT


Narrator: Matulin na

You might also like