You are on page 1of 6

Unang bahagi ng Ibong Adarna

Tapagsalasay1: Ang kaharian ng Berbanya ay pinamumunuan ni Haring Fernando at


asawang si reyna Valeriana. Sila’y may tatlong anak si Don pedro na panganay na may
pinakamainam na tindig, Don Diego na Pangalawa na mahinhin at mahinahon at ang
bunsong si Don Juan na suminag na araw para sa haring Fernando. Mahuay
mamalakad ang hari kaya naman mahal na mahal siya ng kanyang nasasakupan,
mabuti siyang pinuno at naglilitis ng batas ng tama at hinahatulan ang nagkasala ayon
sa batas.

Haring Fernando: kayong tatlo ngayon ay aking tatanungin, ano sa dalawa ang inyong
pipiliin ang magkorona o magpari?

Tatlong Prinsipe: Magkorona po mahal na hari!

Mamayan: Mabuhay ang kaharian ng Berbanya! Mabuhay ang hari

Tagapagsalayasay: ngunit isang araw nanaginip ang hari na pinatay ng dalawang


tampalasan ang kanyang bunsong anal na si Don Juan, dahil dito siya ay nagkasakit.

(ipapakita na nanaginip ng masama ang hari)

Tagapagsalaysay: lumubha ang sakit ng hari at walang makapagsabi kung ano ang
naging dahilan ng kanyang karamdaman, isang araw…..

Manggamot: mahal na reyna ang sakit po ng hari ay bunga ng inyong masamang


panaginip ang kagamutan po ng iyong karamdaman ay ang tanging awit lamanag ng
ibong Adarna. Makikita poi to sa bundok tabor bsa puuno ng peidras platas.

Reyna Valeriana: maraming salamat po sa inyong tulong ginoo..

TAgapagsalita: si Don Pedro nga ay naglakbay dala ang kabayo at baong tinapay ngunit
sa kalagitnaan ang kanyang kabayo ay namatay kaya naglakad na lamang siya
patungong bundok tabor.

Don Pedro; nakakamanghang puno! Anong ganda! Yari sa diamante at ginto.


Makapagpahinga muna habang hinihintay ang adarna.

Tagapagsalaysay: tila naipin si Don Pedro at naidlip hanggang sa siya’y nakatulog.


Dumating ang ibong Adarna at umawit kasabay ng pagpapalit ng balahibo nito na
lalong nagpahimbing sa natutulog na prinsipe, dahil ugali na ng Adarna ang dumumi
pagkatapos umawit, si Don pedro ay naaptakan at siya’y tuluyan ng naging bato.
Tagapagsalaysay: sa kaharian, ang hari at reyna ay nababahala..

Reyna: Don Diego kay tagal na, wala pa rin ang iyong kapatid?lalong lumulubha ang
karamdaman ng iyong ama!

Tagapagsalaysay: Dahil matagal na at di pa din nagbabalik si Don Pedro siya ay


naglakabay para hanapin ang kapatid at ang lunas. Ngunit kagaya ni Don Pedro siya ay
nabigo at naging bato.

Don Pedro: Napakagandang puno! Aha! Alam ko na dito nanahan ang Adarna!

(makalipas ang ilang minuto ay dumating ang Adarna)

Don Pedro: napakagandang ibon! Napagkaganda Awit!.

Tapagasalaysay: Si Don Diego ay nakatulog sa narinig na himi ng ibong Adarna kaya


hindi siya nakaiwas ng maiputan siya nito sa ulo at tuluyang naging bato. Sa kabilang
banda patuloy na naghihintay ng matagal na panahon ang reyna at hari maging si Don
Juan sa pagbabalik ng dalawang Prinsipe ngunit lalong lumala ang sakit ng hari kaya
nagdesisyon si Don Juan na maglakabay.

Don Juan: Ako po ama ay tatakas kung sakaling hindi ninyo payagan, nais kop on
hanapin ang akin kapatid at ang sa sakit niyong lunas.

