You are on page 1of 13

Ibong Adarna

Tauhan: Haring Fernando, Reyna Valeriana, Don Pedro, Don Juan, Manggamot, Ermitanyo,Ibong Adarna,
Donya Juana, Donya Leonora, Donya Maria Blanca, Serpyente,Higante,Haring Salermo, Matanda.

Everyone: Magandang umaga, kami ang unang grupo na magprepresenta ng dulang pinamagatang “Ibong
Adarna”.

Narrator: Ako si Zen Xian Sapio, ang gaganap bilang inyong tagapagsalaysay.

Scene 01:

Narrator: Sa kaharian ng mapayapang Berbanya, tatlong magigiting na prinsipe ang naging bunga ng
pagmamahalan nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Panganay na anak si Don Pedrong may tindig na
pagkainam, sumunod si Don Diegong malumanay at ang maginoong totoo na si Don Juan. Sila’y lubos na
minamahal ng kanilang magulang.

Narrator: Isang gabi nang mahimbing na natutulog si Don Fernando….

Reyna Valeriana: Ano ang sinapit ng aking mahal na hari?

Manggamot: Iknalulungkot ko pong sabihin sa inyo mahal na reyna ngunit nasa kritikal na kondisyun na ang
sakit ng hari.

Reyna Valeriana: Bakit? Anong ang naging sanhi ng kanyang hindi maipaliwanag na sakit?

Manggamot: Ang sakit ng hari ay dulot ng isang masamang panaginip kaya napuno siya ng kalungkutan at pag-
aalala.

Reyna Valeriana: Ano ang dapat naming gawin upang malunasan ang ganitong sakit?

Manggamot: Isa lamang ang maaaring lunas at iyon ay awit ng isang mahiwagang ibon, ang Ibong Adarna. Ang
Adarna ay makikita sa punong Piedras Platas sa kabundukang ng Tabor.

Don Pedro: Amang Hari at Inang Reyna, bilang panganay sa tatlong magkakapatid, nagkukusa ko pong
hinihingi ang inyong bendisyon upang akoy payagang maglakbay hanapin at dalhin sainyo ang Ibong Adarna sa
inyong tabi.

Scene 02:

Narrator: Sa kapagudan at sa awit ng Ibong Adarna nakatulog si Don Pedro. Ang ibon ay huminto sa pag-awit
ngunit may ugaling magbawas pagkatapos ng kanyang magandang tinig. Sa kasamaang palad, Si Don Pedrong
mahihimbing napatakan at naging batong buhay sa ilalim ng Piedras Platas [pause] Sa hindi pagbalik ni Don
Pedro, nagkagulo ang buong Berbanya. At ang Ipinadala naman ay si Don Diego.

Reyna Valeriana: Mahigit ilang buwan na ang nakalipas ngunit wala paring balita sa aking panganay na si
Pedro, Ako at ang inyong amang hari ay lubusnag nag-aalala sa kung anumang pwedeng niyang sapitin.

Don Diego: Inang Reyna, huwag kang mag-alala. Bilang pangalawang panganay ay susudan ko’t hahanapin
ang aking kapatid na si Pedro, gayunding ang Ibong Adarna na kailangan ninyo.

Narrator: kaparehong kapalaran ang sinapit ng magkapatid. Nakinig ng awit at siya’y napahimbing. At sa
pagkakahimbing, napatakan ito at siyang kaawa-awang naging batong buhay rin.

Scene 03:

Don Juan: Amang Hari at Inang Reyna, tatlong taon na ang nakalipas ngunit hindi parin nakakabalik ang aking
mga kapatid. Kung inyo pong mararapatin, ako poy pahintulutan ninyong sumunod at hanapin ag Ibong Adarna
na siyang maglulunas sa sakit ng amang hari.
Haring Fernando: O, aking bunsong anak kung ikaw ay mawawala sa aking tabi at paningin ay tiyak kong
ikakamatay.

Don Juan: Ngunit amang hari kahit po akoy pigilan kahit anong magyari ako’y aalis parin upang hanapin ang
Ibong Adarna kahit pa palihim.

Haring Fernando: Wala na talaga akong magagawa kung ang desisyon mo ay buo na.

Don Juan: Bendisyon mo aking ama babaunin kong sandata.

Scene 04:

Narrator: Habang papunta na siya sa Piedras Platas, may nakilala siyang isang matandang
ketongin na gutom na gutom.

Matanda: Maawa po kayo sa akin Ginoo. Kung may pagkain kayo riyan ay pwede ko bang mahingi? Kahit kaunti
lamang ay sapat na. Ilang araw na akong hindi nakakakain. Pangako ko sa iyo na papalitan ko ng kahit ano ang
iyong maibibigay.

Don Juan: Ako nga po ay mayroong natitirang isang tinapay na baon sa aking paglalakbay. Ito po at tanggapin
ninyo at ako’y busog pa naman.

Matanda: Salamat, Salamat, Maraming salamat, Ginoo. Sana’y ikaw ay ipagpala. Kung hindi man ninyo
mamasamain ay maaari ko bang tanungin kung ano ang inyong pakay sa inyong paglalakbay at baka kayo ay
aking matulungan.

