You are on page 1of 5

[Setting: Bundok Tabor]Don Pedro:

(hinihingal)
hay nakakapagod. (sasandalan ang puno) ( iinum ng tubig at titingin sa itaas) Itona kaya ang bahay ng
Ibong iyon? (uupo sa paanan ng puno)
Ibong Adarna:
(aawit)
Don Pedro:
(makakatulog)
Narrator:
Sa kapagudan at sa awit ng Ibong Adarna nakatulog si Don Pedro. Ang ibon ay huminto sapag-awit
ngunit may ugaling magbawas pagkatapos ng kanyang magandang tinig. Sakasamaang palad, Si Don
Pedrong mahihimbing napatakan at naging batong buhay sa ilalim ngPiedras Platas [pause] Sa hindi
pagbalik ni Don Pedro, nagkagulo ang buong Berbanya. At angIpinadala naman ay si Don Diego.
[papasok si Don Diego. Lalakad-lakad at mapapansin ang batong kapatid ngunit hindi nito
makikilala.Uupo ito sa tabi ng batong kapatid.]
Narrator:
kaparehong kapalaran ang sinapit ng magkapatid. Nakinig ng awit at siyay napahimbing. At sa
pagkakahimbing, napatakan ito at siyang kaawa-awang naging batong buhay din.
IKALAWANG PARTE: IKATLONG PAGLALAKBAY[Mga tauhan]
Haring FernandoDonya ValeriaDon JuanErmitanyo
[Setting: Kaharian]
[Nakaupo si Donya Valeria sa Tabi ng Hari.]
Narrator:
Dahil sa hindi pagkakabalik ng dalawang magkapatid lumala lalo ang karamdaman ng Hari.[Papasok si
Don Juan]
Don Juan:
Ama, nais ko kayong gumaling. Maaari nyo poh ba akong payagang pumunta sa Tabor upanghulihin
ang ibon at hanapin ang aking mga kapatid?
Haring Fernando:
hindi maaari, anak. Ikaw na lamang ang natitira sa akin at kapag ikaw ay nawalay pa.
Tiyak akoy mamamatay na.
Don Juan:
Ngunit, ama, ang makita kang ganyan ay mas mahirap para sa akin. Patawarin ninyo akongunit kung
hindi ninyo ako papayagan, ako ay aalis na lamang ng labag sa inyong kalooban.
Haring Fernando:
(nalungkot) Sige anak magtagumpay ka nawa.
Don Juan:
(magmamano at yayakapin ng ama)
Narrator:
Umalis ang paboritong anak ng hari kahit labag ito sa kanyang kalooban. Hindi tulad ngdalawang
kapatid, umalis siyang limang tinapay lamang ang baon at hindi siya sumakay ngkabayo. Sa bawat
isang buwan ng paglalakbay ay saka lamang niya kakainin ang tinapay. Nangmakalipas ang 4 na
buwan, isang tinapay na lamang ang natitira sa kanya. Sa kanyangpaglalakbay, nasalubong niya ang
isang leprosong matanda.
[Setting: Gubat]Ermitanyo:
Ginoo, maawa ka. Ako poy humihingi kahit kaunting pagkain lamang
Don Juan:
(naawa, kukunin ang natitirang tinapay at ibibigay sa matanda)
Ermitanyo:
(kukunin ang tinapay) Maraming salamat, Ginoo, sa inyong kabaitan. Ano po ba ang inyongpakay at
baka maaari ko kayong matulungan.
Don Juan:

