100% found this document useful (5 votes)
15K views67 pages

Role Play Script Ibong Adarna

Uploaded by

Dalmendoza
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (5 votes)
15K views67 pages

Role Play Script Ibong Adarna

Uploaded by

Dalmendoza
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Ang Mahiwagang Lunas

(Buod ng mga Saknong 1-109) ni Mark Angeles

NARRATOR: Noong unang panahon, ayon sa kasaysayan, may isang pinunong


tinitingala ng lahat. Siya ang may-ari ng trono ng malayang kaharian ng Berbanya. Ang
pangalan niya ay Don Fernando.
Para sa mahal na hari, pantay-pantay ang lahat ng kaniyang nasasakupan. Maginoo
man o dukha ay tumatanggap ng pagpapala. Hindi siya padalos-dalos sa kaniyang
pagpapasiya. Laging nauuna sa kaniya ang kabutihan. At bawat kamalian ay
hinahatulan niya batay sa timbangan ng katwiran.
Si Donya Valeriana ang kabiyak ng puso ng mabunying hari. Uliran sa kabaitan ang
reyna. Wala ring pumapangalawa sa kaniyang kagandahan.
Tatlong supling ang naging biyaya sa mag-asawa. Lumaking magilas ang kanilang mga
anak. Si Don Pedro, na matikas ang tindig, ang panganay sa mga binata. Sumunod sa
kaniya ang malumanay na si Don Diego. Ang bunso ay si Don Juan, na may pusong
masuyuin. Labis ang pagmamahal ng mag-asawa sa kanilang mga anak. Mawalay
lamang sa kanilang paningin ang tatlong Prinsipe, naliligalig na sila sa pag-aakalang
nawala na ang mga ito.
Maagang tinuruan ng karunungan ang magkakapatid na Prinsipe. Batid ng kanilang
amang Hari na kahit maginoo ang isang pinuno, maituturing pa rin siyang isang agnas
na bato sa palasyo kapag walang laman ang kaniyang kukote.
Laking tuwa ni Don Fernando nang lumaking mahusay ang tatlo.

DON FERNANDO: "Mapapalad kayo, dahil angkin ninyo ang talino ng mga pantas.
Ngayong nasa sapat na kayong gulang, mamili kayo. Gusto ba ninyong magpari o
maputungan ng korona?"

MGA ANAK: "Gusto po naming humawak ng kaharian. Gusto po naming paglingkuran


ang bayan,"

NARRATOR: Kaya naman sinanay ang magkakapatid sa sining ng paggamit ng


espada. Walang pagsidlan ang pasasalamat nila sa kanilang ama. Ngunit hindi nila ito
kinailangan dahil nanatiling mapayapa ang [Link] din ang kabuhayan ng
kanilang mga nasasakupan. Gayunman, sadyang dumarating ang trahedya.
Isang gabi, dinalaw ng masamang panaginip si Don Fernando. Pinaslang diumano ng
dalawang tampalasan ang kanivang bunsong anak, saka inihulog sa isang malalim na
balon.
Dinala ng Hari ang kalungkutan sa kaniyang paggising. Dahil dito, hindi na siya
mapagkatulog at makakain. Naging buto't balat ang kaniyang katawan hanggang sa
umabot siya sa bingit ng kamatayan. Nagpatawag ng mediko sa kaharian, ngunit hindi
nito mahulaan ang kaniyang sakit. Nagdulot ito ng dalamhati sa kaniyang asawa at mga
anak.
Sa kalooban ng Diyos, nakatagpo sila ng isang manggagamot na nakasagot sa
kanilang mga tanong.

MANGGAGAMOT: "Mahal na Hari, ang inyong sakit ay dala ng inyong panaginip.


Gayong napakaselan ng inyong kalagayan, may alam akong mabisang gamot para dito.
Awit ng ibong tinatawag na Adarna ang tanging makagiginhawa sa Hari. Matatagpuan
ang mahiwagang ibon sa Bundok Tabor," Sa araw, kasama nito ang iba pang ibon sa
paghahanap ng pagkain sa burol. Matatagpuan lamang ninyo ito pagsapit ng gabi, sa
isang makinang na punong kahoy na kung tawagi'y Piedras Platas, kung saan ito
humahapon. Mahal na Hari, ipakuha po ninyo agad ang ibon para matiyak ang inyong
paggaling."

NARRATOR: Nang marinig ito, inutusan ng Hari ang kaniyang anak na panganay.
Agad na ihinanda ni Don Pedro ang kaniyang kabayo, saka humayo. Mahigit tatlong
buwan siyang naglakbay sa kapatagan. Hanggang sa matagpuan niya ang paanan ng
Tabor. Inakyat niya iyon. Ngunit nang makarating siya sa tuktok, namatay sa sobrang
pagod ang kaniyang kabayo.
Walang nagawa ang manlalakbay na Prinsipe. Kinuha na lamang niya ang kaniyang
mga gamit at nagsimulang maglakad.
Sa lahat ng mga tumubo sa lugar na iyon, nabighani si Don Pedro sa isang
punongkahoy. Parang mga diyamanteng kumikinang sa sinag ng araw ang mga dahon
niyon. Baka iyon na ang bahay ng ibong kaniyang hinahanap. Kaya naisip niyang sa
lilim ng punong iyon magpalipas ng gabi.
Nang sumapit ang takipsilim, kawan-kawang umaawit na ibon ang dumating, Ngunit
laking pagtataka ni Don Pedro, dahil wala ni isa man sa kanila ang dumapo sa
pambihirang puno. Sa liwanag ng buwan, lalo pang nagningning ang mga dahon ng
Piedras Platas. Ngunit nanatili itong ulila.
Dahil sa pangungulila at pagod, nagpasiya ang Prinsipe na matulog na lamang at
ipagpatuloy kinabukasan ang paghahanap. Ngunit habang siya ay nahihimbing,
dumating ang kaniyang hinihintay.
Ang maengkantong Adarna ay marahang lumapag sa sanga ng Piedras Platas at
nagsimulang kumanta. Para bang nag-aalimpuyong apoy na nagliwanag ang puno.
Nagmistulang mga parol ang mga usbong at dahon. Nabuhay ang tahimik na bundok.
Lalo pang pinatamis ng Adarna ang kanyang pag-awit. Sa bawat pagkanta, nagbabago
ang kulay ng kaniyang magarang balahibo. Pitong kanta ang kaniyang ginawa at pitong
ulit din siyang nagbihis. Sa kabila nito, hindi man lamang naalimpungatan si Don Pedro.

(INSERT SONG: AWIT NG IBONG ADARNA by Maika)


Lyrics…
Ang sikat sa silanganan
Ang hangin, galing sa kung saan
Lihim nito ay aapaw
Agos diwang mapanglaw

Kapag nalanta ang araw


Lungkot mo ay papanglaw
Kapag lumuha ang buwan
Kadiliman ay gagapang

Aaaaaahhhhhh… Aaaaaaaahhhhh… Aaaaaaaaahhhh

Ang awitin ko ay lunas


Sa kaluluwang naaagnas
Ang tinig ko ay iyong lakas
Ngayon at sa hanggang wakas

Aaaaaahhhhhh… Aaaaaaaahhhhh… Aaaaaaaaahhhh


NARRATOR: Nakaugalian ng Adarna na matapos kumanta, magbabawas muna siya
bago matulog. Sa kasamaang palad, napatakan nito ang prinsipe. Biglang naging
batong-buhay si Don Pedro sa punong kaniyang kinasasandalan.
Lalong napuno ng ligalig ang Berbanya. Ilang buwan na ang nakalipas, ngunit hindi pa
rin bumabalik si Don Pedro. Dahil dito, inatasan si Don Diego na hanapin ang kaniyang
kapatid.
Hindi nagdalawang isip si Don Diego. Walang takot niyang tinahak ang mga parang
gubat, bundok, at ilog. Matapos ang limang buwan, narating niya ang tuktok ng Tabor.
Ngunit gaya ng nangyari sa kanyang nakatatandang kapatid, namatay din sa pagod ang
kabayo ni Don Diego. At gaya ni Don Pedro, napilitang maglakad ang Prinsipe.
Matarik man at matinik ang landas paakyat ng bundok, sinuong ito ni Don Diego. Lingid
sa kaniyang kaalaman, narating na niya ang Tabor.
Natagpuan niya ang Piedras Platas. Namangha siya dahil kumikintab ang mga dahon at
sanga nito. Pati ang mga ugat nito ay kulay-ginto.

DON DIEGO: "Ito siguro ang bahay ng Adarna,"

NARRATOR: Nabulay-bulay ng Prinsipe. Sa tabi ng puno, may isang batong umaagaw


sa kaniyang atensiyon. Ngunit muling dumako ang kaniyang mga ng mata sa Piedras
Platas. Para bang mayroon itong piedrerias.
Inabot ng paglubog ng araw si Don Diego sa pagmalas sa kagandahan ng puno. Ilang
sandali pa dumating ang kawan-kawang mga ibon. Ngunit wala ni isa man sa mga ito
ang dumapo sa makinang na punong-kahoy.
Nagtaka ang Prinsipe sa pangyayari.

DON DIEGO: "Bakit walang tumitirang ibon sa ganito kagandang kahoy? Mahiwaga
talaga!"

NARRATOR: Bitiw niya sa kaniyang linggatong. Hindi nagdalawang-isip ang Prinsipe


na magpasiyang manatili sa lugar. Gusto niyang matuklasan ang himalang itinatago ng
puno.
Unti-unting lumalim ang gabi. Namahinga si Don Diego sa batong kaniyang naabutan.
Hindi
nagtagal may narinig siyang pagaspas.
Lumipad ang ibong Adarna sa dako ng Piedras Platas. Mahinahon itong dumapo sa
sanga ng puno.
Nabighani si Don Diego sa kagandahan ng ibon.

DON DIEGO: "Pasasaan ba't mapupunta ka rin sa aking mga kamay,"

NARRATOR: Bulong niya. Nagmula pa sa malayong bayan ang Adarna. Matapos


niyang mapanatag mula sa kaniyang dinapuan, nagsimula siyang umawit.
Hindi maiwasang pakinggan ni Don Diego ang malambing na awit ng engkatadang
ibon. Para ba siyang idinuduyan nito. Hanggang sa siya ay mapapikit at makalimot sa
daigdig.
Nakatulog ng mahimbing sa batong kinauupuan ang Prinsipe. Sino kaya ang hindi
maiidlip sa gayong kalambing na tinig? Maski ang may malubhang sakit ay
mapapagaling ng kaniyang awit.
Umawit ng pitong ulit ang Adarna. Sa bawat pag-awit, nagpapalit ang kaniyang
balahibo. Magagayuma nito ang kahit na sino.
Matapos ang kanyang pagkanta, nagbawas ang Adarna. Napatakan nito si Don Diego.
Katulad ng kaniyang kapatid, bigla ring nag-iba ang kaniyang anyo.
Animo mga puntod na may multo ang magkatabing Prinsipe na naging bato.

(INSERT SONG: AWIT NG IBONG ADARNA by Maika)


Lyrics…
Ang sikat sa silanganan
Ang hangin, galing sa kung saan
Lihim nito ay aapaw
Agos diwang mapanglaw

Kapag nalanta ang araw


Lungkot mo ay papanglaw
Kapag lumuha ang buwan
Kadiliman ay gagapang
Aaaaaahhhhhh… Aaaaaaaahhhhh… Aaaaaaaaahhhh

Ang awitin ko ay lunas


Sa kaluluwang naaagnas
Ang tinig ko ay iyong lakas
Ngayon at sa hanggang wakas

Aaaaaahhhhhh… Aaaaaaaahhhhh… Aaaaaaaaahhhh

Lalong Malalim na Lumbay


(Buod ng mga Saknong 110-316) ni Mark Angeles

NARRATOR: Nainip sa kahihintay ang kaharian ng Berbanya. Hindi mapalagay ang


Hari na lalo pang lumubha ang karamdaman. Ibig niyang utusan si Don Juan, ngunit
naghuhunos-dili siya sa takot na mapahamak ang kaniyang bunsong anak.
Avaw ng Hari na malayo sa kaniyang titig ang kaniyang bunso. Libong dusa at sakit ang
katumbas nito para sa kaniya.
Ngunit naghihintay lamang pala si Don Juan ng utos mula sa kaniyang ama. Ang
katotohanan ay nagdurusa rin ang kaniyang puso sa sinapit ng kaniyang dalawang
kapatid.
Lalong bumalong ang luha ng ama nang magkusang lumapit sa kaniya ang Prinsipe.

DON JUAN: "Ama ko, payagan po ninyo akong umalis. Ako naman po ang hahanap ng
gamot sa inyong sakit. Tatlong taon nang hindi nakakabalik ang mga kapatid ko. Nag-
aalala po ako. Baka lalong lumala ang inyong sakit."

DON FERNANDO: "Don Juan, bunso kong anak! Lalo kong ikamamatay kung aalis ka.
Mapapatid ang hininga ko kapag mawala ka sa aking paningin."

DON JUAN: "Mahal kong ama, subyang sa puso ko ang makita kayong nakaratay.
Kung hindi po ninyo ako papayagan, baka po umalis na lamang ako nang walang
paalam."
NARRATOR: Biglang natilihan ang Hari. Alam niya ang kayang gawin ng kaniyang
anak.
Lumuhod si Don Juan sa kaniyang amang may bagong pagdurusahan.

DON JUAN: "Bendisyon mo,aking ama ang babaunin kong sandata,"

NARRATOR: Hiling niya. Sa gitna ng pagluha, ginawaran ng bendisyon ng Hari ang


kaniyang natitirang anak. Gayon din ang ginawa ng Reyna na hindi din masukat ang
kalungkutan.
Nilisan ni Don Juan ang palasyong namamanglaw. Agad niyang hinarap ang
paghihirap. Hindi mian lamang siya gumamit ng kabayo sa paglalakbay. Aniya, ‘Kapag
matapat ang nasa, umaamo ang biyaya.'
Ang Birheng Ina ang laman ng puso ng Prinsipe sa kaniyang paglalakbay. Habang
binabagtas ang malalawak na parang, hiniling niyang patnubayan siya. Hiningi rin
niyang mailayo sa panganib ang kaniyang mga kapatid.

NARRATOR: Limang tinapay lamang ang baon ni Don Juan. Maaaring hindi ito
sasapat, ngunit para sa kaniya, ang gutom ay hindi kamatayan. Tuwing makaisang
buwan ng paglalakad, doon niya naiisipang kainin ang isa sa mga tinapay. Titiisin niya
ang kalam ng tiyan mahuli lamang ang Adarna.
Sa ikaapat na buwan, tumigas na ang mga natirang tinapay sa baunan ni Don Juan.
Napaluhod siya at nagwika,

DON JUAN: "Kahabagan po ninyo ako, Birheng Kalinis-linisan, nang matagalan ko ang
matarik na daang ito."

NARRATOR: Pagkatapos, kumain na siya at nagpasalamat sa Diyos.


Nagpatuloy sa paglalakbay ang Prinsipe. Buo ang loob na inakyat niya ang bundok. Sa
tuktok nito, nakasalubong niya ang isang matandang sugatan. Isa itong leproso.

MATANDA1: "O, Diyos ko!"


NARRATOR: Daing niya habang parang lumpong gumagapang sa damo. Kahit sinong
may pusong bakal ay lalambot kapag makita ang kaniyang kalagayan.
Humingi ng tulong ang matanda kay Don Juan.

MATANDA1: "Ginoo, maawa ka. Limusan mo sana ako kung may baon kang dala.
Kung gumaling ang sakit ko, handa akong maglingkod sa iyo."

NARRATOR: Dala ng awa, agad itong nilapitan ng Prinsipe.

DON JUAN: "Isang tinapay na lamang po ang baon ko,"

NARRATOR: Sagot niya. Dinukot niya sa lalagyan ang dalang tinapay at iniabot sa
matanda.
Halos mahagkan siya ng matanda sa tuwa. Paulit-ulit itong nagpasalamat sa
kagandahan ng kaniyang kalooban. Saka ito nagwika,

MATANDA1: "Huwag po ninyong masamain. Ano po ang inyong sadya? Sabihin po


ninyo at baka matulungan ko kayo."

DON JUAN: "Maraming salamat po. Naglalakbay po ako para hanapin ang lunas sa
sakit ng aking amang Hari. Ang ibong Adarna lamang ang makagagaling sa kaniya.
Bukod po rito, tatlong taon na pong nawawala ang dalawa kong kapatid."
Sinagot siya ng matanda.

MATANDA1: "Sa aking abang palagay, O, Don Juan, malaki pang kahirapan ang iyong
daranasin. Itanim mo sana sa puso mo ang bilin ko. Mag-iingat kang totoo at nang di ka
maging bato. Sa daraanan mo, may makikita kang isang punong kawili-wiling tingnan.
Iwasan mong mahumaling sa punong iyon. Kung sisilong ka roon, tiyak na ikamamatay
mo. Sa ibaba niyon, makikita mo ang isang bahay. Naroon ang taong magtuturo sa iyo
kung nasaan ang Adarna."
Lumapit pa sa kaniya ang matanda.
MATANDA1: "O, Don Juan, dalhin mo na itong limos mong tinapay. Baunin mo sa
iyong paroroonan." Hindi kumibo ang Prinsipe. Naisip niyang baka binibiro lamang siya
ng matanda.

DON JUAN: "Ginoo, bakit po ba isasauli pa ninyo ang naibigay ko na? Ugali ko po mula
pagkabata na sadyang maglimos sa kawawa. Ang naipagkawanggawa, bawiin pa ay
hindi ko magagawa."

NARRATOR: Ngunit nagpatuloy sa pamimilit ang matanda. Ilang ulit siyang tinanggihan
ng Prinsipe, hanggang sa mapagpasiyahang iwan na lamang siya ng Prinsipe.
Binilisan ni Don Juan ang paglalakad. Para siyang ibong lumilipad. Agad niyang
narating ang pakay. Namangha ang Prinsipe sa tahanan ng Adarna. Para siyang
natiyanak sa paghanga sa kumikinang na mga dahon at usbong ng puno. Marahil sa
awa ng Inang Mahal na Birhen, hindi siya tuluyang nagayuma. Naalala niya ang bilin ng
matanda. Nang tanawin niya ang ibaba, nakita niya ang isang dampa.
Pinuntahan ni Don Juan ang dampa.

