You are on page 1of 8

PAGPAPAKILALA NG MGA TAUHAN

Narrator: Noong unang araw sang-ayon sa


kasaysayan sa Berbanyang Kaharian ay may
haring hinangaan. Pangalan ng haring ito ay
mabunying Don Fernando, sa iba mang mga
reyno tinitingnang maginoo.

Kabiyak ng puso niya ay si Donya Valeriana


ganda'y walang pangalawa sa bait ay uliran pa.
Sila ay may tatlong anak tatlong bunga ng
pagliyag binata na't magigilas sa reyno ay siyang
lakas.

Si Don Pedro ang panganay may tindig na


pagkainam gulang nito ay sinundan ni Don
Diegong malumanay.
Ang pangatlo'y siyang bunso si Don Juan na ang
puso sutlang kahit na mapugto ay puso ring
pagsuyo.
ANG MASAMANG PANAGINIP NG HARI

Ngunit itong ating buhay talinghagang di


malaman matulog ka nang mahusay magigising
nang may lumbay.
Ganito ang napagsapit ng haring kaibig-ibig nang
siya'y managinip isang gabing naidlip.

Diumano'y si Don Juang bunso niyang


minamahal ay nililo at pinatay ng dalawang
tampalasan

Nang patay na'y inihulog Sa balòng di matarok;


ang hari sa kanyang tulog nagising na nalulunos.

Sa laki ng kalumbayan di na siya napahimlay


nalimbag sa gunam-gunam ang buong
napanaginipan.

Mula noo'y nahapis na kumain man ay ano pa!


luha at buntong-hininga ang aliw sa pag-iisa.
ANG PAGKAKASAKIT NI HARING FERNANDO

Donya Valeriana: Nako! Mga anak, anong gagawin natin? Ilang araw
nang naka lipas ngunit hindi parin mabuti ang kalusugan ng inyong ama.

Don Pedro: Ina, may naisip ako! pwede tayong maghanap ng


manggagamot para mapabuti ang kalusugan ni ama.

Don Diego at Don Juan: Oo nga!

Narrator: Kaumagahan

Don Pedro: May nahanap na ako ng mga manggagamot para babalik na


ang pakiramdam ni ama! Dadating Siya Dito mayamaya.

Narrator: At dumating na nga ang unang manggagamot

Unang Manggagamot: Mahal na Hari, handa na po akong gamutin ang


inyong karamdaman. Ipapakita ko sa inyo ang aking natatanging
kakayahan sa pagagamot.

Narrator: Nagsimulang magpatawag ng mga kagamitang pang-gamot

Katulong: Narito na po Ang mga kagamitang pang gamot mahal na hari

Narrator: at sinimulan Ng suriin Ang unang manggagamot Ang


kalusugan Ng mahal na hari

Haring Fernando: May magandang pagbabago ba sa aking kalagayan?

Unang Manggagamot: Paumanhin, Mahal na Hari, ngunit wala pa ring


pagbabago sa inyong kalagayan. Hindi pa rin nawawala ang inyong
sakit.

Reyna Valeriana: Maaari kanang umalis unang manggagamot


Don Pedro: Maghanap nalang tayo ulit ng ibang manggagamot
na makapagbabalik sa pakiramdam ng ating ama.

Narrator: At nagpasiya sila na maghanap muli ng ibang


manggagamot na mapapagaling sa kanilang ama

Narrator: Mayamaya, Dumating na nga ang pangalawang


manggagamot na handang gamutin ang Hari.

Ikalawang manggagamot: Magandang umaga mahal na Hari,


narito po ako na handang gamutin ang iyong karamdaman.

Reyna Valeriana: maaari kanang mag umpisa sa pag gamot Ng


mahal na hari

Ikalawang manggagamot: Paunmanhin, mahal kong Hari


sapagkat hindi ko po kayang gamutin Ang iyong sakit.

Reyna Valeriana: Maari kanang lumabas sa kaharian


pangalawang manggagamot.

Narrator: Naghanap muli ng manggagamot sila Don Pedro at Don


Juan. At sa muli, nakahanap sila ng pangatlong manggagamot

Narrator: Kinabukasan, Dumating na Ang pangatlong


manggagamot

Narrator: Pumasok ang pangatlong manggagamot sa kaharian


Pangatlong manggagamot: Magandang umaga
mahal na Hari, kamusta na po kayo?

Reyna Valeriana: Patagal ng patagal at palala ng


palala Ang kanyang karamdaman.

