You are on page 1of 10

Narrator: Sa paglalakbay ni Don Juan ay nakakita siya ng isang matandang leproso na humihingi ng

pagkain.

Naawa si Don Juan at binigyan niya ng isang pirasong tinapay ang matanda.

Kapalit ng kabutihan ni Don Juan, sinabi ng matanda ang paraan kung paano hulihin ang ibong
Adarna.

Leproso: Bakit, mahal na prinsipe, hahanapin niyo po ba si Ibong Adarna?

Don Juan: Oo. Nagkataon ba na alam ninyo kung papaano ito hulihin?

Leproso: kung gusto niyo malaman kung pano hulihin yon, may kilala ako na ermitanyo doon.
Matutulungan ka niya.

Leproso: Pagdating mo sa punon nang Piedras Platas, ika’y pumunta sa isang dampang maliit.
Ika’y kumatok at ang iyong kasaguta’y masasagot.
Don Juan: Maraming salamat po.
Leproso: (hinawakan ang kamay ni Don Juan) Ako’y may isa pang bilin, isapuso mo ang pag-
iingat, upang ika’y hindi maging isang buhay na bato. Tanggapin mo itong tinapay bilang
aking pasasalamat.
Don Juan: Hindi ko maaring bawiin ang isang bagay na akin nang ibinigay.
(Tumangging kunin ang tinapay) Paalam..

SCENE _____:

Narrator: Nagdaan pa ang ilang oras bago nya matunton ang punong kanyang hinahanap…

Don Juan: (Namangha sa Piedras Platas at nakita ang maliit na bahay, kumatok)
Ermitanyo: Tumuloy ka, halika’t sumalo sa akin sa pagkain.
Don Juan: May isang matandang Leproso ang nakapagsabi sa akin na kayo po ang makakatulong sa akin
Ermitanyo: Ano ba ang aking maipaglilingkod sa iyo?
Don Juan: (uupo) Ang aking ama po’y may sakit at ang tanging lunas lamang ay ang Ibong Adarna.

Ermitanyo: Don Juan, ang Ibong Adarna ay may engkanto na wala pang tumatalo.
Don Juan: Titiisin ko ang lahat para lang gumaling ang aking ama.
Ermitanyo: Ang punungkahoy na makinang na iyo nang naraanan, ay doon nga namamahay ang Ibong
Adarna. Ang ibon ay dumadating sa hatinggabi, kumakanta ito ng malambing at magpapalit ng itsura ng
balahibo hanggang ika’y aantokin. Bawat kantang pakinggan ang palad mo ay sugatan, saka agad mong
pigaan ng dayap ang hiwang laman kung hindi mo ito magagawa, ikaw ay magiging bato katulad ng
iyong mga kapatid na sina Don Pedro’t Don Diego. Dalhin mo rin itong gintong sintas, itali mo
pagkahawak sa Ibong Adarna.
Don Juan: (Nakita ang tinapay) Ikaw ba ay isang mahiwagang ermitanyo?
Ermitanyo: (ngumiti) Don Juan, ika’y humayo na sapakat ito’y oras na ng pagdating ng Ibong Adarna.
SCENE _____:

Narrator: Nang nakarating na si Don Juan sa Piedras Platas, sinunod niya ang ipinayo ng matandang
ermitanyo.
Don Juan: Nandito na ang ibon…

Narrator: Muli ay umawit ang ibon at nagbagong anyo


Don Juan: (ginawa ni juan ang lahat ng bilin ng ermitanyo) Ngayong nasa akin na ang Ibong Adarna,
panahon na upang aking iligtas ang aking mga kapatid.
Ermitanyo: (biglang sumulpot) Iyang banga ay kunin mo, punin mo ng tubig at dahan-dahan mong
ibuhos sa dalawang bato.
Don Pedro’t Don Diego: (niyakap si Don Juan) Salamat at kami’y binuhay mo…
Ermitanyo: Maghanda kayo sapagkat kayo’y uuwi na. Mag-ingat kayo…
Don Pedro, Diego’t Juan: Salamat po. Hanggang sa muli…

KABANATA 9

Narrator: Pauwi ng Berbanya, nagplano si Don Pedro na patayin si Don Juan dahil sa inggit.

