You are on page 1of 16

UNANG PARTE: ANG UNANG AT IKALAWANG PAGLALAKBAY

[Mga tauhan]
Don Pedro Haring Fernando Ibong Adarna
Don Diego Donya Valeria
Don Juan Manggagamot

[Setting: Kaharian]

[nakapalibot si Don Pedro, Don Diego at Don Juan kay Haring Fernando.]

Narrator: Noong unang panahon, mayroong isang kaharian na tinatawag na Berbanya. Ang namumuno
doon ay isang hari na hinahangaan ng lahat. Dahil sa angking kahusayan, maganda ang naging
pamamalakad sa Berbanya. Ngunit, Isang araw, nagkasakit ito.

Haring Fernando: (nakahiga at nanghihina ngunit gising)


Donya Valeria: (Nakatingin sa mga anak at nalulungkot) Malubha na ang sakit ng inyong ama.

[darating ang isang alipin]

Alipin: (yuyuko) Narito na po ang manggagamot. (aatras at yuyuko ulit bago umalis)
Manggagamot: (yuyuko muna sa reyna at mga prinsipe bago lumapit sa hari.) ang sakit ng hari ay
mabigat at maselan.
Don Pedro: Maylunas pa ho ba ang kanyang karamdaman?
Manggamot: (mag-iisip… ngingiti) huwag kayong mawawalan ng pag-asa mahal na prinsipe. (lalakad-
lakad)May mabisang gamot na magpapagaling sa hari. Kailangan niyang mapakinggan ang awit
ng ibong adarna.
Don Pedro: Saan namin makikita ang ibong ito?
Manggagamot: Naninirahan ito sa Bundok Tabor. Makikita niyo ito sa isang punong tinatawag na
Piedras Platas na makinang.
Haring Fernando: Mga anak ko. Nanghihina na ako. Maaari nyo bang hulihin ang ibon na iyon para sa
akin?

[mananahimik ang lahat]

Haring Fernando: Pedro?


Don Pedro: Ano po ang aking maipag-lilingkod, ama.
Haring Fernando: Ikaw ang nakatatanda. Maaari mo bang hulihin ito para sa akin?
Don Pedro: isa poi tong malaking karangalan, aking ama.

Narrator: at iyon nga ang nangyari. Naglakbay si Don Pedro papuntang bundok Tabor. At nang marating
niya itong bundok.
[Setting: Bundok Tabor]

Don Pedro: (hinihingal) hay nakakapagod. (sasandalan ang puno) ( iinum ng tubig at titingin sa itaas) Ito
na kaya ang bahay ng Ibong iyon? (uupo sa paanan ng puno)
Ibong Adarna: (aawit)
Don Pedro: (makakatulog)

Narrator: Sa kapagudan at sa awit ng Ibong Adarna nakatulog si Don Pedro. Ang ibon ay huminto sa
pag-awit ngunit may ugaling magbawas pagkatapos ng kanyang magandang tinig. Sa
kasamaang palad, Si Don Pedrong mahihimbing napatakan at naging batong buhay sa ilalim ng
Piedras Platas [pause] Sa hindi pagbalik ni Don Pedro, nagkagulo ang buong Berbanya. At ang
Ipinadala naman ay si Don Diego.

[papasok si Don Diego. Lalakad-lakad at mapapansin ang batong kapatid ngunit hindi nito makikilala.
Uupo ito sa tabi ng batong kapatid.]

Narrator: kaparehong kapalaran ang sinapit ng magkapatid. Nakinig ng awit at siya’y napahimbing. At sa
pagkakahimbing, napatakan ito at siyang kaawa-awang naging batong buhay din.
IKALAWANG PARTE: IKATLONG PAGLALAKBAY
[Mga tauhan]
Haring Fernando Don Juan
Donya Valeria Ermitanyo

[Setting: Kaharian]

[Nakaupo si Donya Valeria sa Tabi ng Hari.]

Narrator: Dahil sa hindi pagkakabalik ng dalawang magkapatid lumala lalo ang karamdaman ng Hari.