Don Juan: Ako po ay naglalakbay papunta sa kinaroonan ng Inong Adarna. Ang sabi ng manggamot ng aming
kahariang Berbanya, tanging ang awiting ng ibong Adarna ang makakalunas sa sakit na taglay ng aking amang
hari.

Matanda: Mahabaging Diyos! Kung gayon ay malaki pang kahirapan ang iyong pagdaraanan. Kaya ngayon ang
bilin ko ay itanim sa inyong puso. Tandaan mo, magingat ka upang ikaw ay hindi maging bato. Sa pook na
natatanaw mo ay mayroon kang punong madadatnan na tiyak ay kawili-wiling tingnan ngunit huwag ka doong
tumigil Sa ibaba noon ay bahay ng isang ermitanyo na mayaman sa kaalaman tungkol sa Adarna. Itong limos
mong tinapay ay dalhin mo na dahil mas kakailanganin mo iyan sa iyong malayong paroroonan kaysa sa akin.

Don Juan: Hindi ko po matatangap ang tinapay Naibigay ko na po iyan at ang bawiin pa ay hindi ko magagawa.

Scene 05:

Ermitanyo: Ano bat mayroong naligaw sa aking lugar? Ano ang saya mo, Ginoo?

Don Juan: Ang pangalan ko po ay Don Juan, dumanas ng pagod, puyat, gutom, uhaw at hirap sa aking
paglalakbay upang makamit ang matamis na awiting ng Adarna na siyang lunas sa sakit ng aking ama.
Ikinakababahala ng aking kalooban na baka ikamatay ng aking ama ang sakit nito kapag hindi agarang
malunasan. Kaya ngayon po ay humihingi ako ng parangal tungkol sa ibong aking sadya.

Ermitanyo: Kung gayon, Ginoong Juan, ikay makinig sa aking sasabihin. Ang Ibong Adarna ay may
kahiwagaang taglay kaya’t hindi pa ito nadadakip ninuman. Naninirahan ito sa isang punong-kahoy na makinag
na kung tawagin ay Piedras Platas Tuwing hatinggabi dumadating at namamahagi ang Adarna mula sa kanyang
paglipad sa ibat iabng lugar. Bago ito tuluyang maidlip at pitong awit na maganda ang kanyang aawitin. Kapag
narinig mo itong awitin ay tiyak na ikaw ay aantukin. Upang malabanan ang antok, heto at dalhin mo ang labahat
pitong dayap. Sa bawat awit nito, ang iyong plad ay hiwaan at agad mong pigaan ng dayap. Pagkatapos ng
pitong awitin ang Adarna ay magbabawas kaya ito ay iyong ilagan upang ika’y hindi maging bato tulad ng ibang
mga sumubok bihagin ang ibong Adarna. Kaya ngayon, ikaw ay pumanhik na’t lumalalim na ang gabi.

Narrator: Nang nakarating na si Don Juan sa Piedras Platas, sinunod niya ang ipinayo ng matandang ermitanyo.

Don Juan: Salamat sa inyong bigay na labahat pitong dayap gayundin sa inyong babala. Tiyak na sa
pagbabalik, Ibong Adarna ay aking nang nahuli.
Scene 06:

NO SCRIPT JUST ACTIONS AND EXPRESSIONS SINGING OF IBONG ADARNA

Scene 07:

Don Juan: Nabihag ko nga ang Ibong Adarna! Pero papaano ang aking mga kapatid?

Ermitanyo: Heto ang banga. Punuin mo ito ng tubig at ibuhos sa dalawag bato upang bumalik bilang tao ang
mga ito.

Scene 08:

Don Diego: Salamat, bunsong kapatid na Juan! Sa iyo ay utang ko ang aking buhay!

Don Pedro: Nasan na ang Adarna, Juan? Nagtagumpay ka ba sa paghuli sa kanya at hindi kami ngayong bato?
Tayo na’t humayo papuntang Berbanya upang mabigyan lunas ag amang hari.

Don Juan: Salamat sa inyong naging tulong. Kung inyong marapatin ay bendisyon ninyo ay hihingin sa aking
pag-alis.

Ermitanyo: Ngunit ako’y hamak na ermitanyo lamang.

Don Juan: Utang namin sa inyo ang aming buhay.

Ermintayo: Kung iyan ang iyong kagustuhan. Ikaw ay aking benibendisyunan na maging mapayapa at malayo
sa panganib ang inyong paglalakabay pabalik sa Berbanya.

Scene 09:

Narrator: Habang naglalakad sa kagubatan…

Don Pedro: Aking kapatid na Don Diego, kailangan nating makuha ang Adarna mula kay Don Juan

Don Diego: Ngunit utang natin sa kanya ang ating buhay. Kung hindi dahil kay Juan ay baka naging bato na
tayo habang buhay.

Don Pedro: Gugustuhin mo bang mapahiya sa harap ng amang hari kapag nalmaan niyang si Don Juan ang
nag-iisang nakahuli ng ubong Adarna at tayong makakatanda ay nabigo? Mag-isip ka Don Diego, kahihiyan ito
na kakalat sa buong kaharian.

