Professional Documents
Culture Documents
Tauhan:
Scene 1
(Palace)
Don Fernando: Ngayo’y panahon na upang kayong tatlo ay mamili sa dalawa. Kayo ba ay magpapari, o
magrereyno at mamumumno sa kaharian nang Berbanya?
Don Pedro, Diego at Juan: Ang paghawak ng kaharia’t bayan upang mga ito’y paglingkuran ay aming
naiibigan.
Don Fernando: (cries proudly) Ipinapagmalaki ko kayo mga anak… Mabuhay ang tatlong prinsipe!
(MABUHAY!)
Scene 2
Donya Valeriana: Naku, mahal ko, ano ba ang nangyari sa iyo? (looks at husband sadly) teka, tatawagin
ko ang ating mga anak at ang manggagamot
(Don Fernando’s wife, sons and the physician worriedly gathered to see the ill king)
Manggagamot: Sakit mo po, Mahal kong Hari, ay bunga ng panaginip, mabigat man at maselan, may
mabisang gamutan. May isang ibon na ang pangalan ay Adarna, pag ito’y narinig mong kumanta, ang
sakit mo ay mawawala. Ito ay tumatahan sa kabundukang Tabor kung saan makikita ang Piedras Platas,
punong tirahan ng ibong Adarna.
Don Fernando: Pedro, anak, hanapin mo ang ibong adarna para ako’y gumaling na.
Scene 3
(Mountain)
Narrator: Naglakbay si Don Felipe kasama ang kanyang kabayo upang hanapin ang ibong adarna.
Mahigit tatlong buwan siyang naglakbay sa kabundukan bago narating ang Bundok Tabor kung saan
makikita ang Piedras Platas, ang pangunahing tirahan ng ibong Adarna. Sa kasamaang palad, namatay
ang kabayo ni Don Pedro. Dumaan siya sa iba't ibang panganib sa kanyang paglalakbay para lamang
makuha ang gamot para sa kanyang mahal na ama.
Don Pedro: (Climbs Tryingly) Malas naman nito, namatay ang kabayo ko…
Don Pedro: Sa wakas! Nakita ko na ang Piedras Platas... Maganda ang kapaligiran, lalo na ang gintong
puno...(Breathing Heavily)...(walking towards the tree) (looks around it)
Done Pedro: Nasaan ba ang ibong ito?! HAYSss (standing and waiting)
Don Pedro: Matagal akong naglalakbay para marating ang lugar na ito, kailangan ko nang magpahinga
(sits under the tree and waits)
(Ibong Idarna came and sings seven beautiful tunes, giving Don Felipe a lullaby and puting him to sleep)
(yawns) (count1234 silently) and sleeps)
Scene 4
(Palace)
Narrator: Isang taon na at ‘di pa nakabalik si Don Pedro. Nainip ang mga tao sa kaharian sa tagal ng
paghihintay kay Don Pedro kaya minabuting hanapin naman ito ni Don Diego.
Mga tao (group of commoners): Nasaan na kaya si Don Pedro? May pag-asa pa ba kayang gumaling ang
mahal na hari? Don Diego, matagal na tayong naghihintay para sa pagbabalik ng iyong nakatatandang
kapatid na si Don Pedro, kaya panahong ika’y pupunta sa bundok ng Tabor upang hanapin ang iyong
kapatid at ang Ibong makapaggagaling sa iyong ama.
Scene 5
(Mountain)
Narrator: Naglakbay si Don Diego sa Bundok Tabor nang hindi sinasabi sa kanyang mga magulang.
Umabot ng limang buwan bago makarating si Don Diego sa kanyang destinasyon. Sa kanyang
paglalakbay, namatay din ang kanyang kabayo. Nagdaan siya sa hirap bago nakarating sa Piedras Platas.
Don Diego: Ano bang laking hiwaga, punong ganda’y nakakaakit sa mata! … Lumalalim na ang gabi,
ako’y mamahinga muna (sits near the rock).
Narrator: Tulad rin sa nangyari kay Don Pedro’y naging bato din si Don Diego.