[Papasok si Don Juan]

Don Juan: Ama, nais ko kayong gumaling. Maaari nyo poh ba akong payagang pumunta sa Tabor upang
hulihin ang ibon at hanapin ang aking mga kapatid?
Haring Fernando: hindi maaari, anak. Ikaw na lamang ang natitira sa akin at kapag ikaw ay nawalay pa.
Tiyak ako’y mamamatay na.
Don Juan: Ngunit, ama, ang makita kang ganyan ay mas mahirap para sa akin. Patawarin ninyo ako
ngunit kung hindi ninyo ako papayagan, ako ay aalis na lamang ng labag sa inyong kalooban.
Haring Fernando: (nalungkot) Sige anak magtagumpay ka nawa.
Don Juan: (magmamano at yayakapin ng ama)

Narrator: Umalis ang paboritong anak ng hari kahit labag ito sa kanyang kalooban. Hindi tulad ng
dalawang kapatid, umalis siyang limang tinapay lamang ang baon at hindi siya sumakay ng
kabayo. Sa bawat isang buwan ng paglalakbay ay saka lamang niya kakainin ang tinapay. Nang
makalipas ang 4 na buwan, isang tinapay na lamang ang natitira sa kanya. Sa kanyang
paglalakbay, nasalubong niya ang isang leprosong matanda.

[Setting: Gubat]
Ermitanyo: Ginoo, maawa ka. Ako po’y humihingi kahit kaunting pagkain lamang
Don Juan: (naawa, kukunin ang natitirang tinapay at ibibigay sa matanda)
Ermitanyo: (kukunin ang tinapay) Maraming salamat, Ginoo, sa inyong kabaitan. Ano po ba ang inyong
pakay at baka maaari ko kayong matulungan.
Don Juan: Ang aking ama ay may sakit at ang tanging lunas ay ang awit ng ibong adarna. Nauna na ang
dalawa kong kuya ngunit tatlong taon na noong sila ay lumisan.
Ermitanyo: Ginoo, mahirap ang inyong binabalak ngunit maaari ko kayong matulungan. Pagdating sa
bundok ay may makikitang puno. Huwag doon tumigil. Tumingin lamang kayo sa ibaba at may
makikita kayong kubo, kung saan naninirahan ang taong magbibigay sa inyo ng payo upang
mahuli ang ibon. (iaabot ang tinapay) mahaba pa po ang byahe ninyo kaya kunin nyo na po ito.
Don Juan: Nagbibiro ka ba? Ibinigay ko na iyan sayo.
Ermitanyo: ngunit mas kailangan ninyo ito(iaabot ngunit aalis si Don Juan sa Set) , Ginoo! (pahabol ng
Leproso)
IKATLONG PARTE: BUNDOK TABOR
[Mga tauhan]
Don Juan Don Pedro Ibong Adarna
Ermitanyo Don Diego

[Setting: Bahay ng Ermitanyo]

Narrator: Nang marating ni Don Juan ang Bundok Tabor, Nakita niya ang sinasabi ng Leprosong matanda
sa kanya. Nakita niya ang kubo at nagtungo doon.

Don Juan: (nagulat at hindi makapaniwala) ako ba’y namamalikmata lamang o talagang kamukha mo
ang taong nilimusan ko ng tinapay.
Ermitanyo: ano ang iyong hangad, Don Juan?
Don Juan: ako po ay nandito upang hulihin ang Ibong Adarna na makapagpapagaling sa aking mahal na
ama.
Ermitanyo: Hindi madali ang iyong pakay, Don Juan. Sigarado ka ba sa iyong balak?
Don Juan: natiis ko poh ang gutom, pagod at puyat sa paglalakbay. Disididong disidido po ako sa aking
pakay.
Ermitanyo: kung gayon, ganito ang iyong gawin. Sa Piedras Platas (tuturo sa taas) nananahan ang ibong
adarna. Dumarating ito tuwing hating gabi. Sa pagkadapo, ito ay aawit. Ang awit nito ay
nakaaantok, iwasan mo, Don Juan ang makatulog. (kukunin ang labaha at dayap tapos ibibigay
kay Don Juan) Heto ang labaha at dayap. Tuwing aantukin hiwain ang iyong palad ay patakan
ito ng dayap. Tiyak antok mo ay mawawala. Pitong awit ang gagawin nito at pitong beses ding
magpapalit ng balihibo. Pagkatapos nitong umawit, ito ay magbabawas. Iwasan mo, Don Juan,
na ika’y mapatakan. Pagkatapos nito ang ibon ay matutulog. (kukunin ang taling ginto at
iaabot kay Don Juan.) Itali mo siya gamit ito.