Don Diego: Ayokong mapahiya.

Don Pedro: Kaya ngayon dapat nating patayin sa Don Juan upang hindi na siya makatungtong pa sa Berbanya!

Don Diego: O, Mahabaging Diyos! Hindi ko magagwang patayin ang sarili kong kapatid. Dugo at laman, tayo’y
magkaparehas. Tayo ay magkakapatid.

Don Pedro: Kung ayaw mo ay ako ang gagawa. Huwag mo aking pipigilan at baka pati ikaw ay isama ko sa
kanya. At pagdating sa Berbanya, ikay manahimik sa nakita!

(*insert fight scene here)

Scene 10

Reyna Valeriana: Kamiy nakabalik na at dala namin ang Ibong Adarna.


Reyna Valeriana: Maligayang pagbabalik!

Haring Fernando: Nasaan ang aking bunsong si Juan? Nasaan si Juan?!

Reyna Valeriana: Aking mahal, ikay huminahon. Makakasama sa iyo ang sobrang pag-aalala. Ito nga ba ang
Ibong Adarna iyong sinadya? Kung ito nga ay aba! Kay pangit pala. Sabi ng manggamot ito ay mayroong pitong
balahibong likha ng engkanto.

Don Pedro: Inang Reyna, ito nga po ang Ibong Adarna.

Haring Fernando: Bakit parang nagdurusa ang Ibong Adarna? Kung tutuusin ay mukha pa itong may sakit kaysa
sa akin. Kung ang ibong ito ay ganyan din lamang ay tiyak at lalo kong ikakamatay.

Scene 11:

Narrator: Si Don Juan naman na naiwan sa gitna ng gubat ay pinagaling ng isang ermitanyo. Dahil sa matinding
pananampalataya nito sa Diyos, naligtas siya sa kamatayan.

Don Juan: Isang himala! Ang pakiramdam ko ay ayos na. Maraming salamat po. Sinagip ninyo ang aking buhay
na nasa pangil na ng kamatayan! Ano po ang maaari kong gawin upang mabayaran ang kabutihang inyong
ginawa.

Matanda: Ang layon ng kawanggawa ay hindi nagangailangan ng kabayaran. Ika’y aking tinulungan sapagkat
tiyak ako’y iginayak dito ng Diyos upang ikay matagpuan. Hala, humayo ka na at ang Berbanya sayo ay
naghihintay na.

Scene 12:

Don Juan: Amang Hari at Inang Reyna! Akoy nagbabalik na.

Haring Fernando: O, aking bunso. Ako’y lubos na nag-alala sa iyong kalagayan.

Reyna Valeriana: Aking Mahal na Hari, tingnan mo ang Ibong Adarna at nag-iba na ng anyo.

Ibong Adarna: (SINGS)

Narrator: habang inaawitan nito si Haring Fernando ay isinalaysay niya kung paano siya nahuli ni Don Juan at
maging ang pagtataksil nina Don Pedro at Don Diego sa bunsong anak.

Scene 13:

Haring Fernando: Ang pakiramdam ko ay maagan na. Isa nga talagang himala.

Reyna Valeriana: Ito ay isang magandang balita, aking mahal.

(Ibong Adarna ay lumapit kay Don Juan at yinakap ito na para bang mag-ama)

Haring Fernando: Pedro, Diego! Totoo ba ang sinsabi ng Ibong Adarna?! Sumagot kayo!

Don Diego: Opo, mahal na hari.

Haring Fernando: (nagalit) Anong ginawa nyo sa inyong kapatid? Bakit nagkaganoon? Ang dapat sa inyo’y
nagmamahalan ng lubos. Kayong dalawa ay mga taksil. (ituturo ang dalawang magkapatid na nasa tabi ng
reyna)

Don Juan: (hinawakan ang balikat ng ama) Ama, mahabag ka. Anak mo rin po sila. Sila po’y napatawad ko
na at ako na po ang humihingi ng kapatawaran para sa kanila. Haring Fernando: kung iyon ang iyong nais.
Patatawarin ko na rin sila.

Haring Fernando: aking tatlong anak, isa pang pabor ang nais kong ipagawa sa inyo. Paki bantayan naman ang
ibon.

Tatlong Prinsipe: Opo!


Scene 14:

Don Pedro: Diego, halika’t sabay tayong magbantay nitong ibong Adarna. Gisingin mo si Don Juan pagdating
dito ay iwa’t huwag mo siyang halinhan.

Don Diego: At paano naman siya tatanod nang makalawa?

Don Pedro: Huwag kang mag-alala’t may magandang plano ako

Scene 15:

Don Diego: Juan! Ikaw na ang magababantay sa Adarna. Hintayin mo na lamang si Pedro na halinhinan ka
pagkatapos.

Scene 16:

Don Juan: (inaantok sa pagbabantay at tuluyan na itong nakatulog)

(habang sina Pedro at Diego ay pinakawalan na ang Adarna)

Scene 17:

Narrator: Pagkagising ni Don Juan, tumambad sa kanya ang bukas na hawla ng Ibong Adarna.

