You are on page 1of 14

7

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Katangiang Pisikal ng Asya

i
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Katangiang Pisikal ng Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Lizelda E. Antonio
Editor: Gemma F. Depositario, EdD
Tagasuri: Divina May S. Medez
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Mila A. Reyes
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, EdD, PhD Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, EdD
Joelyza M. Arcilla, EdD
Marcelo K. Plaispis, EdD
Carmelita A. Alcala, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental


Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

ii
Alamin

Isa na naming bagong hamon ang susubok sa iyong kakayanan sa pagsasagawa ng


mga inihandang Gawain na nakapaloob sa modyul na ito.
Inaasahan na masasagot moa ng mga katanungang: Malaki ba ng epekto ng
katangiang pisikal ng Asya sa pamumuhay ng mga taong nakatira dito? At kung paanong
ang ugnayan ng tao at kapaligiran ay nagbigay daan sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnang
Asyano? Sa pamamagitan ng iyong kaalaman sa araling nakapaloob sa modyul na ito ay
makatylong sa pagsagot sa mga mmahalagang tanong na nabanggit.
Handa ka na ba sa pag-alam sa mga mahahalagang tanong na ito? Kung oo, halika
at simulan nating tuklasin ang mga kasagutan at palawakin ang iyong kaalaman sa
kontinenteng iyong kinabibilangan.
Sa modyul na ito inaasahang:

MELC
Mapahahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng
Kabihasnang Asyano. AP7 HAS – Ia-1

Mga Lyunin:
K. Nailalarawan ang katangiang pisikal ng Asya.
S. Nakagagawa ng photo essay na nagpapakita ng mga hakbanging nagpapatibay ng
ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng Kabihasnang Asyano.
A. Napahahalagahan ang matibay at maayos na ugnayan ng tao at kapaligiran sa sariling
pamayanan sa pamamagitan ng pagbuo ng mga ilang hakbang sa pagpapanatili ng
ugnayang ito.

Subukin

Handa ka na ba? Simulan moa ng iyong pagkatuto sa pamamagitan ng pagsagot ng


paunang pagtataya na siyang susubok sa iyong paunang kaalaman sa sariling tatalakayin.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot. Isulat sa kwaderno ang sagot.

1. Taglay ng rehiyon ng Hilagang Asya ang malawak na damuhan o grassland. Anong uri
ng grasslands ang may damuhang mataas at malalim ang ugat na nasa ilang bahgi ng
Russia at Manchuria?
a. Prairie b. savanna c. steppe d. tundra
2. Bakit itinuturing na pangunahin at nnapakahalagang butyl pananim ang palay sa
maraming bansa sa Asya?
a. Maaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais at barle
b. Pala yang pangunahing ppagkain ng mga tao sa Timog-Silangang Asya
c. Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim
d. Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito.

3. Isa sa pinakamahalagang ilog sa China ay ang Huang Ho na kilala sa tawag na;


a. River of Peace c. River of Sorrow
b. River of Joy d. River of Happiness

4. Ang Asya, Arabia, India, Indochina at Malay ay pawang mga tangway o ___________.
a. peninsula b. lawa c. dagat d. karagatan

5. Ang mga taong naninirahan sa mga steppe, prairie, at savanna ay kadalasang nakatuon
sa pagpapastol at pag-aalaga ng mga hayop tulad ng baka at tupa na pinagkukunan nila
ng lana, karne at gatas. Samantalang, ang mga lambak, ilog at mabababang burol ay
ginagawa nilang ________________.
a. pananiman b. pastulan c. pasyalan d. pamilihan

6. Mayaman ang Asya sa iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan, lawa, at mga ilog
na lubhang napakahalaga sa pamumuhay ng tao. Ang mga ilog ng Tigris at Euphrates sa
Iraq, ang Indus sa India at ang Huang Ho sa China ay ilan lamang sa mga ilog na ito na
gumanap ng malaking tungkulin sa kasaysayan ng Asya. Ano ang mahalagang
gampaning ito?
a. Ang mga ilog na ito sa Asya ay pinag-usbungan ng mga kauna-unahang kabihasnan
sa rehiyon at sa buong daigdig.
b. Maraming mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng rehiyon sa Asya ay naganap sa
mga ilog na ito.
c. Madalas magdulot ng pinsala sa ari-arian at pagkasawi ng mga buhay ang mg ailog
na ito sa tuwing may nagaganap na mga pagbaha.
d. Ang mga ilog na ito ay nagsisilbing daanan ng mga barko paloob at palabras ng
bansang kinabibilangan nito para sa kalakalan.