[Setting: Bundok Tabor]

Narrator: Nang marinig itong lahat, umalis na si Don Juan upang hulihin ang Adarna. Lahat ng utos ay
kanyang ginawa. Sa bawat awit ng adarna, sinusugatan niya ang palad niya at pinapatakan ito
ng dayap. Sa sobrang hapdi siya ay nagigising. Pitong sugat ang natamo niya. Naiwasan niya
ang ipot ng ibon at naghintay siya na mahimbing na ito. Sa pagkakahimbing ng ibon ay tinalian
nya na ito at ipinakita sa Ermitanyo.

Ermitanyo: magaling, Don Juan. Maari mo bang kunin ang palayok na iyon?(ituturo ang palayok)
Don Juan: (kukunin ang palayok)
Ermitanyo: magmadali ka at punuin iyan ng tubig at pagkatapos ay buhusan mo ang dalawang bato at
mawawala sa pagiging bato ang dalawa mong kapatid.

Narrator: Iyon nga ang ginawa ni Don Juan. Naging tao muli sila Don Pedro at Don Diego. Bumalik silang
tatlo sa bahay ng Ermitanyo upang magpasalamat. Umuwi sila ng sabay-sabay.
IKA-APAT NA PARTE: ANG PAGTATAKSIL
[Mga tauhan]
Don Juan Don Pedro
Ermitanyo Don Diego

[Setting: Gubat]

Narrator: Habang naglalakad sa kagubatan…

[naglalakad ng sabay si Don Pedro at Don Juan. Nasa likod nila si Don Diego. Hawak naman ni Don Juan
ang ibon. Hihinto sila at magpapahinga sa ilalim ng isang Puno. Magkatabi si Don Pedro at Don Juan]

Don Pedro: (tumabi kay Don Diego) Naging maganda ang lakad ng ating bunso. Tiyak na sa kanya
nanaman ang mga parangal at basbas ni ama.
Don Diego: Mahusay si Don Juan, Kuya. Wala tayong magagawa doon. Kabiguan ang nasa atin at
katagumpayan naman ay sa kanya.
Don Pedro: Bakit hindi na lang natin sya patayin? (grin) Tiyak na sa atin ang mga parangal at basbas ng
ama.
Don Diego: Ayos ka lang ba, Kuya? Sarili mong kapatid ay papatayin mo?
Don Pedro: Hindi ka ba naiinggit sa kanya? Tignan mo. Paborito sya ni ama at ngayon nasa kanya
nanaman ang mga karangalan.
Don Diego: Hindi, Kuya. (umiiling-iling) mali ito. Magkakapatid tayo.
Don Pedro: Kung masama ang pagpatay (ibubulong sa kapatid ngunit rinig ng lahat) pagtulungan na
lamang natin siya.
Don Diego: Bahala ka kuya, ngunit, hindi ako kasama dyan. Magbubulag-bulagan na lamang ako.
(tumingin sa malayo)
Don Pedro: (tatawa at bubugbugin si Don Juan hanggang sa mawalan ito ng malay)(pagkatapos
bugbugin, kakalabitin si Don Diego at aalis sila sa set)

[papapasok ang Ermitanyo at aasikasuhin si Don Juan]


[nagkamalay si Don Juan. Magaan na ang pakiramdam]

Don Juan: maraming salamat po.


Ermitanyon: Walang anuman, Don Juan. Ngayon ay umalis ka na. Tiyak na hinahanap ka na ng iyong
ama.

Narrator: Dali-daling bumalik si Don Juan sa Berbanya. Ang mga paa niya’y tila lumilipad. Anung saya
ang naramdaman ng buong kaharian sa pagdating nya. Nagmano sa ama’t ina at niyakap ang
dalawang kapatid.
IKA-LIMANG PARTE: ANG PAGSASALAYSAY NG IBONG ADARNA
[Mga tauhan]
Don Pedro Don Juan Donya Valeria
Don Diego Haring Fernando Ibong Adarna

[Setting: Kaharian]

[nakapalibot si Don Pedro, Don Diego at Don Juan kay Haring Fernando. Nakasabit ang hawla ng ibon
malapit sa hari.]

Narrator: Noong dumating si Don Diego at Don Pedro, inilagay nila ang ibon sa tabi ng kanilang ama.
Kahit anong gawin nila ay ayaw nitong umawit. Ngunit, nang dumating si Don Juan, hindi
lamang ang hari ang sumigla. Nagsimula na ding umawit ang Adarna.

