You are on page 1of 5

IBONG ADARNA Scene 1 (Palace) Narrator: Sa kaharian ng mapayapang Berbanya, tatlong magigiting na prinsipe ang naging bunga ng pagmamahalan

nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Panganay na anak si Don Pedrong may tindig na pagkainam, sumunod si Don Diegong malumanay at ang maginoong totoo na si Don Juan. Silay lubos na minamahal ng kanilang magulang. Don Fernando: Kayong tatloy mapapalad, angkin ninyo ang mataas na pangalang mga panta. Yamang ngayoy panahon nang kayoy tumalaga, mili kayo sa dalawa, magpari o magkorona? Don Pedro, Diego at Juan: Ang paghawak ng kahariat bayan upang mga itoy paglingkuran ay aming naiibigan. Don Fernando: Ipinapagmalaki ko kayo mga anak Scene 2 (Don Fernandos room) Narrator: Isang gabi nang mahimbing na natutulog si Don Fernando, napanaginipan niyang kanyang bunsong anak na si Don Juan. Diumano, itoy nililo at pinatay ng dalawang tampalasan. (a short re-enactment of the kings dream) (Sa sususnod na araw) (Don Fernandos wife and sons worriedly gathered to see the ill king) Donya Valeriana: Naku, mahal ko, ano ba ang nangyari sa iyo?(looks at husband sadly) Manggagamot: Sakit mo po, Haring Mahal ay bunga ng pangimpan, mabigat man at maselan, may mabisang gamutan. May isang ibon na ang pangalan ay Adarna, pag itoy narinig mong kumanta, ang sakit mo ay mawawala. Ito ay tumatahan sa kabundukang Tabor kung saan makikita ang Piedras Platas, punong tirahan ng ibong Adarna. Don Fernando: Diego, anak, hanapin mo ang ibong adarna para akoy gumaling na. Huwag mong dalhin ang iyong kabayo sa paglalakbay sapagkat itoy. Sundin mo ako. Scene 3 (Mountain)

Narrator: Sa kasamaang palad, sumuway sa utos ni Don Fernando si Don Pedro. Una siyang naglakbay sa kabundukan na higit sa tatlong buwan bago narating ang Bundok Tabor kung saan makikita ang Piedras Platas, punong tirahan ng ibong Adarna, siya ay dumaan sa mga ibat ibang pahamak sa kanyang paglalakbay upang makuha lang ang lunas para sa kanyang amang mahal . Don Pedro: (Climbs Tryingly) Malas naman nito, namatay ang aking kabayo Narrator: Hanggang sa Don Pedro: Natanaw ko na ang Piedras Platas Ang ganda ng kapaligiran lalong-lalo na ang punongkahoy na ginto (Breathing Heavily)(Walks toward the tree).(sits under the tree) (Ibong Adarna came, lands on the tree and begins to sing) Don Pedro: (yawns, (count1234 silently) and sleeps) (Ibong adarna drops on Don Pedro) (Don Pedro becomes stone) Scene 4 (Palace) Narrator: Nainip ang mga tao sa kaharian sa tagal ng paghihintay kay Don Pedro kaya minabuting hanapin naman ito ni Don Diego. Mga tao(group of commoners): Nasaan na kaya si Don Pedro? May pag-asa pa ba kayang gumali ang mahal na hari? Don Diego, matagal na tayong naghihintay para sa pagbabalik ng iyong nakatatandang kapatid na si Don Pedro kaya panahong ikay pupunta sa bundok ng Tabor upang hanapin ang iyong kapatid at ang Ibong makapaggagaling sa iyong ama Don Diego: (confidently says): Hindi ko po kayo bibiguin Kayang-kaya ko ito. Scene 6 (Mountain) Narrator: Naglakbay si Don Diego patungo sa bundok Tabor na hindi nagpaalam sa kanyang mga magulang. Inabot ng limang buwan ang paglalakbay ni Don Diego bago nakarating sa patutunguhan. Dumaan muna siya sa hirap bago nakarating sa Piedras Platas. Don Diego: Ano bang laking hiwaga, punong ganday

nakakaakit sa mata! Lumalalim na ang gabi, akoy mamahinga muna(sits on a rock).


(Ibong Adarna comes and sings) Don Diego: (sleeps) (Ibong Adarna drops on the prince, then he becomes a rock.) Narrator: Tulad rin sa nangyari kay Don Pedroy naging bato din si Don Diego.