Scene 6
(King’s room)Donya Valeriana: (paces back and forth) Mahal ko, tatlong taon na ang nakakalipas simula
nung umalis sila dalawa, walang isa sa kanila ang bumalik. Masama ang kutob ko sa nangyayari kina Don
Pedro at Don Diego. Ano ang dapat nating gawin? (worried)
Don Fernando: (looks at Don Juan) Anak, ikaw nalang ay ang aking pag-asang ako’y gumaling na sa
pamamagitan ng paghahanap sa mahiwagang Ibong Adarna.
Don Juan: (kneels down and hold don fernando’s hands) Ama, gagawin ko po ang aking makakaya…
Paalam po sa inyo.
Scene 7
(Mountain)
Narrator: Masakit man sa kalooban nina Don Fernando’t at Donya Valeriana na mawalay ang
pinakamamahal nilang anak ay wala silang magawa dahil sa paghahangad ni Don Juan. Hindi gumagamit
ng kabayo si Don Juan. Naglalakad siya nang apat na buwan. Kababaan ng loob at pagpapala ng Diyos
ang tanging naging baon niya sa kanyang paglalakbay
Don Juan: (Gets bread) Ito ho, isang tinapay na baon para sa aking paglalakbay.
Ermitanyo(ketongin): Pagdating mo sa punon nang Piedras Platas, sa halip ay tungo sa bahay na nasa
bulubundukin saan nakatira ang taong nagtuturo ng kinaroroonan ng ibon. Ika’y kumatok at ang iyong
kasaguta’y masasagot.
Ermitanyo: (Holds Don Juan): Ako’y may isa pang bilin, isapuso mo ang pag-iingat, upang ika’y hindi
maging isang buhay na bato. Tanggapin mo itong tinapay bilang aking pasasalamat.
Don Juan: Hindi ko maaring bawiin ang isang bagay na akin nang ibinigay. (Refuses the bread) Paalam..
(Hermit disappears)
Narrator: Nagdaan pa ang ilang oras bago nya matunton ang punong kanyang hinahanap…
Don Juan: (See Piedras Platas with amazement then sees a small house and knocks)
Don Juan: May isang matandang ermitanyo ang nakapagsabi sa akin na ako’y pumaroon dito upang ika’y
tanungin.
Don Juan: (sits down) Ang aking ama po’y may sakit at ang tanging lunas lamang ay ang Ibong Adarna.
Ermitanyo: Don Juan, ang Ibong Adarna ay may engkanto na wala pang tumatalo.
Don Juan: Titiisin ko ang lahat para lang gumaling ang aking ama.
Ermitanyo: Ang punungkahoy na makinang na iyo nang naraanan, ay doon nga namamahay ang Ibong
Adarna. Ang ibon ay dumadating sa hatinggabi, kumakanta ito ng malambing at magpapalit ng itsura ng
balahibo hanggang ika’y aantokin. Bawat kantang pakinggan ang palad mo ay sugatan, saka agad mong
pigaan ng dayap ang hiwang laman kung hindi mo ito magagawa, ikaw ay magiging bata katulad ng iyong
mga kapatid na sina Don Pedro’t Don Diego. Dalhin mo rin itong gintong sintas, itali mo pagkahawak sa
Ibong Adarna.
Don Juan: (Saw the bread) Ikaw ba ay isang diyos na sikreto? Ikaw ba’y anak ni Hesus na
makapangyarihan, ang mahiwagang ermitanyo!
Ermitanyo: (small smile) Don Juan, ika’y humayo na sapakat ito’y oras na ng pagdating ng Ibong Adarna.
Narrator: Nang nakarating na si Don Juan sa Piedras Platas, sinunod niya ang ipinayo ng matandang
ermitanyo.
Don Juan: (does the things that the hermit said and then gets the bird with the rope) Ngayong nasa akin
na ang Ibong Adarna, panahon nang aking iligtas ang aking mga kapatid..
Ermitanyo: (appears) Iyang banga ay kunin mo, punin mo ng tubig at dahan-dahan mong ibuhos sa
dalawang bato.
Don Pedro at Don Diego: (hugs Don Juan) Salamat at kami’y binuhay mo…
Ermitanyo: Maghanda kayo sapagkat kayo’y uuwi na. Paguwi niyo, huwag pagtaksilan ang isa't isa. Mag-
ingat kayo…
Don Pedro, Diego’t Juan: Salamat po. Hanggang sa muli… (wave at the hermit)
Narrator: Pauwi na ang tatlong prinsipe sa kaharian, isang masamang balakin ang nabuo sa isipan ng
nakatatandang kapatid na sinang-ayunan sa bandang huli ng pangalawang kapatid.