Haring Fernando: Mahal kong anak nagbalik ka. (niyakap ang anak pagkatapos nitong magmano sa
kanya at sa kanyang ina.)
Ibong Adarna: (aawit) Mahal na Haring Fernando, nasa inyong harapan ang inyong anak namatatag.
Nalampasan niya ang lahat ng mga pagsubok. Nagawa niya ang inyong pakay. Pitong awit ko
ay nalampasan niya, di tulad ng dalawang panganay nyong anak. Palad ay sinugatan ng pitong
beses. Sa hapdi ng dayap na ipinapatak sa sugat ay nagpanatili sakanyang maging gising.
Naiwasan niyang maging bato, di tulad ng dalawang panganay nyong anak. Siya ang nagbuhos
ng mahiwagang tubig sa dalawang naging bato. At naging tao silang muli. Sa paglalakbay, si
Don Pedro’y nakaisip ng isang masamang mithiin. Nais niyang mapatay ang inyong mahal na
anak upang mapunta dito ang inyong basbas at mga parangal. Kinonchaba si Don Diego ngunit
hindi ito pumayag kaya’t ito’y nagbulag-bulagan na lamang. Binugbog ni Don Pedro hanggang
sa manghina at iniwan na lamang sa kagubatan ang mahal ninyong busong anak. Mabuti na
lamang ay mayroong isang manggagamot na dumating. Napagaling ang kanyang mga sugat at
dumatal ngayon sa inyong harapan. Sa sinapit ng bunso niyong anak, ako ay nalumbay. Kaya ni
pagkain o pagkanta ay di ko magawa. Ayoko sa taksil n’yong dalawang anak. Mga sarili lamang
ang nais nila. Kaya yaman ng kaharian ay dapat mapunta kay Don Juang tunay.
Haring Fernando: (nagalit) Anong ginawa nyo sa inyong kapatid? Bakit nagkaganoon? Ang dapat sa
inyo’y nagmamahalan ng lubos. Kayong dalawa ay mga taksil.(ituturo ang dalawang
magkapatid na nasa tabi ng reyna)
Don Juan: (hinawakan ang balikat ng ama) Ama, mahabag ka. Anak mo din po sila. Sila po’y napatawad
ko na at ako na po ang humihingi ng kapatawaran para sa kanila.
Haring Fernando: kung iyon ang iyong nais. Patatawarin ko na din sila.
Haring Fernando: aking tatlong anak, isa pang pabor ang nais kong ipagawa sa inyo. Paki bantayan
naman ang ibon.
Tatlong Prinsipe: Opo!

[lalabas ang reyna at ang hari]


[matutulog si Don Juan]

Don Pedro: Don Diego, gisingin natin si Don Juan at siya naman ang magbantay dito.
Don Diego: sige kuya, inaantok na din ako ee.
Don Pedro at Don Diego: (ginising si Don Jaun)

[aalis si Don Diego sa set pagnagising na si Don Juan]

Don Juan: opo (uupo sa tabi ng ibon at makakatulog muli)


Don Pedro: (bago lumabas makikita ang kapatid na tulog) tignan mo ‘to? (ngingisi) (pakakawalan ang
ibon) bahala ka sa buhay mo. [aalis]

[nagising si Don Juan]

Don Juan: naku! Nasan na kaya yung ibon.(kinakabahang hahanapin ang ibon) Hala! Nakalipad na siguro
siya palabas. [pause] (mag-iisip) ah! Alam ko na. aalis na lamang ako ng Berbanya. [aalis]

[papasok ang hari at magugulat sa makikita]

Haring Fernando: Don Pedro, Don Diego, Don Juan! Nasaan kayo?! Nasaan ang Ibon? (pagalit)

[papasok ang dalawa at ang reyna]

Reyna Valeria: Bakit? Bakit parang galit na galit ka?