7. Ang pagkakaroon ng Asya ng mga hanay ng bundok, natutunan ng mga Asyano ang
gumawa ng mga pamamaraan upang mapakinabangan ang pisikal na kapaligirang ito.
Ilang halimbawa nito ay ang Longsheng Rice Terraces ng China at Banaue Rice Terraces
ng Pilipinas at kinilala bilang isa sa Eight Wonders of the World. Ano ang nais patunayan
ng mga Asyano sa paggawa ng pamamaraang tulad ng hagdan-hagdang palayan?
a. Ang mga Asyano ay likas na mapamaraan at nagawa nilang matustusan ang
pangangailangan sa pagkain.
b. Ang mga Asyano ay may pagmamalasakit sa kalikasan,
c. Ang mga Asyano ay nahuhumaling sa pagtatanim.
d. Ang mga Asyano ay matulungin.

8. Tatlo sa mga rehiyong pisikal ang matatagpuan sa Kanlurang Asya: Northern Tier, Arabian
Peninsula, at Fertile Crescent. Sa Kanlurang bahagi ng Northern Tier ay sakop nito ang
Anatolian Plateau na may malaking populasyon ang naninirahan at sa Silangang bahagi
naman ng Northern Tier ay matatagpuan ang Iranian Plateau na may maliit na populasyon
ang naninirahan. Bakit kaya mas marami ang naninirahan sa Anatolian Plateau kaysa
Iranian Plateau?
a. Ang Anatolian Plateau ay may matabang lupa na maaaring pagtamnan.
b. Ang Iranian Plateau ay tuyo ang lupain.
c. Ang Anatolian Plateau ay maaliwalas.
d. Ang Iranian Plateau ay lubhang malamig.
9. Sa Hilagang Kanluran ng timog Asya matatagpuan ang kabundukang Hindu Kush, dito
matatagpuan ang kilalang landas na Khyber Pass. Ang mga sumusunod ay ang
magandang naidudulot sa paggamit ng landas na ito sa pamumuhay ng mga Asyano
maliban sa isa;
a. Ito ay nagbigay ng pagkakataon sa mga Asyano upang higit na magkakakilanlan.
b. Ito ay nagbibigay pagkakataon na makapagpalitan ng ideya ang mga Asyano.
c. Ito ay makapagbigay ng pagkakataong mapagyaman ang kultura sa isa’t isa.
d. Ito ay magdudulot ng di pagkakaunawaan ng mga Asyano.

10. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit naging mahalagang bahagi ng buhay ng
mga Hindu ang Ganges River maliban sa isa;
a. Naniniwala ang mga Hindu na ang pagligo sa Ganges ay nakapagpapadalisay sa
kanilang kaisipan at kalooban.
b. Sa pamamagitan ng paglalakbay patungo rito, maibsan ang karma sa kanilang
buhay.
c. Maaaring makakamit nila ang kaligtasan.
d. Makapagbibigay ang ilog ng kasaganaan.

Balikan

Panuto: Tukuyin ang limang rehiyon sa Asya sa pamamagitan ng paggamit ng mapa sa ibaba.
Isulat ang mga rehiyon at mga bansang kabilang dito.

https://www.wikiwand.com/en/Asia
Tuklasin

A. Panuto: Buuin ang mga ginulong letra upang mabuo ang mga salita na
inilalarawan sa bawat bilang. Gamiting gabay o clue ang konseptong
nakapaloob sa kahon upang mabuo ang mga salita sa bawat aytem.

Mga Konsepto o Ideya

1. Ang kabihasnan ng kontinente ng Asya ay bunsod ng ugnayan ng


pisikal na kapaligiran nito at ng tao.
2. Bahagi ng heograpiya ng kontinente ng Asya ay ang pisikal na
kapaligiran nito na sa pamamagitan ng ugnayan ng tao ay nahubog
ang kabihasnan.
3. Malaki ang kinalaman ng pisikal na kapaligiran sap ag-unlad ng
katangiang kultural at ng kabihasnan sa kontinente ng Asya.

YANUGNA 1. Bigkis o pagtutulungan para sa kapwa kapakinabangan.


LIGIKAPARAN 2. Kalikasan, ang ekolohikal na komposisyon ng daigdig.
PIHEOGRAYA 3. Pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo.
TURALKUL 4. Pag-unawa at paghanga sa sining, kaugalian, paniniwala, gawaing
panlipunan, edukasyon, relihiyon at siyentipiko.
SIPIKAL 5. Katangiang nakikita at nahahawakan.