DON JUAN: "Tao po!"

NARRATOR: Tawag niya. Dumungaw ang isang Ermitanyo at inanyayahan siyang


pumanhik.
Parang amang nagpayo sa kaniya ang Ermitanyo. Naghanda ito ng pagkain na kanilang
pinagsaluhan. Ngunit nabigla ang Prinsipe sa kaniyang nakita. Naroon ang tinapay na
ibinigay niya sa matandang ketongin.

DON JUAN: "Isa itong talinghagang kay hirap maunawaan. Isang matandang sugatan
ang nilimusan ko. Ngayon ako naman ang hinainan ng isang Ermitanyo. Hindi kaya ito
ay sa Diyos na secreto? Kagaya ni Hesukristo ang banal na Ermitanyo!"

NARRATOR: Bitiw niya. Matapos silang kumain, tinanong ng Ermitanyo si Don Juan
kung ano ang kaniyang pakay.

DON JUAN: "Marangal na Ermitanyo, ituring po ninyo akong anak na nagsasabi ng


totoo. Matagal na po akong naglalagalag. Walang bundok o gubat na hindi ko yata
nalakad. Dinanas ko na rin ang pagod, puyat, gutom, at uhaw. Sa kabutihang-palad,
hindi ako namatay."
Binanggit ni Don Juan sa Ermitanyo ang tungkol sa ibong Adarna.

DON JUAN: "Nakaratay po sa banig ng karamdaman ang aking ama. Kung hindi ko po
madala sa kaniya ang Adarna, baka tuluyan po siyang pumanaw."

ERMITANYO1: "Don Juan, mahihirapan ka sa pagkuha ng iyong pakay. Wala pang


nakatatalo sa may sa-engkantong Adarna."

DON JUAN: "Titiisin ko po ang lahat. Kahit magbuwis ako ng buhay. Kung iyon po ang
hangad ng Diyos, tatanggapin ko ang aking kapalaran."

ERMITANYO1: "Don Juan, masusubok ko ang katibayan ng loob mo. Kung matapat
kang totoo, tutulong ako sa iyo. Sa nadaanan mong punongkahoy nakatira ang Adarna
na iyong pakay. Hatinggabi na ito kung dumating. Sa katahimikan ito kumakanta. Pitong
awit na malambing, pitong ulit din itong magbabago ng balahibo. Para matagalan mo
ang kaniyang pitong kanta, bibigyan kita ng panlaban sa antok."
Iniabot ng Ermitanyo ang isang labaha at pitong hinog na dayap sa Prinsipe.

ERMITANYO1: "Dalhin mo ang mga ito at nang hindi ka matalo ng Engkantada. Bawat
kantang iyong maririnig, sugatan mo ang palad mo, saka mo pigaan ng dayap. Matapos
ang ikapitong kanta, iipot ang Adarna. Iwasan mong mapatakan nito. Kung hindi,
magiging bato ka. Matutulad ka kina Don Pedro at Don Diego.”
Binigyan din ang Prinsipe ng isang gintong sintas.

ERMITANYO1: “Gamitin mo ito para igapos sa Adarna nang hindi ito makawala. Sige
humayo ka na. Malalim na ang gabi. Oras na ito ng pagdating ng Adarna.”

NARRATOR: Muling inakyat ni Don Juan ang tuktok ng Tabor. Nakarating siya sa
punongkahoy na wala pa ang ibon. Ngunit hindi nagtagal, nakarinig siya ng pagaspas.
NARRATOR: Tila hapong dumapo ang Adarna sa sanga ng puno. Matapos makapag-
ayos, sinimulan na niya ang pag-awit.
Parang perlas na nagniningning sa liwanag ang unang gayak. Nabihag nito ang
Prinsipe na natutukso nang matulog. Dinukot niya ang labaha, saka hiniwa ang
kaniyang palad. Pinigaan niya ng dayap ang kaniyang laman. Halos maiyak siya sa
hapdi. Ngunit napawi ang kaniyang antok.
Nakabuka ang mga pakpak ng Adarna kung ito ay matulog. Dilat ang mga mata nito,
kaya para itong gising. Nang matunugan ng Prinsipe na tulog na ang ibon, dahan-
dahan siyang umakyat sa Piedras Platas. Agad niyang sinunggaban ang mga paa ng
Adarna at iginapos ang mga iyon ng gintong sintas. Buong galak na pinangko ni Don
Juan ang Adarna at dinala sa Ermitanyo.
Nang makita ng Ermitanyo ang dala ng Prinsipe, maingat niya itong kinuha, hinimas ito,
at ipinasok sa hawla.

ERMITANYO1: "Kunin mo iyang banga. Magmadali ka. Punuin mo iyan ng tubig at


ibuhos mo sa dalawang bato, nang magsilitaw sa mga ito ang iyong mga kapatid."

NARRATOR: lyon nga ang ginawa ng Prinsipe. Bumalik siya sa kamangha-manghang


punongkahoy. Nang buhusan niya ang isang bato sa tabi niyon, lumitaw si Don Pedro.
Tumindig ito at niyakap ang kaniyang bunsong kapatid sa gitna ng pag-iyak. Sumunod
naman si Don Diego. Nang maging taong muli, hindi niya mawari kung saang daigdig
siya naroon.
Walang mahagilap na salita ang magkapatid sa kanilang pasasalamat kay Don Juan.
Sa gitna ng kanilang pagsasaya, naalala nila ang maysakit nilang ama. Agad silang
tumungo sa bahay ng Ermitanyo.
Pagdating ng tatlo sa bahay ng Ermitanyo, agad silang hinainan ng pagkain bilang
pagdiriwang sa tagumpay ni Don Juan.
Nang matapos ang piging, may kinuhang laman mula sa isang botelya ang Ermitanyo.
Ipinahid niya iyon sa mga sugat ni Don Juan. Gumaling ang palad niya na para bang
walang nangyari.

ERMITANYO1: "Maghanda na kayong umuwi. Magkasundo na kayong magkakapatid


at sana walang isa sa inyo ang magtaksil,"
NARRATOR: Tila babalang sabi ng Ermitanyo sa kanilang tatlo. Hinarap niya ang
bunsong Prinsipe.

ERMITANYO1: "Don Juan, kunin mo na ang hawla at baka hindi mo na datnang buhay
pa ang iyong mahal na ama."

NARRATOR: Nang magpaalam ang tatlong Prinsipe, lumuhod si Don Juan at humiling
na bendisyunan siya ng Ermitanyo. Humanga sa kaniya ang Ermitanyo at hindi niya
iyon ipinagkait.
Sa daan pauwi, nabuo ang masamang balak ni Don Pedro. Nagpahuli siya sa paglakad
at sumabay kay Don Diego. Ibinulong niya rito ang kaniyang kataksilan.

DON PEDRO: "Mabuti pa si Don Juan, marangal na haharap sa ating ama. Ilihim man
natin, mabubunyag din na pag-aari niya ang Adarna. Ang sa atin lamang ay kabiguan.
Kaya mas mabuti pang patayin na lamang natin siya, iwan natin, at kunin ang Adarna."

NARRATOR: Nasindak si Don Diego sa kaniyang narinig. Inamin niyang naiinggit siya
sa kanilang bunso, ngunit hindi sapat ito para siya apihin. Para ba siyang si Bernardo
Carpio na naiipit sa dalawang nag-uumpugang bato.

NARRATOR: Ngunit ang tao ay may kahinaan. Ayaw man sa kasamaan ay nalilihis sa
kabutihan. Sa kapipilit ni Don Pedro, sumagot ang kaniyang kapatid na kanina pa
umiiwas.

DON DIEGO: "Masama ang balak mo. Alalahanin mong kapatid natin ang mawawala."

NARRATOR: Malabo man iyon kay Don Pedro, napangisi siya dahil alam niyang
matutuloy ang kaniyang masamang balak.

DON PEDRO: "Kung talagang masama ang pagpatay, pagtulungan natin siyang
bugbugin. Kung mahina na siya at bali na ang mga paa, hindi na siya makakasama sa
pag-uwi sa Berbanya. Maiiwan siya rito, mag-isa at lunong-luno. Wala siyang ibang
makakain dito, maliban sa damo. Kung gayon, hindi na tayo mahihiyang dalhin ang
Adarna sa ating ama. Walang makakakontra sa atin dahil dala natin ang patunay ng
ating karangalan."

NARRATOR: Hindi lumaban si Don Juan nang kanilang pagtulungan. Walang hinto
siyang tumanggap ng mga suntok at tadyak sa katawan. Umaringkin siya at
napalugmok.
Nang makita siyang gulapay na at halos hindi humihinga, kinuha ng magkapatid na
taksil ang hawla at tumuloy sa kaharian.
Dumating sa palasyo ang taksil na magkapatid at tumuloy agad sa silid ng kanilang
ama.

MAGKAPATID: "Dala namin ang Adarna!"

NARRATOR: Hiyaw nila. Napangiti ang Hari nang marinig iyon. Gayon man, inusisa
niya ang dalawa nang mapansing hindi nila kasama si Don Juan.

MAGKAPATID: "Ewan namin,"

NARRATOR: Ang sagot ng magkapatid. Muling bumigat ang katawan ng Hari at tila ibig
nang mamatay. Samantala, ang Adarna naman ay ayaw umawit at lulugo-lugo.

DON FERNANDO: "Ito ba ang Adarna? Kung ito nga, ang pangit pala niya! Ang sabi ng
mediko, may pitong balahibo raw itong likha ng engkanto. Kung ito ay kakanta,
giginhawa ang pakiramdam ng maysakit. Bakit parang sinasadya nitong magdusa? Sa
anong dahilan? Lalo kong ikamamatay ang ganiyan."

NARRATOR: Naalala ng Hari ang kaniyang bunsong anak. At pumasok sa kaniyang


isip ang nangyari sa kaniyang panaginip. Bigla siyang nag-agaw-buhay, ngunit agad
namang naparam dahil sa karunungan.
Nagdaramdam ang ibon dahil hindi pa dumarating sa palasyo ang tunay na nagmamay-
ari sa kaniya. Iyon sa ang dahilan kung bakit ayaw niyang kumanta. Umaasa siyang
buhay pa si Don Juan. Uuwi ito sa kaharian at malalaman ng kanyang mga magulang
ang nangyaring kataksilan.
Samantala, pagapang-gapang si Don Juan sa damuhan. Maga ang kaniyang buong
katawan. Nabali ang kanyang tadyang. Nakakaramdam na rin siya ng labis na gutom at
uhaw.
Tumawag siya sa Diyos at sinabing tatanggapin niya ang kanyang magiging tadhana.
Humiling siya sa mahal na Birhen na kung hindi man siya mabuhay, mabuhay sana ang
kaniyang ama. Hiningi rin niyang patawarin ng Diyos ang kanyang mga kapatid.
Tumingala siya sa langit at namalas ang ganda ng isang bituin.

DON JUAN: “O, bituin sa langit, bulaklak na walang hapis, inyo kayang nasisilip at
aking kasawian at sakit? Alam kaya ninyo na ang mga tao sa mundong ito, kapatid man
at katoto, ay lihim na kaaway mo? Lahat dito ay pasaliwa. Walang hindi balintuna. Ang
mabuti ay masama, ang masama ay dakila.
Dito din makikita ang taksil na [Link] yakap ay nagpapalayas at ang pagsuyo ay
lumalason. Kaya nga may kasabihan, 'Sa langit ang kabanalan, sa lupa ang kasalanan.’

NARRATOR: Bumalong ang luha sa mga mata ng Prinsipe. Naalala niya ang kaniyang
kabataan, ang mapagmahal niyang mga magulang, at mga kaibigan. Nadagdagan ang
kaniyang paghihirap nang maisip niyang malayo siya sa kaniyang ina, mag-isa siya sa
ilang, habang sugatan ang katawan.

DON JUAN: "O, ina kong mapagmahal, kung ngayon mo mapagmamasdan ang bunso
mong si DonJuan, madudurog ang puso mo. Bugbog na ang katawan ko. Tadtad pa ng
mga sugat. May pag-asa pa kayang muli tayong magkita? Narito ako, nakalugmok,
gagapang-gapang sa gulod. Walang sinumang dumudulog kahit ilang ulit pang
magtawag ng kukupkop. Sino ang mag-aakalang mga anak mo rin ang may kagagawan
ng pagdurusa ng iyong bunso?"

NARRATOR: Naalala ng Prinsipe ang kaniyang amang maysakit. At hiniling sa Birheng


Maria na sana ay makita pa niya ito.

DON JUAN: "Ama ko, ipinapanalangin ko kay Bathalang gumaling ang sakit mo.
Umaasa akong dumating na ang Adarna, kahit hindi man ako ang nagdala. Mga anak
mo rin sila. Hindi man sa mga kamay ko galing, sana ay iyong ikagaling."
NARRATOR: Napalungayngay sa bato ang Prinsipe. Napapikit siya sa pagtitiis sa
kaniyang pagdurusa. Matagal din siyang hindi umimik. At nang mabawasan ang kirot na
kaniyang nararamdaman, bahagya siyang kumilos. Muli, lumuluha siyang nanalangin sa
Inang Mahal na Birhen.

Natatago ang Maysala


(Buod ng mga Saknong 317-499) ni Mark Angeles

NARRATOR: Hindi natutulog ang Diyos. Sinusubok lamang niya ang tao. Ang mga
banal ay kaniyang kinukupkop at ang mga salarin ay kaniyang sinusunog. Napatunayan
ang mga kasabihang ito nang dinggin ang dalangin ni Don Juan.
Mula sa libis ng bundok lumitaw ang isang matanda. Lumapit siya sa Prinsipe. Matapos
tingnan ang kaniyang kalagayan, dahan-dahan siyang ihiniga. Hinagod niya ang
katawan ni Don Juan. Nilagyan niya ng gamot ang mga sugat. Saka siya nagwika,

MATANDA2: "O, Prinsipe, pagtiisan mo ang paghihirap mo ngayon. Makakamit mo ang


ginhawa bukas."

NARRATOR: Noon din ay tumindig si Don Juan. Nanumbalik ang kaniyang lakas. Wala
ni bakas ng kaniyang mga sugat. Naayos maging ang mga nalinsad niyang buto.

DON JUAN: "Diyos yata ang matanda,"

NARRATOR: Nabulong niya sa sarili. Buong higpit siyang yumapos sa matanda.

DON JUAN: "Utang ko sa inyo ang aking buhay. Ano kaya ang dapat kong ibigay bilang
kapalit?"

MATANDA2: "Hangad ng kawang gawa ang pagdamay, hindi anumang kapalit.


Nagdaraang hangin lamang ang ating buhay sa mundo. Banal na tungkulin ang
dumamay sa pagdurusa ng iba. Don Juan, hindi ko hangad na tapusin agad ang ating
pag-uusap. Kailangan mo nang umuwi sa Berbanya. Lumulubha na ang sakit ng iyong
ama."

NARRATOR: Nagkamayan ang dalawa bago sila naghiwalay ng landas. Humagibis si


Don Juan na para bang isang ibong lumilipad.
Sa wakas, nakabalik si Don Juan sa palasyo. Buong galak siyang sinalubong ng
kaniyang ina. Mababakas naman sa mga mukha ng kaniyang mga kapatid ang sindak.
Lumuhod siya sa tabi ng nakaratay niyang ama para humalik ng kamay, ngunit hindi na
siva mamukhaan nito.
Biglang pumagaspas ang Adarna na nasa loob ng hawla. Ang pangit niyang balahibo
ay napalitan ng ganda. Umawit siya nang kay tamis habang nakatitig sa Monarka ang
kaniyang mga matang puno ng pag-ibig.
Kay linaw at kay liwanag ng hinabi niyang liriko. Kay raming bagay na nabunyag.

UMAWIT ANG ADARNA:


Aba, Haring Don Fernando, Monarka ng buong reyno, si Don Juan pong bunso
mo, kaharap na't naririto.
Ang iyo pong bunsong anak, nagtiis ng madlang hirap, kamatayan ay hinamak,
sa utos mo ay tumupad.

NARRATOR: Ikinuwento ng Adarna na nabigo ang dalawang anak na unang inutusan


ng Hari. Pareho silang naging bato. Matapos ito, nagbago ng balahibo ang ibon. Higit
na mas maganda kaysa sa nauna. Higit ding mas matamis ang kaniyang awit.

UMAWIT ANG ADARNA:


Sa kasawiang tinamo ng dalawa ni Don Pedro kung hindi po sa bunso mo habang
araw sila'y bato.
Sila nga'y binusan lamang ng tubig na may 'lalang,' nang mabasa'y nangabuhay
at sabato'y nagsilitaw.

NARRATOR: Muling nagbago ng anyo ang Adarna. Kakulay na ng esmaltado ang


kaniyang balahibo. Sa kaniyang awit, isinalaysay niyang isang ermitanyo ang nagturo
sa bunsong Prinsipe na sumalok sa isang ilog sa libis ng bundok. Ang tubig na mula
rito, na tila bubog sa linaw, ay mabisang panggamot.
Sa ikaapat na pagkakataon, nagbihis ang Adarna. Kumikislap na parang diyamante ang
kaniyang balahibo. Isinalaysay niyang si Don Juan ay nagtiis na hiwain ang kaniyang
palad.

UMAWIT ANG ADARNA:


Pitong malalim na sugat na pinigaan pa ng dayap, nang humapdi, O, kay antak,
lama'y parang nginangatngat!

NARRATOR: Nagbihis ng ikalimang balahibo ang Adarna. Sinabi niyang bago umalis
ang tatlo, nagbilin pa sa kanila ang Ermitanyo na wala sanang maglilo sa kanila, Ngunit
nang naglalakbay na sila pabalik sa palasyo, nabuo ang plano ni Don Pedro na patayin
ang kanilang bunsong kapatid. Napigilan ito ni Don Deigo. Gayunpaman, nagawa pa rin
nilang saktan si Don Juan.
Lalo pang nagningning ang Adarna sa ikanim niyang bihis.

