You are on page 1of 6

Aralin 32 ( Sumpa ni Haring Salermo)

Ito na ang pagpapatuloy ng aking Radioserye “Ang Ibong Adarna”

(Balean) Narrator: Ipinatawag ni Haring Salermo si Don Juan sa palasyo. Pinapili sya ng tatlong pintuan
at kung sino ang napili niya, iyon ang mapapakasalan niya.

(Arenas) Haring Salermo: Pumila ka ng isa sa mga pintuan diyan. Kung ano ang mapili mo iyon ang
papakasalan mo.

(Balean) Narrator: Nagsimula ng pumili si Don Juan, laking gulat ni Haring Salermo dahil napili ni Don
Juan

ang pinto kung nasaan si Donya Maria.

(Arenas) Haring Salermo: Sige, ito na ang huling pagsubok ko para sayo Don Juan. Sadyang matapang ka
talaga.

(Balean) Narrator: Bulong nya sa kanyang sarili.

(Arenas) Haring Salermo: Papipiliin ko siya ng mas magandang babae kay Maria. Kapag hindi nya ito
tinanggap, siya’y aking papaslangin. (Demonyong Tawa)

(Balean) Narrator: Hindi napansin ni Haring Salermo na narinig o napakinggan sya ni Donya Maria
Blanca.

(Dayao) Donya Maria: Mahal kong Don Juan, ako’y pakinggan aking ama may binabalak na di maganda,
ako’y samahan tayo’y tumakas.

(Balean) Narrator: Agad silang tumakas, ngunit nasundan sila ng Hari, at naabutan. Gumamit si Maria ng
mahika upang mapigilan ang kanyang ama. Dahilan para sumuko ang Hari. Isinumpa ng Hari si Donya
Maria.

(Arenas) Haring Salermo: Ika’y aking sinusumpa. Sinusumpa kong magpapakasal ang pinakamamahal
mo sa iba at ika’y iiwang luhaan.

(Balean) Narrator: ang sumpang ito ay tatalab lamang kung nakatapak na sila sa “Kaharian ng
Berbanya”.

Sumama ang loob ng Hari kaya ito’y nagkasakit at namatay.

Aralin 33 (Ang Kahilingan ni Prinsesa)

(Balean) Narrator: Inaasahan ni Haring Fernando na dadating si Don Juan. Nang dumating ang
magkakapatid na si Don Diego at si Don Pedro, nalungkot siya na ang kasama ng dalawang ang dalawang
prinsesa, pero wla si Don Juan.

(Arenas) Haring Fernando: Nasaan si don Juan?

(Pureza) Don Pedro: Hindi namin Makita si Don Juan kahit saan.

(Dyguaso) Don Diego: Hinanap namin sya ngunit hindi talaga namin mahanap.
(Pureza) Don Pedro: Niligtas lang naming ang dalawang prinsesa mula sa ilalim ng Balon sa mga
masasamang element.

(Dyguaso) Don Diego: Kaya isinama nalang namin sila pauwi.

(Balean) Narrator: Sinabi ni Don Pedro kay Haring Fernando na magpapakasal sila ni Donya Leonora at
si Don Diego ay magpapakasal kay Donya Juana. Pero hindi pumayag si Leonora.

(Alarca) Donya Leonora: Hindi ako magpapakasal, ako’y may panatang mabuhay mag-isa ‘ sa loob ng
pitong taon.

(Arenas) Haring Fernando: Kung iyan ang iyong kahilingan.

(Balean): Narrator: pumayag ang hari sa kahilingan ni Donya Leonora at pinatira sa silid ng Kaharian.
Inihanda namn ang kaharian para sa darating na kasal ni Don Diego at Donya Juana. Siyam na araw
nanatili ang kasiyahan sa Berbanya. Samatala si Don Juan patuloy na nagdurusa sa Armenya.

Aralin 34 (Ang Pagsasalubong kay Don Juan)

(Balean) Narrator: pagdarating sa Berbanya nagsaya ang buong pamilya ni Don Juan sa Berbanya. Sinabi
ni Donya Leonora ang katotohanan sa pamilya ni Don Juan.

(Alarca) Donya Leonora: Mahal na Hari, si Don Juan ang tunay na nagligtas sakin. Si Don Pedro at Don
Diego ang tunay na mga taksil. Si Don Juan ang tunay na bayani. Iniligtas nya ang kapatid ko sa Higante
at ako sa mga serpyente. Tanging si Don Juan lang ang may hawak ng puso ko.

(Untalan)Donya Juana: Paumanhin sa inyong kamahalan, ngunit sana payagan nyo pong ikasal si
Leonora kay Don Juan.