Don Pedro: Bugbugin natin si Juan hanggang siya ay masaktan at mamatay. Nakawin natin ang ibong
Adarna, ibigay natin kay ama.
Don Pedro: Ipapagmalaki tayo ni ama at sa huli’y tayo’y magiging hari ng Berbanya, ang lahat ng
kapangyarihan upang mamuno ay nasa atin sa huli…
(Don pedro stops don juan and pushes him on to the ground)
Don Pedro and Diego: (punch Don Juan again and again until he bleeds)
(puts him aside of the road and steals the ibong idarna)
Scene 8
(King’s room)
Don Pedro: Mahal kong ama, kami’y naririto na’t dala ang ibong makakapaggamot sa iyong
karamdaman.
Don Diego: Ama, hindi po namin alam kung saan ang aming kapatid. Ngunit bumalik kami upang kayo ay
gamutin. O ibong adarna, ikaw ay kumanta na.
Scene 9
Narrator: Ilang araw ang nakalipas, maginhawa at handang umuwi na si Don Juan dahil sa tulong ng
Ermitanyo.
Don Juan: Salamat po sa lahat. Ako’y babalik na sa Berbanya. (Shakes the hermit’s hand)
Scene 10
(King’s room)
Narrator: Nang nakita ng Ibong Adarna si Don Juan, ito’y biglang kumanta at gumanda.
Ibong Adarna: Haring Don Fernando, si Don Juan po’y nagtiis ng madlang hirap, kamatayan ay hinamak
at sa utos mo’y tumupad. Siya po’y tinaksil ng iyong mga anak na sina Don Pedro at Don Diego.
Don Fernando: Don Pedro at Don Diego! ano ang pumasok sa inyong mga isipan at nagawa niyo ito sa
sarili niyong kapatid. Ito’y hindi katanggap-tanggap! Dahil dyan kayo ay aking tatanggalan nang
kapangyarihan dito sa Berbanya, at kayo ay ipapatapon sa malayong lugar!
Don Juan: Ama, huwag na po kayong magalit. Mga kapatid ko’y aking pinapatawad at sana’y patawarin
ninyo po sila ama. Ako ay nakakasiguradong hindi na muli sila gagawa nang anumang bagay na hindi
kanais-nais.
Don Fernando: (nag-isip) Dahil sa iyong kahilingan anak, Don Pedro, Don Diego, kayo ay aking
pinapatawad. Pero sa susunod na mangyari ito, kamatayan na ang hatol ko.
Narator: Napagkasunduan nang magkakapatid na babantayan nila ang Adarna. Tig-tatatlong oras sila sa
pagbabantay. Maayos na sana ang lahat, pero…
(Don Juan sleeps)
Don Pedro: Diego, halika’t sabay tayong magbantay nitong ibong Adarna. Gisingin mo si Don Juan
pagdating dito ay iwa’t huwag mo siyang halinhan.
(Both exits)
Don Juan: (goes out to see the bird) Hay naku, ang sarap ng tulog ko kagabi, magpapahinga muna nga
ako… (sits on the chair and sleeps)
Don Diego at Pedro: (Sneak towards the room and release the bird)
Narrator: Pagkagising ni Don Juan, tumambad sa kanya ang bukas na hawla ng Ibong Adarna.
Don Juan: Naku! Nasaan na ang Ibong Adarna?!?! (nag-isip) Gawa na naman ito nina Don Pedro’t Don
Diego, kailangan ko na umalis upang sila’y hindi maparusahan ni haring ama. (runs away)
Narrator: Bago mitak ang umaga, si Don Juan ay umalis na upang pagtakpan ang ginawang kasalanan ng
mga kapatid.
Don Pedro: Ang alam lang naming ay si Don Juan ang huling nagbantay sa Ibong Adarna….
Don Fernando: Mga anak ko, hanapin ninyo ang inyong bunsong kapatid na si Don Juan at iuwi ninyo
siya dito sa palasyo…
Don Pedro: Ama, huwag po kayong mag-aalala, aming hahanapin si Don Juan.