UMAWIT ANG ADARNA:


O, kay lupit! Haring mahal ng nayari sa kindatan, pagdaka'y pinagtulungang
umugin si Don Juan.

NARRATOR: Nagmakaawa, aniya, ang bunsong Prinsipe, ngunit tinigilan lamang nang
mawalan siya ng malay.
Bago simulan ang kaniyang ikapito't huling awit, naging karbungkong nagniningas ang
balahibo ng Adarna.

UMAWIT ANG ADARNA:


"Mahal na Hari, sa awa ng Diyos, may isang matandang sumaklolo kay Don Juan.
Tila Langkay na niyang natagpuan ang katawan ng Prinsipe nang kaniyang
gamutin. Sa himala ng langit, agad tumindig ang inyong anak na tila walang
idinaing na sakit. Saka nagmamadaling umuwi sa Berbanya nang may nasang
makita kayong buhay at masigla."

NARRATOR: Ipinagtapat ng Adarna na dinamdam niya ang nangyari kay Don Juan.
Kaya nakita siyang lulugo-lugo. Ayaw kumain at umawit, dahil hindi pa dumarating ang
nagmamay-ari sa kaniya. Ngayong alam na ng Mahal na Hari kung sino ang matapat at
taksil, sinabi ng Adarna na marapat lamang na ipamana ng Hari ang kaniyang korona
kay Don Juan.
Tila nanaginip lamang ang Hari. Nang matapos ang awit, napabalikwas siya na para
bang hindi nagkasakit. Nilapitan niya ang Adarna at niyakap naman si Don Juan.
Hinagkan niya ang dalawa sa sobrang tuwa. Pagkatapos, binalingan niya ang dalawa
pa niyang mga anak. Namutla ang mga ito nang makitang umuusok siya sa galit.
Agad na pinulong ng Hari ang kaniyang mga kagawad. Agad niya ring nilagdaan ang
parusang bawian ng lahat ng karapatan at ipatapon ang dalawang anak niyang taksil,
nang hindi sila pamarisan ng iba.
Ngunit nahabag si Don Juan.

DON JUAN: “O, ama ko, buksan mo rin ang iyong puso sa kanila. Malaki man po ang
kasalanang ginawa nila, narito naman po ako, buhay pa rin at kapiling mo. Bigyan po
ninyo sila ng kapatawaran.”

NARRATOR: Pakiusap niya. Nabagbag din ang loob ng Hari at ipinatawag ang dalawa
niyang anak.

DON FERNANDO: “Makakalaya na kayo, ngunit dapat kayong magtanda.


Sa araw na muli kayong magkasala, kahit munti, hindi na kayo patatawarin. Ipapataw
na sa inyo ang kamatayan!"

NARRATOR: Nagbalik ang kasiyahan sa buong kaharian. Oras-oras na binibisita ng


Hari ang Adarna. Binabantayan niya ang hawla nito kahit sa gabi. Ipinatawag niya ang
kaniyang mga anak. Inutusan niya silang halinhinang magtanod sa ibon. Tatlong oras
sa bawat isa. Para nilang hinahatak ang gabi sa pagliwanag.
Maayos ang lahat hanggang namuo ang inggit. Binabago ng inggit ang ugali ng tao.
Kaya nang si Don Pedro ang nagbabantay, naisip niyang gumanti. Niyaya niya ang
kaniyang pangalawang kapatid na magsabay sila sa pagtatanod at pagpapahinga.
Nabuo ang kanilang planong huwag halinhinan ni Don Diego ang kanilang bunsong
kapatid.
Nagsabay magbantay sina Don Pedro at Don Diego. Nang oras na ng huli, ginising niya
si Don Juan para magbantay kahit hindi pa nito oras. Inaasahan ni Don Juan na
papalitan siya pagkatapos ng tatlong oras pero hindi hinalinhan ni Don Diego ang
bunsong kapatid. Sa sobrang pagod, napahilig si Don Juan sa upuan at tuluyang
nakatulog. Lumapit ang kaniyang mga kapatid at pinawalan ang Adarna.
Naalimpungatan ang bunsong Prinsipe. At nang malaman ang nangyari, natakot siya,
hindi para sa kaniyang sarili, kundi para sa kaniyang mga kapatid. Nilisan niya ang
palasyo bago sumikat ang araw upang pagtakpan ang kasalanan ng kaniyang mga
kapatid.
Nang magising ang Hari, dumiretso siya sa hawla. Laking gulat niya nang makita niyang
wala itong laman. Dali-dali niyang ipinatawag ang kaniyang mga anak. Ngunit sina Don
Pedro at Don Diego lamang ang humarap. Nang usisain, ang sagot nila,

MAGKAPATID: "Ewan po, ang bantay po ay si Don Juan."

NARRATOR: Hinanap agad si Don Juan, ngunit nakalayo na siya. Nagmagaling sina
Don Pedro at Don Diego at nagprisintang sila na ang maghahanap sa kanilang bunsong
kapatid.
Humayo na ang dalawa. Kung saan-saan sila nakarating, ngunit hindi nila nakita si Don
Juan. Sa wakas, natagpuan nila ang kanilang kapatid sa bundok ng Armenya.
Payapa ang buhay sa Armenya. Kumakanta ang mga ibon pagbukang-liwayway.
Nagpapandanggo at nagkukumintang sila sa damuhan tuwing hapon. Doon nanahan si
Don Juan para pagsisihan ang kaniyang nagawang pagkukulang. Minarapat niyang
lumayo para mailigtas sa kaparusahan ang kaniyang mga kapatid.
Nilapitan ni Don Diego ang kaniyang bunsong kapatid at ipinagtapat ang kaniyang
kahihiyan at takot. Ngunit hinatak siya ni Don Pedro sa isang tabi. Sinabihan siyang
huwag ipakita ang kaniyang kahinaan. At kung gugustuhin niya, doon na sila manirahan
kasama ng kanilang kapatid.
Maging si Don Juan ay sumang-ayon kay Don Pedro. Sa kanilang paninirahan sa
Armenya, sila ang naging panginoon ng lahat ng hayop na naroon. Namimingwit sila sa
batis at nangingibon sa bukid. Nakakapag-uuwi sila ng pagkain sa kanilang tahanan.
Sadyang hindi nakokontento ang tao at laging naghahanap ng bagong kaalaman. Isang
araw, naisipan ng magkakapatid na puntahan ang lugar sa bundok na hindi pa nila
napapasok. May natagpuan sila roong balon. Mayroon itong lubid, ngunit walang tubig.
Lalo pa silang nagtaka nang mapansing batong marmol ang bunganga nito at ginto ang
mga lumot sa paligid.
Iminungkahi ni Don Juan na bumaba sa balon nang malaman kung ano ang laman nito.
Ngunit sinabi ni Don Diego na dapat siya ang mauna dahil mas matanda siya. Gusto
namang mauna ni Don Pedro dahil siya ang panganay.
Nasunod ang gusto ni Don Pedro. Bumaba siya sa balon. Ngunit tatlumpong dipa pa
lamang ay sumuko na siya. Hindi niya natagalan ang dilim. Para ba siyang sinasakal,
aniya. Sumunod na sumubok na bumaba si Don Diego. Ngunit gayundin ang nangyari
sa kaniya.

Pagsagip sa Dalawang Prinsesa


(Buod ng mga Saknong 500-687) ni Mark Angeles

NARRATOR: Si Don Juan na ang siyang bumaba sa balon. Hindi siya sumuko
hanggang sa marating niya ang pinakailalim nito. Nabigla siya nang makitang hindi iyon
tuyong yungib. Kristal na kumikinang ang kaniyang tinatapakan. Puno iyon ng halaman
at bulaklak. May palasyo roong yari sa ginto at pilak. Lalo pa siyang namangha nang
masilayan si Donya Juana.
Lumuhod si Don Juan sa kaniyang kaharap.

DON JUAN: "O, marilag kong Prinsesa, inihatid ako rito ng aking pagsinta. Ako'y iyong
kahabagan, at kung ito'y kasalanan handa akong maparusahan,"

NARRATOR: Panambitan niya. Tinablan agad ng pag-ibig si Donya Juana, ngunit


nagkunwari siyang namumuhi. Nagpatuloy sa pagsuyo ang Prinsipe.

DON JUAN: "Mahal kong Prinsesa,nilusong ko ang balon nang walang pagdududa.
Hinamak ko ang kadiliman at panganib. Ngayong nasilayan kita, sawi pa rin ang buhay
ko. Kung wala kang pagtingin, kitlin mo na ang buhay ko."
Lumuluhang itinindig ni Donya Juana ang Prinsipe.

DONYA JUANA: "Tanggapin mo ang puso ko. Kapag ito ay naglaho, nagtaksil ka sa
iyong pangako," wika niya. "Ngayon, paano kita maitatago sa Higante na nag-aalaga sa
akin? Sinisila niya ang mga taong madatnan niya."

NARRATOR: Parang narinig ng Higante ang sinabi ni Donya Juana.


HIGANTE: "Amoy manusya! May ibang tao kang kasama!" singhal niya sa Prinsesa.

NARRATOR: Kinilabutan sa takot ang prinsesa at hindi nakasagot. Sumigaw na parang


kulog ang Higante.

HIGANTE: "Mabuti! Nang mayroon akong masila! Hindi ko na kailangang mamundok o


mamarang. Lumalapit na sa akin ang pindang. Magkakalaman na rin ang tiyan kong
parang kuweba. Tatlong tao ay kulang pa."

NARRATOR: Hindi nakatiis si Don Juan at nagwika,


"Higante, itikom mo ang iyong bibig. Hindi mo ako matitiris! Lumaban ka kung lalaban.
Hangad kong mamatay ka sa mga kamay ko!"

NARRATOR: Nagpingkian ang mga sandata ng dalawa. Hindi nagtagal, napatay ni Don
Juan ang Higante.
Napuno ng ligaya si Donya Juana. At nang makita ito ng Prinsipe, inaya niya itong
sumama sa kanilang kaharian.
Ngunit may agam-agam ang Prinsesa.

DONYA JUANA: "Nasa palasyo pa ang bunso kong kapatid na si Leonora.


Binabantayan siya ng isang Serpyenteng may pitong ulo,"

NARRATOR: Aniya. Gayunman, gaya ng dati, hindi nagpasindak si Don Juan.


Nakarating siya sa palasyong nababalot ng ginto. May mga palamuting perlas at rubi sa
bintana. Sa gitna ng mga ito, nakadungaw si Leonora. At muli, nabighani si Don Juan
sa nakitang prinsesa.
Inusisa kung sino siya. Nagpakilala ang Prinsipe, ngunit binalewala ang kaniyang
sinabi. Inabot pa siya ng singhal.

DON JUAN: "Labis-labis ang aking paggalang sa iyo, kamahalan. Kulang pa ang aking
buhay sa galit mo. Ikaw na, Prinsesa, ang magbigay ng kahatulan."
NARRATOR: Naantig ang Prinsesa sa narinig. Nabuksan ang pinto ng kalangitan at
pinaakyat niya ang Prinsipe.

LEONORA: "Gusto kong malaman kung paano mo natuklasan itong lihim kong
tahanan,"

DON JUAN: "Isang gabi, ginising ako ng panaginip na hanapin ang balong ito. Narito
daw ang talang lunas sa aking pagdurusa. Ikaw nga. O, Leonora.
Sumagot ang Prinsesa,

LEONORA: "Sinusubok ko lamang kung marangal ang puso mo. Ganito kapag nag-
aalinlanga't nag-aalalang pagtataksilan. Maraming sumisira sa pangako. Pinipitas ang
bulaklak habang sariwa, ngunit kung lanta na'y itinatapon na lamang."

NARRATOR: Ngunit pagtitiyak ni Don Juan, hindi kailanman malalanta ang prinsesa sa
puso niya, kaya dapat pawiin nito ang pagdududa.
Naputol ang kanilang pag-uusap nang dumating ang Serpyente.

SERPYENTE: "Amoy manusya rito, Leonora.


May tao ka bang kasama?"

NARRATOR: Singhal nito. Agad na dinaluhong ni Don Juan ang Serpyente. Naglaban
ang dalawa. Parang lintik ang espada ng Prinsipe, ngunit hindi ininda ng ahas ang
bawat sugat. At kahit napuputol ang ulo nito, agad itong nabubuhay at nadurugtungan.
Malapit nang sumuko si Don Juan. Ngunit nang tumawag siya sa Diyos, nagkaroon siya
ng lakas ng loob. Nawala ang kaniyang pagod. At sa tatlong oras na labanan,
naramdaman ng ahas na namulikat ang kaniyang katawan. Sinabi niya iyon sa Prinsipe.
Hinayaan siya nitong magpahinga.

LEONORA: "Don Juan, narito ang mabagsik na balsamo. Ibuhos mo ito sa bawat ulong
mapuputol mo. Hindi na iyon mabubuhay. Magiging dahilan iyon ng kamatayan ng
Serpyente."
NARRATOR: Nanghilakbot ang Serpyente nang mapansin ang inabot ng Prinsipe.
Sinibasib niya ang kaniyang katunggali. Ngunit natagpas ang isa sa kaniyang mga ulo.
At nang gawin ng Prinsipe ang bilin ni Leonora, agad na namatay ang ahas.
Pumanaog si Leonora. At kasama ng Prinsipe, bumalik sila kay Donya Juana na
naghihintay sa kanila. Magkakasunod silang umahon sa balon.
Nainggit si Don Pedro sa kaniyang bunsong kapatid. Lalo na nang magkuwento ito
tungkol sa pakikipaglaban sa Higante at Serpyente. Nabihag siya ng kagandahan ni
Leonora na nakakapit sa bisig ni Don Juan. Nakatitig pa ito sa mukha ng bunsong
Prinsipe. Halos pumutok sa sama ng loob ang dibdib ni Don Pedro. Humayo na sila
pauwi sa Berbanya.

NARRATOR: Biro yata ng tadhana, nakakita ng pagkakataon ang kasamaan. Habang


naglalakad ang lahat, naalala ni Leonora na naiwan niya sa balon ang kaniyang
singsing na diyamanteng pamana pa ng kaniyang ina. Nasa ibabaw iyon ng lamesa.
Tanging ang alagang Lobo ang kaniyang nadala.
Nagprisinta si Don Juan na balikan ang diyamante. Pinigilan siya ni Leonora, ngunit
muling namayani ang katapangan ng Prinsipe.
Bumalik silang lahat sa balon. Nagtali ng lubid sa baywang ang bunsong Prinsipe at
nagpahugos sa kaniyang mga kapatid.
Ano't habang bumababa sa balon si Don Juan, pinutol ng panganay ang lubid. Nahulog
siya sa ilalim at nagkabali-bali ang kaniyang mga buto.
Dahil sa nasaksihan, akmang tatalon sa balon si Leonora. Ngunit sinunggaban siya ni
Don Pedro. Doon siya tuluyang nahimatay.
Nang magkamalay-tao ang Prinsesa, hawak pa rin ni Don Pedro ang kaniyang
baywang at sapupo siya sa bisig.
Nagpipiglas si Leonora. Ngunit pinigilan siya ni Don Pedro.

DON PEDRO: "Prinsesa, aanhin mo naman si Don Juan? Pareho naman kaming may
pagtingin sa iyo. Isa pa, ako ang panganay, kaya ako ang magmamana ng kaharian.
Gagawin kitang Reyna at lahat ay magiging sunud-sunuran sa iyo."

NARRATOR: Lumapit sa balon si Leonora. Napagpasiyahan niyang pawalan na ang


Lobo. Pinagbilinan niya ito.
LEONORA: "Kung nasaktan ang Prinsipe, pagalingin mo siya. Sabihin mong hinihintay
ko siya. Sabihin mong napilitan lamang akong sumama sa taksil niyang kapatid."

Panata at Paglimot
(Buod ng mga Saknong 688-779) ni Mark Angeles

NARRATOR: Isang tanghali, napanaginipan ng Hari ang kaniyang bunsong anak. Nasa
isang yungib si Don Juan, nakagapos ng lubid ang katawan, sinisipa, pinagtatadyakan,
at pinagtatampal. Saka biglang itinulak sa bangin. At nang lumagapak sa ilalim, naputol
ang kanyang hininga.
Napabalikwas sa kanivang hinihigaan ang Hari. Naghari ang sindak sa kaniyang isip at
puso. Sinubukan niyang aliwin ang sarili sa pag-alala sa kasabihang,

DON FERNANDO: “Madalas na magbulaan ang sa taong panagimpan.”

DON FERNANDO: "Bakit mangyayari iyon sa aking bunso? Wala naman siyang
kasalanang dapat pagbayaran. Uliran siya sa kabaitan at katapatan. Huwag sanang
mangyaring may magtaksil sa kaniya."

NARRATOR: Napadungaw ang Hari at natanaw niya mula sa malayo ang kaniyang
panganay na anak. Mayroon siyang mga kasama, ngunit natatakpan niya. Umasa ang
Haring isa sa mga iyon si Don Juan.
Ngunit hindi kasama ng magkapatid ang kanilang bunso. Sa halip, may kasama silang
dalawang babae.

DON FERNANDO: "Ano't natagalan kayo sa paglalakbay?"


nawika ng malungkot na Hari.
DON PEDRO: "Ama, halos baliktarin namin ang mga burol at bundok. Hindi po namin
nakita ang aming bunsong kapatid. Sa halip, natagpuan namin ang dalawang Prinsesa.
Nilusong namin ang balon kung saan sila nakatira. Sinagupa namin ang mabagsik na
Higante at Serpyente. At nang mapaslang namin ang mga iyon, inuwi namin dito sa
Berbanya ang magkapatid para pakasalan kami."

NARRATOR: Binendisyunan na lamang ng Hari ang magkapatid. Sumabad si Don


Pedro.

DON PEDRO: "Ama, susundin namin ang inyong kalooban. Ngunit kung kami ang
tatanungin, sa akin ikakasal si Leonora. Kay Don Diego naman si Donya Juana."

NARRATOR: Nang marinig iyon ni Leonora, lumuluhang lumuhod siya sa Hari at


nagmakaawang ipagpaliban muna ang kasal.