Suriin

Katangiang Pisikal ng mga Rehiyon sa Asya


Hilagang Asya
Ang kabundukang Ural na nasa rehiyong ito ang humahati sa mga kontinente ng
Europe at Asya. Ang Bering Sea ang nag-uugnay sa Hilagang Asya at Alaska. Dahil ang
rehiyong ito ay may pinakamahabang panahon ng taglamig at napakaikling tag-init hindi
kayang tumubo sa kalakhang bahagi nito, ang anumang punongkahoy. Sa ilang mga bahagi
ng rehiyong ito ay may malalawak na damuhan na may iba’t ibang anyo (steppe, prairie at
savanna), at may kaunting bahagi na boreal forest o taiga na may kagubatang coniferous.
Bunsod ito ng malamig na klima sa rehiyong ito.
Kanlurang Asya
Ang Kanlurang Asya ay nakalatag sa pangkontinental na bahagi ng Asya at sa
hilagang silangang bahagi ng Africa. Mabuhangin at mabato ang karaniwang lugar dito,
maging ang pagkatuyo ng mga ilog at lawa ay madalas dahil sa sobrang init at walang
masyadong ulang nararanasan sa rehiyong ito ng Asya. Nahahati sa tatlong rehiyong pisikal
ang Kanlurang Asya: ang Northern Tier na lupain ng kabundukan at talampas, ang Arabian
Peninsula na isang malawak na tangway na pinaliligiran ng iba’t ibang anyong tubig ngunit
ang loob na bahagi nito, at ang Fertile Crescent na nagtataglay naman ng matabang lupa at
saganang suplay ng tubig. Sa kanluran ng Northern Tier ay matatagpuan ang Anatolian
Plateau sa silangang bahagi ng Northern Tier na may lupaing tuyo.
Timog Asya
May anyong hugis tatsulok, ang Timog Asya ay may hangganang Indian Ocean sa
Timog at kabundukan ng Himalayas sa hilaga. Sa kanlurang bahagi ng rehiyon nakalatag ang
mga bansang Afghanistan, Pakistan at India, sa silangan ng Bagladesh, sa dakong hilaga ay
may mga bansang Nepal at Bhutan, at ang mga pulo ng Sri Lanka at Maldives sa Timog. Ang
topograpiya ng rehiyong ito ay mabundok. Sa hilagang bahagi nito ay makikita ang hanay ng
mga bundok ng Hindu Kush sa Afghanistan, Karakoram Range sa Pakistan at China, at ang
Himalayas sa Nepal. Sa Hindu Kush matatagpuan ang kilalang landas na Khyber Pass.
Sa katomugan ng Hindu Kush nakalatag ang Indo-Gangentic Plain na katatagpuan
naman ng Thar Desert sa kanlurang bahagi nito at ang Deccan Plateau sa bandang timog.
Sa kanluran at silangan naman ng talampas na ito ay ang kabundukan ng Ghats; ang Western
Ghats na nasa panig ng Arabian Sea, at ang Eastern Ghats na nasa panig na ng Bay of
Bengal. Ang Indus, Ganges, at Brahmaputra na ilan sa malalaking ilog sa daigdig, ay
matatagpuan sa Timog Asya. Mainit sa rehiyong ito maliban sa mga kabundukan na
nananatiling malamig dahilsa niyebe o yelo.
Silangang Asya
Malaking bahagi ng kalupaan ng Asya ay sakop ng rehiyong Silangang Asya particular
na ang China na sumasakop sa 20% sukat ng kontinente. Ang mga bansang Japan at Korea
ay halos 5% ng lupain ng Silangang Asya. Ang rehiyong ito na may mga pisikal na hangganan
tulad ng Gobi Desert, Mongolian-Tibetan Plateaus at ang Himalayas. Nasa silangan naman
nito ang Pacific Ocean. Sa pangkalahatan, matataba ang mga kapatagan dito, malalim ang
mga lambak at matataas ang mga bundok. Bagamat malawak ang China, ang mga
naninirahan dito ay nagsisiksikan sa silangang bahagi ng bansa na isang kapatagan hindi
tulad ng kanlurang bahagi nito na binubuo ng mga kabundukan at talampas. Ang mga ilog ng
Huang Ho, Yangtze at Xi Jiang ay ang tatlong pinakamahalagang ilog sa pamumuhay ng mga
Tsino dahil sa nagpapataba ito ng lupain at ginagamit na ruta para sa pakikipagkalakalan.
Samantala, sa pamamagitan ng Sea of Japan at Korean Strait, ang bansang Japan ay
nahihiwalay sa mismong lupain ng Silangang Asya. Binubuo ito ng apat na malalaking isla;
ang Kyushu, Shikoku, Honshu, at Hokkaido. Nasa maliit na bahagi lamang ng bansa ang
malaking bahagi ng populasyon sapagkat mahigit sa 80% ng lupain ng Japan ay kabundukan.
Ang kahabaan ng Timog Silangang Asya ay makikita sa Timog ng China at Japan.
Ang India ang nasa Hilagang-Kanluran nito at Pacific Ocean naman sa Silangang bahagi.
Dahil sa kaaya-ayang klima dito, magubat na kabundukan ang matatagpuan sa hilaga ng
rehiyon samantalang mga lambak-ilog naman sa timog. May matabang lupa ang mga
kapatagan dito habang ang ibang lugar naman ay karaniwang latian at matubig.
Timog Silangang Asya
Nauuri sa dalawa ang rehiyon ng Timog-Silangang Asya: Ang Pangkontinenteng
Timog Silangang Asya o Mainland Southeast Asia, isang tangway na nasa pagitan ng South
China Sea at Indian Ocean. Ang malaking bahagi ng lupaing ito ay kabundukan at manaka-
nakang mga nagtataasang talampas mula sa Himalayas hanggang katimugang bahagi ng
China. Ang mga kabundukan at talampas na ito ay ang siyang naghihiwalay sa bahaging ito
ng Timog Silangang Asya sa iba pang rehiyon. Ang lupaing ito ay dinadaluyan ng mga ilog ng
Irrawaddy, Salween, Chao Phraya, Mekong, at Red River. Ang Pangkapuluang Timog
Silangang Asya o Insular Southeast Asia naman ay binubuo ng mgakapuluang nakalatag sa
karagatan kabilang ang mga isla ng Pilipinas, Indonesia, at East Timor. Ang ilan sa mga
kapuluang ito (kasama ang Japan) ay kabilang sa rehiyong Pacific Ring of Fire dahil hitik sa
mga bulkan ang lugar na ito at maaaring magdulot ng paglindol dulot ng kanilang pagsabog.