Scene 11
(Mountain)
Narrator: Mga bukid, burol at bundok, bawat dako’y sinalugsog upang hanapin si Don Juan, ngunit sila’y
walang nakita.
Don Diego: (stops) Wala, wala si Don Juan…Ako’y pagod na pagod, Nasaan na kaya siya?
Narrator: Lakad, tanaw at silip ang kanilang ginawa ngunit wala pa rin nakita si Don Juan. Hanggang sa,
nakita na rin nila si Don Juan sa Armenyang Kabundukan. Itong Bundok ng Armenya’yisang pook na
maganda at napaliligiran ng tanawing kaaya-aya. Sa Armenya tumahan si Don Juan upang doon
pagsisihan ang nagawang pagkukulang
Don Pedro: Ang ganda ng lugar na ito, gusto kong tumira dito.
Don Diego: Pedro, ako’y nahihiya na sa ating kapatid na si Juan, ang dami ng mga masasamang bagay
ang ginawa natin sa kanya.
Don Pedro: Ikaw sana’y huwag ganyan, lakasan mo ang iyong loob at ang kahihiya’y ipaglihim mo kay
Juan. ( says it to Don Diego silently)Kung ibig ninyong huwag nang balikan ang ating mga magulang,
pabayaan mo na sila sa Berbanya’t dito na tayo tumira sa Armenya. Tuklasin nating tatlo ang ating
kapalaran sa ibang kaharian.
Narrator: Masaya silang naninirahan sa Armenya, nang ipasyang akyatin nila ang bundok na hindi pag
nila nahahalughog.
Don Juan: Ang balong ito’y may hiwaga, ihugos ninyo ang tali nang dahan-dahan, huwag ninyong
bitawan hanggang aking sasabihin.
Don Diego: Ako’y matanda sa iyo, kaya marapat ay ako ang ihugos muna ninyo.
Don Juan at Don Diego: Kung gayon, ikaw ang mauna at kami nama’y bahala.
Don Pedro: (Goes inside the well) Hindi ko matagalan ang nakakatakot na dilim para akong sinasakal.
(Goes up)
Don Diego: Ako naman…(Goes down and then goes up) Ang lalim at ang dilim ng balong ito…
Scene 12
Narrator: Nang nakarating si Don Juan sa loob ng balon, siya ay namangha sa ganda ng palasyong gawa
sa ginto at pilak at lalonh-lalo na sa ganda ni Donya Juana.
Don Juan: (looks around and then sees Donya Juana) O, mahal na prinsesa, ang ganda mo’y nakakasilaw,
gusto kong ipahayag sa iyo ang aking tunay na pagmamahal.
Donya Juana: Tanggapin mo ang aking puso, pusong iyan pag naglaho’y nagtaksil ka sa akin.
Don Juan: Hinding-hindi kita pagtataksilan sapagkat ikaw ay ang aking buhay.
Donya Juana: May isang higanteng nagbabantay sa akin, kailangan mo siyang matalo bago ako’y
mapasayo.
(Giant appears)
Higante: Sinong hamak na kutong lupa ang nagtangkang ilabas ang prinsesa!
(Saw Don Juan) Hah! Hindi ko na pala kailangan lumabas upang humanap nang pagkain, ang pagkain na
mismo ang lumapit sa akin!
(Don Juan draws his sword and pointed at the giant, angry by what the giant had said.)
Don Juan: Higante, ika’y manahimik at maghanda na sapagkat dito na matatapos ang iyong buhay!
(charged at the giant. They clashed and the giant got killed in the process.)
Don Juan: Ngayong natapos ko na ang higanteng bantay, balak kitang iuwi sa aking kaharian.
Donya Juana: Bago mo gawin iyan, ang hiling ko sana’y iyong iligtas ang aking kapatid na si Donya
Leonora mula sa serpyenteng nagbabantay sa kanya sa isang palasyo.
Don Juan: Para sa iyo, aking isasakatuparan ang iyong kahilingan. (runs)
Scene 13
Don Juan: Magandang prinsesa, ako si Don Juan na magliligtas sa iyo laban sa Serpyenteng nagbabantay
sa iyo sa palasyong ito.
Donya Leonora: Walang taong matino ang lalaban sa serpyente na nagbabantay sa akin. Kung mahal mo
pa ang buhay mo, tumakbo ka na paalis sa palasyong ito.