LEONORA: "Mahal na Hari, pabayaan po ninyo akong tapusin ang aking panata sa
Diyos. Mula nang ako'y maulila, ipinanata kong pitong taon akong mamumuhay nang
mag-isa. Hinihiling ko rin pong bigyan ako ng isang silid na aking tutulugan. Matapos
ang aking panata, handa akong haharap sa inyong anak."

NARRATOR: Napaglimi ng Hari na kasalanan ang tanggihan ang hiling ng Prinsesa.


Kay Don Pedro, ang kaniyang sinabi,

DON FERNANDO: "Huwag na nating pigilan ang kahilingan ng Prinsesa."


At kay Donya Juana,

DON FERNANDO: "Ikaw naman, handa na ang inyong kasal ng aking ikalawang anak."

NARRATOR: Gumayak ang lahat sa kaharian. Umabot ng siyam na araw ang


pagdiriwang ng kasalan at pista sa Berbanya.
Samantala, sa Armenya, inabutan ng Lobo na lasog-lasog ang mga buto ni Don Juan.
Ihiniga niya nang maayos ang Prinsipe. Kumuha siya ng tatlong bote, saka sumibad.
Kagat-kagat sa bibig ang isang bote at dalawa sa mga paa, tumungo ang Lobo sa Ilog
Jordan. Sumalok siya roon ng tubig na panggamot. Noong una ay di siya napansin ng
bantay. Nang malagyan niya ang mga bote ng tubig ay tuluyan na siyang nakita nito.
Hinabol siya ng bantay ngunit hindi siya naabutan. Nagmadali siyang tumakbo at
tumalon sa bangin ng isang burol.

NARRATOR: Pagbalik sa balon, ipinahid ng Lobo ang dalang tubig sa mga pasa at
pilay ni Don Juan. Agad na lumakas ang Prinsipe at nawala ang mga iniinda sa
katawan. Parang bata niyang niyakap ang Lobo. Parang bata naman ding kumandong
sa kaniya ang engkantadang hayop.
Saka naalala ng Prinsipe ang singsing. Nang makuha niya ito sa palasyo, tinulungan
siya ng Lobo na makalabas sa balon.
Nang makaahon ang dalawa, agad na nagpaalam ang Lobo at tumungo sa liblib na
bahagi ng kabundukan. Agad namang lumuhod si Don Juan.

DON JUAN: "O, Diyos, mahabag Ka sa iyong alipin. Ituro Mo ang landas at iligtas Mo
ako sa panganib."

NARRATOR: Tumayo si Don Juan. Nagsimula siya sa paglalakad, walang hinto,


hanggang sa siya ay mapagod. Nakahanap siya ng isang punongkahoy na
masisilungan. Humilig siya roon at nagpaabot ng dapithapon.
Ngunit dahil sa labis na pagod at gutom, nakatulog nang mahimbing ang Prinsipe. Hindi
sinasadyang mapadaan ang lumilipad na Adarna. Natanaw siya nito at nakilala.
Matapos dumapo sa punongkahoy, pumagaspas ang Adarna at naging makislap na
karbungko ang kaniyang balahibo. Nagsimula siyang umawit.

UMAWIT ANG ADARNA:


O, Prinsipe ng Berbanya, Katoto kong sinisinta, sa tulog mo'y gumising ka't ako
ay may ibabadya.

NARRATOR: Nagising si Don Juan. Napuno ng galak ang puso niya nang makita ang
mahiwagang ibon.
Sa awit ng Adarna, ipinaliwanag niyang hindi niya sinasadyang umalis at bigyan ng
pasakit ang Prinsipe. Salamat at hawla lamang ang naisip na buksan nina Don Pedro at
Don Diego at hindi paslangin ang Adarna at si Don Juan.
Ipinayo ng ibon na kalimutan na lamang ni Don Juan si Leonora. Aniya, sa isang
kaharian ay may matatagpuang lalo pang marangal at magandang Prinsesa. Kailangan
lamang pagpaguran ang pagpunta doon. Nasa kahariang iyon ang tatlong mutyang
anak ni Haring Salermo. Ayon sa Adarna, dapat piliin ng Prinsipe si Maria Blanca dahil
daig niya ang talang maningning. Si Isabela, isang tala sa umaga, at si Juana, isang
bituin, ang kaniyang mga kapatid.
Tinapos ng Adarna ang kaniyang awit. At pumaroon sa Reyno de los Cristal si DonJuan
na ang nasa puso ay si Maria Blanca, hindi si Leonora.

Limang Kaharian
(Buod ng mga Saknong 780-923) ni Mark Angeles

NARRATOR: Araw-gabing dinadalaw ng lumbay si Leonora. Wala siyang ibang


itinatangis kundi si Don Juan.

LEONORA: "O, buhay ko, nasaan ka na? Hindi ka ba nababalisa sa aking pagdurusa?
Bakit natitiis mong hindi ako kapiling? Hindi ba't pangako mong hindi magmamaliw ang
pagmamahal mo sa akin?"

NARRATOR: Nagpatuloy siya sa pananaghoy. Pitong taon ang kaniyang hiniling sa


Hari para hintayin ang pagdating ni Don Juan. Hindi niya matatanggap na maikasal sa
panganay nitong kapatid, kahit pa buhay niya ang kapalit.

LEONORA: "Kung narito ka lamang, Don Juan, at makita ang kalagayan ko. Kahit
bakal ang dibdib mo, dudurog din sa kalungkutan. Kung hindi ka man nagawang
buhayin ng pinakawalan kong Lobo, dalawin man lamang sana ako ng kaluluwa mo."
NARRATOR: Hindi na siya maririnig pa ni Don Juan. Tatlong taong naglakad sa mga
parang at gubat ang Prinsipe. Ngunit lagi siyang naliligaw. Para bang bawat hakbang
niya ay palayo sa de los Cristal.
Hanggang sa matanaw ng Prinsipe ang isang matanda sa libis ng isang bundok.
Nilapitan niya ito.

DON JUAN: "Tanda, kaawaan mo ako. Iligtas mo ako sa gutom. Kung may dala kang
pagkain, sana ay limusan mo ako.”

MATANDA3: "May tinapay ako sa supot. Ngunit durog-durog na ang mga ito. Dukutin
mo.”

NARRATOR: Nasuklam ang Prinsipe sa kaniyang nahawakan. Bukod sa durog, maitim


at bukbukin ang tinapay. Ngunit pumasok sa isip niya ang kasabihang 'Para sa taong
gutom, kahit matigas at lumang tutong, kapag manguya niya at malulon, para ding
bagong pirurutong.'
Sa pagtataka ni Don Juan, ganoon nga ang nangyari. Masarap at malinamnam ang
tinapay, at para bang kaluluto lamang. Napatunayan niyang kahit luma't pangit, maaari
pa ring maging maganda at matamis.
Pagkatapos niyang kumain, inalok siya ng matanda. "Heto ang pulut-pukyutan. May
inuming tubig diyan sa bumbong. Ingatan mo lamang at nang hindi matapon. Mahaba
pa ang lalakbayin ko. Mahirap nang maubusan, lalo't wala akong masasalukan."
Tinungga ni Don Juan ang bumbong at nakaramdam siya ng ginhawa. Ngunit kulang pa
sa kaniya ang nasa biyas ng kawayan.

DON JUAN: "Patawad po, nuno. Mauubos ko yata ang tubig. Para kasi akong sasakalin
ng nanunuyo kong lalamunan."

MATANDA3: "Don Juan, gawin mo lamang ang ikabubusog mo. Huwag mo na akong
isipin. Baka may masasalok din akong tubig sa bundok."

NARRATOR: At ganoon nga ang ginawa ng Prinsipe. Parang gumuguhit sa dibdib niya
ang linamnam at lamig ng kristal na tubig. Sinaid niya hanggang sa huling patak. Ngunit
laking pagtataka niya, pagtingin niya sa bumbong, puno pa rin ang laman nito.
DON JUAN: "Isa itong talinghaga!"

NARRATOR: Nasabi niya sa sarili. Isang marunong na tao, kung hindi man
engkantado ang kasama niya, naisip ni Don Juan. Dapat siyang hangaan. Batid iyon ng
matanda, ngunit ayaw magsabi nang tuwiran ang Prinsipe. Sa halip, nag-usisa siya,
gaya ng isang bata.

DON JUAN: "Nuno, nagpapasalamat ako sa inyong awa. Hindi ko kayang gantihan ito
sa ngayon. Ngunit dalangin kong matulungan kayo balang-araw. Huwag po sana
ninyong isiping wala akong galang. May isa pa po akong hiling."

MATANDA3: “Ano iyon, bunso? Sabihin mo at ituturo ko."

DON JUAN: "Papunta ako sa de los Cristal. Sa haba ng paglalakad ko, hindi ko iyon
marating-rating."

MATANDA3: "Panginoong Hesus! Sandaang taon na akong naglalakad. Hindi ko alam


kung nasaan ang sinasabi mo. Pero tuturuan kita. Puntahan mo iyong bundok,
ikapitong hanay mula rito. May sasalubong sa iyo roong isang Ermitanyo. Ipakita mo sa
kaniya ang kapirasong baro na ito. Kung tanungin ka niya kung kanino ito galing,
sabihin mong sa matandang sugatin. Humayo ka na. Sa layo niyon, aabutan ka ng dilim
sa masukal na daan."

NARRATOR: At iyon nga ang ginawa ni Don Juan.


Samantala, sa Berbanya, nanlalabo na sa luha ang mga mata ni Leonora. Si Don Juan
ang naiisip niya kapag dumadalaw si Don Pedro. At kapag masiguradong hindi ito ang
hinahanap ay hindi niya pinagbubuksan ng pinto. Kaya galit na galit ang panganay na
Prinsipe. Hinahamak niya ang silid na iyon, lalo na kapag naririnig niyang itinataghoy ni
Leonora ang pangalan ng kaniyang bunsong kapatid. "Pag nabigo ang plano ko,
hahamakin ko ang lahat, kahit lintik!" madalas na sambit ni Don Pedro.
Nagkakasabay pa sa pagdaing ang dalawa, kahit magkalaban ang mga luha at
damdamin.
DON PEDRO: "Leonora, hindi na ba magbabago ang katigasan ng puso mo?"
himutok ni Don Pedro.

LEONORA: "Don Juan kong sinta, ako ay iyong-iyo, kahit malagot pa ang aking
hininga,"
hibik naman ni Leonora.

DON PEDRO: "Prinsesa ko, walang hanggan ang aking pagmamahal. Pahirin mo na
ang mga luha mo. Hindi kita pababayaan."

LEONORA: "Alam mo ba, aking Don Juan, na pinipilit ako ng taksil mong kapatid?"

DON PEDRO: "Hindi ako taksil. Dakila ang hangarin nitong matapat mong alipin."

LEONORA: "O, Don Juan, bakit hindi ka pa dumarating? Hinihintay pa rin kita."

DON PEDRO: "Ano pa ang kailangan mong hintayin? Nasa akin na ang ligayang
hinahanap mo."

LEONORA: "Mahigit tatlong taon na akong nagtitiis. Maaatim ko na kayang makasal sa


hindi ko iniibig? O, Don Juan, araw-gabi, ikaw ang hiling. Kung nasawi ka sa balon,
bakit pati ang Lobo ay hindi dumarating?"

DON PEDRO: "Nakita mo na, mahal. Pati ang Lobo ay nawala. Iyan ang patunay na sa
akin ka mapupunta."

LEONORA: "Ito na ang huli, Don Juan. Hindi mo na ako makikita."

DON PEDRO: "Ito na ang huli dahil si Don Juan ay patay na. Ipagluksa natin siya."
LEONORA: "Paalam na, Don Juan. Kung talagang patay ka na, magkita na lamang
tayo sa kabilang buhay."

DON PEDRO: "Ako naman ay magpapaalam na, mahal kong Leonora. Hanggang sa
muli nating pagkikita."

NARRATOR: At nagkahiwalay ang dalawa na iniinda pa rin ang mga sugat sa dibdib.
Samantala, pitong bundok, pitong dusa, at pitong hirap ang hinarap ni Don Juan bago
narating ang pakay. Naabutan niya ang Ermitanyong hanggang baywang ang balbas at
nakasisindak ang anyo.
Nang makita ang Prinsipe, agad itong nagwika,

ERMITANYO2: “Ikaw, lalaki. Lumayo ka sa aking tabi. Matagal na akong naririto at


walang nakaaalam. Tahimik ang pamumuhay ko.”

DON JUAN: “Nuno, huwag po kayong mabigla. Narito po ako dahil sa utos ng Matanda.
Dala ko po ang kapirasong baro niya. Ito po ang magpapatunay na malinis ang sadya
ko.”

NARRATOR: Napatango ang Ermitanyo ng makita iyon. At nang mahawakan na ay


napagtanto niyang mali ang kaniyang hinala. Hinagkan niya ang baro.

ERMITANYO2: "Panginoong Hesus, galak kong makita ang baro Mo. Ngunit ang hindi
ko makita ay ang sa katawan mong dibdib mapaninta. Hindi ko pa nababayaran ang
aking sala."
Inilagay niya sa kanyang dibdib ang kapirasong baro.

ERMITANYO2: "Ano ba ang sadya mo rito?"


baling niya kay Don Juan.

DON JUAN: “Marangal na Ermitanyo, kailangan ko po ang tulong ninyo. Hinahanap ko


ang Reino de los Cristal. Kayo po ang nakaaalam kung nasaan ang lugar.”
ERMITANYO2: "Panginoong Hesus, limang dantaan na akong naninirahan dito. Malayo
ako sa mga tao. Wala akong alam sa sinasabi mong kaharian. Gayon man, maghintay
ka. Baka matulungan kita. Itatanong ko sa nasasakupan kong mga hayop, kung
naaabot nila ang kahariang Cristalinos."

NARRATOR: Lumapit sa pinto ang matanda at pinatugtog ang kampana.


Nagsipagdatingan ang mga hayop sa Armenya.
Kinausap ng Ermitanyo ang lahat ng kaniyang mga familiar.

ERMITANYO2: "Sa inyong mga nakapalibot sa kaparangan at bundok, sino sa inyo ang
nakaaalam kung nasaan ang reyno ng Cristalinos?"

MGA HAYOP: "Panginoon naming mahal, wala kaming alam sa sinabi ninyong
kaharian,"

NARRATOR: Korong sagot ng mga hayop. Bumaling ang Ermitanyo sa Prinsipe.

ERMITANYO2: "Narinig mo, Don Juan, hindi alam maski ng mga familiar ko kung
nasaan ang lugar. Ngayon ituturo ko sa iyo. Sa ikapitong bundok na iyon, may matanda
kang makikita. Dalhin mo itong baro ko at ibigay sa Ermitanyo. Baka siya ang
makatulong sa iyo."

NARRATOR: Noon din inatasan ng Ermitanyo ang kaniyang Olikornyo. "Ihatid mo ang
Prinsipe sa bahay ng kapatid ko. Bumalik ka agad dito nang hindi ako mainip."
Sumakay ang Prinsipe sa likod ng engkantadong hayop, saka sila humayo.
Nang makarating sa sadya, tumuloy si Don Juan sa ermita.
Nang makita siya ng Ermitanyo, agad itong nagwika,

ERMITANYO3: "Sino kang mapangahas? Matagal na ako rito. Ngayon lamang ako
nakakita ng tao."

DON JUAN: "Mahal kong Ermitanyo, hindi po ako salanggapang. Tingnan po ninyo
itong kapirasong baro.
Padala po ito ng Ermitanyong nagturo ng lugar na ito."

NARRATOR: Pinalapit ng Ermitanyo si Don Juan. At nang abutin ang baro, buong suyo
niya itong hinagkan.

ERMITANYO3: "O, Diyos na Dakila, sa Iyong himala, sana ay makilala ko ang


maginoong kaharap ko ngayon."

NARRATOR: Namangha ang Prinsipe sa kaniyang kaharap. Mas matanda pa ito sa


una niyang nakausap. Sumasayad na sa lupa ang balbas nito. Mahahaba at mapuputi
ang balahibo.

ERMITANYO3: "Kanino mo nakuha ang baro na ito?"

DON JUAN: "Gaya po ng nasabi ko, ipinadala ito ng matandang Ermitanyo."

ERMITANYO3: “Kung gayon, Prinsipe, sabihin mo kung ano ang sadya mo. Handa
akong tumulong sa iyo.”

DON JUAN: “Nuno, kaawaan ninyo ako. Gusto ko pong malaman kung nasaan ang
Reino de los Cristal.”

Napatungo ang matanda at naghaka,

ERMITANYO3: "Walong daang taon na akong naninirahan dito. Hindi ko alam kung
saan matatagpuan ang hinahanap mong kaharian. Itatanong ko sa nasasakupan kong
mga ibon sa bundok kung naaabot nila ang sinasabi mong Reino de los Cristal."

NARRATOR: Lumapit sa pintuan ang matanda at pinaangal ang kampana. Lahat ng


ibon ay dumapo sa kaniyang harapan. Magkakasunod ang kanilang hanay. Nakayukod
sila at naghihintay ng utos.
ERMITANYO3: "Sino sa inyo ang nakaaalam kung nasaan ang Reino de los Cristal?"
tanong ng matanda sa buong kawan.

MGA IBON: "Hindi pa po namin naaabot ang Cristalinong siyudad."

NARRATOR: Hindi nasiyahan ang Ermitanyo sa kaniyang narinig.

ERMITANYO3: "Sino sa inyo ang wala pa rito?"

NARRATOR: Saka niya natiyak na hindi pa dumarating ang Agila.


Ngunit sa wakas ay dumating din ang Agila. Pabagsak itong bumaba sa pagod.

ERMITANYO3: "At bakit nahuli ka nang dating? Parang hindi mo pa alam na kapag
narinig mo ang tunog ng kampana, dapat kang umuwi, kahit nasaan ka pa!"

NARRATOR: Galit na wika ng Ermitanyo, dahil dapat na nauna pa ang kausap sa


ibang mga ibon.

AGILA: "Mahal naming Panginoon, Huwag po kayong magalit. Hindi ko po hangad na


suwayin kayo. Ngunit galing po ako sa napakalayong paglalakbay. Narinig ko po ang
kampana, kaya bigla kong nilisan ang lupang naabot ko. Binilisan ko ang paglipad.
Ngunit dahil sa pagod, ako ang pinakahuling dumating sa lahat."