Don Juan: Naku! Nasaan na ang Ibong Adarna?!?! Ako’y aalis na sa palasyo para sa ikabubuti ng aking mga
kapatid, hindi ko gustong sila ay mapahamak. (runs away)

Scene 18:

Haring Fernando: Pedro, Diego, Juan! Nasaan ang Adarna??! Bakit wala ito sa kanyang hawla?!

Don Diego: Ama, ewan, ang bantay po kagabi ay si Don Juan.

Haring Fernando: Nasaan si Juan? Hanapin niyo si Juan ngayun din!

Don Pedro: Ama, bakit kailangan pa naming hanapin ang taong taksil at sumaway ng iyong utos na bantayan
ang Adarna?

Haring Fernando: Tumahimik ka, Pedro! Ang utos ko ay hanapin niyo si Juan at ibalik sa Berbanya! Umalis na
kayo sa aking harapan!

Scene 19:

Don Pedro: Huwag kang ganyan, Diego. Ang iyong takot at hiya ay dapat ilihim kay Juan. Lakasan mo ang
iyong loob. May naisip ako upang tayong mga kapatid niya ay makabawi man lang sa kanya.

Don Diego: Ano iyon?

Don Pedro: Huwag na tayong bumalik sa Berbanya. Tayo’y sumama na kay Juan at makipagsapalaran sa ibang
kaharian.

Don Diego: Iyan nga ay isang magandang ideya.

Narrator: Lakad, tanaw at silip ang kanilang ginawa ngunit wala pa rin nakita si Don Juan. Hanggang sa, nakita
na rin nila si Don Juan sa Armenyang Kabundukan. Itong Bundok ng Armenya’y isang pook na maganda at
napaliligiran ng tanawing kaaya-aya. Sa Armenya tumahan si Don Juan upang doon pagsisihan ang nagawang
pagkukulang

Don Pedro: O, siya at lapitan na natin si Juan.

Don Pedro: Juan! (niyakap ang kapatid) (group hug with diego) Kami ay nagkasundong lisanin ang Berbanya
at maglakbay sa malayo. Ibig sana naming imbitahin kang sumama sa aming paglalakbay?

Don Juan: (still hesitating) O, sige. Akoy pumapayag.

Scene 20:

Don Diego: Tingnan niyo isang balong marmol ay may mga gintong nakaukit!

Don Juan: Ang balong ito ay mahiwaga. Subukan nating bumaba at tuklasin ang nasa loob nito. Ngayon din ako
ay inyong talian at ihugos ng dahan-dahan. Huwag ninyo itong bibitawan hanggat hindi ko sinasabi.

Don Diego: Ako’y mas matanda sa iyo kaya ako muna ang mauunang bumaba. Tiyak na ang natatagong lihim
ng balon ay malalaman.

Don Pedro: Aba! Wala ka ring karapatan sapagkat ako ang panganay kaya ako ang may karapatang unang
sumubok.

Don Juan: Kung gayon. Ikaw na ang mauna

(tinalian si Pedro at pumasok na ito sa balon)

Don Diego: Narating mo ba ang hagganan? Ano ang iyong nakikita?

Don Pedro: Maghintay muna kayo! Ako’y kinukulang pa ng hininga. Hindi ko natagalan ang loob ng balon.
Sindak at takot ang aking nadarama para akong sinasakal.

Don Diego: Takot? Sabi mo ang isang Don ay dapat walang kinatatakutan.

Don Pedro: Tumahimik ka Diego. Sige nga, ikaw nga ang sumubok at tingnan natin kung ikaw di matakot.

(tinalian si Diego at pumasok na ito sa balon)

Don Juan: O, anong balita? May natuklasan ka ba?

Don Diego: Ewan ko…Wala! Wala! Sa lalim na parang walang hanggnan, ang takot ko ay umiral. Sa tingin ko
kung ako ay nagtagal pa doon, tiyak ang aking kamatayan.

Don Juan: Kung iyan din lamang ay ako na ang susubok. (tinalian ang sarili at pumasok sa balon)

Scene 21:

Don Juan: O, hiwaga! Mala-engkanto nga ang balong ito. Mayroong palasyong kuminikinang sa loob nito.

Narrator: Nang nakarating si Don Juan sa loob ng balon, siya ay namangha sa ganda ng palasyong gawa sa
ginto at pilak at lalong-lalo na sa ganda ni Donya Juana.

(Naglalakad-lakad siya at nakita nito si Donya Juana)

Don Juan: Magandang araw sa iyo, O marilag na prinsesa. Don Juan ang aking pangalan.

Donya Juana: Magandang araw rin sa iyo, ginoo. Ako’y manghang-mangha at ikaw ay narito. Ang aking ngalan
ay Donya Juana.

Don Juan: Sadyang ang tadhana ang nagdala sa akin dito upang ika’y makita.

(lumuhod at hinalikan ang kamay ni Donya Juana, ngunit si Donya Juana ay hindi ngumingiti, ang
mukha nitoy nababalot ng galit)
Don Juan: (looks around and then sees Donya Juana) O, mahal na prinsesa, ang ganda mo’y nakakasilaw,
gusto kong ipahayag sa iyo ang aking tunay na pagmamahal.