Don Juan: (Disregards Leonora’s warning and steps forward) Ako’y hindi natatakot sapagkat alam ko na
tama ang aking gagawin. (Shouts) Serpyente! Lumabas ka at ako’y harapin!
Donya Leonora: Kung ika’y aking hindi mapigilan, tanggapin mo ito, (gives Don Juan the “Balsamo”), sa
bawat ulo na iyong maputol, ibuhos yan upang tiyak ang iyong pagkapanalo.
Narrator: Bawat ulong matigpas ni Don Juan ay binubuhusan niya ng balsamo upang ito’y hindi na
muling mabuhay.
Donya Leonora: Don Juan, ang iyong tapang at lakas ay aking hinahangaan.
Don Juan: Prinsesa kong mahal, halikana’t umalis na tayo dito. Kumapit ka sa akin ng mahigpit at
pupunta tayo sa Kaharian ng Berbanya.
Narrator: Umiral na naman ang inggit kina Don Pedro at Don Diego sa kanilang bunsong kapatid nang
muli itong magtagumpay sa pakikipagsapalaran sa ilalim ng balon. Dagdag pa rito si Leonorang
pagkaganda na bumihag sa puso ni Don Pedro.
Don Juan: Huwag kang mag-alala sapagkat aking kukunin ang iyong singsing. Babalik rin ako. (Goes
down)
Narrator: Dahil sa selos, suklam na suklam si Don Pedro sa kanyang bunsong kapatid at nagawa niyang….
Narrator: Hinimatay si Donya Leonora pero nagpatuloy pa rin sina Don Pedro’t Don Diego sa kaharian ng
Berbanya na kasama ang magkapatid na prinsesa.
Scene 14
(Palace)
Don Fernando: Mga anak! (hugs sons) Matagal ko kayong hinintay, natagpuan ba ninyo si Juan?
Don Pedro: Ama, walang burol, nayo’t bundok na di naming nahalughog, siniyasat naming ang bawat
tumok, sapa, batis at ilog, ngunit hindi po naming nakita ang iyong minamahal na si Don Juan.
Don Diego: Ama, sila po’y magkapatid na prinsesang sa balon po tumitira, sila’y aming niligtas mula sa
kapahamakan.
Don Pedro: Si Leonora ang aking minamahal at si Don Diego’y nais ikasal din kay Donya Juana.
Donya Leonora: (Startled, then knelt in front of the king, crying) Haring mahal, hiling ko pong
ipagpaliban muna ang kasal ng pitong taon sapagkat ito ay aking panata na mamuhay mag-isa simula
noong mamatay ang aking mga magulang.
Don Fernando: Ang iyong kahilingan Donya Leonora ay aking tinatanggap. Ikaw naman, Donya Juana,
maghanda ka na’t sa ika-siyam na araw ay ika’y ikakasal kay Don Diego. Mga kawal, ituro nyo kay Donya
Leonora’t Donya Juana ang silid na kanilang titirhan.
Scene 15
Donya Leonora: (Summons her wolf) Aking alaga lobo, puntahan mo si Don Juan aking giliw at siya’y
gamutin. Siguraduhing sya’y nasa mabuting kalagayan bago umalis.
O, lobo, ika’y humayo na’t magmadali, upang siya’y iyong maabutan. (Wolf leaves)
Scene 16
(Mountain)
Narrator: Nanumbalik ang lakas ni Don Juan, matapos siyang gamutin ng lobong alaga ni Leonora.Nang
naging mabuti ang pakiramdam ni Don Juan, siya’y iniwanan na.
Ibong Adarna: Mahal na prinsipe, hanapin mo si Maria Blanca sa kahariang Cristalinos at kalimutan mo
na si Donya Leonora. Ang payo ko ay para rin sa iyong ikakabuti… (flies away)
Don Juan: Ginoo, ako’y iyong tulungan. Nais ko sana maglakbay patungo sa kaharian nang Reyno
Christalinos, ngunit aking hindi malaman kung ito’y naroon.
Lalaki: Ang bundok na iyong paruroonan ay nasa ikapitong hanay. Doon ay may ermitanyong sasalubong
sa iyo, ang baro na ito’y ipakita mo sa kanya. (gives the barong) Kaya humayo ka na’t baka ikaw ay
didilimin sa daan.