You are on page 1of 10

Salaysay ng

Ibong Adarna
Sa tulin ng kaniyang lakad Magkagayo’y ang Adarna
wari’y ibong lumilipad, Namayagpag na sa hawla
nasa’y sandaling oras Balahibong pangit niya’y
Sapitin ang bayang liyag. Hinalinhan ng maganda.

Abutan pa niyang buhay Umawit na ng matamis


ang amang may karamdaman kawili-wili ang tinig,
inang nasa kapanglawa’y mga matang may pag-ibig
maaliw ng pagmamahal. sa Monarka nakatitig.

Sa Palasyo nang sumasapit Bawa’t isang pangungusap


Ina, sa tuwa’y nagtalik; anong linaw at liwanag,
sindak namang di malirip kaya sa tanang kaharap
ang sa dalawang kapatid. daming bagay ang nabunyag.

Lumuluhod sa nakaratay “Aba, Haring Don Fernando


upang humalik sa kamay; Monarka ng buong reyno,
ang Hari sa kalubhaan si Don Juan pong bunso mo’y
bunso’y di namukhaan. kaharap na’t naririto.”
“Ang iyong pong bunsong anak “Sila nga’y binusan lamang
nagtiis ng madlang hirap, ng tubig na merong ‘lalang’,
kamatayan ay hinamak, nang mabasa’y nangabuhay
sa utos mo tumupad.” at sa bato’y nagsilitaw.”

“Yaong anak mong dalawang Ang Adarna ay nagbago


inutusang nangauna, nitong kanyang balahibo,
kabiguan ang nakuha’t ang bihis ay pangatlo
kapwa naging bato sila.” ay may kulay esmaltado.

Ibo’y muling namayagpag “Ang nagturo nitong tubig


nagbihis ng bagong kiyas ay Ermitanyong mabait,
higit sa una ang dilag nahabag sa kahihibik
kanta’y lalong pinatimyas ng bunso mong iniibig.”

“Sa kasawiang tinamo “Sinalok sa isang ilog


ng dalawa ni Don Pedro sa libis ng isang bundok,
kung hindi po sa bunso mo sa linaw at parang bubog,
habang araw silang bato.” mabisa ang dalang gamot.”
“Silang tatlo ay piniging “Pitong malalim na sugat
ng Ermitanyong butihin, na pinigan pa ng dayap,
kasayaha’y walang maliw nang humapdi o, kay –antak
habang sila’y kumakain. lama’y parang nginatngat!’

Ang Adarna ay nagbiis “Dusang ito ay tiniis


ng pang-apat na kilatis, dahilan sa kanyang nais
sa kislap na umaakit na ang taglay mo pong sakit
ay diyamanteng pagkarikit. ay huwag nang pakalawig.”

“Kasayahan nang matapos Nanahimik ang Adarna


Ermitanyo ay pumasok nagbihis ng ikalimang
sa silid na maalindog balaibong tinumbaga
at kumuha po ng gamot.” at ang sabi sa Moanarka:

“Hari, iyo pong alaming “Nang pauwi silang tatlo


si Don Jua’y nagtiis ding dito po sa inyong reyno,
palad niya ay hiwain nagbilin ang Ermitanyong
nang gabing ako’y hulihin.” huwag nawang may maglilo.”
“Masaya sa lakaran “Salamat at nasansala
kung may sukat ikalumbay, ni Don Diego yaong nasa,
ito ay sa kainipan at kung hindi ang kawawang
sa haba ng paglalakbay.” bunso mo po ay nawala.”

“Patuloy ang saya nila “Nasansala ang pagpatay


nguni’t noong sumasapit na datapwa”t sila’y nagbulungan
sa bundok na pangalawa’y Nang maglayo’y may kindatang
nagbago ang pagsasama.” babala ng kasawian.”

“Sa apoy ng kainggitan Awit ng ibo’y pinatid


nitong anak mong panganay, muling nagbago ng bihis,
nagbuko ng taksilan pagdaka’y pinagtulungang
na patayin si Don Juan.” maumog na si Don Juan.

“Dahilan po nito’y ako, “Oh, kay lupit Haring mahal


nahihiya si Don Pedrong Mabalita ng nangyari sa kindatan,
ang naging bato’t pagdaka’y pinagtulungang
kabiguan ang tinamo.” maumog na si Don Juan.”
“Bunso mo po’y humihikbik na Ikapito’t katapusang
tigilan ang pasakit, awit nitong ibong mahal,
ngunit’t itong mga ganid ay bago niya sinimulan
talo pang nagmabangis.” sa tayo’y nagpakahusay

Sa suntok at mga tadyak Balahibong inilabas


si Don Juang kulang-palad, ay karbungkong nagniningas
maaringki’t mapaliyad, kaya’t lalong nanggilalas
at sa bato’y masungadngad.” ang tanang doo’y kaharap.

“Kaya lamang tinigila’y “Tatapusin ko ang awit


nang lugmok na’t walang malay ang sa bunsong mga sakit,
iniwan sa kaparangan mahal na Hari’y makinig,
at ako nga ang tinaglay.” nang lubusan mong mabatid.”

“Laking galak ng dalawa “Sa habag ng Poong Diyos


nang ako po’y maagaw na, sa Prinsipe ay dumulong,
habang daa’y anong sigla ang isang uugod-ugod
ng halakhak at pagtawa.” na matandang manggagamot.”
“Ang matanda ay nahabag “Ang sinapit ni Don Jua’y
sa daing ng iyong anak, dinamdam ko Haring mahal,
kaya kahit anong hirap kaya po gayon na lang
ang Prinsipe ay hinanap.” yaring dusa’t kalumbayan.”

“Sa parang nang matagpuan “Kaya rin mga namalas mong


ang anyo ay tila bangkay, ako’y laging nanlulugo,
buong suyong pinagyama’t ni kumain ay ayoko
ginamot ang karamdaman.” o maringgan ng awit ko.”

“Sa himala po ng Langit “Pagka’t di pa dumarating


matapos ang ilang saglit, ang may-ari po sa akin,
si don Jua’y nakatindig ayoko sa mga taksil
malakas na’t walang sakit.” na anak mong masasakim.”

“Tuluyan nang umuwi na “Yamang ngayo’y natalos mo ang


dito sa Reynong Berbanya, matapat at ang lilo,
ang nasa ay makita kang kay Don Juan, O Hari ko
buhay pa rin at masigla.” ipamana itong reyno.”
# Huwag Mainggit sa magandang
bagay na nakuha ng iyong kapatid,
at matutong magpatawad para
ang lumigaya ang buhay gaya ng
ginawa ni Don juan
MGA TANONG:

1. Nang makita ng Ibong Adarna si Don Juan, anong


nangyari?
2. Sa awit ng Ibong Adarna, anong ginawa ni Don
Juan para maging tao muli ang kanyang
dalawang kapatid nung sila’y naging bato?
3. Sino ang nagturo ng “mahiwagang” tubig kay
Don Juan?
4. Ano ang dahilan ng pagtaksil nina Don Pedro at
Don Diego sa kanilang kapatid?
5. Sino ang tumulong kay Don Juan upang
makabalik sa Berbanya?
TAMA O MALI

1. Pitong beses nagbago ng anyo ang Ibong


Adarna.
2. Tuwang-tuwa sina Don Diego at Don Pedro
nang bumalik si Don Juan.
3. Habang buhay naging bato sina Don Pedro
at Don Diego.
4. Walong malalim na sugat ang kailangan
para mahuli ang Ibong Adarna.
5. Isang uugod-ugod na matandang
manggagamot ang tumulong at gumamot
kay Don Juan.

You might also like