Sinabi ni Don Pedro ang balak niya kay Don Diego, ngunit pinigilan ni Don Diego si Don Pedro.
Kung kaya’t binugbog na lamang nila si Don Juan.

Kinuha nila ang ibon at nagpatuloy silang umuwi.

Don Pedro: Mahal kong ama, kami’y naririto na’t dala ang ibong makakapaggamot sa iyong
karamdaman.
Don Fernando: Nasaan si Don Juan?
Don Diego: Ama, hindi po namin alam kung saan ang aming kapatid. Ngunit bumalik kami upang
kayo ay gamutin. O ibong adarna, ikaw ay kumanta na.

Narrator: subalit, pumangit na ang ibon at tumanggi itong umawit.

Mas lalong nalungkot si Don Fernando.

SCENE _____:
Ermitanyo: Prinsipe, malubha ang iyong sugat hayaan mong gamutin ko ito.

Narrator: Ilang araw ang nakalipas, maginhawa at handang umuwi na si Don Juan dahil sa tulong ng
Ermitanyo.

Don Juan: Salamat po sa lahat. Ako’y babalik na sa Berbanya.

SCENE:

Don Juan: Ama, ako’y nandito na…


Don Fernando: Anak ko, ako’y maligaya sapagakat ikaw na ay dumating.

Narrator: Nang nakita ng Ibong Adarna si Don Juan, ito’y biglang kumanta at gumanda.

(Umawit ang Ibong Adarna)

Donya Valeriana: Mahal ko, ano na ngayon ang iyong pakiramdam?

Don Fernando: Ako’y bumuti na! Ang ganda ng aking pakiramdam!


Ibong Adarna: Haring Don Fernando,si Don Juan po’y nagtiis ng madlang hirap, kamatayan ay hinamak
at sa utos mo’y tumupad. Siya po’y tinaksil ng iyong mga anak na sina Don Pedro’t Don Diego.
Don Fernando: Don Pedro’t Don Diego, ano ang pumasok sa inyong isipan at nagawa niyo ito sa sarili
niyong kapatid. Ito’y hindi katanggap-tanggap! Dahil dyan kayo ay aking tatanggalan nang
kapangyarihan dito sa Berbanya at kayo ay ipapatapon sa malayong lugar!
Don Juan: Ama, huwag na po kayong magalit. Mga kapatid ko’y aking pinapatawad at sana’y patawarin
ninyo po sila ama. Ako ay nakakasiguradong hindi na muli sila gagawa nang anumang bagay na hindi
kanais-nais.
Don Fernando: (nag-isip) Dahil sa iyong kahilingan anak, Don Pedro, Don Diego, kayo ay aking
pinapatawad. Pero sa susunod na mangyari ito, kamatayan na ang hatol ko.

Narator: Napagkasunduan nang magkakapatid na babantayan nila ang Adarna. Tig-tatatlong oras sila sa
pagbabantay. Maayos na sana ang lahat, pero…

(Nakatulog si Don Juan

SCENE:
Don Pedro: Don Diego, gisingin natin si Don Juan at siya naman ang magbantay dito.
Don Diego: sige kuya, inaantok na din ako ee.
Don Pedro at Don Diego: (ginising si Don Jaun)

[aalis si Don Diego sa set pagnagising na si Don Juan]

Don Juan: opo (uupo sa tabi ng ibon at makakatulog muli)


Don Pedro: (bago lumabas makikita ang kapatid na tulog) tignan mo ‘to? (ngingisi) (pakakawalan ang ibon) bahala
ka sa buhay mo. [aalis]

[nagising si Don Juan]

Don Juan: naku! Nasan na kaya yung ibon.(kinakabahang hahanapin ang ibon) Hala! Nakalipad na siguro siya
palabas. [pause] (mag-iisip) ah! Alam ko na. aalis na lamang ako ng Berbanya. [aalis]

[papasok ang hari at magugulat sa makikita]

Haring Fernando: Don Pedro, Don Diego, Don Juan! Nasaan kayo?! Nasaan ang Ibon? (pagalit)

[papasok ang dalawa at ang reyna]

Reyna Valeria: Bakit? Bakit parang galit na galit ka?


