You are on page 1of 6

IBONG ADARNA SCRIPT

TAUHAN: Haring Fernando, Reyna Valeriana, Don Pedro, Don Diego, Don Juan,
Manggagamot, Ermitanyo, Ibong Adarna, Donya Juana, Higante, Donya
Leonora, Serpyente, Agila, Donya Maria, Haring Salermo, Negrito, Negrita

SCENE 01:
Reyna Valeriana: Ano ang sinapit ng aking mahal na hari?

Manggagamot: Ikinalulungkot ko pong sabihin sa inyo mahal na reyna ngunit


nasa kritikal na kondisyon na ang sakit ng hari.

Reyna Valeriana: Bakit? Ano ang naging sanhi ng kanyang hindi maipaliwanag
na sakit?

Maggagamot: Ang sakit ng hari ay dulot ng isang masamang panaginip kaya


napuno siya ng kalungkutan at pag-aalala.

Manggagamot: Isa lamang ang maaaring lunas at iyon ang awit ng isang
mahiwagang ibon, ang Ibong Adarna. Ang Adarna ay makikita sa punong
Piedras Platas sa kabundukan ng Tabor.

Don Pedro: Amang Hari at Inang Reyna, bilang panganay sa tatlong


magkakapatad, nagkukusa ko pong hinihingi ang bendisyon upang ako’y
payagang maglakbay, hanapin at dalhin ang Ibong Adarna sa inyong tabi.

SCENE 02:
Reyna Valeriana: Mahigit ilang buwan na ang nakalipas ngunut wala pa ring
balita sa aking panganay na si Pedro. Ako at ang iyong amang hari ay lubusang
nag-aalala sa kung anumng pwede niyang sinapit.

Don Diego: Inang Reyna, huwag kang mag-aalala. Bilang pangalawang


panganay ay susundan ko’t hahanapin ang aking kapatid na si Pedro, gayundin
ang Ibong Adarnang kailangan niyo.

SCENE 03:
Don Juan: Amang Hari at Inang Reyna, tatlong taon na ang nakalipas ngunit
hindi pa rin nakakabalik ang aking mga kapatid. Kung inyo pong mararapatin,
ako po’y pahintulutan ninyong sumunod at hanaping ang Ibong Adarna na
siyang maglulunas sa sakit ng amang hari.

Haring Fernando: O, aking bunsong anak, kung ikaw ay mawawala sa aking


tabi at paningin ay tiyak kong ikamamatay.

Don Juan: Ngunit, amang hari, kahit po ako’y pigilan, kahit anong mangyari
ako’y aalis pa rin upang hanapin ang Ibong Adarna kahit pa palihim.

Haring Fernando: Wala na talaga kong magagawa kung ang desisyon mo ay


buo na.

Don Juan: Bendisyon mo, aking ama, babaunin kong sandata.

SCENE 04:
Matanda: Maawa po kayo sa akin, Ginoo. Kung may pagkain kayo riyan ay
pwede ko bang mahingi? Kahit kaunti lamang ay sapat na. Ilang araw na akong
hindi nakakain. Pangako ko sa inyo na papalitan ko ng kahit ano ang iyong
maibibigay.

Don Juan: Ako po ay may natitirang isang tinapay na baon sa aking


paglalakbay. Ito po at tanggapin niyo at ako’y busog pa naman.

Matanda: Salamat. Salamat. Maraming salamat, Ginoo. Sana’y ikaw ay


ipagpala. Kung hindi man ninyo mamasamainay maari ko bang tanunginkung
ano ang iyong pakay sa inyong paglalakbay at baka kayo ay aking matulungan.

Don Juan: Ako po ay naglalakbay papunta sa kinaroroonan ng Ibong Adarna.


Ang sabi ng manggagamot n gaming kahariang Berbanya, tanging ang awitin
ng Ibong Adarna ang makakalunas sa sakit na taglay ng aking amang hari.

Matanda: Mahabaging Diyos! Kung gayon ay malaki pang kahirapan ang iyong
pagdaraanan. Kaya, ngayon ang bilin ko ay itanim sa iyong puso. Tandaaan
mo, mag-iingat ka upang ika’y hindi maging bato . Sa pook na natatanaw mo
ay mayroon kang punong madadatnan na tiyak na kawili-wiling tingnan
ngunit huwag ka doong tumigil. Sa ibaba noon ay bahay ng isang ermitanyo na
mayaman sa kaalaman tungkol sa Adarna. Itong limos mong tinapay ay dalhin
mo na dahil mas kakailanganin mo iyan sa iyong malaayong paroroonan kaysa
sa akin.

Don Juan: Hindi kop o matatanggap ang tinapay. Naibigay ko na po iyan at


babawiin pa ay hindi ko magagawa.

Matanda: Salamat, Ginoo

SCENE 05:
Ermitanyo: Ano ba’t mayroong naligaw sa aking lugar? Ano ang sadya mo,
Ginoo?

