You are on page 1of 15

Ibong Adarna

Tauhan: Haring Fernando, Reyna Valeriana, Don Pedro, Don Juan, Manggamot,
Ermitanyo,Ibong Adarna, Donya Juana, Donya Leonora, Donya Maria Blanca,
Serpyente,Higante,Haring Salermo, Matanda.

Scene 01:

Narrator: Sa kaharian ng mapayapang Berbanya, tatlong magigiting na prinsipe ang naging


bunga ng pagmamahalan nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Panganay na anak si Don
Pedrong may tindig na pagkainam, sumunod si Don Diegong malumanay at ang maginoong
totoo na si Don Juan. Sila’y lubos na minamahal ng kanilang magulang.

Narrator: Isang gabi nang mahimbing na natutulog si Don Fernando….

Reyna Valeriana: Ano ang sinapit ng aking mahal na hari?

Manggamot: Iknalulungkot ko pong sabihin sa inyo mahal na reyna ngunit nasa kritikal na
kondisyun na ang sakit ng hari.

Reyna Valeriana: Bakit? Anong ang naging sanhi ng kanyang hindi maipaliwanag na sakit?

Manggamot: Ang sakit ng hari ay dulot ng isang masamang panaginip kaya napuno siya ng
kalungkutan at pag-aalala.

Reyna Valeriana: Ano ang dapat naming gawin upang malunasan ang ganitong sakit?

Manggamot: Isa lamang ang maaaring lunas at iyon ay awit ng isang mahiwagang ibon, ang
Ibong Adarna. Ang Adarna ay makikita sa punong Piedras Platas sa kabundukang ng Tabor.

Don Pedro: Amang Hari at Inang Reyna, bilang panganay sa tatlong magkakapatid, nagkukusa
ko pong hinihingi ang inyong bendisyon upang akoy payagang maglakbay hanapin at dalhin
sainyo ang Ibong Adarna sa inyong tabi.

Scene 02:

Narrator: Sa kapagudan at sa awit ng Ibong Adarna nakatulog si Don Pedro. Ang ibon ay
huminto sa pag-awit ngunit may ugaling magbawas pagkatapos ng kanyang magandang tinig.
Sa kasamaang palad, Si Don Pedrong mahihimbing napatakan at naging batong buhay sa ilalim
ng Piedras Platas [pause] Sa hindi pagbalik ni Don Pedro, nagkagulo ang buong Berbanya. At
ang Ipinadala naman ay si Don Diego.

Reyna Valeriana: Mahigit ilang buwan na ang nakalipas ngunit wala paring balita sa aking
panganay na si Pedro, Ako at ang inyong amang hari ay lubusnag nag-aalala sa kung anumang
pwedeng niyang sapitin.

Don Diego: Inang Reyna, huwag kang mag-alala. Bilang pangalawang panganay ay susudan
kot hahanapin ang aking kapatid na si Pedro, gayuding ang Ibong Adarna kailangan ninyo.

Narrator: kaparehong kapalaran ang sinapit ng magkapatid. Nakinig ng awit at siya’y


napahimbing. At sa pagkakahimbing, napatakan ito at siyang kaawa-awang naging batong
buhay din.

Scene 03:

Don Juan: Amang Hari at Inang Reyna, tatlong taon na ang nakalipas ngunit hindi parin
nakakabalik ang aking mga kapatid. Kung inyo pong mararapatin, ako poy pahintulutan ninyong
sumunod at hanapin ag Ibong Adarna na siyang maglulunas sa sakit ng amang hari.

Haring Fernando: O, aking bunsong anak kung ikaw ay mawawala sa aking tabi at paningin at
tiyak kong ikakamatay.

Matanda: Salamat, Ginoo.


Don Juan: Ngunit amang hari kahit po akoy pigilan kahit anong magyari akoy aalis parin upang
hanapin ang Ibong Adarna kahit pa palihim.

Haring Fernando: Wala na talaga akong magagawa kung ang desisyon mo ay buo na.

Don Juan: Bendisyon mo aking ama babaunin kong sandata.

Scene 04:

Narrator: Habang papunta na siya sa Piedras Platas, may nakilala siyang isang matandang
ketongin na gutom na gutom.

Matanda: Maawa po kayo sa akin Ginoo. Kung may pagkain kayo riyan ay pwede ko bang
mahingi? Kahit kaunti lamang ay sapat na. Ilang araw na akong hindi nakakakain. Pangako ko
sa iyo na papalitan ko ng kahit ano ang iyong maibibigay.

Don Juan: Ako nga po ay mayroong natitirang isang tinapay na baon sa aking paglalakbay. Ito
po at tanggapin ninyo at akou busog pa naman.

Matanda: Salamat, Salamat, Maraming salamat, Ginoo. Sanay ikaw ay ipagpala. Kung hindi
man ninyo mamasamain ay maaari ko bang tanungin kung ano ang inyong pakay sa inyong
paglalakbay at baka kayo ay aking matulungan.

Don Juan: Ako po ay naglalakbay papunta sa kinaroonan ng Inong Adarna. Ang sabi ng
manggamot ng aming kahariang Berbanya, tanging ang awiting ng ibong Adarna ang
makakalunas sa sakit na taglay ng aking amang hari.

Matanda: Mahabaging Diyos! Kung gayon ay malaki pang kahirapan ang iyong pagdaraanan.
Kaya ngayon ang bilin ko ay itanim sa inyong puso. Tandaan mo, magingat ka upang ikaw ay
hindi maging bato. Sa pook na natatanaw mo ay mayroon kang punong madadatnan na tiyak ay
kawi-wiling tingnan ngunit huwag ka doong tumigil Sa ibaba noon ay bahay ng isnag ermitanyo
na mayaman sa kaalaman tungkol sa Adarna. Itong limos mong tinapay ay dalhin mo na dahil
mas kakailanganin mo iyan sa iyong malayong paroroonan kaysa sa akin.

Don Juan: Hindi ko po matatangap ang tinapay Naibigay ko na po iyan at ang bawiin pa ay hindi
ko magagawa.

Scene 05:

Ermitanyo: Ano bat mayroong naligaw sa aking lugar? Ano ang saya mo, Ginoo?

Don Juan: Ang pangalan ko po ay Don Juan, dumanas ng pagod, puyat, gutom, uhaw at hirap
sa aking paglalakbay upang makamit ang matamis na awiting ng Adarna na siyang lunas sa
sakit ng aking ama. Ikinakababahala ng aking kalooban na baka ikamatay ng aking ama ang
sakit nito kapag hindi agarang malunasan. Kaya ngayon po ay humihingi ako ng parangal
tungkol sa ibong aking sadya.