Haring Fernando: ang ibon… ang ibon ay nawawala.
Don Diego: hindi po namin alam, ama si Don Juan po ang bantay kagabi.
Haring Fernando: nasaan si Don Juan?
Don Pedro: Hindi po namin alam, ama. Wala po siya dito sa loob ng kaharian.
Haring Fernando: Hanapin ninyo sya. Magmadali kayo at hanapin nyo sya.

SCENE:
Narrator: Hinanap ni ng dalawang Prinsipe si Don Juan, ngunit hindi nila ito makita. Nahalughog na nila ang mga
malalapit na pook sa kanilang kaharian maliban sa Bundok Aremenya na buong buhay nila ay hindi pa
nila nararating. Nang marating nila ito, nabighani sila sa kagandahan ng mga tanawin. Ang mga puno ay
naghuhumtik sa bunga at parang hiwagang nawawala ang kanilang mga problema.

: Sa di kalayuan, nakita ng dalawang Prinsepe si Don Juan.


[Don Juan nasa ilalim ng puno. Magkasamang naglalakad si Don Pedro at Don Diego. Makikita ni Don Pedro si
Don Juan.]

Don Pedro: (Pagkakita kay Don Juan, lilingon kay Don Diego upang bumulong dito) Diego, si Don Juan! (Mahina
lamang at may kasabay na turo)
Don Diego: (Lilingon-lingon) Saan?
Don Pedro: ayun oh! (ituturo) (bubulong) maganda ang lugar na ito ni Don Juan. Diego, manirahan na lang tayo
kasama niya?
Don Diego: magandang ideya yan kuya sige.

[lalapit ang dalawa kay Don Juan. Matutuwa at magyayakapan ang magkakapatid]

Don Pedro: Juan, aming bunso nagagalak ka naming makita ulit. Maganda ang pook na ito. Dito na lamang kaya
tayong manirahan lahat?
Don Juan: Magandang ideya, kuya. Kung sabagay… mabubuhay tayo dito ng kaaya-aya.
Don Diego: tara libutin natin ang kabundukan.

[maglalakad hangang sa balon]

Don Juan: Mga kapatid, Tignan ninyo. (ituturo ang balon) ang gandang balon. Sino kayang nagmamay-ari nito?
Don Diego: Imposibleng may nag mamay-ari ng balong iyan. Wala namang malapit na bahay sa paligid. (titingin-
tingin sa paligid)
Don Juan: Tara tignan natin ang loob. Ako na ang mauuna.
Don Diego: Teka, kapatid, mas matanda ako sa iyo kaya ako ang mauunang bumaba.
Don Pedro: Teka teka… ako ang panganay. Ako na ang siyang mauuna.
Don Diego at Don Juan: Sige kuya. Ibalita mo na lamang sa amin ang meron sa loob niyan.

[bababa si Don Pedro sa balon]

[makalipas ang ilang minuto aangat muli]

Don Juan: (excited) Kuya, anong meron doon?


Don Diego: Kuya, Bat parang namumutla ka?
Don Pedro: (nanginginig at namumutla) madilim. Lubhang napakalalim ng balon. Hindi ko narating ang ilalim.
Don Diego: kung gayon, ako naman ang bababa.

[bababa si Don Diego sa balon]

[makalipas ang ilang minuto aangat muli]

Don Juan: (excited) Kuya, anong meron doon?


Don Pedro: Diego, namumutla ka ng todo. Maupo ka muna
Don Diego: (uupo sa lapag sasandal sa balon) Madilim. Lubhang malalim ang balon. Hindi ko rin narrating ang
ilalim.
Don Juan: Kung gayon ako naman ang bababa.

SCENE:
Narrator: Si Don Juan lamang ang nakarating sa pinakailalim ng balon. Ang dalawang kapatid nya ay muling
nakadama ng pagkabigo. Sa ilalim ng balon ay mayroong kaharian. Isang Kaharian na pagkaganda-
ganda. Sa Kahariang iyon naninirahan, magkapatid na parehong mayroong bantay.