Donya Juana: (hinipo ang mukha ni Juan) Tanggapin mo ang aking puso. Kapag ito’y naglaho, patunay na
ikaw ay nagtaksil sa pangako.

Don Juan: O, aking prinsesa. Ako’y kailanman hindi magtataksil. Panahon ang siyang magsasaysay.

Donya Juana: Ngunit,ngayon. Saan kita itatago laban sa Higanteng malupit na nagbabantay sa akin? Kapag
ikay makita nito, tiyak na kamatayan ang iyong aabutin.

Don Juan: Aking mahal, ang matakot ay hindi bagay sa iyo. Hayaan mong labanan ko ang Higanteng upang
makamtan mo ang iyong kalayaang inaasam.

Scene 22:

Higante: Juana!! Amoy ibang tao! May ibang taong naparito! Nasaan ang taong iyon?!

Donya Juana: Hindi ko alam.

Higante: Kung sinuswerte ka nga namn, (tawa) hindi ko na kailangan pang mamundok upang makahanap ng
makakain, gayong may kusang lumapit.

Don Juan: Higante! Tumahimik ka! Akoy hindi mo makakain!

Higante: Kung ikaw man ay kilabot sa iyong kaharian. Dito ay hindi kaya ikaw ay magiging aking pagkain!

(insert fight scene here)

Don Juan: Aking mahal na prinsesa, ikay malaya na.

Donya Juana: (niyakap si Juan) Salamat, Juan! Salamat!

Don Juan: Kaya, halika na at umalis na tayo sa lugar na ito.

Donya Juana: Sandali, Juan. Hindi ko maiiwan ang aking kapatid na si Leonora. Nandoon siya sa loob ng
palasyo at bantay niya ay isang serpyente. Ang aking hiling ay sana siya ay iyong iligtas din.

Don Juan: Kung iyan ang iyong kagustuhan, prinsesa kong nililiyag.

Donya Juana: Ngunit, ako’y natatakot. Baka ikaw ay masawi at akoy maiiwang mag-isa.

Don Juan: Pangako. Magbabalik ako sa iyong tabi. (hug)

Scene 23:

Donya Leonora: Sino ka ba at ano ang iyong kailangan?

Don Juan: Magandang prinsesa, ako si Don Juan na magliligtas sa iyo laban sa Serpyenteng nagbabantay sa
iyo sa palasyong ito.

Don Juan: Serpyente! Papatayin kita! (runs toward the serpent)

Narrator: Bawat ulong matigpas ni Don Juan ay binubuhusan niya ng balsamo upang ito’y hindi na muling
mabuhay. (Serpent appears and fights with Don Juan, every then dies)

Donya Leonora: Don Juan, ang iyong tapang at lakas ay aking hinahangaan.

Don Juan: Prinsesa kong mahal, halikana’t umalis na tayo dito. Kumapit ka sa akin ng mahigpit at pupunta tayo
sa Kaharian ng Berbanya.

Scene 24:
(lumabas na sina Juan, Juana at Leonora sa balon)

Don Juan: Aking mga kapatid na Pedro at Diego, sila ang magkapatid na sina Juana at Leonora, mga prinsesa
ng kaharian sa loob ng balon.

Don Diego: Ito nga ay isang hiwaga.

Don Pedro: Ikinagagalak namin kayong makilala, Donya Juana at Donya Leonora. (sabay halik sa kamay)

Donya Leonora: Naku!

Don Juan: Bakit? Ano yun?

Donya Leonora: O, Juan. Ang akin dyamanteng singsing na pamana pa ng aking ina ay naiwan sa plasyo.

Don Juan: Kung gayon ay dapat ko itong balika. Maghinatay kayo dito at kukunin ko ang naiwan.

Donya Leonora: Salamat, giliw ko.

Don Juan: (tinalian ang sarili) (Ngunit habang bumababa si Juan ay bigla na lamang pinutol ni Pedro ang
lubid.)

Donya Leonora: JUAN!!! Lapastangan! Kapatid mo iyon! Bakit mo pinutol ang lubid? Ibig mo ba ang kanyang
kamatayan?

Don Pedro: Oo! Kung ito rin lamang ang paraan upang ikay mapasaakin din lamang.

Donya Juana: Kawalang-hiyaan! Hindi nababagay si Leonora sa iyo!

Don Pedro: Kayong dalawang prinsesa ay aming dadalhin sa Berbanya at doon ay ipapakilala bilang aming
magiging asawa.

Donya Leonora: Lubuyan mo ako. Gusto kong mapag-isa

Narrator: Nagtuloy sina Don Pedro’t Don Diego sa kaharian ng Berbanya na kasama ang magkapatid na
prinsesa

Scene 25:

(mayroong lumitaw na lobo)

Donya Leonora: (kinakausap ang lobo) Puntahan mo si Don Juan. Kung siya man ay nasaktan, gamutin mo
ang kanyang mga sugat. Sabihin mong hindi ko kagustuhang iwan siya dito sa baloon. Kami ay pinilit lamang ng
kanyang mga taksil na kapatid.

