You are on page 1of 16

Ibong Adarna Script For Role-play

Pag-aalay

Aming inang nasa langit tulungan niyo

kaming makapag-isip ng maayos upang sa kasamaan kami ay makaiwas.

Kaya inang mapagmahal,

ako ay iyong gabayan

nang mawasto sa pagkakasunod-sunod ng kuwento nitong mahabang kuwento.

Simula ng kuwento

Tagapagsalaysay:

Noong mga unang araw

sang-ayon sa kasaysayan,

sa Berbanyang kaharian

ay may haring hinangaan.

Pangalan ng haring ito

ay nagsaya na si Don Fernando,

sa iba namang mga kaharian

may tinitignang mabubuting mga lalaki.

Ang Asawa niya ay si

Donya Valeriana,
Ganda ay walang pangalawa

sa bait ay nararapat tularan pa.

Sila ay may tatlong anak

tatlong bunga ng pagmamahalan

binata na at kamangha-mangha.

sa kaharian ay siya ang lakas.

Si Don Pedro ang panganay

may mabuting kalooban,

pagkalaki into ay sinundan

ni Don Diegong mahinahon.

Ang pangatlo ay siya ang bunso

Si Don Juan na Ang puso Ang buhok ng bunga ng mais kahit na mapatay

ay puso ring may pagsuyo.

Ganito Ang sinapit ng haring kaibig-ibig

nang siya ay managinip

isang gabing natutulog.

Hindi kapani-paniwala si Don Juan

bunso niyang minamahal

ay nilinlang at pinatas

ng dalawang taksil.
Nang pinatay na ay inihulog

sa balon na Hindi malalim

ang hari sa kanyang tulog

nagising na naaawa.

Dahil ito ay nangayayat

naging parang buto't balat

nagpahinga na at papalapit na

ang dating ng huling Oras.

Sa kalooban ng Diyos

may nakuhang manggagamot

ito na nga ang nakakaalam

sa sakit ng haring sikat.

Manggamot:

"May isang ibong maganda

ang pangalan ay adarna,

pag narinig mong kumanta

sa sakit ay giginhawa".

"kaya mahal na hari

iyan po ang ipakuha at

gagaling ng walang sala


ang sakit mong dinadala".

Tagapagsalaysay:

Nang napakinggan ng hari

ang hatol na kagamutan,

kaagad inutusan

ang anak niyang panganay.

Si Don Pedro ay sumunod

sa utos ng haring ama,

inihanda kaagad niya ang kabayong

sasakyan niya.

Sa masamang kapalaran

Hindi niya sukat akalain

nang kabayo niya ay sumabit sa ibabaw,

kabayo niya ay namatay.

Sa masamang kapalaran

ang prinsipe ay Hindi nagtagal

narating din niya ng mapayapa

ang tabor na kabundukan.

May nakitang punong kahoy,

mga sanga ay kumikinang


sa nagtubo Doon

bukod tangi Yung dahon.

Nauwi sa kalungkutan

at inip ng kalooban,

yamang walang hiihintay

mamahinga ang mainam.

Tila namang isang tukso at

pasakit ni Don Pedro,

Ang Adarnang may gayuma

dumating ng hindi inaasahan.

Ugali nitong Adarna

matapos Ang kanyang kanta

ang siya ay magbabawas muna

bago matulog sa sanga.

Sa masamang kapalaran

si Don Pedro ay napatakan,

biglang naging batong-buhay

sa punong kinasandalan.

Si Don Diego ay inatasang

hanapin ang nawawala,


ang prinsipe ay Hindi sumaway

at noon ay nagpaalam.

Hindi niya nalalamang

siya Pala ay nakarating sa

tabor na sadyang pakay,

dikit ay di ano lamang!

Noon niya nakita

ang puno ng Piedras Platas,

Dahon at sanga ay kumikintab

ginto pati mga ugat.

Nang ang gabi ay lumalim na

kalangitan ay kaaya-aya,

si Don Diego ay namahinga

sa batong nakita niya doon.

Sa upo ay hindi natagalan

ang prinsipeng naghihintay,

Ibong Adarna ay dumating

mula sa malayong bayan.

Sa mga lambing ng mga awit

ang prinsipeng nakikinig,


mga mata ay napapikit

walang alam sa nangyayari sa daigdig.

Matapos ang pag-awi

ang Adarna ay nagbawas

si Don Diegong nasa tapat

inabot ng mga patak.

Katulad din ni Don Pedro

siya ay biglang naging bato,

magkatabi at magkatulad

mga puntod na may multo.

Nainip sa kakahintay ang

Berbanyang kaharian,

ama ay Hindi mapalagay

lumubha ang karamdaman.

Don Juan:

"Ama ko ay iyong payagan

ang bunso mo ay magpaalam,

ako ang hahanap naman

ng iyong kagamutan".

Tagapagsalaysay:
Ang basbas ay iginawal

nang may luhang nalalaglag,

gayundin ang inang mahal

kalungkutan ay hindi masukat.

Hindi gumamit ng kabayo

sa paglalakbay na ito,

tumatalaga nang totoo

sa hirap na haharapin.

Doon ay natagpuan

isang matandang sugatan,

sa hirap na tinataglay

lalambot ang pusong matigas.

Sa lalagyan ay dinukot niya

Yung tinapay na Dala,

iniabot nang masaya

sa matandang nagdurusa.

Paulit-ulit ang pasasalamat

ang masayang binibigkas

at nais makabayad

sa prinsipe ay nagpahayag.
Leproso:

"Kaya ngayon ang bilin ko

ay itanim sa puso mo.

mag-ingat kang totoo

at nang Hindi ka maging bato.