Ermitanyo: Kung gayon, Ginoong Juan, ikay makinig sa aking sasabihin. Ang Ibong Adarna ay
may kahiwagaang taglay kayat hindi pa ito nadadakip ninuman. Naninirahan ito sa isang
punong-kahoy na makinag na kung tawagin ay Piedras Platas Tuwing hatinggabi dumadating at
namamahagi ang Adarna mula sa kanyang paglipad sa ibat iabng lugar. Bago ito tuluyang
maidlip at pitong awit na maganda ang kanyang aawitin. Kapag narinig mo itong awitin ay tiyak
na ikaw ay aantukin. Upang malabanan ang antok, heto at dalhin mo ang labahat pitong dayap.
Sa bawat awit nito, ang iyong plad ay hiwaan at agad mong pigaan ng dayap. Pagkatapos ng
pitong awitin ang Adarna ay magbabawas kaya ito ay iyong ilagan upang ikayhindi maging bato
tulad ng ibang mga sumubok bihagin ang ibong Adarna. Kaya ngayon, ikaw ay pumanhik nat
lumalalim na ang gabi.

Narrator: Nang nakarating na si Don Juan sa Piedras Platas, sinunod niya ang ipinayo ng
matandang ermitanyo.

Don Juan: Salmaat sa inyong bigay na labahat pitong dayap gayudin sa inyong babala. Tiyak
na sa pagbabalik, Ibong Adarna ay aking nang nahuli.

Scene 06:
NO SCRIPT JUST ACTIONS AND EXPRESSIONS SINGING OF IBONG ADARNA

Scene 07:

Don Juan: Nabihag ko nga ang Ibong Adarna! Pero papaano ang aking mga kapatid?

Ermitamyo: Heto ang banga. Punuin mo ito ng tubig at ibuhos sa dalawag bato upang bumalik
bilang tao ang mga ito.

Scene 08:

Don Diego: Salamat, bunsong kapatid na Juan! Sa iyo ay utang ko ang aking buhay!

Don Pedro: Nasan na ag Adarna, Juan? Nagtagumpay ka ba sa paghuli sa kanya kat hindi kami
ngayong bato? Tayo nat humayo papuntang Berbanya upang mabigyan lunas ag amang hari.

Don Juan: Salamat sa inyong naging tulong. Kung inyong mararpatin ay bendisyon ninyo ay
hihingin sa aking pag-alis.

Ermitanyo: Ngunit akoy hamak na ermitanyo lamang.

Don Juan: Utang namin sa inyo ang aming buhay.

Ermintayo: Kung iyan ang iyong kagustuhan . Ikaw ay aking benibendisyunan na maging
mapayapa at malayo sa panganib ang inyong paglalakabay pabalik sa Berbanya.

Scene 09:

Narrator: Habang naglalakad sa kagubatan…

Don Pedro: Aking kapatid na Don Diego, kailangan nating makuha ang Adarna mula kay Don
Juan

Don Diego: Ngunit utang natin sa kanya ang ating buhay. Kung hindi dahil kay Juan ay baka
naging bato na tayo habang buhay.

Don Pedro: Gugustuhin mo bang mapahiya sa harap ng amang hari kapag nalmaan niyang si
Don Juan ang nag-iisang nakahuli ng ubong Adarna at tayong makakatanda ay nabigo? Mag-
isip ka Don Diego, kahihiyan ito na kakalat sa buong kaharian.

Don Diego: Ayokong mapahiya.

Don Pedro: Kaya ngayon dapat nating patayin sa Don Juan upang hindi na siya makatungtong
pa sa Berbanya!

Don Diego: O, Mahabaging Diyos! Hindi ko magagwang patayin ang sarili kong kapatid. Dugo
at laman, tayoy magkaparehas. Tayo ay magkakapatid.

Don Pedro: Kung ayaw mo ay ako ang gagawa. Huwag mo aking pipigilan at baka pati ikaw ay
isama ko sa kanya. At pagdating sa Berbanya, ikay manahimik sa nakita!

(*insert fight scene here)

Scene 10

Reyna Valeriana: Kamiy nakabalik na at dala namin ang Ibong Adarna.

Reyna Valeriana: Maligayang pagbabalik!

Haring Fernando: Nasaan ang aking bunsong si Juan?, Nasaan si Juan?!


Reyna Valeriana: Aking mahal, ikay huminahon. Makakasama sa iyo ang sobrang pag-aalala.
Ito nga ba ang Ibong Adarna iyong sinadya? Kung ito nga ay aba! Kay pangit pala. Sabi ng
manggamot ito ay mayroong pitong balahibong likha ng engkanto.

Don Pedro: Inang Reyna, ito nga po ang Ibong Adarna.

Haring Fernando: Bakit parang nagdurusa ang Ibong Adarna? Kung tutuusim ay mukha pa
itong may sakit kaysa sa akin. Kung ang ibong ito ay ganyan din lamang ay tiyak at lalo kong
kamatayan.

Scene 11:

Don Juan: Inang birhen ako poy nananalangin. Ngayon pong ramdam ko na ang malapit kong
kamatayan ang hangad ko lamang ay ang kaginhawaan ng pakiramdam ng aking ama. Sanay
siya ay mabuhay pa ng mahaba ar maligaya. Siguro po ay naging mabuti naman ako, hindi man
sa pagsusumbat ngunit ang kabutihan ng kalagayan ng aking ga magulang ay ang aking
tanging hiling. At sana poy patawarin ng Diyos ang aking mga kapatid na siyang nagtaksil. Ah,
kay ganda ng langit. Bituin ay maririkit. O, Inang mapagmahal, kung ako ngayoy iyong makikita
tangis at paghihinagpis ang tiyak mong madarama dahil ang aking katawan at bugbog na at
puno ng sugat at pasa. May pag-asa pa kaya akong ikay makita? Sino ang mag-aakala na
ganito ang kahihinatnan ng iyong bunsong anak na anak mo rin ang may gawa? Aking amang
magiliw sa anak, kamusta kna ang iyong kalagayan? Dalangin ko kay Bathala na ikay gumaling
na at sany madatnan kitang masayang-masaya na. Nariyan na ang Ibong Adarna. Kahit hindi
man ako may dala ay sana ikay nasa ayos na.