(Balean) Narrator: Gamit ang mahika ni Donya Maria, nalaman nyang nakalimutan na siya ni Don Juan,
pero hindi nya alm na dahil to sa sumpa ng kanyang ama. Hindi rin nya natupad ang mga hiling ni Donya
Maria na hindi makipag-usap sa ibang babae at maalala sya.

Aralin 35 (Ang Pagdating ni Donya Maria)

(Balean) Narrator: Tatlong araw ang lumipas hindi parin bumabalik si Don Juan para bisitahin si Donya
Maria.

(Dayao) Donya Maria: Nasaan kana ba Don Juan??? Maaari bang nakalimutan mo nsa ko?....

Hindi mo na ba ako mahal????

(Balean) Narrator: Araw ng kasal nina Don Juan at Donya Leonora sa Kaharian ng Berbanya. Pumunta si
Donya Maria Blanca nakdamit na parang empatris at may dalang prasko na may dalawang ita sa kasalan.

(Dayao) Donya Maria: Di mo na ba ako naaalala? Ako ito si Donya Maria Blanca. Ang pinakamahal mo.
Ang babaeng iniwan mom o sa kaharian ng Armenya at pinangakuan mo na ako lang ang mahal mo.

(Balean) Narrator: Pina-alala ni Donya Maria ang kanyang sarili, ngunit walang matandaan si Don Juan.
Nakalimutan na talaga ni Don Juan ang nangyari kasama si Donya Maria.

(Dayao) Donya Maria: HINDI!!!!!!!

(Balean) Narrator: Hindi pumayag si Donya Maria. Sa nangyayaring kasalan kaya binasag niya ang prasko
at lumabas ang tubig sa prasko at bumaha sa Kaharian ng Berbanya. Sumayaw ang mge ita na lumabas
sa prasko at nagpakita sila ng mga nangyari kayna Don Juan at Donya Maria. Noong nasa Delos Cristales.
Bumalik na ang ala-ala ni Don Juan.

(Dacayo) Don Juan: Naalala ko na ang lahat!!! Mahal kong Maria ako’y iyong patawarin, gagawin ko ang
lahat para ako’y mapatawad mo.

(Balean) Narrator: Nagmamakaawa si Don Juan kay Donya Maria na patawarin na siya. Kaya itinigil ang
kasal. Nag-isip ang Arsobispo at nakabuo siya ng solusyon. Ang napag-isipan niya at natatanging nasa isip
niya ay magpasya kung sino ang ikakasal.

Aralin 36 (Sa Kabayo ang Latay)

(Balean) Narrator: Lampas ng takipsilim ng dumating si Donya Maria Blanca.

(Dayao) Donya Maria: Don Juan kailangan mong paamuin ang kabayo.

( Balean) Narrator: Ang kabayo ay mailap, mabagsik at walang awa. Pinapapalo ni Donya Maria Blanca
kay Don Juan ang kabayo at umiwas sa kuko nitong matatalim. Pero kahit ganon makikita ang luha sa
mga mata ng kabayo.

(Dayao) Donya Maria: Dapat itong subuan ng busal.

(Balean) Narrator: Si Donya Maria Blanca ang bahala at tibayan ang hawak sa renda. Ang preno ay
walang iba kundi si Maria Blanca at ang renda ay ang dalawa pa niyang kapatid na sina Juan at Isabel.
Ginawa ni Don Juan ang lahat ng inutos ni Donya Maria Blanca. Inilipad si Don Juan ng kabayo pero
nagwa pa rin niyang mapaamo ito.

Aralin 37 (Huling Baraha)

(Balean) Narrator: Galit na galit si Donya Maria. Kinuha nya ang prasko upang gunawin ang buong
Reyno. Bumalik naman ang isip ni Don Juan.

(Dacayo) Don Juan: Patawad mahal kong prinsesa naalala ko na ang lahat na nangyari satin. Kay Donya
Maria ako mag papakasal at hindi kay Donya Leonora.

(Dayao) Donya Maria: Nagsabi si Donya Leonora sa nangyari. Sinabi din ni Don Juan na mahal na mahal
parin nya si Donya Maria. Ihinandog niya si Donya Leonora kay Don Pedro.
Aralin 38 (Ang Hinakdal ni Leonora)

(Balean) Narrator: Dahil sa mga pangyayari’y nagulo muli ang Kaharian. At si Leonorang naroroo’y
nagsalita na rin.