ERMITANYO3: "Kung gayon, ngayon din ay sabihin mo kung saang lupa iyon at baka
iyon na ang hinahanap ko."

AGILA: "Mahal naming Ermitanyo, sa isang lupaing marikit. Sa Reino de los Cristal.
Doon ako nag-almusal ng malinamnam na peras."
Bumaling ang matanda sa Prinsipe.

ERMITANYO3: "Narinig mo, Don Juan, ang balita ng Agila. Maghanda ka at matutupad
na ang hiling mo."
Mas Makapangyarihan ang Pag-ibig
(Buod ng mga Saknong 924-1 096) ni Mark Angeles

NARRATOR: Abot-abot ang pasasalamat ni Don Juan. Nasagot na ang palaisipan sa


kaniya.
Pinaghanda ng Ermitanyo ang Agila at inutusang dalhin ang Prinsipe sa Cristalino.

ERMITANYO3: "Sa tantiya ko, kahit mahina ang lipad mo, aabutin ka ng isang buwan
para marating ang lugar na iyon," anang matanda.

AGILA: "Sapat na po ang isang buwan. Makararating po kami sa baño ni Donya Maria,"

NARRATOR: Sang-ayon ng Agila.


Inutusan din ang ibon na maghanda ng kanilang babaunin sa mahabang paglalakbay.
Tatlong daang duruan na bawat isa ay tinuhugan ng limang libong maliliit na ibon.
Bawat isa sa mga ito ay dadalhin ng isang ibon.
Nagsiliparan ang lahat patungo sa Dakong Silangan. Sakay ng Agila ang Prinsipe. Sa
taas ng kanilang lipad, hindi na nila mamalas ang lupa. Tumatambad sa kanila ang
malalawak na langit at dagat.
Tatlong daang duruan ang katumbas ng isang buwang walang hintong paglipad.
Hanggang sa maubos ang kanilang dalang baon.
Mabuti na lamang at nakarating ang lahat sa baño ni Donya Maria. Kaaya-aya ang tubig
doon. Takipsilim na nang makalapag sila.

AGILA: "O, Prinsipe, dito na kita iiwan. Magtago ka sa halamanan para hindi ka nila
mapansin. Mamayang alas-kuwatro ng madaling-araw, darating dito ang hinahanap
mong Prinsesa. Tatlo silang magkakapatid. Si Donya Maria ang panganay at
nakahihigit sa kanila."
NARRATOR: Ayon pa sa Agila, ugali na ng mga katutubo na pumunta sa lugar na iyon
para maligo. May kani-kaniya silang silid na paliguan. Mga busilak na kalapati ang tatlo
na darapo sa puno ng peras.
Tuluyang nagpaalam ang ibon, saka umalis. Naiwang mag-isa ang Prinsipe.
Nagugulumihanan man, maingat siyang nagtago at nagpalipas nang magdamag.
Dumating ang alas-kuwatro. Hindi na natulog si Don Juan sa pagbabantay. Ilang
sandali pa, natanaw na niya ang matagal niyang hinanap. Hindi siya mapakali sa
kasabikan.
Totoo nga ang sinabi ng Agila. Sino ang hindi mabibihag sa ganda ni Donya Maria?
Masisilaw ang sinuman, kahit pa pumikit. Lalo na nang lumapag siya sa puno ng peras,
inalis ang kaniyang suot, at lumusong sa tubig.

DON JUAN: "Aba, Palaba ng langit, mapapatid ang hininga ko. Sirena kang nakayapak
sa perlas,"

NARRATOR: Nasambit ng Prinsipeng nabihag. Hindi na nakatis si Don Juan. Ninakaw


niya ang damit ng Prinsesa. Dinala niya lyon sa kaniyang kublihan, saka pinaliguan ng
halik.
Pagkaahon ng Prinsesa, nagpupuyos na siya sa galit.

DONYA MARIA: "Sino kaya ang lapastangang nagnakaw ng damit ko?" Baka ang
utusan na naman ng ama kong Hari. Maiiwan ako rito kapag umalis ang mga kapatid
ko,”

NARRATOR: Bugnot niya.


Matapos ang isang oras, lumabas na rin ang maysala.
Parang korderong lumuhod si Don Juan, halukipkip ang kamay, sa harapan ni Donya
Maria.

DON JUAN: "O, marikit na bathala, kometa sa lupa, kaawaan mo ako. Aba, marikit na
Fenix, sakdal-lamig na buwan, ititig mo ang iyong mata rito sa abang lumuluha. Huwag
sanang masamain ang kapangahasan kong pagkuha ng iyong damit. Mahigit sanlibo
man ang buhay, huwag sanang kitlin maski isa. Ngunit hihintayin ko ang iyong parusa."
Sumagot ang Prinsesa.
DONYA MARIA: "Nag-aapoy man ang galit ko, hindi ko mapigilan ang mahabag.
Gaano man kabagsik ang batas sa kaparusahan, hindi naman mabigat ang
pagkakasala mo. Nararapat lamang magpatawad. Maski apoy na malupit, kapag
nasubhan ng tubig, pinapatay rin ang lamig. Ngunit ipagtapat mo sa akin, saang
kaharian ka ba galing?"

DON JUAN: "O, Bulaklak ng Sampaga, ako ay anak ng Berbanyang hindi ko na yata
makikita pa. Sadya kong hinanap ang talang pangarap ng puso ko. Sumakay ako sa
bulang lumulutang-lutang sa dagat papunta rito. Kaya,mahal na Prinsesa, abutin mo na
ang iyong damit, at baka maging dahilan pa ng pagdurusa ko."
Inabot ng Prinsesa ang damit at nagmadaling magbihis.

DONYA MARIA: "Tumindig ka at humawak sa kanang kamay ko. Iyan ang tanda ng
matapat kong pagtingin sa iyo."

NARRATOR: Gayon nga ang ginawa ni Don Juan. Umupo sa isang makinis na bato
ang dalawa at sabay na umawit ang mga puso.

DONYA MARIA: "Kataksilan ang maglihim sa pag-ibig. Kaya makinig ka, Don Juan.
Pagmasdan mo ang nakapaligid sa palasyo. Iyang natatanaw mong mga nakahanay na
bato, lahat iyan ay tao. Dati silang prinsipe, maginoo, at konde. Pinarusahan sila at
inengkanto ng ama kong Hari. Pinutol ang alay nilang pag-ibig. Nadaig sila ng
karunungan ng aking mga magulang."

NARRATOR: Ayaw ng Prinsesa na mangyari din kay Don Juan ang nangyari sa kanila.

DONYA MARIA: "Kaya itanim mo sa loob mo ang lahat ng bilin ko. Ingatan mong
huwag kang mabuyo at masilo ng aking ama. Magigising siya ng alas-singko. Kapag
nakita ka niya, sisinuhin ka. Kapag tinanong ka kung ano ang sadya mo, ang isasagot
mo, 'Panginoon, ang maglingkod sa iyong kampon. Mababa man ako sa inyong
mataas, gantimpala naman akong makasal sa iyong anak.""
Sakaling anyayahan si Don Juan na pumasok sa palasyo, huwag siyang magpaunlak.
Patibong ng Hari ang pagpapatuloy sa palasyo. Ang sinumang mabuyo ay haharap sa
kamatayan. Pasalamatan lamang ang mabuting kalooban, nang maligtas.
DONYA MARIA: "Para maniwala ang aking amang Hari na marangal ang iyong pakay,
sabihin mo, ‘Mahal na Hari, pag-utusan ninyo ang inyong lingkod. Mabigat man, hindi
po ako susuway.’"

NARRATOR: Dapat tanggapin ni Don Juan ang anumang iatas sa kaniya, dahil hindi
siya ang tutupad, kundi si Donya Maria.

DONYA MARIA: "Ngayong alam mo na ang gagawin, magpapaalam muna ako sa iyo.
Baka naiinip na ang aking amang Hari. Papanhik kaming magkakapatid sa palasyo.
Manahimik ka naman. Mamayang gabi, asahan mong babalikan kita rito, para malaman
ko kung ano ang ipag-uutos ng ama ko."

NARRATOR: Nang mga sandaling iyon ay gising na si Haring Salermo. Nang


dumungaw siya ay nakita niya ang bagong mukha.
Tinanong agad ng Hari ang pangalan, sadya, at pinagmulang lupa ng Prinsipe.
Buong galang na sumagot si Don Juan,

DON JUAN: "Ang bati ko po ay magandang hapon sa Haring aking panginoon."

HARI: "Salamat na walang hanggan. Magandang hapon din naman,"

DON JUAN: "O, Monarkang sakdal buti, ako po ay Prinsipeng nagmula sa Berbanya.
Ako po si Don Juan, bunsong anak ng Hari at Reyna. Dinala ako ng aking pag-ibig sa
inyong bayan. Ang puso ko ay pagmamay-ari ng talang hindi lumulubog-ng inyong
anak. Itulot nawa ninyong mabigkis ang Berbanya sa inyong korona."

HARI: "Kung gayon, pumanhik ka sa palasyo. May mahalaga tayong pag-uusapan."

DON JUAN: "Mangyayari po iyan. Naghihintay lamang po ako ng inyong utos."

NARRATOR: Tinawag ng Hari ang isang utusan.


HARI: "Kumuha ka ng kakaaning trigo. Sapat na ang sansalop. Dalhin mo rito ngayon
din."

NARRATOR: Nang maibigay na ang trigo, binalikan ng Hari ang kausap.

HARI: "Don Juan, pakinggan mo ngayon ang ipag-uutos ko. Kunin mo ang trigong ito.
Pakaingatan mong huwag mabawasan ni isang butil. Tibagin mo at patagin iyang
bundok. Saka mo ikalat itong trigo. Ngayon mo itanim, ngayong gabi mo rin patubuin,
pamungahin, at anihin. Ngayong gabi mo rin gawing tinapay nang maabutan ko sa
hapag bago ako mag-agahan."

NARRATOR: Kinuha ni Don Juan ang trigo. At kahit may habiling iniwan sa kaniya ang
Prinsesa, mabigat pa rin ang dibdib niya. Hindi niya malaman ang gagawin.
Sa mga oras na iyon, pinanonood siya ng umpukan ng kalihim at mga tagapayo.

TAGAPAYO: "Ano ba ang iniisip ng hunghang na ito? Naparito para harapin ang
kaniyang kamatayan,"

NARRATOR: Natatawang pasaring ng lahat. Mag-aalas-sais na. Lumalatag na ang


takipsilim. Tahimik ang kaharian, ngunit maligalig si Donya Maria. Nang tulog na ang
lahat, pumanaog siya mula sa palasyo. Tumungo siya kay Don Juan at tinanong kung
ano ang iniutos ng Hari.

DON JUAN: "Mutya kong Prinsesa, mabigat ang utos ng iyong ama. Ipunla ko raw sa
lupa itong trigo. Dapat itong mabuhay, mamunga, at maging tinapay ngayong gabi."

DONYA MARIA: "Huwag kang mag-alala. Hindi ka mapapahiya sa aking ama."

DON JUAN: "Mahika negra yata ang kapangyarihan ng iyong amang Hari."

NARRATOR: Ngunit mahika blangka naman ang kapangyarihan ni Donya Maria.


DONYA MARIA: "Magpahinga ka na, Prinsipe kong mahal. Napagod ka sa layo ng
iyong nilakbay. Ako na ang bahala sa kailangan mong gawin. Matulog ka nang
mahimbing at masaya kang gigising."

NARRATOR: Nang malalim na ang gabi, ginamit ng Prinsesa ang iniingatan niyang
dunong. Wala pang isang iglap, napatag ang mataas na bundok at naipunla ang lahat
ng trigo. Namunga at nahitik ang mga naipunla. Nagapas ang bunga ng mga uhay.
Nagalapong at namasa agad. Mga Intsik ang gumawa ng mga ito. Sa dami nila, lumikha
sila ng matinding ingay.
Nang sumapit ang alas-kuwatro, nasa hurno na ang masa. Pagdating ng alas-singko,
luto na ang tinapay. Maingat nila itong hinango.
Iniuwi ni Donya Maria ang mga tinapay.
Pagod man, nangingiti pa rin siya sa kakaisip kay Don Juan. Inilapag niya ang lahat ng
tinapay sa hapag ng kaniyang ama, saka siya pumunta sa sariling silid para
mamahinga. Tulog pa ang mga tao nang pumanhik siya sa palasyo, kaya walang
nakapansin sa kaniya.
Nang magising ang Hari, nahindik siya sa naabutang mga tinapay sa kaniyang hapag.
Namangha rin ang mga nakasaksing tauhan at kagawad ng palasyo.

HARI: "Kahanga-hanga ang Prinsipe. Tingnan natin kung hindi niya ikamamatay ang
susunod kong hiling."

NARRATOR: Ipinatawag si Don Juan. Ngunit iniwasan niyang pumasok sa palasyo.

DON JUAN: "Salamat. Mag-utos lamang po ang Hari at aking tutuparin."

NARRATOR: Natigagal ang Hari sa narinig. Kaya pinag-isipan niyang mabuti ang
kaniyang ipapain.
Agad ipinag-utos ng Hari na kunin ang iniingatan niyang prasko. Nanaog siya at
sumama kay Don Juan. Pagdating nila sa isang lugar na napaliligiran ng mga
manunubok, dinukot niya ang prasko mula sa lalagyan nitong gintong pulos.

HARI: "Pagmasdan mo itong prasko. Ang naririto ay maiitim at munsing-munsing na


mga tao. Sandosenang Negrito itong mga alaga at mahal ko. Pawawalan ko ang mga
ito sa laot. Ibalik mo sila sa praskong tahanan nila. Isa man sa kanila ang mawala,
buhay mo ang kapalit."
Parang mga isdang pumupusag ang mga Negritong pinawalan.

HARI: "Sa aking agahan, dapat madatnan ko sa hapag ang mga Negrito."

NARRATOR: Iniabot ng Monarka ang prasko kay Don Juan. Saka niya iniwan ang
Prinsipe at namahinga.
Pagdating ng gabi, tinanong ni Donya Maria ang kaniyang giliw kung ano ang utos ng
kaniyang ama.

DON JUAN: "Aking sinta, nagbigay siya ng isang praskong may lamang sandosenang
Negrito. Pinawalan niya sa laot ang mga ito. Utos niya na bukas, bago siya mag-
agahan, dapat ay naibalik ko na ang mga Negrito sa prasko. Kung magkulang ng isa,
buhay ko ang katapat."

DONYA MARIA: "Huwag kang mag-alala. Madali nating malulusutan iyan. Kahit
mahina ang tawag ko, pahuhuli ang mga Negritong laruan ng aking ama."

NARRATOR: Kay saya ng usapan ng magkatipan. Inabot sila hanggang madaling-


araw.
Nang sumapit ang alas-kuwatro, sinabi ng Prinsesa,

DONYA MARIA: "Halika na, giliw ko. Bitbitin mo ang ilaw.


Akin na ang prasko at tutungo tayo sa dagat. Lulusong tayo sa tubig at tatawagin ang
mga Negrito."

NARRATOR: Nang sumapit ang alas dos, nasa baybay na ang dalawa. Lumusong si
Donya Maria at humiyaw.

DONYA MARIA: "Pumasok kayong lahat sa prasko. Kahit nasa tubig pa kayo,
masisilab kayo sa galit ko."
NARRATOR: Narinig ng mga Negrito ang tinig ng Prinsesa. Giniginaw, natatakot, at
walang kibo silang nag-unahang pumasok sa prasquera.
Ang laking tuwa ng magkasi nang umahon sila. Bago sila naghiwalay, pinauwi ng
Prinsesa ang pagod at inuubong si Don Juan sa kubo.

DONYA MARIA: "Ako na ang bahala sa prasko. Tiyak kong hahanga ang aking ama,"

NARRATOR: Ani Donya Maria. Nagtuloy siya sa palasyo at iniwan ang prasko sa
mesa. Pagkatapos, dumiretso siya sa kaniyang silid para matulog.
Nang magising si Haring Salermo, napansin niya agad ang prasko. Binilang niya ang
mga Negrito. Humanga siya dahil wala ni isa man sa mga ito ang nawala.

HARI: "Hindi ako papayag na magahis ng isang hamak!"

NARRATOR: Bitiw niya. Bumuo siya ng mas mabigat pang plano.

Walang Hindi Sumusuko


(Buod ng mga Saknong 1 097-1 319) ni Mark Angeles

NARRATOR: Nang ipatawag si Don Juan kinabukasan, masigla siyang humarap kay
Haring Salermo.

HARI: "Ipinangako mong anuman ang iatas ko ay susundin mo."

DON JUAN: "Tunay po. Buhay ko po ang nakataya."

HARI: "Kung gayon, pakinggan mo ang utos ko. Iusog mo rito iyang bundok. Gusto
kong mabusog sa hangin. Itapat mo sa bintana. Ang hanging magmumula riyan ay
magiging sula sa palasyo. Pagdungaw ko sa umaga, dapat narito na ang bundok.
Gusto kong makalanghap agad ng kaaya-ayang simoy. Kaya humayo ka na, Don Juan.
Kung mabigo ka, buhay mo ang kapalit."
NARRATOR: Nagpaalam ang Prinsipe na gulong-gulo ang isip. Nagdasal siya ng Ave
Maria at tumawag sa Poon.
Nasa ganoon siyang kalagayan nang abutan ni Donya Maria.

DONYA MARIA: “Itaas mo ang mukha mo. Ano ang utos ng ama kong Hari sa iyo?

DON JUAN: "Gusto ng iyong ama na kunin ang bundok at makitang nakatapat na ito sa
kaniyang durungawan pagkagising niya. Para dumaloy rito ang hangin at hindi siya
mainitian kapag nanunungaw siya."

DONYA MARIA: "Huwag kang mangamba. Magaan lamang ang kaniyang hiling.
Madali iyang gawin."