Haring Fernando: ang ibon… ang ibon ay nawawala.
Don Diego: hindi po namin alam, ama si Don Juan po ang bantay kagabi.
Haring Fernando: nasaan si Don Juan?
Don Pedro: Hindi po namin alam, ama. Wala po siya dito sa loob ng kaharian.
Haring Fernando: Hanapin ninyo sya. Magmadali kayo at hanapin nyo sya.
IKA-ANIM NA PARTE: BUNDOK ARMENYA
[Mga tauhan]
Don Pedro Don Diego Don Juan
[Setting: Bundok Armenya]

Narrator: Hinanap ni ng dalawang Prinsipe si Don Juan, ngunit hindi nila ito makita. Nahalughog na nila
ang mga malalapit na pook sa kanilang kaharian maliban sa Bundok Aremenya na buong
buhay nila ay hindi pa nila nararating. Nang marating nila ito, nabighani sila sa kagandahan ng
mga tanawin. Ang mga puno ay naghuhumtik sa bunga at parang hiwagang nawawala ang
kanilang mga problema.

: Sa di kalayuan, nakita ng dalawang Prinsepe si Don Juan.

[Don Juan nasa ilalim ng puno. Magkasamang naglalakad si Don Pedro at Don Diego. Makikita ni Don
Pedro si Don Juan.]

Don Pedro: (Pagkakita kay Don Juan, lilingon kay Don Diego upang bumulong dito) Diego, si Don Juan!
(Mahina lamang at may kasabay na turo)
Don Diego: (Lilingon-lingon) Saan?
Don Pedro: ayun oh! (ituturo) (bubulong) maganda ang lugar na ito ni Don Juan. Diego, manirahan na
lang tayo kasama niya?
Don Diego: magandang ideya yan kuya sige.

[lalapit ang dalawa kay Don Juan. Matutuwa at magyayakapan ang magkakapatid]

Don Pedro: Juan, aming bunso nagagalak ka naming makita ulit. Maganda ang pook na ito. Dito na
lamang kaya tayong manirahan lahat?
Don Juan: Magandang ideya, kuya. Kung sabagay… mabubuhay tayo dito ng kaaya-aya.
Don Diego: tara libutin natin ang kabundukan.

[maglalakad hangang sa balon]

Don Juan: Mga kapatid, Tignan ninyo. (ituturo ang balon) ang gandang balon. Sino kayang nagmamay-ari
nito?
Don Diego: Imposibleng may nag mamay-ari ng balong iyan. Wala namang malapit na bahay sa paligid.
(titingin-tingin sa paligid)
Don Juan: Tara tignan natin ang loob. Ako na ang mauuna.
Don Diego: Teka, kapatid, mas matanda ako sa iyo kaya ako ang mauunang bumaba.
Don Pedro: Teka teka… ako ang panganay. Ako na ang siyang mauuna.
Don Diego at Don Juan: Sige kuya. Ibalita mo na lamang sa amin ang meron sa loob niyan.

[bababa si Don Pedro sa balon]


[makalipas ang ilang minuto aangat muli]

Don Juan: (excited) Kuya, anong meron doon?


Don Diego: Kuya, Bat parang namumutla ka?
Don Pedro: (nanginginig at namumutla) madilim. Lubhang napakalalim ng balon. Hindi ko narating ang
ilalim.
Don Diego: kung gayon, ako naman ang bababa.

[bababa si Don Diego sa balon]

[makalipas ang ilang minuto aangat muli]

Don Juan: (excited) Kuya, anong meron doon?


Don Pedro: Diego, namumutla ka ng todo. Maupo ka muna
Don Diego: (uupo sa lapag sasandal sa balon) Madilim. Lubhang malalim ang balon. Hindi ko rin
narrating ang ilalim.
Don Juan: Kung gayon ako naman ang bababa.
IKA-PITONG PARTE: KAHARIAN SA BALON

[Mga tauhan]
Don Juan Prinsesa Juana Don Pedro
Prinsesa Leonora Don Diego Higante

[Setting: Kaharian sa loob ng balon]

Narrator: Si Don Juan lamang ang nakarating sa pinakailalim ng balon. Ang dalawang kapatid nya ay
muling nakadama ng pagkabigo. Sa ilalim ng balon ay mayroong kaharian. Isang Kaharian na
pagkaganda-ganda. Sa Kahariang iyon naninirahan, magkapatid na parehong mayroong
bantay.

[nakaupo sa sahig at nananahi si Prinsesa Juana]

Prinsesa Juana: lalalalala (habang nananahi)

[papasok si Don Juan]

Don Juan: napakagandang binibini.