Scene 26:

Don Pedro: Aming amang hari, kamiy nagbalik na.

Haring Fernando: Nasaan na si Juan? Nasaan na ang inyong kapatid?

Don Pedro: Ama, walang burol, nayo’t bundok na di naming nahalughog, siniyasat naming ang bawat tumok,
sapa, batis at ilog, ngunit hindi po naming nakita ang iyong minamahal na si Don Juan.

Donya Valeriana: Nasaan na kaya ang aking minamahal na Juan?

Don Fernando: Hindi ito maaari…

Don Diego: Ama, sila po’y magkapatid na prinsesang sa balon po tumitira, aming niligtas sila sa kapahamakan.

Don Pedro: Si Leonora ang aking minamahal at si Don Diego’y nais ikasal din kay Donya Juana.

Donya Leonora: Haring mahal, hiling ko pong ipagpaliban muna ang kasal ng pitong taon. Hiling ko naman po’y
iyo akong bigyan ng silid upang doon ako matulog.
Don Fernando: Isasakatuparan ko ang iyong hiling, Donya Leonora. Ikaw naman, Donya Juana, maghanda ka
na’t sa ika-siyam na araw ay ika’y ikakasal kay Don Diego.

Scene 27:

(Wolfs actions)

Narrator: Nanumbalik ang lakas ni Don Juan, matapos siyang gamutin ng lobong alaga ni Leonora. Nang naging
mabuti ang pakiramdam ni Don Juan, siya’y iniwanan na.

Scene 28:

(natutulog si Juan)

(singing the ibon adarna)

Don Juan: Tila ako ay nasa langit na.

Scene 29:

Don Juan: Tanda, ako poy inyong kaawaan. Kung meron man po kayong dalang pagkain diyan, maari niyo ba
akong limusan?

Matanda: Heto, ginoo. Kahit itoy durog durog lamang na tinapay, tiyak na ikay mabubusog. Heto rin ang tubig at
pulot-pukyutan upang ikay masiyahan.

Don Juan: Salamat sa pagakin. Nais ko pong malaman kung saan ang daan patungo sa De Los Cristales.

Matanda: Mula rito, tandaan mong nasa iakapitong hanay na bundok ang hahanapin mong Ermitanyo. Heto,
kapirasong baro ay iyong ipakita sa kanya kapag kayo’y nagkasalubong. Kaya nagyon ay humayo ka na at
malayo pa ang iyong lalakbayin.

Don Juan: Maraming Salamat sa iyong tulong. Ikaw sana’y ipagpala.

Scene 30:

Ermitanyo: Umalis ka dito! Layuan mo ako, ikaw ay isang distorbo!

Don Juan: (gives the baro)

Ermitanyo: Isang galak ko na pagkakita sa baro mo. Patawad sa aking inasal, ano po ba ang ipaglilingkod ko sa
iyo?

Don Juan: Marangal na Ermitanyo, saan ba matatagpuan ang Reyno de los Cristales?

Ermitanyo: Ikaw ay ililipad sa kaharian ng Cristalinos ng aking alagang agila.

Scene 31:

Narrator: Narating ni Don Juan ang kahariang Cristalinos sa tulong ng agilang alaga ng ermitanyo. Unang
pagkakita ni Don Juan kay Donya Maria Blanca ay nabihag na ang kanyang puso.

Don Juan: O prinsesang sadyang marikit, ako’y humahanga sa iyong kagandahan, pakay ko ay maglahad ng
aking pagirog sa iyo. Ako si Don Juang nais magbigay sa iyo ng ligaya habang-buhay.

Donya Maria: Huwag kang maingay at baka marinig tayo ni ama.

Don Juan: Para sa iyo, ako’y buong tapang na magpapakilala ng aking sarili sa iyong ama.
Scene 32

Don Salermo: Ano ang iyong pangalan, nasaan ka nanggaling at ano ang iyong sadya?

Don Juan: Mahal na hari, ang ngalan ko po ay Don Juan, ako’y nanggaling sa kaharian ng Berbanya at nandito
po ako upang magpahayag ng pag-ibig sa iyong mahal na anak na si Donya Maria Blanca.

Don Salermo: Kung gayon, bibigyan kita ng mga pagsubok na dapat mong pagtagumpayan kung hindi, ikaw ay
mamamatay.

Don Juan: Tanggap ko po ang iyong hamon, Mahal na hari.

Narrator: Lahat ng utos ng hari ay napagtagumpayan ni Don Juan at walang nagawa ang hari kundi ibigay ang
kamay ng kanyang mahal na anak. Ngunit paalis pa lamang ang dalawa ng magbago ang isip ng hari at hinabol
sila. Tumakas ang dalawa at napunta sa kagubatan.

Scene 33

Donya Maria: Aking iniibig, huwag mangamba. Ikaw ay bumalik na muna sa inyong kaharian. Lapitan ko muna
ang aking mahal na ama upang hindi ito mag-alala ng tunay. Ngunit, ipangako mo sa akin, Don Juan, na
hinding-hindi ka lalapit sa kung sinong kababaihan man.