Pangatlong manggagamot: Ganuon po ba mahal


na reyna. Bukas na bukas din sa kanyang itsura,
sa tingin ko mahirap din gamutin Ang kanyang
sakit. Ngunit may alam akong gamot na siyang
lunas sa anumang malubhang karamdaman. Ang
ibong adarna na nakatira sa piedras platas Ng
Bundok Tabor.

Narrator: Nang sa haring mapakinggan ang hatol


na kagamutan kapagdaka'y inutusan ang anak
niyang panganay

Don Fernando: "Hanapin mo ang Ibong Adarna,


Don Pedro, at gawin ang lahat upang makuha ito
para sa aking paggaling,"

Don Pedro: "Opo, ama. Gagawin ko Ang Lahat


upang Ang lunas ay makuha
ANG PAGLALAKBAY NI DON PEDRO

Narrator: Si Don Pedro'y tumalima sa utos ng haring ama, iginayak


kapagdaka kabayong sinakyan niya.

Narrator: Sa masamang kapalaran hindi sukat na asahan nang sumapit sa


ibabaw kabayo niya'y namatay.

Narrator: Sa masamang kapalagaran ang prinsipe'y nakatagal, narating


ding mahinusay ang Tabor na Kabundukan.

Narrator: May namasdang punongkahoy, mga sanga'y mayamungmong;


Sa nagtubong naroroo'y bukod-tangi yaong dahon.

Don pedro: Ang ganda naman ng puno ito! Ito na siguro Ang tinutukoy na
puno na tirahan Ng ibong hinahanap ko. Sa wakas gagaling na Ang
karamdaman Ng ama.

Narrator: Ilang Oras Ang hinintay ni don Pedro upang Makita Ang adarna
ngunit tila naman isang tukso't kasawian ni Don Pedro, ang Adarnang
may engkanto dumating nang di naino.

*kumanta ang ibong adarna*

Narrator: Ugali nitong Adarna, Matapos ang kanyang kanta. Ang siyay
magbawas muna bago matulog sa sanga.

Narrator: Sa masamang Kasalaran, si Don pedro ay natapakan.


Narrator: Biglang naging batong-buhay sa punong kinasandalan.

Don Fernando: Nag-aalala ako, Valeriana, Bakit hindi pa rin bumabalik si


Pedro mula sa kanyang misyon? "

Don Diego: "Ama, hayaan ninyo akong hahanap kay Don Pedro sa
kanyang paglalakbay at hanapin ang Ibong Adarna
ANG PAGLALAKBAY NI DON DIEGO

Narrator: Si Don Diego ay inatasang hanapin ang naparawal, ang prinsipe'y di


dumuway at noon di'y nagpaalam.

Narrator: Noon niya napagmalas Ang Puno Ng Piedras Platas daho't sanga'y
kumikintab ginto pati mga ugat.

Narrator: Nang Ang Gabi ay lumalim na kalangitan ay maaya, si Don Diego'y


namahinga sa batong doo'y nakita.

Don Diego: Kamamangha-mangha naman sa punong ito! Ang ganda, pwede ako
magpahinga dito.

Narrator: Sa upo'y di natagalan Ang prinsepeng naghihintay. Ibong adarna'y


dumatal mula sa malayong bayan.

Don Diego: Iyan na siguro Ang ibong adarna. Napakaganda Ng ibong ito.
Sa lambing Ng mga awit, Ang prinsepeng nakikinig, mga mata'y napapikit
nakalimot sa daigdig.

*kumanta ang ibong adarna*

Narrator: Matapos ang pagkokoplas ang adarna ay nagbawas, si Don Diegong


nasa tapat Ng mga patak.

Narrator: Katulad din ni Don Pedro siya'y biglang naging bato, magkatabi at
animo'y mga puntod na may multo.

Haring Fernando: Nag-aala na ako, bakit hindi na sila bumabalik sila Pedro at
tsaka si Diego sa kaharian? Ano na kaya ang nangyari sa kanila?

Don Juan: Ama, hayaan niyo po Ako na Ang hahanap sa aking mga Kapatid at ang
lunas sa iyong karamdaman.

Narrator: Ang bendisyo'y iginawad nang may luhang lalalaglag, gayundin Ang
inang liyag kalungkuta'y di masukat.
NARRATOR: (AYESHA, ARCAE)
HARING FERNANDO: (REYSAN ELADRO)
REYNA VALERIA: (MIEL ROQUE)
DON PEDRO: (WAYNE LUAY)
DON DIEGO: (JOHNCARL VERBECK)
DON JUAN: (ALEXINE CADA)
MANGGAGAMOT 1: (REICHEN BALSE)
MANGGAGAMOT 2: (HIECU BULETIN)
MANGGAGAMOT 3: (SEAN CERVANTES)
KATULONG: (KIAN BATUTO)

You might also like