(Alarca) Donya Leonora: Haring Fernando, ako’y iyong pakinggan sapagkat hirap ko’y isasaad. Kami ni
prinsesa Juanang magkapatid ay naninirahan sa Armenya. Pinto ng aming kaharia’y balon at ito’y di
nakakayang babain ng sino man sapagkat ito’y malalim at madilim. Dito ako natagpuan ni Don Juan na
nakipaglaban sa serpyente at higante para lamang kami’y maligtas at maiahon sa Kahariang iyon. Kami’y
nakaahon at naglakbay patungo rito ngunit kami’y napatigil sapagkat ako’y mayroong nakalimutan. Ang
singsing na namana ko sa aking mga magulang. Ito’y mahalaga kaya’t aking inibigang balikan. Ngunit
ako’y pinigilan ni Don Juan at nag-alok na sya nalamang ang kukuha. Kahit ako’y tumanggi siya’y
nagpumilit. Nang sya’y bumaba, di pa man nakakarating sa lupa sina Don Pedro at Don Diego
pinagtulungang putulin ang tali na siyang nakabitin. Sa sobrang taas ng pinabagsaka’y siguradong siya’y
patay na. Ako’y napasindak at tuloy tuloy sapagiyak. Dahil sa aking pag-asa siya’y nabuhay. Sapagkat
gusto kong manigurado, ako sana’y babalik ngunit ako’y pinigilan ni Don Pedro ang iyong anak. Para san
pa si Don Juan kung ako’y naririto naman.

(Balean) Narrator: Sa kanyang narinig, Hari’y nalungkot at nagalit. Nagalit sa nagkasala at nalungkot sa
dinanas na pagtitiis ni Leonora. At sa sandaling iyon nagdesisyon ang Hari. Ang nauna siya’ng may pala.
At si Donya Maria nakatingin, tinititigan ang Hari mensahe ng mata kung desisyo’y iyon na nga.

(Dayao) Donya Maria: Haring minamahal, ako naman ang inyong pakinggan. Wala naman akong balak
na inyong bawiin ang desisyon. Ang akin lamang ay sabihin na kung ano pa, kung kayo po’y may
katwiran ang katarunga’y asahan. Sa palabas kanina na inyong nakita at napanood, iyon ay ang buhay
naming magkasintahan.

(Balean) Narrator: Hari ay biglang natulala, memorya ng palabas kanina ay bumalik at siya’y nanghina.
Sa sarili’y naisip, desisyon ay mayroong pagkakamali, ngunit ang tapos ay tapos at dahil desisyo’y di na
mababawi.

Aralin 39 (Ang Hatol ng Arsobispo)

(Balean) Narrator: Hari Hindi batid ng kung kanino dapat ipakasal si Don Juan kaya humingi ng tulong sa
Arsobispo.

(Dacayo) Arsobispo: Kung sino man ang nauna siya ang higit na may karapatan kay kay Don Juan.

(Balean) Narrator: Nagdamdam si Donya Maria Blanca sa naging hatol, at labis siyang nag ngitngit.
Ibinuhos niya ang lamang tubig ng prasko at nagsimulang bumaha sa Palasyo. Nagkagulo ang mga tao.

(Dacayo) Don Juan: Mahal kong Prinsesa, pahintuin mo ang pagbaha. Pangako ko na hinding hindi na
tayo magkakahiwalay.

(Balean) Narrator: Nagmamakaawa si Don Juan sa amang Hari at sa Arsobispo.

(Dacayo) Don Juan: Si Donya Maria Blanca ang tunay na iniibig ko. Patawad Donya Leonora pero
tanggapin mo nalang ang pag-ibig ni Don Pedro, mas higit ang pagmamahal nya sayo.
(Balean) Narrator: Noon din ay nais ni Don Juan na ikasal sila ni Donya Maria Blanca.

Aralin 40 (Dalawang Kasal)

(Balean) Narrator: Hiniling ni Don Juan sa Arsobispo na ikasal sila ni Donya Maria Blanca. Sinabay na rin
ng Hari ang kasal nina Prinsesa Leonora at Don Pedro. Natuwa si Maria, pati si Leonora ay walang tutol.
Isinabay sa kasal ang paglipat ng korona at setro sa bagong Hari. Kay Don Juan na ito mapupunta ngunit
si Maria ay nagkusang sabihin na:

(Dayao) Donya Maria: Ibigay nyo nalang kay Don Pedro ang mana, dahil may sarili kaming kahariang
naghihintay.

(Balean) Narrator: Kaya sina Donya Leonora at Don Pedro na ang bagong Reyna at Hari ng Berbanya

Aralin 41 (Pagbalik sa Reino)

(Balean) Narrator: Samantala, sina Don Juan at Donya Maria ay bumalik sa Reino De Los Crystales. Doon
ay namuno si Don Juan bilang bagong Hari at ang kanyang minamahal na si Donya Maria bilang bagong
Reyna. Ibinalik nila ang mga taong ginawang bato ni Haring Salermo. Sila ay namuhay ng mapayapa at
naging magandang halimbawa sa lahat ng kanilang pinamumunuan. Maging hanggangsa sila ay
pumanaw, hindi sila nalimutan ng buong Kaharian.

[The End.]

You might also like