[nakaupo sa sahig at nananahi si Prinsesa Juana]

Prinsesa Juana: lalalalala (habang nananahi)

[papasok si Don Juan]

Don Juan: napakagandang binibini.


Prinsesa Juana: (magugulat pagkakita kay Don Juan) sino ka?! Ano ang iyong pakay?
Don Juan: magandang binibini, huwag mo sanang masamain ang aking pagpunta dito.Naparito ako mula sa itaas,
ngunit nang makita ka ay ayaw ko nang bumalik pa. Nabihag ako ng iyong kagandahan at (luluhod at
aabutin ang kamay upang halikan ngunit aalisin ng prinsesa ang kamay bago pa ito mahalikan.) handa
akong paglingkuran ka panghabang buhay.
Prinsesa Juana: (napapangiti ngunit pinipigilan) kay tamis ng iyong mga salita ngunit… ayoko.(tatalikod sa
prinsipe ngingiti)

Don Juan: Mahal kong prinsesa, ang buhay ko ay ikaw. Anu pang saysay nitong aking buhay kung sawi rin lang
naman sa pagsinta. Kung gayon din lang naman, ako’y patayin mo na lamang.
Prinsesa Juana: (nalungkot) (haharap at itatayo si Don Juan) Tanggapin mo itong aking puso. Pag iyang puso ay
naglaho, nagtaksil ka sa iyong pangako.
Don Juan: Pagtataksil? Hinding- hindi ko magagawa iyan sa aking pinakamamahal.

[darating ang higante. Magugulat at matatakot si Juana]

Higante: Juana! Nasaan ang tanghalian ko?


Don Juan: Sino ka?
Higante: aba Juana, mukhang masarap ang inihain mo ngayon ah?
Don Juan: Aking prinsesa, magtago ka.

[tatakbo ang prinsesa paalis ng set]

[maglalaban si Juan at ang higante. Mapapatay ang higante.]

[papasok muli ang prinsesa]

Don Juan: Tara na, aking mahal, at tayo’y magpakasal.


Prinsesa Juana: Sandali. Hindi pa tayo pwedeng umalis… Ang kapatid ko… hindi ko siya pwedeng iwan.
Don Juan: Nasaan siya at susunduin ko.
Prinsesa Juana: Hindi iyon ganun-ganon na lamang iniirog ko. Tulad ko, ang kapatid ko ay mayroong bantay. Ang
bantay niya ay mas mahirap mapatay. Pito ang ulo ng ahas na ito at kahit putulin mo ang mga ito, tutubo
at tutubo pa rin ito.
Don Juan: Walang akong ibang hangad kundi ikaw ay mapasaya, aking prinsesa. Ako’y hayaang pumunta sa iyong
kapatid at siya ay aking ililigtas.(aalis)
[makikita si Prinsesa Leonora na nagluluto]

Narrator: Sa pag-alis ni Don Juan, nalungkot ang dalawang mag-irog. Pag-dating ni Don Juan sa palasyong
kinalalagyan ni Prinsesa Leonora. Nabihag ito ng kanyang kagandahan. Tila ba nakalimutan na ang
sintang minamahal.
Don Juan: napakagandang binibini.
Prinsesa Leonora: Sino ka?! Bakit ka naparito? (matatakot kay Don Juan)
Don Juan: Patawarin ninyo ako sa aking kapangahasan ngunit narito ako upang kayo ay paglingkuran.
Prinsesa Leonora: Ginoo, hindi mo poh ba nalalaman na ang buhay mo ay nasa panganib dahil sa serpyenteng
nagbabantay sa akin?
Don Juan: Mapanganib man ang aking haharapin. Kung ito nga talaga ang aking kapalaran, wala na akong ibang
magagawa kundi tanggapin ito ng walang luha. Ang tunay na kamatayan ay ang di ka masilayan.
Prinsesa Leonora: ikaw ba’y nagbibiro, ginoo? Mga pagsuyong iyan ay hindi totoo. Ikaw nga ay lumayu-layo
pagkat hindi kita kailangan. Buhay mo ay masasayang lamang.
Don Juan: Minamahal kong Prinsesa, Huwag ka nang magalit sa akin. Kamatayan na ang nais ko kung ako’y
mahiwalay sa iyo. Ikaw na ang sa humatol sa aking buhay at handing-handa na akong mamatay sa iyong
mga kamay.
Prinsesa Leonora: (maaawa) (yayakapin si Don Juan) Heto ang bote na magkapagpapatay sa serpyenteng aking
bantay. Galingan mo at ako ay balikan.
[aalis si Don Juan]