Prinsesa Juana: (magugulat pagkakita kay Don Juan) sino ka?! Ano ang iyong pakay?
Don Juan: magandang binibini, huwag mo sanang masamain ang aking pagpunta dito.Naparito ako mula
sa itaas, ngunit nang makita ka ay ayaw ko nang bumalik pa. Nabihag ako ng iyong
kagandahan at (luluhod at aabutin ang kamay upang halikan ngunit aalisin ng prinsesa ang
kamay bago pa ito mahalikan.) handa akong paglingkuran ka panghabang buhay.
Prinsesa Juana: (napapangiti ngunit pinipigilan) kay tamis ng iyong mga salita ngunit… ayoko.(tatalikod
sa prinsipe ngingiti)
Don Juan: Mahal kong prinsesa, ang buhay ko ay ikaw. Anu pang saysay nitong aking buhay kung sawi
rin lang naman sa pagsinta. Kung gayon din lang naman, ako’y patayin mo na lamang.
Prinsesa Juana: (nalungkot) (haharap at itatayo si Don Juan) Tanggapin mo itong aking puso. Pag iyang
puso ay naglaho, nagtaksil ka sa iyong pangako.
Don Juan: Pagtataksil? Hinding- hindi ko magagawa iyan sa aking pinakamamahal.

[darating ang higante. Magugulat at matatakot si Juana]

Higante: Juana! Nasaan ang tanghalian ko?


Don Juan: Sino ka?
Higante: aba Juana, mukhang masarap ang inihain mo ngayon ah?
Don Juan: Aking prinsesa, magtago ka.

[tatakbo ang prinsesa paalis ng set]

[maglalaban si Juan at ang higante. Mapapatay ang higante.]


[papasok muli ang prinsesa]

Don Juan: Tara na, aking mahal, at tayo’y magpakasal.


Prinsesa Juana: Sandali. Hindi pa tayo pwedeng umalis… Ang kapatid ko… hindi ko siya pwedeng iwan.
Don Juan: Nasaan siya at susunduin ko.
Prinsesa Juana: Hindi iyon ganun-ganon na lamang iniirog ko. Tulad ko, ang kapatid ko ay mayroong
bantay. Ang bantay niya ay mas mahirap mapatay. Pito ang ulo ng ahas na ito at kahit putulin
mo ang mga ito, tutubo at tutubo pa rin ito.
Don Juan: Walang akong ibang hangad kundi ikaw ay mapasaya, aking prinsesa. Ako’y hayaang pumunta
sa iyong kapatid at siya ay aking ililigtas.(aalis)
[makikita si Prinsesa Leonora na nagluluto]

Narrator: Sa pag-alis ni Don Juan, nalungkot ang dalawang mag-irog. Pag-dating ni Don Juan sa
palasyong kinalalagyan ni Prinsesa Leonora. Nabihag ito ng kanyang kagandahan. Tila ba
nakalimutan na ang sintang minamahal.

Don Juan: napakagandang binibini.


Prinsesa Leonora: Sino ka?! Bakit ka naparito? (matatakot kay Don Juan)
Don Juan: Patawarin ninyo ako sa aking kapangahasan ngunit narito ako upang kayo ay paglingkuran.
Prinsesa Leonora: Ginoo, hindi mo poh ba nalalaman na ang buhay mo ay nasa panganib dahil sa
serpyenteng nagbabantay sa akin?
Don Juan: Mapanganib man ang aking haharapin. Kung ito nga talaga ang aking kapalaran, wala na
akong ibang magagawa kundi tanggapin ito ng walang luha. Ang tunay na kamatayan ay ang di
ka masilayan.
Prinsesa Leonora: ikaw ba’y nagbibiro, ginoo? Mga pagsuyong iyan ay hindi totoo. Ikaw nga ay lumayu-
layo pagkat hindi kita kailangan. Buhay mo ay masasayang lamang.
Don Juan: Minamahal kong Prinsesa, Huwag ka nang magalit sa akin. Kamatayan na ang nais ko kung
ako’y mahiwalay sa iyo. Ikaw na ang sa humatol sa aking buhay at handing-handa na akong
mamatay sa iyong mga kamay.
Prinsesa Leonora: (maaawa) (yayakapin si Don Juan) Heto ang bote na magkapagpapatay sa
serpyenteng aking bantay. Galingan mo at ako ay balikan.
[aalis si Don Juan]

Narrator: Kinalaban ni Don Juan ang ahas na bantay ng Prinsesa. Ito ay napatay nya, salamat sa tulong
ng boteng binigay ng Prinsesa. Nang mapatay ay bumalik sa dalawang Prinsesa at umakyat sila
sa balon. Pagdating nila sa itaas, anung inggit ang nadama ng dalawa niyang kapatid.