Don Juan: Pangako aking mahal. (hugs)

Narrator: Sila ay nagkahiwalay at si Don Juan ay umuwi.

Scene 34

(Juan naglalakad papasok sa kaharian)

Narrator: Ngunit nakalimot si Don juan sa kanyang pangako kay Donya Maria.

Donya Leonora: (hugs) O, aking Juan! Hindi nga ako namamalik-mata. Ikaw nga itong aking nakikita.

(and the rest monarch appeared)

Haring Fernando: Juan, ikay nagbalik na.

Don Juan: Mahal na hari, sana akoy patawarin sa nagawa kong hindi dapat.

Donya Leonora: Kamahalan, dinggin mo ang aking sasabihin. Hiningi ko po sa inyo ang pitong taong
pagbabanal upang maiwasang ikasal kay Don Pedrong taksil. Ang totoong nagligtas sa akin ay si Don Juan.
Siya lamang ay pinagtaksilan ng dalawa nitong kapatid upang kami’y maisama sa Berbanya bilang kanilang
mapapangasawa.

Haring Fernando: (tiningnan si Pedro at Diego with anger nagyuko ang ulo ang dalawa) Leonora, sinuman
kina Don Pedro at Don Juan, ikaw na ang bahala kung kanino ka magpapakasal. At ang pag-iisang dibdib ninyo
ay gagawin sa linggong ito.

Haring Fernando: Ngayon, naghihintay na ang parusa para sa inyong dalawa.

Don Juan: Ngunit, ama. Tunay nga ang sinasabi ni Leonora pero sana ang parusa ay ipataw na lamang
pagkatapos ng kasal.

Haring Fernando: Tama nga naman ang iyong mungkahi.

Scene 35:

(wedding music cue)

Haring Fernando: Itigil muna ang kasalan. May dumarating na emperatris.

(grand entrance ni Maria)


Narrator: Nagsadya sa palasyo si Donya Maria sakay ang isang magarang karosa at suot ang isang
napakagandang kasuotan. At siya ay naghanda ng palabas tungkol sa pagiibigan nila ni Don Juan upang muli
siyang maalala nito.

Donya Maria: Naakit po akong tumigil at dumalo sa kasalan. Ngunit, parang ako ay nahuli na ng dating.

Reyna Valeriana: Emperatris na marilag, hindi pa huli ang iyong hangad sapagkat ang kasal ay itinigal para ikaw
ay matanaw. Tradisyon na ng kaharian na parangalan muna ang bisita bago ang sarili.

Donya Maria: Ganoon po ba? Kung ganun ay mayroon akong regalo sa inyong mga taga-palasyo. Isang
palabas na bagay sa kasalang magaganap.

Haring Fernando: Emperatris, ipakita ang palabas. Ako’y sadyang nasisiyahan nang dahil sa iyong bigay na
regalo.

Scene 36:

Negrito at Negrita (play starts here)

Scene 37:

Narrator: Nagalit si Donya Maria Blanca at sa pamamagitan ng kanyang mahika, naalala ni Don Juan kung sino
ang tunay niyang iniibig. Hiniling na niyang silang dalawa ni Maria Blanca ay maipakasal.

Donya Maria: Hindi mo ba talaga matandaan ang iyong tunay na minamahal? Don Juan? Kung gayon ay mas
mabuti na lamang na mamatay tayong lahat dito! Ang praskong ito ay naglalaman ng nalalabi kong
kapangyarihan na siyang gugunaw sa buong Berbanya! (babasagin na ang prasko nang bigla siyang
niyakap ni Juan)

Don Juan: Maria! Ikaw nga ang prinsesang aking sinisinta. Kasalanan ko ang lahat. Ang iyong lungkot at
kalumbayan ay aking kasalanan. Hinid ko naiwasan ang sumpa ng iyong ama. Ako ang tunay na may sala.
Kung ikaw ay may galit pa sakin, sanay patawarin.

Don Juan: Ama, (hinawakan ang kamay ni Maria) sa kanya ako magpapakasal, hindi kay Leonora.

Donya Leonora: Hindi ako makakapayag! Ako ang nauna, ako ang mas may karapatan! At sa pangalan ng
Bathala, ang nauna ang may pala.

Donya Maria: Inayawan ko ang lahat para kay Juan. Naging taksila ko ng aming kaharian at sa ama ay naging
suwail para lamang sa pagmamahal ko kay Juan. Isinakripisyo ko ang lahat para sa kanya dahil totoo kaming
nagmamahalan. Ano ba ang punto kung may nauna man kung hindi naman ito ang naglalabis na nagmamahal
at minamahal?

Narrator: Tinutulan ito ni Donya Leonora at isinangguni ito sa arsobispo ng Berbanya. Iminungkahi ng arsobispo
na dapat magpakasal si Don Juan kay Donya Leonora.

Haring Fernando: Ngunit, utos ito ng simbahan at bats ng Kalangitan, ang una’y may karapatan sa pag-ibig ni
Don Juan.