Matanda: O, Mahabaging Diyos! Ano ang nangyari sa inyo, Ginoo? Ang inyong kalagayan ay
mukhang kalunos-lunos. Halikat ikay aking gagamutin. O, Prinsipe. Kong tiis na lamang at
ginhawa ay iyong mararamdaman.

Don Juan: Isang himala! Ang pakiramdam ko ay ayos na. Maraming salamat po. Sinagip ninyo
ang aking buhay na nasa pangil na ng kamatayan! Ano po ang maaari kong gawin upang
mabayaran ang kabutihang inyong ginawa.

Matanda: Ang layon ng kawanggawa ay hindi nagangailangan ng kabayaran. Ikay aking


tinulungan sapagkat tiyak akoy iginayak dito ng Diyos upang ikay matagpuan. Hala, humayo ka
na at ang Berbanya sayo ay naghihintay na.

Scene 12:

Don Juan: Amang Hari at Inang Reyna! Akoy nagbabalik na.

Haring Fernando: O, aking bunso. Akoy lubos na nag-alala sa iyong kalagayan.

Reyna Valeriana: Aking Mahal na Hari, tingnan mo ang Ibong Adarna at nag-iba na ng anyo.

Ibong Adarna: (SINGS)

Narrator: habang inaawitan nito si Haring Fernando ay isinalaysay niya kung paano siya nahuli
ni Don Juan at maging ang pagtataksil nina Don Pedro at Don Diego sa bunsong anak.

Scene 13:

Haring Fernando: Ang pakiramdam ko ay maagan na. Isa nga talagang himala.

Reyna Valeriana: Ito ay isang magandang balita, aking mahal.

(Ibong Adarna ay lumapit kay Don Juan at yinakap ito na para bang mag-ama)

Haring Fernando: Pedro, Diego! Totoo ba ang sinsabi ng Ibong Adarna?! Sumagot kayo!

Don Diego: Opo, mahal na hari.

Haring Fernando: Ipatapon ang dalawang ito at bawain ng lahat ng karapatan. Hindi
mapapantayan ng kapatawaran ang ginawa nyong pagatataksil sa inyong kapatid, sarili niyong
dugot laman! Dapat kayoy hindi na pamarisan! Umalis kayo at ayaw ko na kayong makita pa.
Don Juan: O. aking amang ginigiliw, ang kanilang ginawa ay tapos na at ngayon akoy buhay pa.
Wala rin ngang pagbabago sa samahan naming tatlo. Normal lamang na pag-aaway iyon ng
magkakapatid. Sila ay aking minamahal karugtong ng aking buhay Sila rin po ay mga anka
ninyo, sanas poy silay kaawaan.

Haring Fernando: Tama ka, aking bunso. Sila nga ay aking mga anak kayat kakalimutan ko ang
hatol na ito, kapalit ng pangakong hindi na uulitin pa ang kanilang ginawa. Ngunit, magkasalsa
sila muli ay hindi ko na papatawarin at kamatayan ang magiging kapalit. Nagkakaintidihan ba
tayao?!

Don Pedro&Diego: Opo, amang hari.

Scene 14:

Don Pedro: Hindi ko ito matatanggap! Maghihiganti ako sa kahihiyang ibinigay ni Juan sa atin!
Ngayong aliw na aliw ang amang hari sa Adarna, ito ang mabisang gamitin upang hatulan is
Juan.

Don Diego: Don Pedro, ngunit hindi ka ba natatkot sa maaaring mangyari kapag nalaman ito ng
amang hari?

Don Pedro: Bakit ako matatakot? Ang isang magiting na Don ay hindi dapat matatakot kaya
ikaw ay sumunod na lamang sa aking iuutos. Gisingin mo si Juan at siya ang ipagbantay mo sa
Ibong Adarna. Pagdating dito ay iwan mo siyang mag-isa at huwag mo siyan halinhan. Kpag
itoy makatulog na, ang Adarna ay ating pakakawalan.

Scene 15:

Don Diego: Juan! Ikaw na ang magababantay sa Adarna. Hintayin mo na lamang si Pedro na
halinhinan ka pagkatapos.

Scene 16:

Don Juan: (inaantok sa pagbabantay at tuluyan na itong nakatulog)

(habang sina Pedro at Diego ay pinakawalan na ang Adarna)

Scene 17:

Narrator: Pagkagising ni Don Juan, tumambad sa kanya ang bukas na hawla ng Ibong Adarna.

Don Juan: Nasaan na ang Ibong Adarna? Hindi kaya akoy nailinlang ulit ng aking mga kapatid?
Hindi aba sila natatakot sa maaring gawin ng amang hari kapag nalaman ang kasamaang
nagawa nila sa akin? Ngunit ako ay may pagkukulang rin, kaya ngayon, ang dapat kung gawin
au magtago na lamang upang mapagtakpa ang nagawang kasalanan ng aking mga kapatid.

Scene 18:

Haring Fernando: Pedro, Diego, Juan! Nasaan ang Adarna??! Bakit wala ito sa kanyang
hawla?!

Don Diego: Ama, ewan, ang bantay po kagabi ay si Don Juan.

Haring Fernando: Nasaan si Juan? Hanappin niyo si Juan ngayun din!

Don Pedro: Ama, bakit kailangan pa naming hanapin ang taong taksil at sumaway ng iyong utos
na bantayan ang Adarna?

Haring Fernando: Tumahimik ka, Pedro! Ang utos ko ay hanapin niyo si Juan at ibalik sa
Berbanya! Umalis na kayo sa aking harapan!
Scene 19:

Don Pedro: Huwag kang ganyan, Diego. Ang iyob takot at hiya ay dapat ilihim kay Juan.
Lakasan mo ang iyong loob. May naisip ako upang tayong mga kapatid niya ay makabawi man
lang sa kanya.

Don Diego: Ano iyon?

Don Pedro: Huwag na tayong bumalik sa Berbanya. Tayoy sumama na kay Juan at
makipagsapalaran sa ibang kaharian.

Don Diego: Iyan nga ay isang magandang ideya.

Narrator: Lakad, tanaw at silip ang kanilang ginawa ngunit wala pa rin nakita si Don Juan.
Hanggang sa, nakita na rin nila si Don Juan sa Armenyang Kabundukan. Itong Bundok ng
Armenya’yisang pook na maganda at napaliligiran ng tanawing kaaya-aya. Sa Armenya
tumahan si Don Juan upang doon pagsisihan ang nagawang pagkukulang

Don Pedro: O, siya at lapitan na natin si Juan.

