Narrator: Sa isang mapayapang kaharian ng Berbanya, may isang hari na ang pangalan ay si
Don Fernando, ang kanyang asawa ay si Donya Valeriana. Sila ay may tatlong anak
na lalaki. Ang pinakamatanda ay si Don Pedro, ang ikalawa ay si Don Diego at ang
bunso ay si Don Juan.
Narrator: Sa palasyo ng kaharian. Si Don Fernando at Donya Valeriana ay natutulog ng
mahimbing sa kama.
Bumangon si Don Fernando mula sa pagkatulog, pawis, hinihingal, namumutla, at takot.
Don Fernando: A—ah! Don Juan… Aking anak! Mahal ko gumising ka!Nakita ko sa aking
panaginip ang ating anak… itinapon siya sa balon… ng sarili niyang mga kapatid! Ng ating
dalawa pang anak!
Narrator: Bumangon si Donya Valeriana at lumipat kay Don Fernando
Donya Valeriana: Aking asawa, napano ka? Panaginip lamang iyon. Huwag mong intindihin at
matulog na tayo ulit.
Don Fernando: Panaginip? Pakiramdam ko lahat ng iyong ay totoo!… Parang babala! Parang
Pahiwatig!
Donya Valeriana: Mahal ko! Napano ka!? Bakit ang init ng iyong temperatura!?
Narrator: Dali daling ipinatawag ni Donya Valeriana ang mga manggganot sa kaharian. Ilang
sandali ay pumasok na ito sa silid tulugan ng Hari at Reyna.
Unang manggamot: Kamusta po, mahal na hari? Kami’y narito upang gamutin ang inyong
karamdaman.
Pangalawang Manggagamot:
Mahal na hari, ito po ang mga herbal na lunas na pinaka mabisa sa buong kaharian.
Narrator: Sinubukan gamutin ng mga manggagamot ang Hari ngunit ang kanilang mga lunas
ay hindi tumabla sa sakit na dinarama ng hari. Wala na silang nagawa, nagpa tawag na sila ng
ermitanyo sa kaharian sa pag-asang magamot nito ang Hari.
Ermitanyo: Ang tanging makapagpapagaling sa mahal na Hari… ay ang pitong awit ng Ibong
Adarna!
Donya Valerian: Ang Ibong Adarna? Ano ito!? Saan namin ito matatagpuan!?
Ermitanyo: Isa itong mitikal na nilalang… Ito ay naninirahan sa puno ng Piedras Platas, sa
tuktok ng Bundok Tabor. Ngunit mag-ingat kayo sa paghahanap… Ang ibong ito ay may
kakayahang gawin bato ang sinumang maipotan nito habang natutulog.
Narrator: Dito nagsimula ang misyon ni Don Pedro at Diego. Isinugo sila ng Hari upang
hanapin ang mahiwagang ibon.
Narrator: Naghahanda na si Don Pedro para paglalakbay. Lumabas na sya ng palasyo at
handa na hanapin ang ibong adarna.
Don Pedro: Ako ang panganay. Ako ang unang isusugo. Ako ang karapat-dapat na humuli sa
ibong adarna at pagalingin si Ama.
Don Diego: Huwag masyadong kumpiyansa, kung kaya mo kaya mo. Pero wag kang aasa
kapatid.
Narrator: Lumakad ang prinsipe patungo sa Bundok Tabor. Mahaba ang kanyang nilakbay.
Hindi kalaunan ay natagpuan niya na ang puno.
Don Pedro: Ang ganda pala ng Piedras Platas. Parang mga diamante ang mga dahon… Ako’y
inaantok sa mahabang paglalakbay, magpapahinga lang ako ng saglit, wala pa naman ang
ibon.
Narrator: Natulog ng mahimbing si Don Pedro. Sa pagod ay nakatulog ito ng mahimbing at
hindi napansin na dumating na pala ang Ibong adarna! Bumaba ang ibon sa sangay ng puno at
sinumulang umawit. Umawit ang ibon, at di kalaunan ay umipot ito sa prinsipe na nag resulta sa
pagka bato nito.
Narrator: At siya’y naging bato… Lumipas ang tatlong buwan ay walang balita ang kaharian sa
unang prinsipe, kaya’t napag isipan ni Don Diego na sundan ang kapatid at hanapin ang ibong
adarna. Naglakbay ang pangalawang prinsipe, ngunit ang kanyang tadhana ay natulad kay Don
Pedro.
Narrator: Lumipas ang tatlong taon at wala parin ang dalawang prinsipe, nag aalala ng lubusan
ang hari sa kalagayan ng kanyang mga anak.
Don Fernando: Tatlong taon na ang nakalipas… Wala pa rin sila! Kailangan natin mahanap ang
Ibong adarna, ngunit ayaw kong isugo si Don Juan…
Narrator: Lumuhod si Don Juan sa kanyang ama, sa aktong nagmamakaawa.