Don Juan: Ang pangalan ko po ay Juan, dumanas ng pagod, puyat, gutom, uhaw
at hirap sa aking paglalakbay upang makamit ang matamis na awitin ng
Adarna na siyang lunas sa sakit ng aking ama. Ikinababahala ng aking
kalooban na baka ikamatay ng aking ama ang sakit nito kapag hindi agarang
malunasan . Kaya ngayon po ay humihingi sa inyo ng parangal tungkol sa
ibong aking sadya.

Ermitanyo: Kung gayon, Ginoong Juan, ika’y making sa aking sasabihin. Ang
Ibong Adarna ay may kahiwagaang taglay kaya’t hindi pa ito nadakip
ninuman. Naninirahan ito sa isang punong-kahoy na makinang na kung
tawagin ay Piedras Platas. Tuwing hatinggabi dumadating at namamahinga
ang Adarna mula sa kanyang paglipad sa iba’t ibang lugar. Bago ito tuluyang
maidlip at pitong awit na maganda ang kanyang aawitin Kapag narinig mo
itong awitin ay tiyak na ikaw ay aantukin. Upang malabanan ang antok, heto at
dalhin mo ang labaha’t pitong dayap. Sa bawat awit nito, ang iyong palad ay
hiwaan at agad mong pigaan ng dayap. Pagkatapos ng pitong awit, ang Adarna
ay magbabawas kaya ito ay iyong ilagan upang ika’y hindi maging bato tulad
ng ibang mga sumubok bihagin ang Ibong Adarna. Kaya ngayon, ikaw ay
pumanhik na’t lumallim na ang gabi.

SCENE 06:
(Singning of Ibong Adarna)(Changing colors)(Magbabawas)
SCENE 07:
Don Juan: Nabihag ko nga ang Ibong Adarna! Pero paano ang aking mga
kapatid?

Ermitanyo: Heto ang banga. Punin mo ito ng tubig at ibuhos sa dalawang bato
upang bumalik bilang tao ang mga ito.

SCENE 08:
Don Diego: Salamat kapatid na Juan! Sa iyo ay utang ko ang aking buhay!

Don Pedro: Nasaan ang Adarna, Juan? Nagtagumpay ka ba sa paghuli sa kanya


kaya’t hindi kami bato ngayon? Tayo na’t humayo papuntang Berbanya upang
mabigyang lunas ang amang hari.

Ermitanyo: Ginoong Juan, kunin mo itong hawla at ang Adarna at kayo’y


magmadali at baka kung napano na ang inyong amang hari.

Don Juan: Salamat sa inyong nagging tulong. Kung inyong mararapatin ay


bendisyonan ninyo ay hihingin sa aking pag-alis.

Ermitanyo: Ngunit ako’y hamak na ermitanyo lamang.

Don Juan: Utang naming sa inyo an gaming buhay.

Ermitanyo: Kung iyan ang iyong kagustuhan. Ikaw ay aking banibendisyonan


na maging mapayapa at malayo sa panganib ang inyong paglalakbay pabalik
sa Berbanya.

SCENE 09:
Don Pedro: Aking kapatid na Don Diego, kailangan nating makuha ang Adarna
mula kay Juan.

Don Diego: Ngunit utang natin sa kanya an gating buhay. Kung hindi dahil kay
Juan ay baka nagging baton a tayo habambuhay.

Don Pedro: Gugustuhin mo bang mapahiya sa harap ng amang hari kapag


nalaman niyang si Juan ang nag-iisang nakahuli ng Ibong Adarna at tayong
nakatatanda ay nabigo? Mag-isip ka Diego, kahiiyan ito na kakalat sa buong
kaharian.

Don Diego: Ayokong mapaiya.

Don Pedro: Kaya ngayon dapat nating patayin si Don Juan upang hindi na siya
makatuntong sa Berbanya!

Don Diego: O, Mahabaging Diyos! Hindi ko magagawang pataying ang sarili


kong kapatid. Dugo at laman, tayo’y magkaparehas. Tayo ay magkakapatid

Don Pedro: Kung ayaw mo ako ang gagawa. Huwag mo akong pipigilan at baka
pati ikaw ay isama ko sa kanya. At pagdating sa Berbanya, ika’y manahimik sa
nakita!

(Insert fight scene here)

SCENE 10:
Don Pedro: kami’y nakabalik na at dala naminang Ibong Adarna.

Reyna Valeriana: Maligayang pagbabalik

Haring Fernando: Nasaan ang aking bunsong si Juan? Nasaan si Juan?!

Reyna Valeriana: Aking mahal, ika’y huminahon. Makakasama sa iyo ang


sobrang pag-aalala. Ito nga ba ang Ibong Adarnang inyong sinadya? Kung ito
nga ay aba! Kay pangit pala. Sabin g manggagamot, ito ay mayroong pitong
balahibong likha ng engkanto.

Don Pedro:

You might also like