Don Pedro: Juan! (niyakap ang kapatid)(grop hug with diego) Kami ay nagkasundong lisanin
ang Berbanya at maglakbay sa malayo. Ibig sana naming imbitahin kang sumama sa aming
paglalakbay?

Don Juan: (still hesiatting) O, sige. Akoy pumapayag.

Scene 20:

Don Diego: Tingnan niyo usang balong marmol ay may mga gintong nakaukit!

Don Juan: Ang balong ito ay mahiwaga. Subukan nating bumaba at tuklasin ang nasa loob nito.
Ngayon din ako ay inyon talian at ihugos ng dahan-dahan. Hwag ninyo itong bibituwan haggat
hindi ko sinasabi.

Don Diego: Akoy mas matanda sa iyo kaya ako muna ang mauunang bumaba. Tiyak na ang
natatagong lihim ng balon ay malalaman.

Don Pedro: Aba! Wala ka ring karapatan sapagkat ako ang panganay kaya ako ang may
karapatang uang sumubok.

Don Juan: Kung gayon. Ikaw na ang mauna

(tinalian si Pedro at pumsok na ito sa balon)

Don Diego: Narating mo ba ang hagganan? Ano ang iyong nakikita?

Don Pedro: Maghintay muna akyo! Akoy kinukulang pa ng hininga. Hindi ko natagalan ang loob
ng balon. Sindak at takot ang aking nadarama para akong sinasakal.

Don Diego: Takot? Sabi mo ang isang Don y dapat walang kinatatakutan.

Don Pedro: Tumahimik ka Diego. Sige nga, ikaw nga ang sumubok at tingnan natin kung ikaw
di matakot.

(tinalian si Diego at pumasok na ito sa balon)

Don Juan: O, anong balita? May natuklasan ka ba?

Don Diego: Ewan ko…Wala! Wala! Sa lalim na parang walang hanggnan, ang takot ko ay
umiral. Sa tingin ko kug ako ay nagtagal pa doon, tiyak ang aking kamatayan.

Don Juan: Kung iyan rin lamang ay ako na ang susubok. (tinalian ang sarili at pumasok sa
balon)

Scene 21:

Don Juan: O, hiwaga! Mala-engkanto nga ang balong ito. Mayroong palasyong kuminikinang
sa loob nito.
Narrator: Nang nakarating si Don Juan sa loob ng balon, siya ay namangha sa ganda ng
palasyong gawa sa ginto at pilak at lalonG-lalo na sa ganda ni Donya Juana.

(Naglalakad-lakad siya at nakita nito si Donya Juana)

Don Juan: Magandang araw sa iyo, O marilag na prinsesa. Don Juan ang aking pangalan.

Donya Juana: Magandang araw rin sa iyo, ginoo. Akoy manghang-mangha at ikaw ay narito.
Ang aking ngalan ay Donya Juana.

Don Juan: Sadyang ang tadhana ang nagdala sa akin dito upang ikay makita.

(lumuhod at hinalikan ang kamay ni Donya Juana, ngunit si Donya Juana ay hindi ngumingiti,
ang mukha nitoy nababalot ng galit)

Don Juan: Kung walang pagmamahal na ikay nadarama, kitilin mo na lamang ang aking buhay.
Ano pa ang halaga nito kung ikaw ay hindi rin lang makakamtan? Tinahak ang balong kasindak-
sindak upang ikay masilayan lamang. Ngunit, ngayo'y ikaw ay nasilayan, sawi pa rin ang aking
buhay.

Donya Juana: (hinipo ang mukha ni Juan) Tanggapin mo ang aking puso. Kapag itoy naglaho,
patunay na ikaw ay nagtaksil sa pangako.

Don Juan: O, aking prinsesa. Akoy kailanman hindi magtataksil. Panahon ang siyang
magsasaysay.

Donya Juana: Ngunit,ngayon. Saan kita itatago laban sa Higanteng malupit na nagbabantay sa
akin? Kpag ikay makita nito, tiyak na kamatayan ang iyong aabutin.

Don Juan: Aking mahal, ang matakot ay hindi bagay sa iyo. Hayaan mong labanan ko ang
Higanteng upang makamtan mo ang iyong kalayaang inaasam.

Scene 22:

Higante: Juana!! Amoy ibang tao! May ibang taong naparito! Nasaan ang taong iyon?!

Donya Juana: Hindi ko alam.

Higante: Kung sinuswerte ka nga namn, (tawa) hindi ko na kailangan pang mamundok upang
makahanap ng makakain, gayong may kusang lumapit.

Don Juan: Higante! Tumahimik ka! Akoy hindi mo makakain!

Higante: Kung ikaw man ay kilabot sa iyong kaharian. Dito ay hindi kaya ikaw ay magiging aking
pagkain!

(insert fight scene here)

Don Juan: Aking mahal na prinsesa, ikay malaya na.

Donya Juana: (niyakap si Juan) Slalamat, Juan! Salamat!

Don Juan: Kaya, halika na at umalis na tayo sa lugar na ito.

Donya Juana: Sandali, Juan. Hindi ko maiiwan ang aking kapatid na si Leonora. Nandoon siya
sa loob ng palasyp at bantay niyay isang serpyente. Ang aking hiling ay sana siya ay iyong
iligtas din.

Don Juan: Kung iyan ang iyong kagustuhan, prinsesa kong nililiyag.

Donya Juana: Ngunit, akoy natatakot. Baka ikaw ay masawi at akoy maiiwang mag-isa.

Don Juan: Pangako. Magbabalik ako sa iyong tabi. (hug)

Scene 23:

Donya Leonora: Pangahas! Sino ka? At bakit ka naparito?

Don Juan: Humihingi ako ng kapatawaran sa aking kapangahasan. Ang ngalan koy Juan.
Donya Leonora: Hindi mo ba alam na kamatayan lamang ang iyong makakamtan sa pagparito.
Kaya bago pa dumating ang serpyente, ikay umalis na!

Don Juan: Hindi gaanong masaklap mamatay kung itoy sa iyong harap lamang.

Donya Leonora: Nagbibiro ka ba? Hindi kita kailangang mamatay sa aking harapan. Umalis ka
na at manghinayang sa makikitil mong buhay.

Don Juan: Ano ba ang iyong ikinagagalit? Kung ako man ay marahil na nagkasala, ito lang ay
dahil sa pagsinta. Kayat susundin ko kahit ano man inyong iuutos ngunit ang umalis sa iyong
paningin ay hindi ko magagawa. Dahil kapag akoy lumayo sa iyo ng titig, ang hininga ko ay
tiyak na mapapatid. Sa gipit kong kalagayan, ikaw na Prinsesang mahal ang magbigay ng hatol.
Ikaw bay sasama sa aking paalis sa lugar na ito o hahayaan ang aking kamatayn sa iyong
harapan?