Narrator: Kinalaban ni Don Juan ang ahas na bantay ng Prinsesa. Ito ay napatay nya, salamat sa tulong ng boteng
binigay ng Prinsesa. Nang mapatay ay bumalik sa dalawang Prinsesa at umakyat sila sa balon. Pagdating
nila sa itaas, anung inggit ang nadama ng dalawa niyang kapatid.

[Setting: Bundok Armenya]

Don Pedro: (tititigan si Prinsesa Leonora) Kay gandang Prinsesa niya aking kapatid.
Don Juan: iniligtas ko sila sa loob ng balon.
Prinsesa Juana: Naku! Ang singsing ko. Naiwan ko ang singsing ko sa ibabaw ng lamesa. Pamana pa naman iyon
ng aking butihing ina.
Don Juan: Huwag mag-alala, prinsesa. Kukunin ko ang iyong singsing. (bumababa ng balon)

[pagkababa ni Don Juan puputulin ni Don Pedro ang tali]

[sisigaw si Don Juan]

[Tatalon sana si Prinsesa Leonora ngunit mahihila ito ni Don Pedro. Mahihimatay si Prinsesa Leonora sa kamay ng
don.]

Don Fernando: Mga anak! (hugs sons) Matagal ko kayong hinintay, natagpuan ba ninyo si Juan?
Don Pedro: Ama, walang burol, nayo’t bundok na di naming nahalughog, siniyasat naming ang
bawat tumok, sapa, batis at ilog, ngunit hindi po naming nakita ang iyong minamahal na si Don
Juan.
Donya Valeriana: Nasaan na kaya ang aking minamahal na Juan?
Don Fernando: Hindi ito maaari…
Don Diego: Ama, sila po’y magkapatid na prinsessang sa balon po tumitira, aming niligtas sila
sa kapahamakan.
Don Pedro: Si Leonora ang aking minamahal at si Don Diego’y nais ikasal din kay Donya Juana.
Donya Leonora: Haring mahal, hiling ko pong ipagpaliban muna ang kasal ng pitong taon.
Hiling ko naman po’y iyo akong bigyan ng silid upang doon ako matulog.
Don Fernando: Isasakatuparan ko ang iyong hiling, Donya Leonora. Ikaw naman, Donya Juana,
maghanda ka na’t sa ika-siyam na araw ay ika’y ikakasal kay Don Diego.
Scene 16
(Donya Leonora’s room)

Donya Leonora: Aking alaga lobo, iligtas mo si Don Juang aking giliw upang siya ay
mapasaakin. Don Juan, ako’y nangungulila sa iyong pagamamahal! (cries)

Scene 17
(Mountain)

Narrator: Nanumbalik ang lakas ni Don Juan, matapos siyang gamutin ng lobong alaga ni
Leonora.Nang naging mabuti ang pakiramdam ni Don Juan, siya’y iniwanan na.
Ibong Adarna: Mahal na prinsipe, hanapin mo si Maria Blanca ng kahariang Cristalinos at
kalimutan mo na si Donya Leonora. Ang payo ko ay makabubuti sa iyo. (flies away)

(Man goes to Don Juan)

Don Juan: Tulungan ninyo po ako. Ako po ay naglakbay patungo sa De los Cristal ngunit hindi
ko po iyon makita.
Lalaki: Ang bundok na iyong paruroonan ay nasa ikapitong hanay. Doon ay may ermitanyong
sasalubong sa iyo, ang barong na ito’y ipakita mo sa kanya. (gives the barong) Kaya humayo ka
na’t baka ikaw ay didilimin sa daan.
Don Juan: Salamat po.