Pagyamanin

Panuto: Lagyan ng paglalarawan ang mga katangi-tanging lugar na matatagpuan sa Asya


gamit ang mga pagpipilian sa kabilang pahina. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
ibaba ng bawat larawan.

www.banaueterraces.com https://geography.name/fertile- https://rg21.jp//p=1957


crescent/
11. 12. 13.
https://www.google.com/url?sa=i&url=https
scitecheuropa.eu britannica.com %3A%2F%2Fwww.tripadvisor.com%2FLoc
ationPhotoDirectLink-g303998-d1008724-
i22535527

14. 15. 16.

Mga Pagpipilian:
A. Banaue Rice Terraces-Pilipinas, isa sa pitong kahanga-hangang lugar sa mundo

B. Borneo Rain Forest- isa sa mga ipinagmamalaking kagubatan ng Timog-Silangang


Asya

C. Fertile Crescent –silangang bahagi ng Mediterraneann patungo sa Tigris Euphrates


Rivers hanggang Persian Gulg / pinag-usbungan ng kauna-unahang kabihasnan.

D. Khyber Pass- kabundukan ng Hindu Kush, Timog Asya / kilalang landas na tinahak
at ginamit ng mga mangangalakal at manlalakbay sa kasaysayan upang marating
ang India.

E. Ilog Huang Ho – China / River of Sorrow

F. Mt. Everest – kabundukan ng Himalayas sa Timog Asya pinakamataas na bundok sa


buong daigdig.

Napakahalaga ng bahaging ginampanan ng pisikal na kapaligiran sa pamumuhay ng


mga tao. Ang mga kapakinabangang dulot ng kapaligiran ay nakatulong ng Malaki upang
matustusan ang halos lahat ng pangangailangan ng tao. Ang patuloy na interaksyon ng tao
at kapaligiran ay ang siyang nagbubunsod sa kabihasnang patuloy na pinauunlad ng tao sa
kasalukuyan.
Panuto: Bumuo ng Photo Essay na nagpapakita ng mga hakbanging magpapatibay sa
maayos na ugnayan ng tao at kapaligiran. Mamarkahan ang iyong photo essay batas sa
RUBRIC sa ibaba.