Donya Leonora: (nilapitan si Juan) Hindi rin ako makatiis. Don Juan, hinid ko nais na ikay
habagin, kung sa iyo man ay nagalit, pagsubok lamang iyon ng pag-ibig.

Don Juan: Naiintidihan ko, aking prinsesa.

(nagtitigan sila with LOVE! Then hug!)

(biglang dumating ang serpyente with 7 heads)

Serpyente: Leonora, bakit ikaw ay may taong inaila sa akin?@ Ikaw, tao! Ang buhay mo ay
aking kikitilin!

Don Juan: (binunot ang espada) Hindi, ang buhay mo serpyente ay aking kikitilin!

Serpyente: Magsisisi ka sa iyong pagparito.

(insert fight scene here)

Donya Leonora: Don Juan, narito ang mabagsik na balsasmo. Sa bawat ulong mapuputol,
ibuhos mo ito upang itoy hindi na muling mabuhay pa.

(insert fight scene here. One head left)

Don Juan: Aking prinsesa, tapos na ang iyong pagdurusa. Halika at tayoy umalis na.

Scene 24:

(lumabas na sina Juan, Juana at Leonora sa balon)

Don Juan: Aking mga kapatid na Pedro at Diego, sila ang magkapatid na sina Juana at Leonor,
mga prinsesa ng kaharian sa loob ng balon.

Don Diego: Ito nga ay isang hiwaga.

Don Pedro: Ikinagagalak namin kayong makilala, Donya Juana at Donya Leonora. (sabay halik
sa kamay)

Donya Leonora: Naku!

Don Juan: Bakit? Ano yun?

Donya Leonora: O, Juan. Ang akin dyamanteng singsing na pamana pa ng aking ina ay naiwan
sa plasyo.

Don Juan: Kung gayon ay dapat ko itong balika. Maghinaty kayo dito at kukunin ko ang naiwan.

Donya Leonora: Salamat, giliw ko.

Don Juan: (tinalian ang sarili) (Ngunit habang bumababa si Juan ay bigla na lamang pinutol ni
Pedro ang lubid.)

Donya Leonora: JUAN!!! Lapastangan! Kapatid mo iyon! Bakit mo pinutol ang lubid? Ibig mo ba
ang kanyang kamatayan?

Don Pedro: Oo! Kung ito rin lamang ang paraan upang ikay mapasaakin rin lamang.
Donya Juana: Kawalang-hiyaan! Hindi nababagay si Leonora sa iyo!

Don Pedro: Kayong dalawang prinsesa ay aming dadalhin sa Berbanya at doon ay ipapakilala
bilang aming magiging asawa.

Donya Leonora: Lubuyan mo ako. Gusto kong mapag-isa

Narrator: Nagtuloy sina Don Pedro’t Don Diego sa kaharian ng Berbanya na kasama ang
magkapatid na prinsesa

Scene 25:

(mayroong lumitaw na lobo)

Donya Leonora: (kinakausap ang lobo) Puntahan mo si Don Juan. Kung siya man ay nasaktan,
gamutin mo ang kanyang mga sugat. Sabihin mong hindi ko kagustuhang iwan siya dito sa
baloon. Kami ay pinilit lamang ng kanyang mga taksil na kapatid.

Scene 26:

Don Pedro: Aming amang hari, kamiy nagbalik na.

Haring Fernando: Nasaan na si Juan? Nasaan na ang inyong kapatid?

Don Pedro: Ikinalulungkot namin pero hindi po namin matagpuan si Juan. Ilang bundok at burol
ang aming nilakbay ngunit wala kaming Juang nasumpungan at sa aming kapaguran, ito ang
aming natagpuan. Sila ay ang magkapatid na prinsesang sa kaharian sa loob ng isang balon
nakatira. Ang ngalan nila ay Donya Juan at Donya Leonora. Napagdesisyunan naming iuwi ang
mga prinsesa nang aming mapangasawa at mapagbilang sa Berbanya.

Haring Fernando: O, sa Diyos, pasalamat kayong lubos. Sino sa kanila ang ibig mong
pakasalan, aking anka na si Pedro?

Don Pedro: Kung ako poy tatanungin, si Leonora ang sa akin at ang kay Diego ay kay Donya
Juanang butihin.

Donya Leonora: (lumuhod at napaiyak) Ako poy di sumusuway ngunit may isa lamang akong
kahilingan at ito ay iliban muna ang kasal. Mula po kasi noong aoy maulila sa aking amat inay,
pitong taon kung panata ng mamuhay na mag-isa. Sana poy maghintay ninyong matapos ko
muna ang aking panata bago pakasalan ang prinsipe ng Berbanya.

Haring Fernando: Kung iyan ang iyong kagustuhan, Donya Leonora. Ikaw namn, Donya Juana,
sa anak kong pangalawa, ang kasal ninyo ay ihahanda na pati na ang gagawing pista.

Scene 27:

(Wolfs actions)

Narrator: Nanumbalik ang lakas ni Don Juan, matapos siyang gamutin ng lobong alaga ni
Leonora.Nang naging mabuti ang pakiramdam ni Don Juan, siya’y iniwanan na.

Don Juan: Salamat. Maraming salamat, lobo.

Scene 28:

(natutulog si Juan)

(singing the ibon adarna)

Don Juan: Tila ako ay nasa langit na.

Scene 29:
Don Juan: Tanda, ako poy inyong kaawaan. Kung meron man po kayong dalang pagkain diyan,
maari niyo ba akong limusan?

Matanda: Heto, ginoo. Kahit itoy durog durog lamang na tinapay, tiyak na ikay mabubusog.
Heto rin ang tubig at pulot-pukyutan upang ikay masiyahan.

Don Juan: Salamat sa pagakin. Hindi man ako ngayon makaganti pero tiyak na sa tayoy
magkita muli, baka maaktulong ako sa huli. Ngunit, pasensya na po sa kawalan ng paggalang,
may isa pa po akong kahilingan. Mais ko pong malaman kung saan ang daan patungo sa De
Los Cristales. Ako po ay tatlong taon nang naglalakbay ngunit ito ay hindi ko pa rin matagpuan.