Scene 18
(Palace)

Don Pedro: (knocks on Leonora’s door) Leonora, aking giliw, paki-usap buksan mo ang pinto.
Donya Leonora: (crying) Hindi ko gustong maikasal sa iyo! Ako ay maghihintay kay Don Juan,
siya ang tunay kong minamahal at hindi ikaw!
Don Pedro: Kahit anong mangyari ay hihintayin kitang buksan ang iyong puso para sa akin.
(sadly goes out)

Scene 19
(Mountain)

Ermitanyo: Umalis ka dito! Layuan mo ako, ikaw ay isang distorbo!


Don Juan: (gives the baro)
Ermitanyo: Isang galak ko na pagkakita sa baro mo. Patawad sa aking inasal, ano po ba ang
ipaglilingkod ko sa iyo?
Don Juan: Marangal na Ermitanyo, saan ba matatagpuan ang Reyno de los Cristales?
Ermitanyo: Ikaw ay ililipad sa kaharian ng Cristalinos ng aking alagang agila.

Scene 20
(Lake)
Narrator: Narating ni Don Juan ang kahariang Cristalinos sa tulong ng agilang alaga ng
ermitanyo. Unang pagkakita ni Don Juan kay Donya Maria Blanca ay nabihag na ang kanyang
puso.
Don Juan: O prinsesang sadyang marikit, ako’y humahanga sa iyong kagandahan, pakay ko ay
maglahad ng aking pag-irog sa iyo. Ako si Don Juang nais magbigay sa iyo ng ligaya habang-
buhay.
Donya Maria: Huwag kang maingay at baka marinig tayo ni ama.
Don Juan: Para sa iyo, ako’y buong tapang na magpapakilala ng aking sarili sa iyong ama.

Scene 21
(Haring Salermo’s palace)

Don Salermo: Ano ang iyong pangalan, nasaan ka nanggaling at ano ang iyong sadya?
Don Juan: Mahal na hari, ang ngalan ko po ay Don Juan, ako’y nanggaling sa kaharian ng
Berbanya at nandito po ako upang magpahayag ng pag-ibig sa iyong mahal na anak na si Donya
Maria Blanca.
Don Salermo: Kung gayon, bibigyan kita ng mga pagsubok na dapat mong pagtagumpayan kung
hindi, ikaw ay mamamatay.
Don Juan: Tanggap ko po ang iyong hamon, Mahal na hari.
Don Salermo: Ang unang hiling ko ay dapat mong patagin ang bundok upang pagtaniman ng
trigo, patubuin, pagkataposay anihin at sa aking paggising ay may tinapay na akong aalmusalin.
Narrator: Ang unang hiling ng hari ay nagtagumpay sa tulong ng kapangyarihan ni Donya Maria
Blanca.
Haring Salermo: Ang pangalawa mong pagsubok ay kailangan mong hulihin ang labindalawang
maliliit na mga negrito na aking pawawalan sa laot ng karagatan at sa huli’y sila ay isisilid mo sa
prasko.
Narrator: Nagtagumpay na naman ang prinsepe sa tulong ni Donya Maria.
Haring Salermo: Ang huli mong pagsubok ay ang pagpapaamo ng aking kabayo.
Narrator: Sa huli ay nagtagumpay si Don Juan sa tulong ni Donya Maria. Pagkatapos ng kanyang
huling hamon, ipinaopunta ni Haring Salermo si Don Juan sa isang kwarto na may tatlong pinto
na may butasna nakalitaw ang mga hintuturo ng mga prinsesa.
Haring Salermo: Ituro mo kung saan ang hintuturo ni Donya Maria Blanca.

(Don Juan points)


Narrator: Sa tulong ng mahika ni Donya Maria ay nagtagumpay si Don Juan.
Haring Salermo: Hindi ito maaari! Hindi kita gusto para sa aking anak…
Donya Maria: Wala na ho kayong magawa, ama. Ako’y sasama kay Juan at mamumuhay ng
mapayapa. (runs with Don Juan)
Don Salermo: Pagsisisihan ninyo ito, hindi kayo magtatagumpay at magiging masaya
magpakailanman! (dies because of heart attack)

Scene 22
(Nayon)

Narrator: Pansamantalang itinigil ni Don Juan sa isang nayon si Donya Maria.