Hari; ngunit anak…. (hahawakan ang kamay ng anak)

Reyna: Don Juan aking bunso….( aakap at iiyak)

Don juan: basbasan mo po ko ako ama na agabayan ng Maykapal na magtagumpay.

Hari; humayo ka anak at mag-ingat, magbalik ka kasama ang iyong mga kapatid at ang
sakit kong lunas.. ingatan ka at gabayan ng Poong Maykapal.. (aakap sa ama si Don
Juan at ina)

Tagapagsalaysay: si Don Juan nga ay naglakbay…

Don Juan : (luluhod) Inag Berhing Mahal! Sa aking paglalakbay ako po sana’y gabayan
mahanap ang tamang daan patungo sa tagumpay.

Tagapagsalaysay: Si Don Juan ay nagpatuloy sa paglalakbay, at isang tinapay lamang


ang kanyan kinakain kada buwan, isang matandang leproso ang sa kanya ay humingi
ng tulong..

Leproso: anak maaari ba akong humingi ng makakain..?


Don Juan: ama ako po ay may isang tinapay pa. pagpaumanhin po at matigas na.

Lerposo: salamat sa iyong kabaitan nawa’y pagpalain ka ng may kapal. Ikaw ba ay may
pakay? Bakit tila ikaw sa bundok na ito ay naligaw?

Don Juan: hanap ko ay Adrana lunas sa sakit ng aking ama gayundin ang aking
dalawang kapatid na hindi pa nagbabalik.

Leproso: gayon ba, hala mag-iingat ka, ang adarna ay may engkanto tiyak na magiging
bato ka, pagdating mo sa itaas ng bundok tabor sa puno ng Piedras Platas ikaw ay
huwag maakit tumingin ka ibaba at doon ay sa dampa magtungo ang matandang
ermitanyo ang sa iyo’y makaakpagturo kung papaano mahuhuli ang Adarna.

Tagapagsalaysay: si Don juan nga ay sumunod sa bilin kaya narrating niya ang tuktok
ng bundok. Pagkaraay nagtungo sa dampa sa ibaba.

Don Juan: sa inyo po ay kagalang-galan. Ako po si Don Juan.

Ermitanyo: ikaw ay naparito? Pasok sa tahanan ko. (papasok si Don Juan) ano ang
iyong sadya don Juan?

Don Juan: may nakapagsabi po na kayo po’y makakapatuturo kung papaano mahuhuli
yaring ibong Adarns na lunas sa sakin ng aking ama.

Ermitanyo: gayung baga, hala kunin mo ang dayap na ito at laseta, maghintay ka sa
apagdating ng adarna huwag matutulog at tiyak na magiging is aka sa kanila, sa bawat
awit ng ibong marikit hiwain mo ang iyong palad at patakan ng dayap, kunin mo ang
gintong sintas at itali mo ito ng hindi makaalpas dalhin mo dito sa akin ang Adrarna.

Don Juan ; salamapt po ama..

Tagapagsalaysay ; si Don juan ay sumunod nga sa bilin ng ermitanyo

(papasok ang ibong adarna, aawit)

Tapagslaysay; bumalik na nga si Don Juan dala ang ibon adarna

Ermitanyo; Magaling Don Juan, madali ka, sumalok ka ng tubig at ilagay mo sa


tapayan, bumalik sa Piedras Platas at doon ay ibuhos ito sa dalawang hugis taong bato.
Sila ang mga kapatid mo.

---Piedras Platas---

Don pedro; Don Ju-juan? ( matapos buhusan) Don Juan! Aking kapatid! (mag-aakapan)
Don Diego : te—teka ? asan ako?( titngala at ililibot sa paligid ang paningin) Don
Pedro ! Don Juan! Buhay ako! Buhay!

Tapagsalaysay: nagsaya ang magakakapatid matapos bumalik sa bahay ng ermitanyo


kinabukasan…

Ermitanyo: humayo kayo at iuwi ang Adarna wala sana sa inyong tatlong magkasala.