Matanda: Aba akoy wala ring alam tungkol riyan ngunit may alam akong taong makakatulong sa
iyo na magututuro kung nasaan ang De Los Critsales. Mula rito, tandaan mong nasa iakapitong
hanay na bundok ang hahanapin mong Ermitanyo. Heto, kapirasong baro ay iyong ipakita sa
kanya kapag kayoy nagkasalubong. Kaya nagyon ay humayo ka na at malayo pa ang iyong
lalakbayin.

Don Juan: Maraming Salamat sa iyong tulong. Ikaw sanay ipagpala.

Scene 30:

(lumapit ang prinsipe sa ermitanyo)

Ermitanyo: Lumayo ka sa aking tabi. Sa katagalan ng aking pag-iisa, wala pang taong naparito
kaya siguro ay ikaw ay engkanto.

Don Juan: Huwag po kayong mag-alala. Totoong tao po akong ipnadala ng matanda. Heto, ang
barong ito ang katibayan.

Ermitanyo: Totoo nga! Ano ngayon ang iyong sadya?

Don Juan: Marangal na ermitanyo, tinutunton ko pong pilit ang Reyno De Las Cristales.

Ermitanyo: Wala akong alam sa hanapo mong kaharian. Maging ang sakop kong mga hayop ay
di rin nakakaalam. Baka ang kapatid ko ay may alam. Sa ikapitong bundok na iyan, may
matanda kang madaratnan. Itong baro ko ay iyong dalhin upang maging katibayan. Heto, ang
Olikornyo at iyong sakyan. Ikay ihahatid niyan patunod sa iyong dapat patunguhan.

Scene 31:

Ermitanyo: Sino ka at ano ang iyong pakay? Matagal na akong walang nakikitang tao rito.

Don Juan: Ako poy ipinadala ng iyong kapatid upang masagot ang aking hiling na katanungan.
Heto, ang kanyang kapirasong baro para katibayan na akoy nagsasabi ng katotohanan.

Ermitanyo: Ito nga ay sa aking kapatid. Ngayon.ano ang iyong katanungan?

Don Juan: Sadya ko po ay malaman ang daan patungo sa Reyno De Los Cristales.

Ermitanyo: Walong tanong paninirahan ko rito ngunit wala akong nalalamang ganyang
kaharian. Maghintay ka at magtatanong ako sa aking sakop na mga ibong nasa bundok.

Ermitanyo: Sa mahabang paglalakbay, sino ang nakakaalam sa Reyno De Los Cristales?

(walang suamgot sa mga ibon at biglang dumating ang isang agila)

Ermitanyo: Agila, bakit ikay nahuli ng dating? Parang hindi mo pa nauunawan kung para saan
itong kampana.

Agila: Panginoon naming mahal, sana po akoy iyong mapatawad. Hindi ko hangad na suwayin
ang tunog ng kampana ngunit ako po ay naggaling sa napakalayong lupain. Paglipad ko man
ay binilisan, ngunit ako ay huli na sa kahalatan nang dahil sa sobrang kalayuan ng aking
pinanggalingan.

Ermitanyo: Kung gayon, nagyon din ay sabihin mo ang pangalan ng lupaing iyong
pinanggalingan.

Agila: Isang luapaing marikit, ang Reyno De Los Cristales.


Ermitanyo: Itoy isnag hiwaga! Don Juan, narinig mo na ang balita ng Agila, kaya ngayon ay
ikaw ay humanda na. Agila, ikaw ay maghanda rin sapagkat ikaw ang magdadala kay Juan
patungo sa Cristalis.

Scene 32:

Agila: Tayoy narito na, mahal na prinsipe. Dito na kita iiwanan. Ikaw ay mangubli sa halamanan
nang hindi ka mamalayan. Asahang sa ikaapat na madlang araw na oras, dito ay darating ang
hanap mong prinsesa. Ngayon, ako ay magpapaalam na. Ang loob mo at tibayan at ang bilin
koy tandaan nang matiyak ang iyong tagumpay.

Don Juan: Maraming salamat, Agila.

Scene 33:

Narrator: Narating ni Don Juan ang kahariang Cristalinos sa tulong ng agilang alaga ng
ermitanyo. Unang pagkakita ni Don Juan kay Donya Maria Blanca ay nabihag na ang kanyang
puso.

Don Juan: Siya nga may tagalay na mala-engkantong kagandahan.

Donya Maria: (narinig ang ingay) Sino ang nariyan?

Don Juan: (tahimik lamang)

Donya Maria: Alam kong may tao riyan. Kaya kung ayaw mong ipatawag ko pa ang aking ama
ay magpakita ka na lamang.

Don Juan: (goes out from hiding) Ako sanay patawarin sa pagtatagong nagawa. Akoy natulala
lamang sa iyong taglay na kagandahan, o mahal na prinsesa. Kung ako man ay may
magawang mas malalang kasalanan, kahit anong kapurusahan ay tatanggapin sapagkat ako,
sa iyo ay may pagsinta.

Donya Maria: Galit koy nag-aapoy dahil sa iyong pagpasok dito ng walang pahintulot.

Don Juan: Galit mo man kung nag-aapoy, ganoon rin ang puso ko para saiyo. (grabs the
princess hand ang put it on his chest to feel his beating heart)

Donya Maria: Batid at nadarama ko ang iyong sensiridad kaya ang galit ko ay nawala at
natunaw na parang bula.

Don Juan: (knelt down) O. aking prinsesa. Ako si Prinsipe Juan, anak ng Berbanya at hindi ko
mawari kung ako ba ay makakabalik sa kaharian ng aking mga magulang. Ang inyong kaharian
ay aking nilakbay ng ilang taon pa upnag ikaw lamang ay masilayan.

Donya Maria: Tumayo ka, Don Juan. Tanggapin mo ang aking kanang kamay. Ito ay tanda ng
pagsinta kong panghabangbuhay. Sa ating pagmamahalan, maglihim ay kataksilan.

Don Juan: (kisses the princess right hand and stands)

Donya Maria: Aking mahal na prinsipe, marami na ang naghangad ng aking kamay mula sa
aking ama ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring nagtagumpay, ngunit dahil batid kong
naiiba ka sa kanilang lahat at tayo ay nagsumpaan na ng pag-iibigan, pinapangako kong ikaw
ay tutulungan para sa iyong ikakatagumpay.

Don Juan: Salamat, aking mahal na Maria.

Scene 34:

Haring Salermo: Isang panauhin! Ano ang sadya mo sa aking kaharian?

Don Juan: Batid ko ay magandang hapon sa Hari kong panginoon. Ako si Prinsipe Juan ng
Berbanya. Ang inyong kaharian ay nilakbay mula sa kalayuan upang masilayan at mahingi mula
sa inyo ang anak niyong aking iniibig.