Scene 7 (Kings room) Donya Valeriana: (paces back and forth) Mahal ko, masama ang kutob ko sa nangyayari kina Don Pedrot Don Diego. Ano ba ang dapat gawin natin?(worried) Don Fernando: (looks at Don Juan) Anak, ikaw nalang ay ang aking pag-asang akoy gumaling na sa pamamagitan ng paghahanap sa mahiwagang Ibong Adarna. Don Juan: Ama, gagawin ko po ang aking makakaya Paalam po sa inyo. (walks out of the kings room) Scene 8 (Mountain) Narrator: Masakit man sa kalooban nina Don Fernandot Donya Valeriana na mawalay ang pinakamamahal nilang anak ay wala silang magawa dahil sa paghahangad ni Don Juan. Kababaan ng loob at pagpapala ng Diyos ang tanging naging baon niya sa kanyang paglalakbay. (Don Juan tryingly hikes) Ermitanyo: Tulungan mo ako, akoy gutom na gutom Don Juan: (Gets bread) Ito ho, isang tinapay na baon para sa aking paglalakbay. Ermitanyo: Salamat! Ano po ba ang aking ipaglilingkod sa iyo bilang gantimpala sa iyong kabaitan? Itong tinapay ay ibabalik ko sa iyo Don Juan: Huwag po, para sa iyo ang tinapay. (Hermit disappears) Don Juan: (See Piedras Platas with amazement then sees a small house and knocks) Ermitanyo: Tumuloy ka, halikat sumalo sa akin sa pagkain. Don Juan: (sits down) Ang aking ama poy may sakit at ang tanging lunas lamang ay ang Ibong Adarna.

Ermitanyo: Don Juan, ang Ibong Adarna ay may engkanto na wala pang tumatalo. Don Juan: Titiisin ko ang lahat para lang gumaling ang aking ama. Ermitanyo: Ang punungkahoy na makinang na iyo nang naraanan, ay doon nga namamahay ang Ibong Adarna. Ang ibon ay dumadating sa hatinggabi, kumakanta ito ng malambing at magpapalit ng itsura ng balahibo hanggang ikay aantokin. Bwat kantang pakinggan ang palad mo ay sugatan, saka agad mong pigaan ng dayap ang hiwang laman kung hindi mo ito magagawa, ikaw ay magiging bata katulad ng iyong mga kapatid na sina Don Pedrot Don Diego. Dalhin mo rin itong sintas, itali mo pagkahawak sa Ibong Adarna. Don Juan, hayo ka na, itoy oras na talaga ng pagdating ng Ibong Adarna. Narrator: Nang nakarating na si Don Juan sa Piedras Platas, sinunod niya ang ipinayo ng matandang ermitanyo. Don Juan: Nandito na ang ibon (Bird sing and changed color) Don Juan: (does the things that the hermit said and then gets the bird with the rope) Ngayong nasa akin na ang Ibong Adarna, panahon nang aking iligtas ang aking mga kapatid. Ermitanyo: (appears) Iyang banga ay kunin mo, punin mo ng tubig at dahan-dahan mong ibuhos sa dalawang bato. Don Pedrot Don Diego: (hugs Don Juan) Salamat at kamiy binuhay mo Ermitanyo: Maghanda kayo sapagkat kayoy uuwi na. Magingat kayo Don Pedro, Diegot Juan: Salamat po. Hanggang sa muli (wave at the hermit) Narrator: Pauwi na ang tatalo sa kaharian, isang masamang balakin ang nabuo sa isipan ng nakatatandang kapatid na sinang-ayunan sa bandang hui ng ikalawang kapatid. Don Pedro: Bugbugin natin si Juan hanggang siya ay masaktan at mamatay. Nakawin natin ang ibong Adarna, ibigay natin kay ama, ipapagmalaki tayo ni ama at sa huliy tayoy magiging hari ng Berbanya, ang lahat ng kapangyarihan upang mamuno ay nasa atin sa huli Don Pedro and Diego: (punch Don Juan, grabs the ibong adarna and then run away) Scene 9 (Kings room) Don Pedro: Mahal kong ama, kamiy naririto nat dala ang ibong makakapaggamot sa iyong karamdaman.

Don Fernando: Nasaan si Don Juan? Don Diego: Ama, hindi po namin alam kung saan ang aming kapatid. Ngunit bumalik kami upang kayo ay gamutin. O ibong adarna, ikaw ay kumanta na. (Ibong Adarna does not sing and turns ugly) Don Fernando: Ano ang nangyari?!?! Scene 10 (Mountain and Hermits house) Ermitanyo: (appears and helps Don Juan lie down) Prinsipe, malubha ang iyong sugat hayaan mong gamutin ko ito. Narrator: Ilang araw ang nakalipas, maginhawa at handang umuwi na si Don Juan dahil sa tulong ng Ermitanyo. Don Juan: Salamat po sa lahat. Akoy babalik na sa Berbanya. (Shakes the hermits hand) Scene 11 (Kings room) Don Juan: Ama, akoy nandito na Don Fernando: Anak ko, akoy maligaya sapagakat ikaw na ay dumating. Narrator: Nang nakita ng Ibong Adarna si Don Juan, itoy biglang kumanta at gumanda. (Ibong Adarna sings) Donya Valeriana: Mahal ko, ano na ngayon ang iyong pakiramdam? Don Fernando: Akoy bumuti na! Ang ganda ng aking pakiramdam!

You might also like