Pamantayan Katangi-tangi Mahusay Nalilinang Nagsisimula


10 7 5 3
Nilalaman Komprehensibo, Tumpak at Tumpak ang mga Kulang ang mga
tama at dekalidad dekalidad ang impormasyon impormasyon
ang mga
impormasyon impormasyon
Organisasyon Maayos, May wastong Lohikal ang Hindi maayos at
detalyado at daloy ng kaisipan pagkalahad ng hindi maunawaan
madaling at madaling impormasyon ang mga
maunawaan ang maunawaan ngunit hindi sapat impormasyon
mga
impormasyon
Mensahe Malinaw at Malinaw ang Limitado ang Limitado at
malawak ang mensahe mga Malabo ang mga
mensahe impormasyon impormasyon

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot. Isulat sa kwaderno ang sagot.

1. Ang ilang mga bundok sa Asya ay gumaganap din ng mahalagang gampanin sa mga
Asyano hindi lamang sa larangan ng kabuhayan. Ang Mt. Fuji na kinikilalang pinakabanal
na bundok ng Japan ay katatagpuan ng mga templo ng Shinto. Ang Mt. Emei sa China na
tinaguriang “eyebrow of Buddha” na may mga monasteryo, templo at mga kuweba ay
dinarayo rin ng mga turista. Ano ang nais ipahiwatig ng pangyayaring ito?

a. Naiimpluwensiyahan din ng kapaligiran ang ispiritwal o paniniwala ng mga Asyano.


b. Ang mga Asyano ay sobrang nahuhumaling sa mga kabundukan,
c. Ang mga kabundukan ay nagtataglay ng kapangyarihan.
d. Ang mga kabundukan ay pinaniniwalaang tahanan ng kanilang mga Diyos.
2. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit naging mahalagang bahagi ng buhay ng
mga Hindu ang Ganges River maliban sa isa.
a. Naniniwala ang mga Hindu na ang pagligo sa Ganges ay nakapagpapadalisay sa
kanilang kaisipan at kalooban.
b. Sa pamamagitan ng paglalakbay patungo rito, maibsan ang karma sa kanilang
buhay.
c. Maaaring makakamit nila ang kaligtasan.
d. Makapagbibigay ang ilog ng kasaganaan.

3. Ang mga disyerto ay rehiyong may malawak na tuyong lupa at buhangin. Ang ganitong
uring anyong lupa ay nakararanas lamang ng mga sampung pulgadang ulan sa loob ng
isang taon. Ang mga nomadikong populasyon sa disyerto ng kontinente ay karaniwang
nagpapastol sa madamong bahagi ng steppe at nagsasaka ng mga matitibay na butil na
nakatatagal sa temperature ng disyerto. Dahil sa kakulangan ng tubig saan karaniwang
namumuhay ang mga nomadikong Asyano?
a. Sa tabi ng mga oasis c. sa buhangin
b. Sa tabi ng mga bundok d. sa sakahan

4. Tatlo sa mga rehiyong pisikal ang matatagpuan sa Kanlurang Asya: Northern Tier, Arabian
Peninsula, at Fertile Crescent. Sa Kanlurang bahagi ng Northern Tier ay sakop nito ang
Anatolian Plateau na may malaking populasyon ang naninirahan at sa Silangang bahagi
naman ng Northern Tier ay matatagpuan ang Iranian Plateau na may maliit na populasyon
ang naninirahan. Bakit kaya mas marami ang naninirahan sa Anatolian Plateau kaysa
Iranian Plateau?
a. Ang Anatolian Plateau ay may matabang lupa na maaaring pagtamnan.
b. Ang Iranian Plateau ay tuyo ang lupain.
c. Ang Anatolian Plateau ay maaliwalas.
d. Ang Iranian Plateau ay lubhang malamig.

5. Bakit itinuturing na pangunahin at nnapakahalagang butyl pananim ang palay sa


maraming bansa sa Asya?
a. Maaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais at barle
b. Palay ang pangunahing ppagkain ng mga tao sa Timog-Silangang Asya
c. Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim
d. Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito.