Haring Salermo: Kung iyan ang ating pag-uusapan, halika ka ata pumanhik sa loob ng palasyo.
Don Juan: Huwag na po kayong mag-abala, mahal na hari. Ako po nagyon ay handa na sa
kahit anumang ibibigay niyong kautusan.

Haring Salermo: Pwes, ngayon din ay kumuha ka ng trigo at itanim sa lupa. Kailangang bukas
na bukas rin ay may gawa nang tinapay mula sa iyong itananim na trigo.

Narrator: Ang unang hiling ng hari ay nagtagumpay sa tulong ng kapangyarihan ni Donya Maria
Blanca.

Scene 35:

Haring Salermo: Hindi ito maaari. Pitong kahilingan ko ay walang hirap niyang nagawa. Anong
klaseng prinsipe ito? Mula sa isang gabing paggawa ng tinapay patungo sa pagpapaamao ng
aking kabayo, nakakamangha man pero hinid ko kayang ibigay sa kanya ang isa sa aking mga
anank lalung-lalo na si Maria. Ngunit, sa araw ng pagpili, hindi rin niya malalaman kung sino sa
tatlo ang aking Maria.

Narrator: Nagtagumpay na naman ang prinsepe sa tulong ni Donya Maria.

Scene 36:

Haring Salermo: Nang dahil sa iyong tapat na pagsunod sa aking mga kahilingan, ikaw Prinsipe
Juan, ay aking pianpayagang pumili sa aking tatlon anak upang gawing asawa. Ngunit ang
kanilang kamay lamang ang iyong makikita mula sa mga pinto. Kapag nakapili ka na, kahit sino
man ang iyong napili ay papayagan kong kayu ay ikasal na.

Don Juan: (naglalakad-lakad sa mga pinto) Mahal na hari. Narito ang aking prinsesang iniibig.

Donya Maria: (lumabas) O. aking mahal.

Haring Salermo: (speechless, in shock) Hinid pwede!! (so much anger here!)

Donya Maria: Ngunit Ama, ikay nangako!

Haring Salermo: Hindi! Hinid ako makakapayag. Kunin mo na lahat sa akin, huwag lang ang
anak kong si Maria!

Don Juan: Ngunit siya ang aking iniibig.

Donya Maria: Mahal ko, akoy ilayo mo ngayon din sa lugar na ito.

Don Juan: (tumakbo habang hawak si maria)

Haring Salermo: (hinawakan si maria) O, aking bunsong prinsesa, huwag mong iwan ang iyong
ama. Pabayaan mo na ang prinsipeng estranghero iyan dumidito ka sa tabi ng iyong ama.

Donya Maria: (iwanksi ang kamay ng ama at itinulak ito) Hindi, ama! Magulang man kita ngunit
mahal ko si Juan. Ako sanay patawarin.

(And theyre gone)

Haring Salermo: (umiiyak) Maria!!! Isunusumpa kita! Ang iyong minamahal na si Don Juan ay
tiyak na malilimutan ka kapag dumating na siya sa Berbanya! Siyay ikakasal unang babaing
kanyang makikita sa kaharian ng Berbanya at ikaw ay habambuhay na mag-iisa!! (faints/dies)

Scene 37:

Don Juan: Aking prinsesa, ikaw muna ay aking iiwan, pangako akoy babalik agad. Hahanrapin
ko lamang ang galit ng aking ama ng mag-isa.

Donya Maria: Pangako mo ay babalik ka agad. Akin iyang panghahawakan. (hugs)

Scene038:

(Juan naglalakad papasok sa kaharian)


Narrator: Ngunit nakalimot si Don juan sa kanyang pangako kay Donya Maria…

Donya Leonora: (hugs) O, aking Juan! Hindi nga ako namamalik-mata. Ikaw nga itong aking
nakikita.

(and the rest monarch appeared)

Haring Fernando: Juan, ikay nagbalik na.

Don Juan: Mahal na hari, sana akoy patawarin sa nagawa kong hindi dapat.

Donya Leonora: Kamahalan, dinggin mo ang aking sasabihin. Hiningi ko po sa inyo ang pitong
taong pagbabanal upang maiwasang ikasal kay Don Pedrong taksil. Ang totoong nagligtas sa
akin ay si Don Juan. Siya lamang ay piangtaksilan ng dalawa nitong kapatid upnag kamiy
maisama sa Berbanya bilang kanilang mapapangasawa.

Haring Fernando: (tiningnan si Pedro at Diego with anger nagyuko ang ulo ang dalawa)
Leonora, sinuman kina Don Pedro at Don Juan, ikaw na ang bahala kung kanino ka
magpapakasal. At ang pag-iisang dibdib ninyo ay gagawin sa linggong ito.

Haring Fernando: Nagyon, naghihintay na ang parusa para sa inyong dalawa.

Don Juan: Nguniy, ama. Tunay nga ang sinasabi ni Leonora pero sana ang parusa ay ipataw na
lmang pagkatapos ng kasal.

Haring Fernando: Tama nga naman ang iyong mungkahi.

Scene 39:

(wedding usic cue)

Haring Fernando: Itigil muna ang kasalan. May dumaarting na emperatris.

(grand entrance ni Maria)

Narrator: Nagsadya sa palasyo si Donya Maria sakay ang isang magarang karosa at suot ang
isang napakagandang kasuotan. At siya ay naghanda ng palabas tungkol sa pagiibigan nila ni
Don Juan upang muli siyang maalala nito.

Donya Maria: Naakit po akong tumigil at dumalo sa kasalan. Ngunit, parang ako ay nahuli na ng
dating.

Reyna Valeriana: Emperatris na marilag, hindi pa huli anh iyong hangad sapagkat ang kasal ay
itinigal para ikaw ay matanaw. Tradisyon na ng kaharian na parangalan muna ang bisita bago
ang sarili.

Donya Maria: Ganoon po ba? Kung ganun ay mayroon akong reaglo sa inyong mga taga-
palasyo. Isang palabas na bagay sa kasalang magaganap.

Haring Fernando: Emperatris, ipakita ang palabas. Akoy sadyang nasisiyahan nang dahil sa
iyong bigay na regalo.

Scene 40:

Negrito at Negrita (play starts here)

Scene 41:

Narrator: Nagalit si Donya Maria Blanca at sa pamamagitan ng kanyang mahika, naalala ni Don
Juan kung sino ang tunay niyang iniibig. Hiniling na niyang silang dalawa ni Maria Blanca ay
maipakasal.