Don Juan: Ama, ako na po ang sumunod. Bigyan niyo po ako ng pahintulot na hanapin ang
ibong adarna!
Narrator: Nagmamakaawa ang bunsong prinsipe sa Ama. Sa takot ng hari na matulad ito sa
kanyang dalawang kapatid hindi nya ito kayang bitawan, ngunit sa pagpilit ng anak at
kagustuhan gumaling ng hari at nagpasya na ito na pahintulutan ito.
Narrator: At nagsimula ang paglalakbay ni Don Juan para hanapin ang ibong adarna. Habang
naglalakad sa gitna ng daan, nakasalubong niya ang isang ketongin.
Ketongin: Maawa ka sa akin iho… kahit konting tinapay lang…
Don Juan: Ito na po ang huli kong baon, wala na po akong dala at magagawa pa. Pero mas
kailangan niyo ito.
Narrator: Kinain ng matandang ketongin ang huling baon ni Don juan. Sa lubos na pagkabait
ng prinsipe inilabas ng ketongin ang kanyang tunay na anyo, siya pala ang ermitanyo! Dahil sa
kabutihang-loob ni Don Juan, ibinunyag ng ermitanyo ang sikreto ng Ibong Adarna.
Ermitanyo: Pumunta ka sa bahay ko. Heto ang pitong dayap, matulis na labaha, at gintong
sintas. Kapag umaawit ang ibon, hiwain mo ang sarili gamit ang labaha, at lagyan mo ng dayap
ang sugat para hindi ka makatulog. Iwasan mo rin ang kanyang ipot. Pag nahuli mo, igapos
agad ng sintas.
Narrator: Sumunod si Don Juan sa payo ng ermitanyo, nagpasalamat ito at nag patuloy na sa
kanyang paglalakbay patungo sa puno. Di kalaunan ay nakarating na ito.
Don Juan: Ito na ang puno ng Piedras Platas. At ang ibong adarna!
Narrator: Sa bawat kanta ng ibon, sinusugatan ni Don Juan ang sarili, pinapatakan ng dayap,
at pinilit magpuyat. Sa huli, matagumpay niyang nahuli ang ibon gamit ang gintong sintas.
Narrator: Nakuha ni Don Juan ang mahiwagang ibon. At gamit ang tubig na ibinigay ng
ermitanyo, naibalik sa normal ang magkakapatid.
Don Diego: Juan? Ikaw bayan?
Don Pedro: Si Juan!? Hindi dapat ikaw ang karapat dapat! Hindi ito maaari!
Narrator: Bumalik na ang mga prinsipe sa kaharian at sa kanyang pagbabalik, nag lihim na
pinagplanuhan ng dalawa ang pagtataksil sa kapatid.
Don Pedro: Pagtaasan natin ng kamay si Juan. Tayo dapat ang magdadala ng ibon sa ama.
Don Diego: Sumasang-ayon ako sa plano mo… Gawin natin ito pag nasa gitna na tayo ng
kagubatan…
Narrator: Pagdating ng magkakapatid sa gubat, sinimulan na nila Don Diego at Pedro ang
kanilang plano. Walang hiyang pinagtaasan ng kamay ng dalawang nakakatandang kapatid si
Don Juan. Naiwan si Don Juan sa gitna ng gubat habang ang dalawa ay dumako na pabalik
dala dala ang ibong adarna.
Don Juan: Panginoon… Kung ito na ang huli… dinggin mo ang aking panalangin…
Narrator: Dahil sa kanyang panalangin, may isang matandang dumaan at tumulong sa kanya.
Tinulungan ng matanda si Don Juan gamit ang kanyang mahika.
Matanda: Hindi ko kayang pabayaan ang taong may mabuting puso na mag dusa!
Narrator: Unti-unting gumaling si Don Juan.
Don Juan: Salamat po sa iyong tulong! Ngayon maghihiganti na ako sa ginawa nila sakin.
Narrator: Mabilis na bumalik si Don Juan sa Berbanya. At sa kanyang pagbabalik sa palasyo
nadatnan nyang nakaupo si Don Fernando, ang kanyang mga kapatid at ang ibong adarna
habang pilit pinapa pakanta ni Don Diego at Don Pedro ang ibon.
Don Pedro: Kumanta ka, Ibong Adarna! Kumanta ka ngayon din—
Don Juan: —Tumigil kayo ngayon din! Nasa Akin ang katotohanan!
Narrator: Umawit na ang ibon at nag iba ang mga balahibo nito. Umawit ito sa sinapit ng
bunsong prinsipe sa kamay ng kanyang mga nakakatandang kapatid.
Narrator: Dito nalaman ng hari ang buong katotohanan at nagalit sa dalawang prinsipe.