Ang aking ama ay may sakit at ang tanging lunas ay ang awit ng ibong adarna. Nauna na angdalawa
kong kuya ngunit tatlong taon na noong sila ay lumisan.
Ermitanyo:
Ginoo, mahirap ang inyong binabalak ngunit maaari ko kayong matulungan. Pagdating sabundok ay
may makikitang puno. Huwag doon tumigil. Tumingin lamang kayo sa ibaba at maymakikita kayong
kubo, kung saan naninirahan ang taong magbibigay sa inyo ng payo upangmahuli ang ibon. (iaabot
ang tinapay) mahaba pa po ang byahe ninyo kaya kunin nyo na po ito.
Don Juan:
Nagbibiro ka ba? Ibinigay ko na iyan sayo.
Ermitanyo:
ngunit mas kailangan ninyo ito(iaabot ngunit aalis si Don Juan sa Set) , Ginoo! (pahabol ngLeproso)
IKATLONG PARTE: BUNDOK TABOR[Mga tauhan]
Don JuanErmitanyoDon PedroDon DiegoIbong Adarna
[Setting: Bahay ng Ermitanyo]
Narrator:
Nang marating ni Don Juan ang Bundok Tabor, Nakita niya ang sinasabi ng Leprosong matandasa
kanya. Nakita niya ang kubo at nagtungo doon.
Don Juan:
(nagulat at hindi makapaniwala) ako bay namamalikmata lamang o talagang kamukha mo
ang taong nilimusan ko ng tinapay.
Ermitanyo:
ano ang iyong hangad, Don Juan?
Don Juan:
ako po ay nandito upang hulihin ang Ibong Adarna na makapagpapagaling sa aking mahal naama.
Ermitanyo:
Hindi madali ang iyong pakay, Don Juan. Sigarado ka ba sa iyong balak?
Don Juan:
natiis ko poh ang gutom, pagod at puyat sa paglalakbay. Disididong disidido po ako sa akingpakay.
Ermitanyo:
kung gayon, ganito ang iyong gawin. Sa Piedras Platas (tuturo sa taas) nananahan ang ibongadarna.
Dumarating ito tuwing hating gabi. Sa pagkadapo, ito ay aawit. Ang awit nito aynakaaantok, iwasan
mo, Don Juan ang makatulog. (kukunin ang labaha at dayap tapos ibibigaykay Don Juan) Heto ang
labaha at dayap. Tuwing aantukin hiwain ang iyong palad ay patakanito ng dayap. Tiyak antok mo ay
mawawala. Pitong awit ang gagawin nito at pitong beses dingmagpapalit ng balihibo. Pagkatapos
nitong umawit, ito ay magbabawas. Iwasan mo, Don Juan,
na ikay mapatakan. Pagkatapos nito ang ibon ay matutulog.
(kukunin ang taling ginto atiaabot kay Don Juan.) Itali mo siya gamit ito.
[Setting: Bundok Tabor]Narrator:
Nang marinig itong lahat, umalis na si Don Juan upang hulihin ang Adarna. Lahat ng utos aykanyang
ginawa. Sa bawat awit ng adarna, sinusugatan niya ang palad niya at pinapatakan itong dayap. Sa
sobrang hapdi siya ay nagigising. Pitong sugat ang natamo niya. Naiwasan niyaang ipot ng ibon at
naghintay siya na mahimbing na ito. Sa pagkakahimbing ng ibon ay tinaliannya na ito at ipinakita sa
Ermitanyo.
Ermitanyo:
magaling, Don Juan. Maari mo bang kunin ang palayok na iyon?(ituturo ang palayok)
Don Juan:
(kukunin ang palayok)
Ermitanyo:
magmadali ka at punuin iyan ng tubig at pagkatapos ay busan mo ang dalawang bato atmawawala sa
pagigiging bato ang dalawa mong kapatid.
Narrator:Iyon nga ang ginawa ni Don Juan. Naging tao muli sila Don Pedro at Don Diego. Bumalik silangtatlo sa
bahay ng Ermitanyo upang magpasalamat. Umuwi sila ng sabay-sabay.