Donya Maria: Ganito ba talaga ang batas ng mga tao? Sa mali ay anong amo, sa tumpak ay lumalayo?

Reyna Valeriana: O, Diyos sa Kalangitan, kami’y iyong liwanagin.

Donya Maria: Sa puri kaya ng tao, ano kaya ang katimbang nito?

Donya Juana: Tumahimik ka na. Ngayon ay wala ka ng daan, si Leonora ang katipang tinatanggap ng simbahan
at siya ang ikakasal sa prinsipe, hindi ikaw!

Donya Maria: (hinarap si Juana at sinampal)

(inawat naman siya agad ni Juan)

Don Juan: Huminahon ka, aking mahal. Ama, Ina at sa lahat ng nandirito, si Donya Maria ang tunay na nasa
puso ko. At kapag pinakasalan ko si Leonora. Ako’y mapupuno lamang ng lumbay. Hindi lang dahil sa nawala
sa akin ang totoo kong minamahal ngunit dahil din sa magkakalayo kami ng loob ni Don Pedro Siya ang tunay
na nagmamahal kay Leonora, hindi ako.

Donya Leonora: Ngunit, Juan,

Don Juan: Hinid mo lang nakikita ngayon ang pag-ibig na ibinibigay ng aking kapatid sapagkat hindi mo pa
binubuksan ang iyong puso’t isipan sa iba. Mayroong mas may karapat-dapat sa iyo, Leonora at hindi ako iyon.
Lubhang ma-inggitin man si Pedro pero pagdating sa babaeng kanyang minamahal siya’y naiiba.

Don Juan: (humarap sa ama) Kaya ama, sanay iyong maintindihan ang aking pasya. Sanay basbasan mo kami
ni Maria na maikasal na.

Haring Fernando: Naiintidihan ko ang nais mong iparating, aking anak. Hindi nga lahat ng nauuna sa pag-ibig ay
ang ating tunay na iniibig. Kaya ibinibigay ko ang basbas ko sa inyo ni Maria. Ngunit, sino ang magmamana ng
aking trono?

Don Juan: Sino pa ba, ama? Kundi ang iyong panganay na anak.

Donya Maria: Huwag po kayong mag-alala, mayroon pong naghihintay na kaharian kay Juan at iyon ang reyno
De Los Cristales.

Haring Fernando: Kahit man nagkasala ang aking panganay, siya pa rin ang may karapatan at karapat-dapat sa
trono. Kaya ngayon aking tagapamana ay ipinapangalanang si Don Pedro! O, hala. Sige, ipagpatuloy ang pista.

(music cue)

Don Juan: Maligayang bati sa magiging hari ng berbanya! (shakes hands with pedro)

Don Pedro: Ikaw rin, Juan, Sana ako ay iyong patawarin sa lahat ng aking nagawa.

Don Juan: Normal lang sa magkakapatid ang nag-aaway. (walks away)

Donya Leonora: Maligayang bati, susunod na hari.

Don Pedro: Salamat, Leonora

Donya Leonora: Bukas pa ba ang trono bilang maging iyong Reyna?

Don Pedro: Ha? (SHOCKS!!)

Donya Leonora: (natawa) Kung ayaw mo akong pakasalan ay ayos lang.

Don Pedro: Talaga! Pumapayag ka nang tayoy magpakasal na?

Donya Leonora: Napagisip-isip ko ang sinabi ni Juan. Tama nga ang kanyang sinabi, Gusto kong subukang
magmahal ng iba.

Don Pedro: Hindi ka magsisisisi sa iyong naging desisyon. (hug)

Narrator: Natuloy nga ang kasalan at hinirang ni Haring Fernando na bagong hari at reyna ng kaharian ng
Berbanya sina Don Juan at Donya Maria Blanca ngunit sila’y tumutol sapagkat sila ang maghahari sa Reyno
Delos Cristales kaya naman sina Don Pedro at Donya Leonora ang namuno sa Berbanya.

Scene 38:

Narrator: Bumalik na sina Don Juan at Donya Maria Blanca sa Kahariang Reyno Delos Cristales at sila’y
namuno roon at namuhay ng mapaya ang lahat.

Mga Tao: BIBA! BIBA! Hari natin ay matagumpay! Reyna natin ay matagumpay!

(coronation of Don Juan at Donya Maria)

Narrator: At dito nagtatapos ang kwento ng Ibong Adarna mula sa akda ni Florante C. Garcia.
At ginampanan nina MartynGave bilang Don Juan, Micoh Camilon bilang Don Diego, Steven Veleñ a bilang Don
Pedro, Rodrey Maano bilang Haring Fernando, Gabriel Pornela bilang Haring Salermo, Jessel Arot bilang Reyna
Valeriana, Kyra Batarlo bilang Ibong Adarna, Ayesia De Ocampo bilang Donya Maria, Diana Rugayan bilang
Donya Juana, Juliana Tinamisan bilang Donya Leonora, Steven Dastas bilang matandang ketongin/ermitanyo,
John Matthew Aum bilang higante, at Jancent Deligente bilang manggagamot,

You might also like