Sa pook na natatanaw

ay may kahoy kang dadaratnan

ang hirap ay di ano lamang

nakaka-aya titigan.

Doon ay huwag ka titigil

at sa ganda ay nakakaakit,

sapagkat ang mararating

ang buhay mo ay maglalaho.

Sa ibaba ay tumanaw ka

may bahay na makikita,

ang Doon na tao ay siyang

magtuturo sa Adarna".

Tagapagsalaysay:

Umalis na si Don Juan

sa bahay kubo kanyang natanaw,

pag "Tao po!" ay dinungaw ng


ermitanyong may-bahay.

Niyaya pumasok

mayamaya pa ay kinausap ng masinsinan,

ermitanyo ay ang bait

Kay Don Juan ay may pag-ibig.

Don Juan:

"Lahat na po ay binata

nang dahilan sa Ibong Adarna

Ibong matamis kakanta

na lunas sa aking ama".

Ermintayo:

"Don Juan, iyong hanap mo ay

paghihirapan mo ng totoo,

ang Adarna ay may gayuma

na wala pang tumatalo.

Pitong awit na maganda,

pito din at iba't iba

sa balahibong itsurang

ilalabas ng Adarna.

Upang iyong matagalan

pitong kantang mas mabuti,


ay ngayon kita bibigyan

ng sa antok ay panlaban.

Naririto ang kasangkapan na ginagamit biglang pang-ahit ng balbas o buhok

at pitong kalamansi na hinog na,

iyong dalhin at nang huwag kang

talunin ng gayuma.

Bawat kantang papakinggan,

ang palad mo ay sugatan,

Saka agad mong pigaan

ng kalamansi ang hiwang laman.

Matapos Ang pitong kanta

magbabawas ang Adarna,

umilag ka para Hindi ka mapatakan ka

nang wala isa'y magdusa.

Dalhin mo rin itong sintas,

pagkaginto ay matingkad,

itali mo pagkahawak

sa Adarnang aalis".

Tagapagsalaysay:

Pumunta na si Don Juan


sa Tabor na kabundukan

para maagang maabangan

Yung Ibong kanyang pakay.

Ngunit Hindi natagalan

sa ganitong paghihintay

at kanya nang natanawan

ang Adarna ay Dumating.

Pagkalapag ay naghusay

ng kanyang buong katawan,

ang pagkanta ay sinimulan,

tinig ay pinagbuti.

Natukso nang matulog

si Don Diegong nanunubok,

ang kasangkapan na ginagamit biglang pang-ahit ng balbas o buhok ay

dinukot at ang palad ay hiniwa.

Lamang ngumiti sa balat

pinigaan na ng kasangkapan na ginagamit biglang pang-ahit ng balbas o buhok ,

sa hapdi ay halos maiyak

dugo ay umagus sa sugat.

Pitong kanta ay pinagwakas


nitong ibong labis katumbas

pito rin ang naging sugat

ni Don Juan na nagpupuyat.

Ang Ibon ay nagbawas na

ugali pagtulog niya,

ang prinsipeng nakakita

ay umilag pagkatapos.

Kaagad niya sinunggaban

sa paa ay biglang hinawakan

at ginapos nang matibay

ng sintas ng gintong lantay.

Sa katuwaang nakamit

halos di maitatak sa isipan,

ang Adarna ay binuhat

dinala sa Ermitanyo.

Saka inutusan ng Ermitanyo

Ermitanyo:

"Iyong Banga ay kunin mo,

madali ka at sa iyo ay

meron akong iuutos.


Lagyan mo ng tubig iyan at

ang dalawang bato ay buhusan,

nang sa bato ay magsilitaw

ang dalawang iyong mahal".

Tagapagsalaysay:

Si Don Juan ay sumalok

ng tubig na iniuutos,

at sa batong nakapuntod

dahan-dahan ibinuhos.

Nagsilakad na ang tatlo

Kagalakan ay nagpatuloy,

ngunit itong si Don Pedro

may masama palang balak.

Nagpahuli Kay Don Juan at Kay

Don Diego ay umagapay,

ito ay kanyang binulungan

ng balak na kataksilan.

Don Pedro:

"Kaya ngayon ang magaling

si Don Juan ay patayin,


kung patay na ay Iwan natin,

ang Adarna naman ay dalhin".

Tagapagsalaysay:

Binugbog na si Dun Juan

na hindi naman lumalaban,

suntok, tadyak sa katawan

kung dumapo ay walang patlang.

Sa palasyo ng dumating

ang magkapatid na taksil

sa ama ay agad pumunta

Don Pedro at Don Diego:

"Ang Adarna ay Dala namin"!

Haring Fernando:

"Ito ba ang Adarna?"

Tagapagsalaysay:

Naitanong sa dalawa

Haring Fernando:

"kung ito nga ay ano baga't

pagkapangit pala niya!"


Tagapagsalaysay:

Ibon ay ayaw din kumanta

pagkat pakiramdam niyang

Yung may-ari sa kanya

sa palasyo ay wala pa.

Samantalang sa palasyo

pangyayari ay ganito,

si Don Juan ay pagod na pagod

pagapang-gapang sa damo

Don Juan:

"O Birheng Inang mahal,

pagtanggol ng nasa hirap,

maawa di man dapat

ang aliping hirap na di na kaya.

Di ko maubos- isiping

Kapatid ko ay nagtaksil,

kung sa Ibon po ay dahil

kanila na at hindi sakin".

You might also like