You are on page 1of 1

Ang Pagtakas nina Don Juan at Donya Maria hanggang sa Pagwawakas

Ibinigay ni Haring Salermo ang huling pagsubok kay Don Juan at nagtagunmpay naman ang
binata nang kanyang mapili si Donya Maria na kanyang tunay na minamahal. Hindi ito ikinatuwa
ni Haring Salermo kaya't gumawa siya ng paraan upang hindi mapunta kay Don Juan ang kanyang
pinakamamahal na anak. Nalaman ni Donya Maria ang planong ito ng kanyang ama kaya' t
sinabihan niya si Don Juan na sila'y umalis o magtanan. Pinilit siláng habulin ni Haring Salermo
ngunit siya ay nabigo. Bunga ng matinding galit ay isinumpa niya ang dalawa.

Bumalik sa Berbanya sina Don Juan at Donya Maria. Sa pakiusap ni Don Juan ay iníwan
muna niya si Donya Maria sa nayon upang mabigyan ito ng maayos na pagsalubong sa kanilang
kaharian. Nang makabalik Sa Berbanya si Don Juan ay agad siyang pinuntahan ni Donya Leonora
na pitong taon nang naghihintay sa kanya. Hindi napigilan ng dalaga ang kanyang damdamin at
ipinahayag niya ang nilalaman ng Kanyang nararamdaman para sa bunsong prinsipe. Kasabay nito
ang pagsisiwalat ng katotohanan sa mga kasinungalingang hinabi nina Don Diego at Don Pedro na
madali namang napatawad ng hari dahil sa pagmamahal sa mga anak.

Samantala, marahil ay nagkatotoo na ang sumpa ni Haring Salermo kaya't sa pagbabalik ni

Don Juan sa Berbanya ay tuluyan na niyang nakalimutan si Donya Maria Blanca. Inihanda ang
lahat para sa pag-iisang dibdib nina Don Juan at Donya Leonora. Nang maláman ito ni Donya
Maria Blanca ay agad siyang tumungo sa kaharian ng Berbanya at doon muling ipinaalala kay Don
Juan ang kanilang pag-iibigan. Nang bumalik ang alaala ng bunsong prinsipe ay ipinahaýag niyang
si Donya Maria ang tunay na nilalaman ng kanyang puso at si Donya Leonora ay ipinakasal sa
kanyang panganay na kapatid na si Don Pedro.

Sa huli ay itinanghal na bagong hari ng Berbanya si Don Pedro at si Donya Leonora bilang
kanyang reyna. Samantalang bumalik sa kanilang kaharian si Donya Maria kasáma si Don Juan
kung saan silá ay masayáng nanirahan at itinanghal na bagong hari at reyna ng kaharian. Masaya
siláng tinanggap ng mga tao bílang kapalit ng kanyang yumaong ama at mga kapatid.

ang pagsisiwalat ng katotohanan sa mga kasinungalingang hinabi nina Don Dicgo at Don Pedro na

You might also like