NARRATOR: Inabot nang madaling-araw ang suyuan ng dalawa. Pagkatapos, biniling


ng Prinsesa na mamahinga na ang Prinsipe.
Pagbalik ng Prinsesa sa palasyo, pinalakad niya ang mataas na bundok at itinapat sa
bintana, Tumatama na sa palasyo ang malakas na hanging mula roon. Umuuga ang
bintana kahit matibay ito. Alas-kuwatro ng umaga nang mangyari lyon. At nangyari iyon
sa isang kisapmata.
Nang magising ang Hari, natigagal siya nang buksan ang kaniyang sariling
durungawan, Hindi siya iginalang ng pumasok na hangin.
Bumalangkas ng utos ang Hari at siya mismo ay nasisindak. Pinaharap niya ang
Prinsipe.

HARI: "Walang kapantay ang paghanga ko sa hawak mong karunungan, Don Juan.
Hindi masukat ang lugod ko sa paglilingkod mo. Sunod-sunod ang utang ko sa
kagandahan ng loob mo, kahit wala pa akong naihahandog. Ngunit darating din ang
araw na iyan. Ang hiling ko naman ngayon ay itapon mo sa dagat itong bundok. Gawin
mong kastilyo nang makita ko ang kaniyang mga simboryo pagdating ng umaga. Ang
muog ay tayuan mo ng nakahanay na pitong gulod at mga kanyong pananggol ng
kaharian. Lagyan mo pa ng anim na batiryang may kawal bawat isa. Gusto kong
magisnang pumuputok ang mga kanyon, na para bang may digmaan at ginagahis ang
kaaway. Gumawa ka ng lansangang malalakaran ko mula sa palasyo real hanggang sa
muog na iyon. Lagyan mo ng maririkit na palamuti sa magkabilang panig. Dalhin mo
ang mga kasangkapang kailangan sa paggawa. Nariyan ang bareta, piko, palataw,
kutsara, maso, at kalaykay."

NARRATOR: Lugod na lugod ang Hari sa kaniyang utos.

HARI: "Dito na masusubok ang karunungan mo, Don Juan,"

NARRATOR: Pahayag niya. Nagbalik sa kaniyang tinutuluyan ang Prinsipe at hinintay


ang Prinsesa.
Alas-otso ng gabi dumating si Donya Maria. Kahit mabigat ang nalamang utos ng
kaniyang ama, natawa pa siya. Nang makita niya ang mga kasangkapan, sinabi niyang
hindi na kailangan ang mga ito. "Bakit pa gagamit kahit pakong maliit," aniya, "kung
daigdig ang kayang likhain ng kipkip kong kalaruan?" Sinabihan niyang matulog na si
Don Juan at siya na ang bahala.
Bumalik sa palasyo ang Prinsesa. Ginamit niya ang kaniyang dunong. Sa isang iglap,
napunta sa dagat ang bundok. Isang magandang muog ang kaniyang nalikha.
Pagputok ng liwanag, nagising ang Hari sa dagundong ng mga kanyon. Nagalak ang
buong bayan dahil wala silang kahirap-hirap sa pagpapatayo ng muog.
Niyaya ng Hari si Don Juan na mamasyal sa kahanga-hangang tanggulan. Nabusog
ang kaniyang mga mata sa kaniyang nakita. Sinukat niya ng kaniyang hakbang ang
lupang dati ay dagat.
Nang makarating sa muog ang dalawa, hinarang ng tanod sa pagpasok ang Hari.
Pinigilan siya ng hawak nitong sandata.

DON JUAN: "Kilalanin ninyo ako,"


utos ng Prinsipe.

TANOD: "Emperador naming mahal, patawad sa pagkukulang."

NARRATOR: Nawika ng lahat at nagsipagyukuran Saka nabuksan ang muog.


Nanimdim ang Hari sa pangyayari. Lumala pa ito nang mapansing nawawala ang
kaniyang singsing. Gayunman, hindi siya kumibo. Itinago niya ang kaniyang lungkot at
tumanaw sa malayo. Ngunit nabihag ang kaniyang tingin ng lumapit sa kaniya.
Isang magilas na heneral ang humarap sa Hari. Kasama nito ang mga koronel, kapitan,
at nakahanay na hukbo ng tanggulan. Ngunit tagos sa puso ang lungkot ng Monarka.
Naisip niya nang umuwi. Kaya hiniling niya kay Don Juan na patigilin na ang putukan.
Pagkataas ng espada ng Prinsipe, huminto ang buong hukbo. Ni hindi siya nagbuka ng
bibig.
Pagdating ng alas-singko ng hapon, ipinatawag si Don Juan. Naabutan niya ang Hari
na naglilibane sa hardin nito. Nagpugay siya at naghintay ng utos.
Masaya ang mukha ng Hari. Maaaring mabasa ito bilang paghanga, ngunit
nagpapakana rin ang kaniyang isip.

HARI: "Ngayong gabi, gusto kong maalis ang kastilyo. Ayokong makakita ni bakas nito
sa karagatan.
Isauli mo rito ang bundok. Kailangan kong lumanghap ng hangin."

NARRATOR: Nagpaalam na ang Prinsipe at bumalik sa kaniyang tinutuluyan.


Dumating ang hinihintay ni Don Juan.

DONYA MARIA: "Huwag kang mag-alala. Matulog ka nang mahimbing. Ako na ang
bahala,"

NARRATOR: Anang Prinsesa. Ganap na hatinggabi nang makarating sa tanggulan ang


Prinsesa. Sa lakas ng kalaruang hawak niya, naglaho ang kastilyo. Muling lumitaw ang
bundok sa tapat ng durungawan ng Hari. Ang dating ayos at lawak ng dagat ay
nagbalik.
Dahil sa kaniyang naabutan sa kaniyang bintana pagkagising niya, nag-isip na naman
ng bagong plano ang Hari. Matapos ito, ipinasundo niya ang Prinsipe.

HARI: "Ang laki na ng utang ko sa iyo, Don Juan. Malaki na ang pagod mo. Ewan ko
kung mababayaran pa kita. Nagkakasakit na nga yata ako dahil dito. Gaya ngayon, may
kahilingan ako, ngunit pinipigilan ako ng hiya. Hindi naman ako makahanap ng ibang
gagawa dahil alam kong nasa iyo ang lunas."

DON JUAN: "Mahal na Haring Salermo, hindi lamang minsang nasabi ko na ako ay
abang alipin ng utos ninyo."
HARI: "Don Juan, maraming salamat sa puso mong matapat. Lumuwag na ang
paghinga ko, dahil alam kong matutupad ang hiling ko. Kaya heto na. Hindi ba naglakad
tayo sa kastilyong nasa dagat? Nawala roon ang aking hiyas. Natanggal ang iniingatan
kong singsing. Nahulog ito sa dagat. Kung maluwag sa loob mo, kunin mo sana kahit
nasaan pa ito."

DON JUAN: "Haring Salermo, hindi ko kayo masusuway, kahit magbuwis pa ako ng
buhay."

HARI: "Sakaling makuha mo, gusto ko sanang magisnan ko ang singsing sa unan ko."

DON JUAN: "Pangako, mahal na Hari, hindi ako magkukulang."

NARRATOR: Ugali na ng Hari na ngitian nang palihim ang kaniyang hinihilingan.


Palihim dahil ayaw niyang mahalata ang pag-uyam. Nalilibang ang kaniyang kausap sa
maiinam na salita. Taksil ang ngiting ito. Sinungaling ang pangako. Mabuti ang salita,
ngunit may itinatagong masama. Alam ito ni Don Juan. Ngunit para sa gaya niyang
manliligaw, ang mapakla ay malinamnam. May pabaon pang tawa ang Hari nang
maghiwalay sila.
Tumugtog ang alas-nuwebe ng gabi. Muling nagkaulayaw ang magkasi sa hardin ng
paliguan.

DON JUAN: "Nawala raw ang singsing ng iyong amang Hari. Kailangan ko itong
hanapin ngayong gabi."

DONYA MARIA: “May diyamante ang singsing. Kahit mahulog at malibing sa dagat,
magniningning iyon."

DON JUAN: "Kung hindi niya makikita iyon sa unan niya pagkagising, buhay ko ang
kapalit."

DONYA MARIA: "Pamumuhunan itong panganib at buhay, Don Juan, bago tayo
magtagumpay."
NARRATOR: Kumuha ng isang magandang batya si Donya Maria. Gayundin ng isang
hasang itak, sangkalan, at hapag.
Sumakay ang dalawa sa batya, saka ito sumibad.
Nakarating sa laot ang dalawa.

DONYA MARIA: "Don Juan, lakasan mo ang loob mo. Magtatagumpay tayo. Ngayon
tadtarin mo ako nang pinongpino. Ngunit ingatan mong may matapon, kahit kapiraso.
Ihulog mo ako sa tubig. Ang durog-durog kong katawan ay magiging mga isdang sisisid
sa pusod ng dagat. Habang wala pa ako, huwag kang matulog. Mag-abang ka. Dahil
paglitaw ko ay dala ko na ang singsing. Kunin mo sa daliri ko."

NARRATOR: Naging mga isda sa dagat ang natadtad na Prinsesa. Hinanap ng mga ito
ang singsing. Ngunit natagalan siya. Nakalimutan ni Don Juan ang kaniyang pangako at
nakatulog siya.
Umaawit na lumitaw sa tubig si Donya Maria. Ngunit napahimbing sa pagtulog ang
Prinsipe. Sumisid muli ang Prinsesa para maghintay. At nang muling lumitaw, walang
umabot sa singsing. Muli siyang sumisid para palipasin ang kaniyang hapis. Ngunit galit
na siya nang lumitaw. Natabig niya ang batya.
Hindi man lamang naalimpungatan si Don Juan. Napagod ang Prinsesa at inihulog na
lamang ang singsing.
Patang-pata ang Prinsesa nang umahon sa batya. Naghalo niyang tampo, hapis, hikbi,
at luha ang gumising sa nagpabaya.

DONYA MARIA: "Tingnan mo nga, aking mahal, ang nangyaring kabiguan. Hindi ba
pinakiusapan kitang huwag malingat, para paglitaw ko ay makuha mo agad ang
singsing? Hirap akong lumitaw kung hawak ko ang singsing. Kaya kailangan kita. Alas-
kuwatro na ngayon. Kapag matuklasan ito ni ama, pareho tayong mapapahamak.
Pareho tayong mapapaslang. Kung babawiin ko ang aking pag-ibig, maiidlip kang isa
nang bato. Hindi kita sinisisi, ngunit ikaw ang may sala."

NARRATOR: Muling hiniling ng Prinsesa na tadtarin siya at ikalat sa tubig.


DONYA MARIA: "Magmadali ka nang hindi tayo abutan ng liwanag. Baka magising na
ang aking ama na wala pa ang singsing niya."

NARRATOR: Hinabol ni Don Juan ang nalalabing oras. Ngunit pagtadtad niya sa
Prinsesa, hindi niya namalayang tumalsik ang dulo ng isa sa mga daliri nito.
Muling naging mga isda si Donya Maria. Sandali lamang niyang kinapa ang ilalim ng
dagar. Tuwang-tuwa siyang umahon.
Muling sumakay sa batya ang Prinsesa. Nasa kamay na niya ang singsing. Ngunit
napansin niyang putol na ang dulo ng kartyang hintuturo.

DONYA MARIA: "Tingnan mo, Don Juan, kulang ang daliri ko. Tandaan mo ito para
makilala mo ako."

NARRATOR: Nakabalik sila sa pampang habang nahihimbing pa ang kaharian.


Pagkagising ng Hari, bumulaga sa kaniya ang singsing. Hindi siya mapalagay. Hindi
niya mapatay-patay ang Prinsipe. Noon din, inutusan niya ang kaniyang kawani.

HARI: "Tawagin mo si Don Juan at mag-uusap kami."

NARRATOR: Masiglang humarap sa Monarka ang Prinsipe.

HARI: "Narito ang aking ipagagawa. Mayroon akong isang alagang kabayong hari sa
kasamaan. Mailap ito at naninipa. Gusto kong paamuhin mo ang mahal kong kabayo.
Balak kong gamitin siya sa aking pag-aaliw. Kunin mo siya sa kaniyang bahay, pati na
ang busal at iba pang kagamitan sa pagsakay.
Magpahinga ka na ngayon, dahil kailangan mo ng lakas bukas para paamuin siya.'

NARRATOR: Ngunit hindi matahimik ang isip ni Don Juan. Naiinip na siya sa
paghihintay. Lampas na sa takipsilim nang dumating ang Prinsesa.

DONYA MARIA: "Sabihin mo na, Don Juan, ang utos ng aking ama,"
DON JUAN: "Ang mailap na alagang kabayo ng iyong ama, dapat ko raw sanayin
bukas, para umamo ang diyablo."

DONYA MARIA: "Don Juan, ang kabayo ay walang iba kundi ang aking ama. Mag-
ingat ka sa pagsakay. Ang katad na pamigil, na may gintong nagniningning at tulad ng
garing, sila ay mga kapatid ko. Ang nakasihang na bakal na busal ay ako. Kapag
hinamon mo, masasakyan mo ang kabayo. Mag-ingat ka sa kabayo nang hindi ka
mapahamak. Magbabaga ang mga mata niya at aatungal sa paglapit mo sa talian. Sa
talas ng mga kuko niya, mawawalat ang katawan mo. Maninipa at daramba siya, kaya
galingan mo sa pag-ilag. Lahat ng dagok at palo ay gawin mo, hanggang sa mahirapan
siya. Mahahalata mong mahina na siya kapag bumulwak na ang mga luha niya. Subuan
mo agad ng busal. Lagyan mo ng matibay na renda."

NARRATOR: Ang Prinsesa na ang bahala sa bibig ng kabayo, dahil siya ang may
preno. Binilinan niya ang Prinsipe na laging higpitan ang hawak sa renda, kung hindi ay
maluluray ang katawan niya.

DONYA MARIA: "Ililipad ka hanggang sa alapaap at lalagpak ka sa lupa. Para hindi mo


ito abutin, lagi mo siyang hihigitin. Suwail ang kabayo. Marapat lamang na paluin mo
ang kaniyang ulo. At kung nagtitigas siya, paluin mo siya at tisurin ng espuelas, nang
manghina siya agad. Pagdaloy ng luha at pagsago ng laway niya, lubayan mo na at
ihatid sa hapunan. Mas mabait pa siya sa banal."

NARRATOR: Nagpaalam na ang Prinsesa at nagbalik sa palasyo para maghintay ng


umaga.
Pagdating ng umaga, tinupad ng Prinsipe ang atas sa kaniya. Noon niya napatunayan
ang sama at kalupitan ng kabayo. Nanggigigil na ang mga ngipin nito at umaangil sa
talian. Nang lapitan siya ay nagdaramba at nagsisipa, ibig na mapatay si Don Juan.
Sinikaran niya ito, hanggang sa mahilo at sumunod na parang lalango-lango. Inilabas
niya ito at tinuruang maglakad. Panay palo at takid ang inabot sa kaniya ng kabayo.
Ilang damba pa, ibig nang lumipad ng hayop, ngunit dahil sa higpit ng renda, ni hindi ito
makatakbo.
Nahapo ang kabayo. Tumulo na ang luha at laway. Umamo ang kaniyang mga mata.
Mahina na ang katawan niya nang ibalik sa kaniyang tahanan.
Pagsapit ng gabi, muling dinalaw ni Donya Maria ang Prinsipe dala ang isang balita.
DONYA MARIA: “Bukas, pagkaumaga, ipapasundo ka. Magkikita kayo ng aking ama
sa palasyo. Maaari ka nang magtuloy sa palasyo. Natapos din sa wakas ang daluyong
ng panganib. Daratnan mo ang ama ko na naghihintay. Hakahiga siya dahil sa sakit ng
katawan. Ayaw niyang bumangon.”

NARRATOR: Nagpaalam agad ang Prinsesa. Kapansin-pansin ang kaniyang


kalungkutan. At para ba siyang nanghinawa na sa pagdalaw. Ni hindi niya sinuyo ang
Prinsipe.
Ngunit hindi nagtampo si Don Juan. Ganoon ba siya dahil may mabigat na
karamdaman ang kaniyang ama? Alam nitong siya lamang ang kaniyang mutya. Ang
iniisip niya ngayon ay kung bakit maaari na siyang pumanhik sa palasyo.
Binati ng umaga si Don Juan. Ilang sandali pa, dumating na ang susundo sa kaniya.

UTUSAN: "Kamahalan, sa palasyo ay hinihintay kayo ng magandang kapalaran. Bilin


po ng Hari na magmadali kayo, dahil bago mananghali ay gagawin na ang pagpili."

DON JUAN: "Pagpili? Pagpiling ano?"

UTUSAN: "Ewan ko po, ginoo."

DON JUAN: "Binibiro mo yata ako."

UTUSAN: "Hindi po. Iyan po ang totoo."

NARRATOR: Saka humayo ang dalawa at patakbong naglakad.


Marami nang taong naghihintay sa palasyo. Naroon ang mga kawal ng Hari. Gayon din
ang kaniyang mga kalihim, kasangguni, at kamag-anak. Nakangiti silang lahat kay Don
Juan.
Takang-taka ang Prinsipe sa pangyayari. May sakit ang Hari, ngunit mayroong
kasiyahan. Humarap siya sa Monarka.

DON JUAN: "Haring makapangyarihan, handog ko po ay paggalang. Naghihintay po


ako sa inyong ipag-uutos."
HARI: "Paumanhin, sa pagtanggap ko sa iyong hindi maginoo. May bahagya akong
karamdaman ngayon. Masakit ang katawan ko at mabigat ang aking ulo. Gayunman,
gusto kong magkausap tayo dahil may utang ako sa iyo. Para makaganti ako kahit
paano. Kaya naman naririto at nakahanda ang handog ko. Buksan mo ngayon ang
dibdib mo at ang pagpili ay nasa iyo."

NARRATOR: Agad na tumindig ang nakahilig na Hari. Kinawit niya si Don Juan at
humarap sa tatlong silid. Mayroong butas sa pintuan ang bawat silid. Naroon sa loob
ang tatlong tala niyang anak. Mga hintuturo lamang ang nakalitaw sa bawat butas, nang
hindi mahulaan kung sino sa magkakapatid ang nasa loob.
Gayon pa man, natalo ang Hari. Magaling mamili si Don Juan. Tahimik na nilampasan
ng Prinsipe ang una at pangalawang silid. Sa pangatlo siya tumindig. Buong lugod
niyang hinawakan ang nakasuot na putol na hintuturo.