Donya Maria: Hindi mo ba talaga matandaan ang iyong tunay na minamahal?, Don Juan? Kung
gayon ay mas mabuti na lamang na mamatay tayong lahat dito! Ang praskong ito ay
naglalaman ng nalalabi kong kapangyarihan na siyang gugunaw sa buong Berbanya!
(babasagin na ang prasko nang bigla siyang niyakap ni Juan)
Don Juan: Maria! Ikaw nga ang prinsesang aking sinisinta. Kasalanan ko ang lahat. Ang iyong
lungkot at kalumbayan ay aking kasalanan. Hinid ko naiwasan ang sumpa ng iyong ama. Ako
ang tunay na may sala. Kung ikaw ay may galit pa sakin, sanay patawarin.

Don Juan: Ama, (hinawakan ang kamay ni Maria) sa kanya akok magpapakasal, hindi kay
Leonora.

Donya Leonora: Hindi ako makakapayag! Ako ang nauna, ako ag mas may karapatan! At sa
pangalan ng Bathala, ang nauna ang may pala.

Donya Maria: Inayawan ko ang lahat para kay Juan. Naging taksila ko ng aming kaharian at sa
ama ay naging suwail para lamang sa pagmamahal ko kay Juan. Isinakripisyo ko ang lahat para
sa kanya dahil totoo kaming nagmamahalan. Ano ba ang punto kung may nauna man kung
hindi naman ito ang naglalabis na nagmamahal at minamahal?

Narrator: Tinutulan ito ni Donya Leonora at isinangguni ito sa arsobispo ng Berbanya.


Iminungkahi ng arsobispo na dapat magpakasal si Don Juan kay Donya Leonora.

Haring Fernando: Ngunit, utos ito ng simbahan at bats ng Kalangitan, ang unay may karapatan
sa pag-ibig ni Don Juan.

Donya Maria: Ganito ba talaga ang batas ng mga tao? Sa mali ay anong amo, sa tumpak ay
lumalayo?

Reyna Valeriana: O, Diyos sa Kalangitan, kamiy iyong liwanagin.

Donya Maria: Sa puri kaya ng tao, ano kaya ang katimbang nito?

Donya Juana: Tumahimik ka na. Ngayon ay wala ka ng daan, si Leonora ang katipang
tinatanggap ng simbahan at siya ang ikakasal sa prinsipe, hindi ikaw!

Donya Maria: (hinarap si Juana at sinampal)

(inawat naman siya agad ni Juan)

Don Juan: Huminahon ka, aking mahal. Ama, Ina at sa lahat ng nandirito, si Donya Maria ang
tunay na nasa puso ko. Kung nahandugan ko man si Leonora ng pagsinta, inaamin kong mas
matimbang ang aking pagmamahal kay Maria. At kapag pinakasalan ko si Leonora. Akoy
mapupuno lamang ng lumbay. Hindi lang dahil sa nawala sa akin ang totoo kong minamahal
ngunit dahil din sa magkakalayo kami ng loob ni Don Pedro Siya ang tunay na nagmamahal kay
Leonora, hindi ako.

Donya Leonora: Ngunit, Juan,

Don Juan: Hinid mo lang nakikita ngayon ang pag-ibig na ibinibigay ng aking kapatid sapagkat
hindi mo pa binubuksan ang iyong pusot isipan sa iba. Mayroong mas may karapat-dapat sa
iyo, Leonora at hindi ako iyon. Lubhang ma-inggitin man si Pedro pero pagdatiing sa babaeng
kanyang minamahal siyay naiiba.

Don Juan: (humarap sa ama) Kaya ama, sanay iyong maintindihan ang aking pasya. Sanay
basbasan mo kami ni Maria na maikasal na.

Haring Fernando: Naiintidihan ko ang nais mong iparating, akinga anak. Hindi nga lahat ng
nauuna sa pag-ibig ay ang ating tunay na iniibig. Kaya ibinibigay ko ang basbas ko sa inyo ni
Maria. Ngunit, sino ang magmamana ng aking trono?

Don Juan: Sino pa ba, ama? Kundi ang iyong panganay na anak.

Donya Maria: Hwag po kayong mag-alala, mayroon pong naghihintay na kaharian kay Juan at
iyon ang reyno De Los Cristales.

Haring Fernando: Kahit man nagkasala ang aking panganay, siya pa rin ang may karapatan at
karapat-dapat sa trono. Kaya ngayon aking tagapamana ay ipinapangalanang si Don Pedro! O,
hala. Sige, ipagpatuloy ang pista.

(music cue)

Don Juan: Maligayang bati sa magiging hari ng berbanya! (shakes hands with pedro)

Don Pedro: Ikaw din, Juan, Sana ako ay iyong patawarin sa lahat ng aking nagawa.

Don Juan: Noramal lang sa magkakapatid ang nag-aaway. (walks away)


Donya Leonora: Maligayang bati, susunod na hari.

Don Pedro: Salmaat, Leonora

Donya Leonora: Bukas pa ba ang trono bilang maging iyong Reyna?

Don Pedro: Ha? (SHOCKS!!)

Donya Leonora: (natawa) Kung ayaw mo akong pakasalan ay ayos lang.

Don Pedro: Talaga! Pumapayag ka nang tayoy magpakasal na?

Donya Leonora: Napgisip-isip ko ang sinabi ni Juan. Tama nga ang kanyang sinabi, Gusto kong
subukang magmahal ng iba.

Don Pedro: Hindi ka magsisisisi sa iyong naging desisyon. (hug)

Narrator: Natuloy nga ang kasalan at hinirang ni Haring Fernando na bagong hari at reyna ng
kaharian ng Berbanya sina Don Juan at Donya Maria Blanca ngunit sila’y tumutol sapagkat sila
ang maghahari sa Reyno Delos Cristales kaya naman sina Don Pedro at Donya Leonora ang
namuno sa Berbanya.

Scene 42:

Narrator: Bumalik na sina Don Juan at Donya Maria Blanca sa Kahariang Reyno Delos
Crystales at sila’y namuno roon at namuhay ng mapaya ang lahat.

Mga Tao: BIBA! BIBA! Hari natiy matagumpay! Reyna natin ay matagumpay!

(coronation of Don Juan at Donya Maria)

Narrator: At dito nagtatapos ang makulay na kwento ng Ibong Adarna mula sa akda ni Florante
C. Garcia.

WAKAS.

You might also like