IKA-LIMANG PARTE: ANG PAGSASALAYSAY NG IBONG ADARNA[Mga tauhan]


Don PedroDon DiegoDon JuanHaring FernandoDonya ValeriaIbong Adarna

[Setting: Kaharian]
[nakapalibot si Don Pedro, Don Diego at Don Juan kay Haring Fernando. Nakasabit ang hawla ng ibonmalapit sa
hari.]
Narrator:
Noong dumating si Don Diego at Don Pedro, inilagay nila ang ibon sa tabi ng kanilang ama.Kahit anong gawin nila
ay ayaw nitong umawit. Ngunit, nang dumating si Don Juan, hindilamang ang hari ang sumigla. Nagsimula na ding
umawit ang Adarna.
Haring Fernando:
Mahal kong anak nagbalik ka. (niyakap ang anak pagkatapos nitong magmano sakanya at sa kanyang ina.)
Ibong Adarna:
(aawit) Mahal na Haring Fernando, nasa inyong harapan ang inyong anak namatatag.Nalampasan niya ang lahat ng
mga pagsubok. Nagawa niya ang inyong pakay. Pitong awit koay nalampasan niya, di tulad ng dalawang panganay
nyong anak. Palad ay sinugatan ng pitongbeses. Sa hapdi ng dayap na ipinapatak sa sugat ay nagpanatili
sakanyang maging gising.Naiwasan niyang maging bato, di tulad ng dalawang panganay nyong anak. Siya ang
nagbuhosng mahiwagang tubig sa dalawang naging bato. At naging tao silang muli. Sa paglalakbay, si
Don Pedroy nakaisip ng isang masamang mithiin. Nais niyang mapatay ang inyong mahal na
anak upang mapunta dito ang inyong basbas at mga parangal. Kinonchaba si Don Diego ngunit
hindi ito pumayag kayat itoy nagbulag
-bulagan na lamang. Binugbog ni Don Pedro hanggangsa manghina at iniwan na lamang sa kagubatan ang mahal
ninyong busong anak. Mabuti nalamang ay mayroong isang manggagamot na dumating. Napagaling ang kanyang
mga sugat atdumatal ngayon sa inyong harapan. Sa sinapit ng bunso niyong anak, ako ay nalumbay. Kaya ni
pagkain o pagkanta ay di ko magawa. Ayoko sa taksil nyong dalawang anak. Mga sarili lamang
ang nais nila. Kaya yaman ng kaharian ay dapat mapunta kay Don Juang tunay.
Haring Fernando:
(nagalit) Anong ginawa nyo sa inyong kapatid? Bakit nagkaganoon? Ang dapat sa
inyoy nagmamahalan ng lubos. Kayong dalawa ay mga taksil.(ituturo ang dalawang
magkapatid na nasa tabi ng reyna)
Don Juan:
(hinawakan ang balikat ng ama) Ama, mahabag ka. Anak mo din po sila. Sila poy napatawad
ko na at ako na po ang humihingi ng kapatawaran para sa kanila.
Haring Fernando:
kung iyon ang iyong nais. Patatawarin ko na din sila.
Haring Fernando:
aking tatlong anak, isa pang pabor ang nais kong ipagawa sa inyo. Paki bantayannaman ang ibon.
Tatlong Prinsipe:
Opo![lalabas ang reyna at ang hari]
[matutulog si Don Juan]
Don Pedro:
Don Diego, gisingin natin si Don Juan at siya naman ang magbantay dito.
Don Diego:
sige kuya, inaantok na din ako ee.
Don Pedro at Don Diego:
(ginising si Don Jaun)[aalis si Don Diego sa set pagnagising na si Don Juan]
Don Juan:
opo (uupo sa tabi ng ibon at makakatulog muli)
Don Pedro:
(bago lumaba
s makikita ang kapatid na tulog) tignan mo to? (ngingisi) (pakakawalan ang
ibon) bahala ka sa buhay mo. [aalis][nagising si Don Juan]
Don Juan:
naku! Nasan na kaya yung ibon.(kinakabahang hahanapin ang ibon) Hala! Nakalipad na sigurosiya palabas. [pause]
(mag-iisip) ah! Alam ko na. aalis na lamang ako ng Berbanya. [aalis][papasok ang hari at magugulat sa makikita]
Haring Fernando:
Don Pedro, Don Diego, Don Juan! Nasaan kayo?! Nasaan ang Ibon? (pagalit)[papasok ang dalawa at ang reyna]
Reyna Valeria:
Bakit? Bakit parang galit na galit ka?
Haring Fernando:
ang ibon ang ibon ay nawawala.
Don Diego:
hindi po namin alam, ama si Don Juan po ang bantay kagabi.
Haring Fernando:
nasaan si Don Juan?
Don Pedro:
Hindi po namin alam, ama. Wala po siya dito sa loob ng kaharian.