6. Isa sa pinakamahalagang ilog sa China ay ang Huang Ho na kilala sa tawag na;


b. River of Peace c. River of Sorrow
c. River of Joy d. River of Happiness

7. Sa Hilagang Kanluran ng timog Asya matatagpuan ang kabundukang Hindu Kush, dito
matatagpuan ang kilalang landas na Khyber Pass. Ang mga sumusunod ay ang
magandang naidudulot sa paggamit ng landas na ito sa pamumuhay ng mga Asyano
maliban sa isa;
a. Ito ay nagbigay ng pagkakataon sa mga Asyano upang higit na magkakakilanlan.
b. Ito ay nagbibigay pagkakataon na makapagpalitan ng ideya ang mga Asyano.
c. Ito ay makapagbigay ng pagkakataong mapagyaman ang kultura sa isa’t isa.
d. Ito ay magdudulot ng di pagkakaunawaan ng mga Asyano.

8. Ang mga taong naninirahan sa mga steppe, prairie, at savanna ay kadalasang nakatuon
sa pagpapastol at pag-aalaga nng mga hayop tulad ng baka at tupa na pinagkukunan
nila ng lana, karne at gatas. Samantalang, ang mga lambak, ilog at mabababang burol
ay ginagawa nilang ________________.
a. pananiman b. pastulan c. pasyalan d. pamilihan
9. Mayaman ang Asya sa iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga karagatzn, lawa, at mga ilog
na lubhang napakahalaga sa pamumuhay ng tao. Ang mga ilog ng Tigris at Euphrates sa
Iraq, ang Indus sa India at ang Huang Ho sa China ay ilan lamang sa mga ilog na ito na
gumanap ng malaking tungkulin sa kasaysayan ng Asya. Ano ang mahalagang
gampaning ito?
a. Ang mga ilog na ito sa Asya ay pinag-usbungan ng mga kauna-unahang kabihasnan
sa rehiyon at sa buong daigdig.
b. Maraming mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng rehiyon sa Asya ay naganap sa
mga ilog na ito.
c. Madalas magdulot ng pinsala sa ari-arian at pagkasawi ng mga buhay ang mg ailog
na ito sa tuwing may nagaganap na mga pagbaha.
d. Ang mga ilog na ito ay nagsisilbing daanan ng mga barko paloob at palabras ng
bansang kinabibilangan nito para sa kalakalan.

10. Ang pagkakaroon ng Asya ng mga hanay ng bundok, natutunan ng mga Asyano ang
gumawa ng mga pamamaraan upang mapakinabangan ang pisikal na kapaligirang ito.
Ilang halimbawa nito ay ang Longsheng Rice Teraaces ng China at Banaue Rice Terraces
ng Pilipinas at kinilala bilang isa sa Eight Wonders of the World. Ano ang nais patunayan
ng mga Asyano sa paggawa ng pamamaraang tulad ng hagdan-hagdang palayan?
a. Ang mga Asyano ay likas na mapamaraan at nagawa nilang matustusan ang
pangangailangan sa pagkain.
b. Ang mga Asyano ay may pagmamalasakit sa kalikasan,
c. Ang mga Asyano ay nahuhumaling sa pagtatanim.
d. Ang mga Asyano ay matulungin.

Karagdagang
Gawain

Panuto: Sumulat ng isang panata para sa inang kalikasan. Ang


panata ay naglalaman ng pangako na ikaw ay maging isang
mabuting tagapangalaga ng kalikasan. Gawin ito sa iyong
kwaderno.

Ako si (isulat ang buong pangalan)___________________taos-


pusong nangangako na _______________________________
__________________________________________________
____________________________________.

___________________________________________________
___________________________________________________
______________________.

____________________
Buong pangalan at Lagda
Susi sa
Pagwawasto

10. A
10. A 5. pisikal 6. B
9. A
9. D 4. kultural 5. E
8. A
8. A 3. heograpiya 4. D
2. kapaligiran 3. E 7. D
7. A
6. A 1. ungnaya 2. C 6. C
5. A Tuklasin: 1. A 5. B
4. A Pagyamanin: 4. A
3. C 3. A
2. B 2. A
1. A 1. A
Subukin: Tayahin:

Sanggunian
Aklat

Mateo Ph.D, Grace Estela C., et. al., Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan, Vibal Publishing House
Quezon City, 2008

Maria Carmelita B. Samson, et.al., Binagong Edisyon: Kayamanan Araling Asyano, Batayan at
Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan

Blando, Rosemarie C., et.al., Modyul Para sa Mag-aaral, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng
Pagkakaiba, Eduresources Publishing, Inc.

Website

www.britannica.com

Google images

https://geography.name/fertile-Crescent/Asya-wikiwand.com

https://rg21.jp//p=1957

https://pinterest.com

Ifpnews.com

scitecheuropa.eu
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like