--sa daan—

Don Pedro: Diego! Psst.. halika nga rito. Tingnan mo ang magaling,tiyak na siya ang
pupurihin, patayin natin si Don Juan at kunin ang Ibong adarna.

Don Diego: Pero…

Don Pedro: ano ka ba, huwag ka ngang Duwag! Tiyak na di tayo ang magiging hari.

Don Diego: bugbugin na lamang natin siya at iwan hayaan nating mamatay siya
kagubatang ito, wala naman ditong taong napadadaan.

Tapagsalaysay: isinagawa na nga ni Don pedro at Don Diego ang maitim na balak sa
kapatid, inuwi nila ang adarna.

Kawal: Naririto na si Dalawang Prinsipe! (sisigaw)

Hari: ito bag a ang adarna? E pagkapangit naman pala.

Reyna: Bakit ayaw umaait ng Adarna?Teka nasaan na si Don Juan?

Don Pedro; Hindi po namin alam Mahal kon ina at ama.hindi po namin siya nakita.

Tagapagsalaysa: nakaratay si Don Juan sa lupa sanhi ng pagkakabugbog ng


magkapatid. Mataimtim siyang nagdasal..

Don Juan: Poon ko, nawa po sana’y gumaling ang aking ama, kung di man po ako
mabuhay sana po ay maging masaya sila…. Bakit..? bakit mga kapatid ko…

--lalapit ang ermitanyo gagamutin si Don Juan---

Don Juan : maraming salamat po ama, sa inyong kabutihan paano po ako


masusuklian?

Ermitanyo: Don Juan, ang pagtulong ay bukal sa puso at kailan man ay hindi
naghihihntay ng kapalit. Humayo ka at magmadali, baka mahuli ka kung hindi ka
magmamadaling umuwi sa inyong kaharian.
--- sa kaharian…----

Kawal: mahal na hari! Mahal na reyna! Si Don Juan ay nagbalik!

-aawit ang ibong adarna----

Har i; kayong mga taksil!

Don Pedro at Diego: ama patawad po! (luluhod)

Hari: Ipapatapon kayo sa aking kaharian at aalisan ng karapatang maging isng hari ng
Berbanya!

Don Juan; ama huminahon ka..(luluhod) patawarin sila sapagkat sila ay aking kapatid,
mahal ko po sila at ayaw kong mawalay sila atin… pakiusap po ama..

Hari: ito b ang iyong kagustuhan ?

Don Juan: OPo mahal na hari!

Hari: yamang iyanang iyong kagustuhan aking bunsong anak, sila ay hindi na
makakaligtas at hindi na makakabalik sa kaharian kapag naulit pa ang kataksilan sa
iyo , sa akin, sa iyong ina at sa kaharian.

Tagapagsalaysay: Sa tuwa ng hari ang ibong adarna ay pinabantayan sa tatlong


prinsipe ngunit hindi pinalitan ng dalawa ang kapatid kaya’t hindi natagalan ang antok
siya ay nakatulog…

Don Pedro: Diego! Diego! Gising! GUmising ka nga!...

Don Diego: bakit ba?

Don pedro: pakawalan mo ang adarna..

Don Diego: bakit ? at bakit hindi ikaw ang gumawa?

Don Pedro: (babatukan) hindi ka talaga nag-iisip, si Don Juan ay nakatulog sa na, kayat
huwag kang maingay. Kapag nakawala ang Adarna tiyak na amgagalit ang hari at siya
ay paparusahan.

Don Diego: ah.. oo nga ano!

Tagapagsalaysay: pinakawalan nga ang ibong adarna ng dalawang tampalasan.


Nagising si Don Juan na wala na ang adarna sa hawla kaya sa takot ay umaalis siya
para hanapin sa takot nam aparusahan ng hari.
Hari: Nasaan ang adarna? Don Pedro ! Don Diego! (sisigaw ng malakas)

You might also like