[Setting: Bundok Armenya]

Don Pedro: (tititigan si Prinsesa Leonora) Kay gandang Prinsesa niya aking kapatid.
Don Juan: iniligtas ko sila sa loob ng balon.
Prinsesa Juana: Naku! Ang singsing ko. Naiwan ko ang singsing ko sa ibabaw ng lamesa. Pamana pa
naman iyon ng aking butihing ina.
Don Juan: Huwag mag-alala, prinsesa. Kukunin ko ang iyong singsing. (bumababa ng balon)
[pagkababa ni Don Juan puputulin ni Don Pedro ang tali]

[sisigaw si Don Juan]

[Tatalon sana si Prinsesa Leonora ngunit mahihila ito ni Don Pedro. Mahihimatay si Prinsesa Leonora sa
kamay ng don.]
IKA-WALONG PARTE: ANG PAGLALAKBAY NI DON JUAN

[Mga tauhan]
Don Juan Donya Maria Mga Alipin
Ibong Adarna Haring Salermo

[Setting: Kaharian sa loob ng balon]

Narrator: Umuwi ng Berbanya ang dalawang magkapatid. Doon ikinasal si Prinsesa Juana kay Don Diego.
Ayaw naman magpakasal ng kapatid niyang si Leonora kay Don Pedro dahil ang mahal niyang
talaga ay si Don Juang hirang. Sa Kabilang banda, si Don Juan na nahulog sa balon ay lubhang
nakaratay. Pinagaling ng mahiwagang lobo na alaga ng prinsesang si Leonora.

: Nagsimulang maglakbay si Don Juan pauwi at sa paglakbay ay may nasalubong. Isang ibong
marikit ang saknya’y lumapit. Magandang tinig nito ay ipinarinig.

[Don Juan ay nakaupo sa ilalim ng puno. Ang ibong Adarna ay nasa sanga ng puno]

Ibong Adarna: (awit) Mahal na prinsepe, kay tagal nating nawalay sa isa’t isa. Anung ligaya ang
nadarama, nang ika’y makitang masigla. Ako ay umalis ngunit di dahil naghinanakit kundi dahil
sa dalawa mong kapatid na nais tayong patayin. Mabuti’t hawla lamang ang kanilang binuksan
at di natuloy ang kanilang maitim na balak. Sa kahapong nagdaan ay wala na tayong
magagawa kaya’t nararapat mo nang hanapin ang iyong kaligayahan. Iyo nang limutin si
Leonora mong iniibig pagkat mayroong mas magandang binibini. Kaya tayo na, Don Juan, sa
reyno ng De Los Cystal.

Narrator: Pinakinggan ni Don Juan ang awitin ng ibon at nagtungo nga sa De Los Cystal.

[setting: kagubatan]

[nakaupo si Donya Maria sa isang bato at doon nagsusuklay]

[darating si Don Juan]

Don Juan: (ipinikit at minulat ulit ang mata. Hindi makapaniwala sa magandang dilag na nakikita.)

Donya Maria: (ngingiti-ngiti)

Don Juan: (lalapit at luluhod sa binibini) Ako’y nabihag ng iyong kagandahan. Nang makita ang iyong
kariktan, puso ko’y kakaba-kaba. Ako’y anak ng Berbanyang Kaharian upang ikaw ay sadyang
puntahan. Narito ako upang ika’y paglingkuran at ialay ang aking buhay magpakailan.
Donya Maria: tumindig ka, ginoo ,kung ang sinasabi mo ay totoo.
[tumayo si Don Juan at hinawakan ang kamay ng donya]

Donya Maria: Sa ating pagsusuyuan, ang maglihim ay kataksilan. Ako ay isang prinsesa sa kaharian ng De
Los Reyes. Tumingin ka sa palagid. Lahat ng makikita mong bato diyan ay buhay na buhay na
tao noon. Iyan ang inilapat na parusa ng aking ama sa mga prinsepeng hindi nagtagumpay sa
kanyang mga pagsubok. Ngunit, aking mahal, hindi ko hahayaang matulad ka sa kanila. Tayo’y
pumanhik sa palasyo at Tinitiyak kong hinding-hindi ka magiging bato.