Don Fernando: Pedro! Diego! Dapat kayong parusahan! Wala akong anak na asal hangal!
Don Juan: Ama! Patawarin nyo po sila! Hindi ako naghahangad ng paghihiganti sa aking mga
kapatid kabila ng mga ginawa nila sakin.
Narrator: Sa pakiusap ng Don Juan ay sumangayon na di bigyan ng parusa ang dalawang
prinsipe. Lumipas ang ilang araw. Isang gabi binabantayan ni Don Juan ang ibon, siya ay
nakatulog. Pumasok ang dalawang prinsipe at plinanong palayain ang ibong adarna.
Don Pedro: Diego palayain natin ang ibon!
Don Diego: Ngayon, wala na siyang maipagmamalaki sa Ama!
Narrator: Pinalaya ng dalawang prinsipe ang ibon, di nag tagal ay lumipas na ang araw. Gulat
na gulat si Don Juan na nakita ang kulungan na walang laman… Sa takot na mapagbintangan,
si Don Juan ay lumisan patungong Armenia. Ngunit dahil sa dalawang prinsipe Ipinahanap siya
ng Hari. Natagpuan sya ni Don Diego at Pedro na nakatira sa kagubatan.
Don Pedro: Halika na, Juan. Bumalik ka na sa kaharian.
Don Juan: Sige pumapayag ako… Ngunit hindi ko na kayo pinagkakatiwalaan ulit.
Narrator: Sa kanilang paglalakbay, nakakita sila ng balon. Bumaba ang tatlong prinsipe ngunit
si Don Juan lamang ang nakaabot sa pondo ng balon. Sa kanyang pagbaba ay nakita na ang
isang napakagandang ginintuang palasyo. Pumasok ito sa palasyo.
Don Juan: Anong lugar ito? Bakit may palasyo sa ilalim ng balon? Kay ganda pa naman!
Narrator: Sa paglalakbay sa loob ng palasyo nakakita siya ng dalawang prinsesa na
nakagapos.
Don Juan: Mga princesa!?
Narrator: Pumasok siya sa silid sa pagnanais na iligtas ang mga princesa.
Don Juan: Huwag kayong matakot. Ililigtas ko kayo!
Narrator: Binabantayan ng higante at serpyente na may pitong ulo ang dalawang prinsesa na.
Sa mabuting loob ni Don Juan kinalaban nya ang Higante at serpente. Gumamit si Don Juan ng
espada at pinaslang ang Higante at serpente. Pagkatapos niya mapaslang ang higante at
serpente lumabas na sila Don Juan at ang dalawang prinsesa sa balon.
Juana: Ikaw ang aming tagapagligtas… Ano ang iyong ngalan?
Don Juan: Ako si Juan, isa akong principe sa bansang berbanya.
Leonora: Oh Juan salamat sa iyong pagligtas sa amin!… Papurin ka ng maykapal!
Narrator: Nag pasalanat ang dalawang prinsesa kay Don Juan. Ng biglang napansin ni
Leonora na nawala nya ang kanyang singsing.
Leonora: Ang aking singsing! Naiwan ko ito sa palasyo!
Don Juan: Huwag kang mag alala, dito lang kayo. Ako ang kukuha sa singsing.
Narrator: Bumalik si Don Juan para kunin ang singsing ngunit sa kanyang pagbalik para umalis
pinutol ni Don Pedro ang lubid! Sumigaw si Don Juan sa pagkahulog. Si Don Juan ay
malubhang nasaktan. Ngunit si Leonora ay may alagang lobong mahiwaga.
Leonora: Aking Lobo, hanapin mo si Don Juan. Iligtas mo siya ngayon din!
Narrator: Nailigtas ng lobo si Don Juan. At umalis na papuntang berbanya. Ngunit sa
paglalakbay nya Berbanya biglang lumitaw ang ibong adarna sa sanga ng puno ng pinag
pahingahan nya! Nagising ito sa awit ng Ibong adarna.
Narrator: Umawit ang ibong adarna. Umawit ito tungkol sa isang prinsesang mas maganda pa.
Ang ngalan daw nito ay Maria Blanca… Anak ni Haring Salermo sa kaharian ng reyno de los
cristales.
Don Juan: Maria Blanca? Delos Cristal? Kailangan hanapin ko ang sinasabing prinsesa na ito!
Narrator: Nagpasya si Don Juan na hanapin ang Prinsesa. Dumaan siya sa limang bundok
ngunit hindi nya mahanap ang kaharian. Nagtanong siya sa isang ermitanyo na may edad na
limang daang, ngunit hindi niya rin alam kung nasaan ang kaharian. Kaya't sinabihan nya si Don
Juan na pumunta ikapitong bundok para hanapin ang isa pang ermitanyo na may edad walong
daang-taong gulang, natulungan siya nito at ng agila na sinakyan nya para makarating sa Delos
Cristal.