Haring Fernando:
Hanapin ninyo sya. Magmadali kayo at hanapin nyo sya.
IKA-ANIM NA PARTE: BUNDOK ARMENYA[Mga tauhan]
Don Pedro Don Diego Don Juan
[Setting: Bundok Armenya]
Narrator:
Hinanap ni ng dalawang Prinsipe si Don Juan, ngunit hindi nila ito makita. Nahalughog na nilaang mga malalapit na
pook sa kanilang kaharian maliban sa Bundok Aremenya na buongbuhay nila ay hindi pa nila nararating. Nang
marating nila ito, nabighani sila sa kagandahan ngmga tanawin. Ang mga puno ay naghuhumtik sa bunga at parang
hiwagang nawawala angkanilang mga problema.
:
Sa di kalayuan, nakita ng dalawang Prinsepe si Don Juan.[Don Juan nasa ilalim ng puno. Magkasamang naglalakad
si Don Pedro at Don Diego. Makikita ni DonPedro si Don Juan.]
Don Pedro:
(Pagkakita kay Don Juan, lilingon kay Don Diego upang bumulong dito) Diego, si Don Juan!(Mahina lamang at may
kasabay na turo)
Don Diego:
(Lilingon-lingon) Saan?
Don Pedro:
ayun oh! (ituturo) (bubulong) maganda ang lugar na ito ni Don Juan. Diego, manirahan nalang tayo kasama niya?
Don Diego:
magandang ideya yan kuya sige.[lalapit ang dalawa kay Don Juan. Matutuwa at magyayakapan ang magkakapatid]
Don Pedro:
Juan, aming bunso nagagalak ka naming makita ulit. Maganda ang pook na ito. Dito nalamang kaya tayong
manirahan lahat?
Don Juan:
Magandang ideya, kuya. Kung sabagay mabubuhay tayo dito ng kaaya
-aya.
Don Diego:
tara libutin natin ang kabundukan.[maglalakad hangang sa balon]
Don Juan:
Mga kapatid, Tignan ninyo. (ituturo ang balon) ang gandang balon. Sino kayang nagmamay-arinito?

Don Diego:Imposibleng may nag mamay-ari ng balong iyan. Wala namang malapit na bahay sa paligid.(titingintingin sa paligid)
Don Juan:Tara tignan natin ang loob. Ako na ang mauuna.
Don Diego:Teka, kapatid, mas matanda ako sa iyo kaya ako ang mauunang bumaba.
Don Pedro:Teka teka ako ang panganay. Ako na ang siyang mauuna.
Don Diego at Don Juan:Sige kuya. Ibalita mo na lamang sa amin ang meron sa loob niyan.[bababa si Don Pedro
sa balon]
[makalipas ang ilang minuto aangat muli]
Don Juan:
(excited) Kuya, anong meron doon?
Don Diego:
Kuya, Bat parang namumutla ka?
Don Pedro:
(nanginginig at namumutla) madilim. Lubhang napakalalim ng balon. Hindi ko narating angilalim.
Don Diego:
kung gayon, ako naman ang bababa.[bababa si Don Diego sa balon][makalipas ang ilang minuto aangat muli]
Don Juan:
(excited) Kuya, anong meron doon?
Don Pedro:
Diego, namumutla ka ng todo. Maupo ka muna
Don Diego:
(uupo sa lapag sasandal sa balon) Madilim. Lubhang malalim ang balon. Hindi ko rinnarrating ang ilalim.
Don Juan:
Kung gayon ako naman ang bababa.

You might also like