[Setting: Palasyo]

[Hari ay nakaupo sa trono]


[papasok si Donya Maria at si Don Juan. Si donya maria ay tatabi sa hari]

Don Juan: Magandang Hapon, Mahal na hari (yuyuko)


Haring Salermo: Magandang Hapon din sa iyo. Ano ang nais ng mahal na ginoo?
Don Juan: Narito poh ako upang hingin ang kamay ng inyong pinakamagandang anak na si Donya Maria.
Haring Salermo: Kung ganoon, maaari mo ba akong bigyan ng kaunting pabor.
Don Juan: Lahat poh ay gagawin para sa mahal na hari (yuyukong muli)
Haring Salermo: Narito ang mga buto ng Trigo

[ibibigay ng isang alipin ang mga buto ng trigo]

Haring Salermo: itanim mo ito ngayong gabi. At sa gabing ito mo rin siyang aanihin at gagawing tinapay.
Upang bukas ay may maihahanda sa aking pang-almusal.
Don Juan: Masusunod poh mahal na hari. (yuyukong muli)
Haring Salermo: Oh siya. Maiwan ko muna kayo at ako’y matutulog na.

[maiiwan sa set si Donya Maria at Don Juan]

Don Juan: Aking mahal na prinsesa, Mukhang imposible ang pinagagawa ng iyong ama sa akin.
Donya Maria: Huwag mag alala hindi kita hahayaang maging bato. Oh siya, matulog ka na rin at ako na
ang gagawa ng paraan.

Narrator: Dahil sa talentong majika blangka ng prinsesa. Nagawa nito ang pinapagawa ng Hari.
Kinabukasan ay mayroon na itong tinapay sa hapag. Hindi makapiniwala ang hari kaya ito’y
nag-utos muli. Lahat ng utos ng hari ay napagtagumpayan ni Don Juan at walang nagawa ang
hari kundi ibigay ang kamay ng kanyang mahal na anak. Ngunit paalis pa lamang ang dalawa
ng magbago ang isip ng hari at hinabol sila. Tumakas ang dalawa at napunta sa kagubatab.

[setting: Kagubatan]
Donya Maria: Aking iniibig, huwag mangamba. Ikaw ay bumalik na muna sa inyong kahirian. Lapitan ko
muna ang aking mahal na ama upang hindi ito mag-alala ng tunay. Ngunit, ipangako mo sa
akin, Don Juan, na hinding-hindi ka lalapit sa kung sinong kababaihan man.
Don Juan: Pangako aking mahal.

Narrator: Sila ay nagkahiwalay at si Don Juan ay umuwi.


IKA-SIYAM NA PARTE: ANG KASAL

[Mga tauhan]
Don Pedro Prinsesa Leonora Negro
Don Diego Prinsesa Juana Negra
Don Juan Haring Fernando
Donya Maria Reyna Valeria

[Setting: Kaharian]

Narrator: Natuwa ang buong kaharian sa kanyang pagdating lalo na si Leonora na nag-aantay sa kanya
ng pitong taon.

[masayang naghahapunan si Don Pedro, Don Diego, Don Juan, Prinsesa Leonora, Prinsesa Juana, Haring
Fernando at Reyna Valeria]

Prinsesa Leonora: (tatayo) sa pitong taong paghihintay ay nasilayan ko din ang aking mahal. Mahal na
Hari ang magpakasal sa iba ay kataksilan sa aking mahal. Kaya ngayong nandito siya anong
saya ang naramdaman.
Haring Fernando: Kung gayon, bukas na bukas din kayo ay ikakasal.

[Setting: Kasalan]

[Si Leonora at si Don Juan ay nasa tapat na ng altar]


[darating si Donya Maria]

Donya Maria: Sandali lamang. Mayroon akong handog sa ikakasal (ilalabas ang isang bote at bubuksan)

[lalabas ang isang negro at isang negra at nagsayaw-sayaw ang mga ito. Isinasalaysay ng sayaw ang
nangyari kay donya Maria at kay Don Juan.]
[pagkatapos nilang sumayaw ay yayakapin ng Don si Donya Maria at silang dalawa ang ikakasal]

Narrator: Ikinasal si Donya Maria kay Don Juan. Si Don Juan ang nagmana ng kaharian ng Berbanya at
namuno doon ng tulad ng kanyang mahal na ama.

You might also like