Narrator: Nagbilin ang agila. Magtago daw ito pag ang tatlong prinsesa ay maliligo tuwing
ikaapat. Dahil dito hindi nagpakita sa Don Juan at kinuha ang damit ni Maria Blanca habang
naliligo ito sa lawa. Hinanap ni Maria Blanca ang damit at di kalaunan nagpakita si Don Juan sa
princesa. Nagpakilala ito at ilahad ang kanyang malinis na layunin sa princesa ar hinahanap
niya ito.
Agila: Oh Juan! Wag kang nagpapakita sa tatlong prinsesa pag sila ay maliligo tuwing ikaapat!
Don Juan: Salamat Agila… Susundin ko ang iyong payo.
Maria Blanca: Bakit mo ako hinanap?
Don Juan: Hindi ko alam, ngunit hinatid ako dito ng puso ko… Maria ako nga pala si Juan…
Narrator: Nagustuhan siya ni Maria. Ngunit sinubukan sila ni Haring Salermo. Pinatawag ni
Haring Salermo si Juan.
Haring Salermo: Kung nais mong makuha ang kamay ng aking anak… gawin mo ang aking
mga utos!
Narrator: Pitong pagsubok ang pinagdaanan ni Don Juan at ito’y pawang matagumpay sa
tulong ng mahika ni maria blanca. Nalampasan ni Don Juan ang pitong pagsubok. Ngunit sa
huli, nalaman ni Maria Blanca na isinusumpa si Don Juan ng kanyang ama sa isang tiya sa
inglatera.
Narrator: Nagkaroon ng labu-labo at nag tanan ang dalawang magkasintahan. Subalit isinumpa
ni Haring Salermo na malilimutan ni Don Juan si Maria Blanca kapag may ibang babae ang
unang tumingin sa mata ni Don Juan. Pagbabalik ni Don Juan kasama si Maria Blanca sa
Berbanya, iniwan ni Juan si Maria sa labas ng kaharian. Nakita siya ni Leonora—at biglang
nakalimutan ni Juan ang lahat.
Narrator: Nangyari nga ang sumpa ni Haring Salermo! At itinakdang ipakasal si Don Juan kay
Prinsesa Leonora!
Don Juan: Leonora… Ikaw ang mahal ko, di ba?
Leonora: Hindi… Noong dumating si Maria Blanca nawala na ako sayo ng tuluyan…
Don Juan: Mali ka! Ikaw ang minamahal ko Leonora!
Narrator: Isang kasal ang itinakda. Nagalit si Maria Blanca. Pumunta ito sa kasal, suot ng
magandang damit at sakay ng magarang karosa. Gumamit ng mahika si Maria Blanca na nag
dahilan sa pagkawala ng sumpa ni Don Juan.
Don Juan: Maria! Nawala na ang aking sumpa! Naalala ko na… Ikaw ang aking tunay na
iniibig! Oh iniirog ko! Patawarin mo ako!
Maria Blanca: Oh Don Juan… Pinapatawad kita… Hindi mo kasalanan na sinumpa ka ng aking
Ama! Ngunit ang mas mahalaga na magkaisa na tayo ulit…
Don Juan: Salamat aking mahal… Dapat tayo ang ipakasal ngayon! Tutol ako! Kapag hindi
tayo ang magpakasal ngayon!
Leonora: Don Juan! Hindi mo ba naririnig ang iyong sarili!? Ako dapat ang papakasalan mo!
Hindi mo ba binatid sa akin na ako ang iyong mahal!?
Don Juan: Patawad Leonora… Ngunit ako ay nasa ilalim ng sumba noong panahon na iyon! Si
Maria ang tunay na nag papatibog ng aking puso!
Leonora: Sinungaling ka Don Juan! Labis mo akong nasaktan ngayon….
Narrator: Mariing tutol si Donya Leonora at nagkaroon ng pagpapaliwanag at pagtatalo.
Isinangguni sa arsobispo ang usapin at iminungkahi nito na dapat ipakasal so Don Juan kay
Donya Leonora. Nagalit si Maria Blanca sa balita, at binaha nya buong palasyo gamit ang
kanyang mahika dahil sa dito.
Narrator: Nagpasya si Don Juan. Ibig niyang sila ni Maria Blanca ang ikasal. Sila Leonora at
Pedro naman ang nagkatuluyan. Natuloy ang kasal at hinirang ni Haring Fernando hari at
Reyna ng Berbanya si Don Juan at Donya Maria Blanca. Tumutol ang dalawa subalit babalik
daw sila sa kahariang Reyno De Los Cristales kaya't naging hari at reyna ay sina pedro at
leonora.
Narrator: Bumalik sila Don juan at Donya Maria Blanca sa Reyno Delos Cristales at namuno
roon…