Don Juan: Mahal ko, ako’y babalik muna sa Berbanya upang magbigay alam sa lahat na tayo’y
magpapakasal. Babalikan kita.
Donya Maria: Mag-ingat ka’t balikan mo ako…
Don Juan: Pangako…

Scene 23
(Palace)

Narrator: Ngunit nakalimot si Don juan sa kanyang pangako kay Donya Maria…
Donya Leonora: Don Juan, aking mahal! Ako’y maligaya’t ikaw ay bumalik para sa
akin…Amang hari, ako po’y magpapakasal kay Don Juan. Siya po ang aking tunay na mahal.
Don Fernando: Kung gayon, kayo’y ikakasal.

Scene 24
(Nayon)

Donya Maria: Nagtaksil sa akin si Don Juan, hindi dapat ito mangyari… Siya ay para sa akin
lamang.

Scene 25
(Palace)
Narrator: Nagsadya sa palasyo si Donya Maria sakay ang isang magarang karosa at suot ang
isang napakagandang kasuotan. At siya ay naghanda ng palabas tungkol sa pag-iibigan nila ni
Don Juan upang muli siyang maalala nito.
Donya Valeriana: Magandang pagdating, Emperatris.
Don Fernando: Itigil muna natin ang kasal upang ating ipakita sa Emperatris ang ating malugod
na pagtanggap sa kanya.
Donya Maria: Ako’y maghahandog ng palabas sa inyo na ipinagbibidahan ng mga maliliit na
mga negrito
Narrator: Sa kasawiang palad ay hindi pa rin maalala ni Don Juan si Donya Maria. Kalaunan,
nagbalik sa alaala ni Don Juan ang kanyang sumpa kay Donya Maria sa pamamagitan ng
pagsasalaysay nito at ng mga negrito ang mga pangyayari.
Don Juan: Ikaw nga, ang Mariang aking mahal… Tayo’y magpapakasal ngayon din.
Donya Leonora: Hindi! Akin si Don Juan , sa akin siya magpapakasal.
Don Juan: Leonora, arsobispo at ama tunay ko pong mahal si Donya Maria.

(Archbishop ang the king talk)

Don Fernando: Ako at ang Arsobispo’y nagkasundo. Si Don Pedro’y ikakasal kay Donya
Leonora at si Don Juan ay para kay Donya Maria.
Donya Leonora: Kung saan ka masaya Don Juan ay doon din ako. Tanggap ko nang kayo’y
magpapakasal kay Donya Maria.
Donya Maria: Maraming salamat, Leonora. (hugs Leonora)
Arsobispo: Don Juan, matatanggap mo ba si Donya Maria bilang iyong asawa?
Don Juan: Opo.
Arsobispo: Don Pedro, matatanggap mo ba si Donya Leonora bilang iyong asawa?
Don Pedro: Opo.
Arsobispo: Don Pedro, tanggapin mo itong setro’t korona bilang bagong hari ng Berbanya at
Donya Leonora, tanggapin mo itong dyadema bilang simbolong ikaw na ang bagong reyna ng
Berbanya.
Kayo Haring Pedro’t Reyna Leonora, at Don Juan at Donya Maria Blanca ay tanggap na mag-
kabiyak.
Tao: Mabuhay ang bagong ikinasal! Mabuhay!
Don Juan: Mahal kong ama, ina at ang aking mga kapatid, kami ni Maria ay uuwi na sa
Cristalinos upang doon manirahan at mamuno ng mapayapa.
Don Juan at Donya Maria: Paalam sa inyong lahat!

Narrator: Naiwan ang Berbanya sa pamumuno ni Don Pedro at nagbalik naman sina Don Juan at Donya
Maria sa Kaharing Cristalinos upang doon magsimula ng bagong buhay…
Pinamunuan nila ang kaharian nang Cristalinos nang mapayapa kaya’t ‘di nagtagal ay minahal sila nang
mga tao rito.
At dito nagtatapos ang makulay na kwento ng Ibong Adarna

You might also like