DON JUAN: "Mahal na Hari, narito ang aking irog."

NARRATOR: Hindi na nga niya binitiwan ang daliri habang binubuksan ang pintuan.
Napatda ang Hari. Hindi niya akalaing napili ng Prinsipe ang pinakamamahal niyang
anak. Ngunit yamang naroon na, pinasama na niya ito kay Don Juan.
Nagpaalam na ang magkasi sa isa't isa. Ngunit mabigat ang dibdib ng isa sa kanila
dahil sa karamdaman ng kaniyang ama.

Harangan man ng Sibat


(Buod ng mga Saknong 1 320-1 467) ni Mark Angeles

NARRATOR: Naiwan ang hari sa palasyo. Sa gitna ng pighati, nag-isip siya ng


panibagong pakana. Balak niyang hikayatin ang Prinsipe na magdestino sa Inglatera.
Maiiwan ang Prinsesa sa kanyang poder, lalo’t ayaw niyang makasal ito sa Prinsipe.
May isang kapatid sa Inglatera ang Hari. Bata pa ito at maganda. Sa palagay niya,
bagay ito kay Don Juan. Kung magkaibigan ang dalawa, ipapakasal sila sa palasyo.
Maluwag sa kaloobang tatangkilikin niya ang dalawa habambuhay. At kung hindi
maibigan ng Prinsipe ang kanyang kapatid, lalo siyang sasabog sa galit.
Handang ipapatay ng Hari ang Prinsipe, kahit kasalanan pa ito at laban sa karangalan.
Lihim niyang inilagda ito sa isang sulat.
Ngunit nabunyag din ito sa nagmamatyag na Prinsesa.

DONYA MARIA: “O, ang Ama ko! Bakit ba wala siyang awa sa anak niya? Hindi ba
niya alam na mahal ko ang Prinsipe? Hindi ba’t parang ako na rin ang kanyang pinatay?
O, magulang! O, Pag-ibig! Nasaan ba ang daang matuwid? Ilawan ninyo ang nagdidilim
kong isip.”

NARRATOR: Tumugon ang puso ng Prinsesa.


“Pareho silang may pagsuyo sa iyo. Igalang mo ang iyong kadugo. Maging tapat ka sa
iyong pangako."

NARRATOR: Nagliwanag ang diwa ni Donya Maria nang makita ang isang landas: ang
tumakas sila ng Prinsipe. Tinawag niya si Don Juan.

DONYA MARIA: "Don Juan, magtatanan tayo. Kunin mo sa talian ang pinakamatuling
tumakbo. Bilangin mo ang pintuan. Nasa ikapito ang kailangan nating sakyan. Babalutin
ko naman ang lahat ng babaunin natin. Aalis tayo ngayon din. Sa Berbanya tayo
tumuloy. Masama na ang kutob ko rito. Handa na ang plano ng ama kong dalhin ka sa
Inglatera. Gusto ka niyang ipakasal sa tiya kong naroon. Kung hindi man mangyari,
baka ipatapon ka o doon ka paslangin."

NARRATOR: Nalilitong nanaog si Don Juan. Hindi niya natandaan kung aling kabayo
ang kailangan nila. Sa halip na ikapito, ikawalo ang nakuha niya.
Ano pa ang magagawa ni Donya Maria? Hindi na niya sinisi ang Prinsipe. Tumakas sila
habang tulog pa ang kaharian.
Ngunit, sa anong dahilan, napansin din sila ng Hari. Habulang umaatikabo ang
kasunod. Nabulabog ang buong kaharian.
Walang kapantay ang tulin ng sinakyang kabayo ng Hari. Naabutan niya ang magkasi
sa labas ng kaharian.
DONYA MARIA: "Don Juan, tingnan mo na ang ginawa mo. Naabutan tuloy tayo ng
ama ko. Paano natin malulusutan ang parusang ipapataw niya? Kung bakit kasi
nakalimutan mong kunin ang ikapito. Kasintulin iyon ng ipuipo!"

NARRATOR: Malapit na silang madakip ng Hari, kaya pinairal ng Prinsesa ang


kaniyang mahika. Naglaglag siya ng karayom. Dumami ito at naging mga bakal na tinik.
Ikinulong nito ang Hari.
Napilitang bumaba ang Hari sa kaniyang kabayo. Itinali niya ito. Dalawang araw niyang
hinawi ang mga tinik. Ngunit sa tagal ng kaniyang paghahawan, dalawang leguas
lamang ang natakbo ng nagtanan.
Muli hinabol ng galit na galit na Hari ang dalawa. Malapit na silang abutan nang ihulog
ng Prinsesa sa lupa ang sabon niya. Naging kasintayog iyon ng bundok at hinarangan
ang kaniyang ama.
Pati kabayo ng Hari ay bumabaon sa paglukso, kaya umiba siya ng daan. Malayo ang
kaniyang inikutan. Inabot siya ng pagod. Gayunman, apat na leguas lamang ang layo
niya sa dalawa.
Nang malapit nang masukol ang nagtanan, inilaglag ng Prinsesa ang dala niyang kohe.
Biglang naging malawak na dagat ang tuyong lupa. Umaatungal ang daluyong nito.
Halos mapatid na ang hininga ng Hari. Wala na siyang magagawa. Wala na siyang
lakas. Lumuluhang isinumpa niya ang kaniyang anak.

HARI: "Diyos na makapangyarihan, Kayo na po ang bahala."


sigaw niva matapos itaas ang kaniyang kamay sa langit.

HARI: "At ikaw, anak kong suwail, sana ay talaban ka ng dalangin ko. Hiling ko sa
Panginoon na gumapang kang parang kuhol. Sana ay maalala mo ang ginawa mo sa
akin. At kung makarating ka sa kaharian ng Berbanya, makalimutan ka ng iyong sinta,
itakwil ka't pabayaan, at sa iba siya magpakasal. Ito ang kabayaran ng ginawa mong
kataksilan."

NARRATOR: Nagbalik sa palasyo ang Hari. Dahil sa sama ng loob, hindi siya
mapagkatulog. Nagsimula na siyang kapusin ng hininga. Hindi siya nailigtas ng
kaniyang karunungan. Nagkasakit siya at tuluyang binawian ng buhay.
Sundan naman natin ngayon ang sinapit ng nagtanan. Tumalab ba sa kanila ang
dalangin ng Hari? Nakarating sa Berbanya ang dalawa nang ligtas sa sakuna. Minabuti
ni Don Juan na manatili muna sila sa nayon, hangga't hindi pa naaayos ang lahat.

DON JUAN: "liwan muna kita, Prinsesa. Huwag ka sanang malungkot. Haharap ako sa
ama kong Hari para malaman niya ang ating plano. Katungkulan ng palasyo na
salubungin ka nang marangal."

DONYA MARIA: "Bakit gusto mo pang mag-abala ang mga magulang mo? Hindi na
kailangang handugan pa ako ng parangal. Wala namang magbabago."

DON JUAN: "Tunay nga, mahal ko, ngunit bigyan naman natin ng kasiyahan ang
malungkot kong bayan. Alam mong matagal na nila akong hinihintay. Isa pa, malaking
kababaan na hindi ka parangalan ng Berbanya. Ano na ang sasabihin ng ama mo, lalo't
galit na galit siya sa atin? Kaya iiwan muna kita rito. Pangako, maya-maya rin ay
magbabalik ako."

DONYA MARIA: "Kung gayon, mayroon lamang akong isang hiling. Huwag mo itong
kalimutan. Pagdating mo sa palasyo, iwasan mong makitungo sa mga babae. Maski sa
iyong sariling ina. Mabigat ito, Don Juan, ngunit kailangan. Kapag hindi mo ito tinupad,
asahan mong matutulad sa nawakwak na basahan ang dangal ko. O, Don Juan, nag-
aalala ako. Karaniwan sa lalaki ang mabihag ng babae."

DON JUAN: "Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako gaya ng iba. Ikaw lamang ang
ligaya ng buhay ko.
Hindi ko magagawang pagtaksilan ka."

NARRATOR: Humayo na ang Prinsipe at nagtungo sa palasyo.


Nagdiwang ang lahat nang dumating si Don Juan. Dinumog siya ng madla. Yakap ang
isinalubong sa kaniya ng mga magulang. Nilapitan siya maging ng kaniyang mga
kapatid.
Halos himatayin si Leonora nang marinig ang kaniyang hinihintay. Para ba siyang
lumaya nang lumabas siya sa kaniyang silid. Paglapit ay bigla siyang umupo sa tabi ni
Don Juan. Hindi, aniya, kagaspangan ang kaniyang ginawa, dahil uhaw sa pagsinta ang
kaniyang puso.
Pitong taong nagdusa ang Prinsesa sa banta ni Don Pedro, kaya bakit pa siya mahihiya
ngayon? Nalaglag ang kaniyang mga luha at nagsabi,

LEONORA: "Mahal na Hari, patawad sa ginawa kong hindi karapat-dapat. Kayo na po


ang bahalang humatol. Hindi ko sinira ang aking panata. Tapos na po ang pitong taon
kong pagbabanal. Ipagtatapat ko ngayon sa inyong lahat na si Don Juan ang may-ari
ng puso ko. Sa kaniya ko gustong magpakasal. Siya ang nagligtas sa akin sa balon.
Hanggang sa agawin ako ng dalawa ninyong anak."

NARRATOR: Matagal na natahimik ang Hari, sampu ng iba pang nakarinig. Napako
ang kanilang tingin sa dalawang taksil.

DON FERNANDO: "Leonora, wala akong tutol sa lahat ng iyong sinabi. Kahit sino pa sa
dalawa ang piliin mo, umasa kang magiging manugang kita. Pag-iisang dibdib ninyo ay
gagawin sa Linggong ito. Ito ang pasiya ko, nang matapos na ang gulo. Samantala,
kung suwail man ang aking mga anak, maituturing itong pagtataksil sa bayan. Dapat
silang itakwil!"

LEONORA: "Tunay nga po, mahal na Hari. Ngunit sana ay paraanin ninyo muna ang
aking kasal."

NARRATOR: Naayos din ang problema. Nagkasiyahan ang lahat. Naniwala ang Hari at
Reyna na naparam na ang ulap.
Ngunit hindi nila batid na may apoy ng ligalig na namumuno sa nayon. Sa tulong ng
dunong ni Donya Maria, nalaman niyang tuluyang nakalimot ang kaniyang Prinsipe.
Inabot ng tatlong araw at hindi pa rin ito dumarating. Nalaman niya ring may kasalan sa
palasyo sa darating na Linggo. At sina Don Juan at Leonora ang ikakasal.
Handa na ang paghihiganti ni Donya Maria. Pagbabayarin niya ang taksil.
Dumating ang araw ng kasal. Tuwa ang naghari sa loob ng Prinsipe, kapanglawan
naman ang sa Prinsesa. Hiniling ni Donya Maria sa kaniyang singsing na bigyan siya ng
isang karosang walang kapantay sa ganda. Gayundin ng kasuotan ng isang emperatris.
Anumang kaniyang hilingin ay ipinagkakaloob ng singsing.
Isinuot ni Donya Maria ang kaniyang magarbong damit. Para siyang isang serafin sa
langit. Sumakay siya sa karosa at napaligiran ng mga utusan. Kung titingnan pa ay para
ba siyang si Venus de Milo.
Labindalawang kabayo ang nakasingkaw sa karosa. lisa lamang ang kanilang hitsura at
tindig. Anim na baguntao naman ang mga kasamang kutsero. Sa likuran ay may anim
na lakayo. Tungkulin ng mga ito na ayusin ang mga kabayo sa paglakad ng reyna.
Magkakamukha ang mga ito.
Nang makitang dumating sa palasyo si Donya Maria at kaniyang mga kasama, walang
kapantay ang naging paghanga ng lahat.

DON FERNANDO: "Isa siyang emperatris, sa palagay ko,"

NARRATOR: Ani Don Fernando. Inutusan niyang patugtugin ang musiko at salubungin
ang Prinsesa.
Namalas ng lahat ang ganda ng gintong karosa, gayundin ang ringal ng mga abay.
Pagtapat nila sa palasyo, sumigaw ang mga tao,

MGA TAO: "Totoong emperatris ang dadalo sa kasal!"

NARRATOR: Kaya inutusan ng Hari at Reyna ang lahat na maghanda sa pagtanggap.


Ipinahinto muna niya ang kasal alang-alang sa panauhing dumating.
Sa palasyo, itinabi si Donya Maria sa Reyna.

DONYA MARIA: "Nahikayat akong dumalo sa kasalan," bulong niya kay Donya
Valeriana,

DONYA MARIA: "Ngunit nahuli na yata ako. Gusto ko pa namang batiin sana ang mga
ikakasal."

NARRATOR: Habang sinasabi iyon, nakatingin ang panauhin kay Don Juan. Walang
imik ang Prinsipe, kaya naisip niyang wala na itong pag-ibig. Walang kibo at tila bulag
ang Prinsipe. Para bang malabo ang mata o hindi nakakakilala. Hindi na nakatiis si
Donya Maria. Hindi man sinasadya, bigla siyang nasamid. Nagtikom siya ng bibig.

DON FERNANDO: "Emperatris na marilag, hindi ka pa huli,"


paliwanag ng Hari na nakaharap sa kaniya.
DON FERNANDO: "Pinigil ko ang kasal nang matanaw kayong dumarating. Kaya
sabihin mo na ang gusto mong sabihin."

DONYA MARIA: "Mahal na Hari, mahalaga po aking pakay sa pagdalo sa kasalan,"


sagot ng Prinsesa.

Bawat Hilahil ay May Kapalit na Ginhawa


(Buod ng mga Saknong 1 468-1 717) ni Mark Angeles

DONYA MARIA: "Papayagan kaya ng Hari at Reyna na ipakita ko ang isang larong
handog ko sa kanila? Isang larong bagay na bagay sa kasalan. Masaya't katutuwaan ng
ngayo'y ikakasal,"
wika ni Donya Maria.

DON FERNANDO: "Emperatris na marilag, ipakita mo na ang iyong palabas nang


makadagdag sa kasiyahan ng lahat."

NARRATOR: Umayos ng upo ang Prinsesa. Sinimulan niyang humiling sa kaniyang


diyamanteng singsing: Isang malaking praskong may tubig, kung saan nakasilid ang
dalawang maliit na mag-asawang Ita. Mas maitim pa sila sa uling at malalaki ang
kanilang mga mata. May hawak na suplinang panghampas ang Negrita. Kung kumilos
siya ay para ba siyang isang munting reyna. Humingi rin siya ng bandang musiko.
Maririnig ang kanilang tugtog, kahit wala namang tao.
Sinimulan ang palabas. Humudyat ang musiko. Umindak ang Negrita at lumibad ang
Negrito. Walang tigil sila sa pagsayaw, gayundin ang tugtog. Kay ingay ng palasyong
naaaliw sa palabas.

(INSERT SONG: SALIDUMAY)


NARRATOR: Lalo pa itong tumingkad nang ihinto ang paglibad. Nagsimula ang dula.
Nagharap ang mga Ita. Nakamata sila sa lahat.

NEGRITA: "Sagutin mo nga ako. Sino ba si Donya Maria at bakit siya narito?"

NEGRITO: "Ewan ko ba, aking poon. Ni hindi ko alam kung saang bayan siya nakatira.
Wala akong kakilang prinsesa, ni Donya."

NEGRITA: "Aba, O, Don Juan, nakalimutan mo na yata ang Prinsesang mahal mo.
Bakit mo nalimot si Donya Maria? Hindi ba't sumumpa ka pang hindi ka magtataksil?
Hindi mo na maalalang siya ang lagi mong kasama. Kasalo mo sa aliw at dusa.
Alalahanin mo, Don Juan, ang lahat ng paghihirap ni Donya Maria nang dahil sa iyo.
Itinaya niya ang kaniyang buhay, sampu ng kaniyang karangalan. Kung hindi dahil sa
kaniya, wala ka na. Noong utusan ka ng kaniyang amang Hari, hindi ba ang Prinsesa
ang pumasan nito? Nang ipatibag sa iyo ang mataas na bundok, sino ba ang naghirap,
hindi ba siya? Naipunla ang trigo, tumubo, namunga, nagapas, at nagiling sa buong
magdamag. At bago sumapit ang madaling-araw naluto ang mga tinapay. Kung
talagang limot mo na, itong aking suplina ang magpapaalala."

NARRATOR: Binigwasan niya nang matindi ang Negrito. Ngunit si Don Juan ang
nasaktan.

DON JUAN: "Aruy ko! Sino ang pumalo sa akin?"

NARRATOR: Daing ng Prinsipe, gayong paglinga niya, wala naman siyang katabi.
DONYA MARIA: "Ulitin ninyo ang sayaw at magpatugtog ang musiko, nang maaliw ang
lahat."

(INSERT SONG: SALIDUMAY)

NARRATOR: Lalong sumigla ang sayaw ng dalawa. Nalugod ang lahat sa kanilang
tawa at indak.
Matapos ang isang ligid, nag-utos si Donya Maria.
DONYA MARIA: "Itigil ang tugtog. Ipalit ang dula."

NEGRITA: "Sasariwain ko sa iyo kung nakalimutan mo na. Inutusan ka ni Don Salermo


na hulihin sa karagatan ang pinawalan niyang sandosenang Negrito. Sino ang
nagpakahirap hulihin sila sa dagat? Hindi ba si Donya Maria? Sumama ka pa sa kaniya.
Siya ang naglagay ng mga Negrito sa prasko. Siya rin ang nagdala nito sa Hari."

NEGRITO: "Wala akong alam sa tinibag na bundok, ni sa sinisid na dagat."

NARRATOR: Muling pinalo ang palalong Negrito. Napatayo si Don Juan sa kinauupuan
dahil sa sakit. Muling tumugtog ang musiko. Ngunit hindi gaya ng dati, malungkot na
ang himig nito. Muling nagsayaw ang mag-asawang Ita.

(INSERT SONG: SALIDUMAY)

Kalahating oras din silang naglibad, hanggang iutos ni Donya Maria na simulan nang
muli ang dula.

NEGRITA: "Hindi mo nga ba nakilala? Marami ka pang satsat. Kung gayon, bubuhayin
ko sa isip mo. lyong mataas na bundok na pinaligiran ng dagat, ipinag-utos ng
Monarkang ilipat sa palasyo. Sa tapat ng kaniyang durungawan nang mahanginan siya
kung maalinsangan. Natupad ang hiling niya. Pagkatapos hiningi niyang malipat iyon sa
gitna ng dagat. Gusto niyang maging tanggulan iyon ng kaharian. Magkaroon iyon ng
mga kanyon at kawal na handa sa digmaan. Alalahanin mo pa na nawala ang singsing
ng Hari at muli itong nakuha. Hindi ba't si Donya Maria ang naghanap sa singsing? Siya
ang sumisid sa dagat. Tinadtad mo pang parang tinapa ang kaniyang katawan. Nang
ihulog mo ang durog-durog niyang katawan, naging mga bilog na isda siya. Nakuha
niya ang singsing. Tinadtad mo siya ulit. Naalala mo kung bakit? Nakatulog ka nang
mahimbing. Napahamak na ang Prinsesa. Tumilapon ang dulo ng hintuturo niya at hindi
na nakita. Alalahanin mo pa nang paturuan sa iyo ang walang galang na kabayo. Bakit
ka nabuhay? Hindi ba't ang Prinsesa ang nagligtas sa iyo?

NEGRITA: Bakit nagmamalaki ka pa? Tiniis niya ang lahat alang-alang sa patay mong
pag-ibig. Kanino mo utang ang gantimpala sa iyo ng Hari? Hindi ba't nang ipatawag ka
ng Hari, winika niyang may laya ka nang mamili ng pakakasalan? Paano mo natiyak
ang iyong gantimpala sa tatlong magkakapatid? Naroon sila sa magkakaibang
saradong silid. Bawal kang [Link] ang putol na daliri kaya naalala mong
iyon ay sa iyong mutya. Nagtagumpay ka't nalinlang ang [Link] ka may
pagkakautang, hindi ba sa Prinsesa mong mahal? Nang payagan kang tumira sa
palasyo, hindi ba't si Donya Maria ang nagsumamo sa kaniyang ama? Nagtanan kayo
at iniwan ninyo ang kaharian, dahil nalaman niyang ibig kang mapatay ng Hari. At nang
makaalis na kayo't habulin ng kaniyang ama. sino ba ang unang-unang humarap sa
panganib? Kinalaban niya ang kaniyang ama dahil sa iyo. Para maligtas kayo sa parusa
ng Hari, hindi ba't gumawa siya ng dawag ng mga tinik na bakal? Nakatakas kayo dahil
nahirapang makaalis ang Hari sa pagkakaipit."

NEGRITO: "Ikaw ang may alam ng lahat nang iyan? Wala akong alam,"

NARRATOR: Sagot ng Negrito. At dahi ldito, muli siyang hinampas.


Ngunit ang Prinsipe pa rin ang nasaktan. Nang marinig ng musiko ang kaniyang daing,
nagpatugtog ito ng masayang tinig.

(INSERT SONG: DANUM)

NARRATOR: Nagtagal ang sayaw. Para bang pinapawi nito ang inip ng mga manonood
sa mahabang usapan. Natukso na ring magsayaw ang karamihan.
Napuna ni Donya Maria na lalo pa silang nagkasiyahan. Ngunit napuna niya ring lalo
pang nawili si Don Juan kay Leonora. Kaya bigla siyang nag-utos,

DONYA MARIA: "Itigil na ang pagtugtog. Magsalita ka na, Ita."

NEGRITA: "Durugtungan ko na ang naputol kong salita. Makinig ka sana, Don Juan.
Tatlong beses na humabol ang Hari. Tatlong beses din siyang nabaon. Una nga'y nang
maging tinik ang malinis na daan. Pangalawa'y nang tumakip sa tarik ang bundok na
sabon. Pangatlo'y nang ilaglag niya ang kohe at naging malawak na dagat ang daan.
Dito'y wala nang nagawa ang Hari. Narinig ng Diyos ang kaniyang pagtangis. Isinumpa
niya ang kaniyang anak. 'Diyos ko, kayo na po ang bahala.' At nang wala nang
humahabol, tumuloy muna kayo sa Ermepolis, isang nayon ng Berbanya. Pumayag ang
Prinsesang manatili kayo sa bahay ng isang pastol. Naisip mong mas mabuting ikaw
muna ang magpakita sa iyong ama. Na dapat lamang parangalan ng kaharian ang
Prinsesa. Ngunit tumutol siya. At sinabi pang bakit ba iyon ang gusto mo. Wala rin
namang magbabago. Bibigyan mo pa ng bagabag ang kaharian. Ngunit hindi ka
sumang-ayon. Itinuloy mo ang iyong balak. Nangako ka sa Prinsesang magbabalik ka
agad, pero umabot na ng tatlong araw. Nalimutan mo na ang pangako mo nang
dumating ka sa palasyo. Pati ang bilin niyang kausapin mo na ang lahat, huwag lamang
ang mga babae, dahil makakalimutan mo siya. Makinig ka. Ang totoo, sa galit ng
kaniyang ama, isinumpa nito ang Prinsesa. Hiniling niyang limutin ng Prinsipe ang
kanyang anak. Pakakasal sa ibang Prinsesa ang Prinsipe. At ang kaniyang anak na
Prinsesa ay gagapang sa hirap. Wala na ba ito sa isip mo?”

NEGRITO: "Wala nga sa isip ko! Wala akong masabi. Kahit pilitin mo pa ako, ang totoo,
wala akong alam sa pangyayari.”

NARRATOR: Hinagupit ang bulaan. Ngunit ang Prinsipe ang napaaray. Na kay
Leonora pa rin ang kanyang tingin.

NEGRITA: "Dahil limot mo na ang lahat, dapat ka nang mautas!"

NARRATOR: Hiyaw ng Negrita. Natapos ang palabas. Parang bulang nawala ang
Negrito at Negrita.

NARRATOR: Ang praskong balot ng pilak ang tanging naiwan sa hapag. May lihim na
kamandag ang laman nitong tubig.
Galit na tumindig si Donya Maria. Tinitigan niya si Don Juan nang hindi nito
mamalayang hawak na niya ang prasko.

DONYA MARIA: "Don Juan, hindi mo ba ako nakikilala? Ako si Donya Maria. Dahil
wala akong halaga, magsisisi ka. Katapusan na natin!"

NARRATOR: Nagitla ang lahat nang makitang akmang babasagin niya ang prasko.
Noon din nagliwanag kay Don Juan ang nakalipas. Nakilala niya ang Prinsesa at
kaniyang niyakap.
DON JUAN: "Ikaw nga, aking Prinsesa, ang iniwan ko sa nayon. Ikaw lamang.
Kasalanan ko kung bakit ka nagdurusa at nalulungkot. Kung hindi kita nalimutan,
maiiwasan sana ang gulong ito. Sa tuwa ko at ng Hari at Kaharian, nakalimutan ko ang
bilin mo. Hindi ko naiwasan ang babae. Kung sakaling galit ka pa sa akin, patawarin mo
ako. Hindi na mauulit."

NARRATOR: Saka humarap si Don Juan sa kapulungan at sinabi sa kaniyang ama,

DON JUAN: "Ama, sa kaniya ako pakakasal."

NARRATOR: Muling nagkagulo sa palasyo. Nagtaas ng kaniyang ulo si Leonora.

LEONORA: "Haring makapangyarihan, dinggin mo ang aking hinakdal. Pitong taon ko


itong itinago. Magkapatid kami ni Donya Juana. Galing kami sa angkan ng mga Reyno
sa bulubundukin ng Armenya. Masaya kaming namumuhay. Ituring kaming talinghaga.
Kahit nasa lupa ang aming tahanan, tago ito sa mata ng mga tao. Isang balong malalim
ang pinto ng aming bahay. Para makapasok, kailangang bumaba sa kadiliman gamit
ang lubid. Sa ibaba ako natagpuan ni Don Juan. Sinabi niyang ako ang kaniyang
buhay. Siya rin ang nagsabing iwan namin ang balon at magpakasal sa Berbanya.
Doon sa balon, sumuong sa maraming labanan si Don Juan. Kinalaban niya ang
mabangis na Serpyenteng may pitong ulo. Ito ang nagmamay-ari sa akin. Nanlumo ang
Prinsipe bago niya ito napatay. Hinarap din niya at napatay ang malupit na Higante. Ito
naman ang nagmamay-ari kay Donya Juana. Umahon kaming tatlo mula sa balon.
Nang paalis na kami sa burol, bigla kong naalala ang singsing kong mana ko pa sa
aking mga magulang. Naiwan ko iyon sa palasyo at gustong balikan. Nang mapuna ng
Prinsipe ang aking hapis, ayaw ko man, siya na ang nagprisintang bumalik. Sasampung
dipa pa lamang ang ibinaba niya sa balon, pinutol nina Don Pedro at Don Diego ang
lubid. Sa lalim ng lalagpakan, halos iyon ang kaniyang naging libingan. Dahil sa
nangyari, ibig ko na ring wakasan ang aking buhay. Ngunit naisip kong baka buhay pa
siya. Kaya inihulog ko sa balon ang dala kong engkantadong Lobo. Nagbilin akong
gamutin niya ang Prinsipe. Tatalon na sana ako sa balon, ngunit bigla akong
dinaluhong ni Don Pedro. Pinigilan niya ang kamay ko at nagsabing, 'Aanhin mo si Don
Juan kung narito naman ako? Pabayaan mo siya dahil wala na siya. Isasama namin
kayo sa Berbanya at magpapakasal tayo.' Kinaladkad kami ng magkapatid. Ano po ang
magagawa ng isang babaeng mahina? Maawa na kayo, mahal na Hari."
NARRATOR: Napoot at nahapis ang Hari nang marinig iyon. At noon din nilagdaan
niyaang hatol,

DON FERNANDO: "Sangalan ng Bathala, ang nauna ang may pala!"

NARRATOR: Tumindig si Donya Maria. Nakatitig siya sa Hari na para bang tinatanong
niya ito kung tama ang hatol. Nawika niya,

DONYA MARIA: "Pasintabi sa lahat. Hiling ko naman sa Hari na ako ay dinggin. Hindi
ko ibig puwingin ang hatol ng Hari. Gayunman, nakapupuwing ang aking sasabihin."

DONYA MARIA: "Sabihin mo na. Kung nasa iyo ang katwiran, asahan mong nasa iyo
rin ang katarungan."

DONYA MARIA: "Kaugnay po ng huling pahayag, hindi iyon nararapat. Napanood at


napakinggan na ninyo sa palabas ang buhay naming magsing-irog."

NARRATOR: Biglang napamata ang Hari at naalala ang dula. Naisip niyang mali ang
kaniyang hatol. Ngunit hindi na niya iyon mababawi pa dahil siya ang Hari. Kaya
nagsawalang-kibo siya at nagkunwaring may tinitimbang sa kaniyang isip.
Ngunit hindi ito nalingid kay Donya Maria. Tumayo siya at naghumindig.

DONYA MARIA: "Hindi ko ginawang patotoo ang dula. Kung nasambit ko man, bahagi
ito ng pagtatalo. Ipagpatawad mo, mahal na Hari kung sabihin kong nabubulag ang
batas sa hatol na hindi tama. Nag-iibigan kami ni Don Juan. Sa narinig ninyo sa Negrita,
idurugtong kong sinadya ni Don Juan ang aming kaharian kahit wala siyang alam. May
karunungan ang aking amang Hari at masasawi ang sinumang lumabag sa kaniyang
utos. Likas na sa gaya niyang magulang na ingatan kaming tatlong magkakapatid. Hindi
na mabilang ang mga nanligaw at nanilbihan sa amin, prinsipe man o maginoo. Naging
mga bato silang lahat,naging hiyas ng aming palasyo. At kung walang maaawa sa
kanila, doon na sila maaagnas. Hindi po ito pagyayabang. Tanungin po ninyo si Don
Juan kung paano siya nakaligtas sa kamatayan. Kahit sa isang utos ng aking ama,
matatapos siya, kahit pito pa ang buhay niya. Hiningi niya sa inyong anak na mapatag
ang bundok at bukid sa loob lamang nang magdamag. Sa magdamag din
napatubo,yumabong. napamunga, nahinog, at nagapas ang trigo. Walang natapon ni
isa nang gilingin at nagalapong. Naisalang ang mga ito sa pugon, naluto hanggang
maging mga tinapay na mainit-init pang nailagay sa hapag ng aking amang Hari.
Naging taksil ako sa aking ama nang dahil kay Don Juan. O, Pagsintang anong lakas,
kalabanin ka'y kay hirap, kapag ikaw na ang bumihag, hahamakin ang lahat!"

NARRATOR: Saka niya nilingon ang katabi niyang si Don Juan.

DONYA MARIA: "Nariyan po't maliwanag ang hinakdal niring palad,"

NARRATOR: Anang Prinsesa, saka naupo.

NARRATOR: Natigilan ang Hari sa kaniyang narinig. Hiningan niya ng hatol ang
Arsobispo. Utos ng Papa ang batayan ng huli, at nalugod si Leonora sa kaniyang hatol.

ARSOBISPO: "Utos ito ng Simbahan at batas ng Kalangitan. Ang una'y may karapatan
sa pag-ibig ni Don Juan,"

NARRATOR: Paliwanag [Link] si Donya Maria. Sa kawalan ng pag-asa,


ganito ang nasabi niya,

DONYA MARIA: "Ngayon ko lamang nalamang bali ang batas ng tao. Maamo ito sa
mali at lumalayo sa tama!"

NARRATOR: Binalingan niya ang Arsobispo at nagwika,

DONYA MARIA: "O, Diyos sa Kalangitan, liwanagan Ninyo kami. Marangal na


Arsobispo, ano ang katimbang ng puri ng tao?"

ARSOBISPO: "Wala ka nang magagawa. Si Leonora ang tinatanggap ng Simbahan.


Ikakasal siya sa Prinsipe."
NARRATOR: Agad na nawala ang awa ng Prinsesa at napalitan ng paghihiganti.
Ibinuhos niya sa palasyo ang tubig sa kaniyang prasko. Bumaha ang kaharian at
nasindak ang lahat.
Halos mamatay na ang lahat ng mga tao nang makiusap si Don Juan sa Prinsesa.

DON JUAN: "Pahupain mo ang galit mo, aking giliw. Kahit saan pa tayo makarating,
ako ay iyo at ikaw ay akin."

NARRATOR: Saka niya hinarap ang Arsobispo at sinabi,

DON JUAN: "O, Pontipising mataas, mahabag kayo kay Donya Maria. Siya ang laman
ng puso ko. Kung totoong nahandugan ko ng pagsinta si Leonora, nagtiis din si Don
Pedro. Tunay kaming magkapatid. Hindi kami dapat magtalo pagdating sa pag-ibig.
Karangalan niyang makasal kay Leonora. Pareho kaming may tungkuling patatagin ang
kaharian."

NARRATOR: Bumaling siya sa Prinsesa.

DON JUAN: "Leonora, abutin mo ang singsing mong nasa akin. Walang hanggan ang
pasasalamat kong nailigtas mo ang buhay ko."

NARRATOR: At sa Arsobispo at kaniyang amang Hari,

DON JUAN: "Arsobispo at mahal kong Ama, sa ngalan ng katarungan, ikasal ninyo
kami ni Donya Maria."

NARRATOR: Hindi na nakatutol ang dalawa. Agad nagpasiya ang Hari na ikasal sina
Don Pedro at Leonora, gayundin sina Don Juan at Donya Maria. Natuwa si Donya
Maria at wala ni pagtutol si Leonora.
Kasabay ng pasinaya ang hangad ni Don Fernando na ilipat ang kaniyang korona at
setro sa bagong hari. Para sa kaniya, ang kaniyang bunsong anak ang nararapat na
pamanahan. Ngunit iminungkahi ni Donya Maria na pabayaan na lamang na si Don
Pedro ang magmana.
DONYA MARIA: “May sariling kaharian si Don Juan at naghihintay po ito sa amin.”

NARRATOR: Pinutungan ng Arsobispo at ibinigay ang setro kay Don Pedro. Kay
Leonora naman ipinutong ang diyadema bilang bagong reyna ng Berbanya.
Matapos ang kasayahan, nagpaalam na sina Donya Maria at Don Juan. Nagbalik sila
sa kaharian kung saan namugad ang kanilang suyuan.
Para bang mga bayaning nagtagumpay sa digmaan ang dalawa nang dumating sa
kaharian ng ama ni Donya Maria. Ngunit dinatnan nila itong nasa ibang kamay na.
Nagsipanaw na ang kaniyang ama at mga kapatid. Gayunman, mapayapa ang reyno.
Kinilala ng lahat ang nagbalik na Prinsesa. Kahit yumao ang kanilang hari, mayroon pa
rin silang reyna. Ang mga naengkanto't naging bato ay binuhay niya't naging mga tao.
Naghandog siya ng piging sa madla, saka siya nagwika,

DONYA MARIA: "Ngayon puputungan ko ng korona si Don Juan, karugtong ng aking


buhay at Hari ng kaharian."

NARRATOR: Gayon nga ang nangyari. Diyadema naman ang ipinutong kay Donya
Maria.

"Viva!" anang kaharian.


"Viva!" ang tugon ng bayan.
"Nawa'y magtagumpay ang ating Hari!"
"Nawa'y mabuhay ang ating Reyna."

NARRATOR: Tumagal ng siyam na araw ang pista. Araw-gabing may musika.


Namayani ang kaayusan sa kamay ng bagong Hari. Sinunod siya ng lahat. Napatanyag
ang kaharian dahil sa buti ng kaniyang pamamalakad. Walang taong naghirap. Mabuti
ding halimbawa ang pagsasama nila ng Reyna.
Sa paglipas ng panahon, pumanaw ang Hari at Reyna. Labis ang pagdadalamhati dito
ng kanilang nasasakupan ngunit kailanma'y hindi nalimot ang kanilang mabuting
pamumuno.
WAKAS.

MUSIC LINKS:

AWIT NG IBONG ADARNA: [Link]


SALIDUMAY: [Link]
DANUM: [Link]

You might also like